Belle Mariin akong napapikit. Wala akong maalala sa sinasabi ni Sir Daniel. May pakay ba ito sa ‘kin anong motibo? Hindi naman kami mayaman walang ari-arian na p'wedeng dahilan. Kahit talaga pukpukin ko pa ang ulo ko. Wala talaga akong naalala sa nakaraan. Wait nagka amnesia ba ako? Umiling agad ako kasi wala akong makapa sa aking sarili na nagka amnesia ako. Sobrang tagal na. Kung may amnesia ako dapat maalala ko na iyon. Mag twenty two na ako ngayon iyon kasi ang alam ko. “Hindi kita pipilitin sa ngayon little sis. Alam ko naman mahirap paniwalaan sa ngayon. Pero kung duda ka. Maari tayong magsagawa ng DNA test, para maniwala ka ako ang kuya mo na pabaya,” malungkot na saad ni sir Daniel kaya ako'y napangiti. Magaan naman talaga ang loob ko sa kaniya una pa lang. Sabi ko mabait ito pero ayaw ko muna ngayon maniwala mahirap na baka magkamali ang imbestigador ni sir Daniel. Hindi pala ako ang kapatid niya. “Sige sir Daniel. Payag ako na magpa DNA test.” “Talaga?” “Oo pa
Belle “Halika sir Daniel pasok ka,” alok ko pa sa kaniya ng nasa tapat na kami sa nakasaradong pinto ng apartment ko. Pagbukas ko, nakapamewang Scott, ang sumalubong sa 'kin pati kilay nag-isang linya na tipid akong ngumiti. Si Bebeng nasa sala nanood ng TV. Sakto lang ang volume himala nahiya rin siguro kay Scott kasi nandito sa apartment namin. “Ate Belle, galing kami nila Kuya Scott, sa bakery. Kinuha ang damit mo,” anang Bebeng sa 'kin. Pero okay naman kahit na bukas na iyon kunin. Kasi pupunta pa ako ng umaga roon. Sa hapon pa naman ang lakad namin masyadong apurado itong boyfriend ko. “Kumain na ba kayo ha, Bebeng?” tanong ko rito. “Opo Ate,” tugon nito muling ibinalik ang atensyon sa pinanonood. Nilapitan ako ng possessive na boyfriend ko. Parang gusto ng ipatumba si Sir Daniel sa paraan ng pagtitig ni Scott dito. Ang akala talaga nito kaagaw niya si Sir Daniel. Paano niyakap ako sa baywang ko humalik din sa noo ko hindi na ako binitiwan ni Scott. “Ang tagal n'
Belle “Anong oras ka uuwi Daniel?” tanong ni Scott sa kaniya nang ilang oras na kami nasa sala. Sumilip ako sa pambisig kong relo. Malapit na ang alas-onse ng gabi anong oras kaya uuwi si sir Daniel. Kaming tatlo na lang actually ang nasa sala. Ang tibay ng dalawang lalaking ito ako inaantok na. Ang dalawa kong kapatid kanina pa pumasok sa kuwarto nila, dahil may pasok din bukas ang dalawa. “Ikaw ang may-ari ng apartment?” tugon ni sir Daniel kay Scott kaya ako'y mariin pumikit. Nagkasukatan pa sila ng titig. Tumikhim ako ‘tsaka lang natigil ang dalawa. Susko talaga parang mga isip bata itong dalawa kaunti na lang pagbuhulin ko ito pareho kanina pa nagpapayabangan. Pero hindi ko rin naman din masisisi si Scott. Kasi wala naman siyang alam sa totoo tungkol sa 'min ni sir Daniel. Sasabihin ko sa kaniya kapag may linaw na ang lahat. Kapag lumabas na ang DNA test. Kahit na wala pa akong maalala sa nakaraan ko. Kung positive naman na magkapatid kami ni sir Daniel, sa lalabas na
Belle Nang pauwi si Scott kinaumagahan. Matagal bago ko napaalis. Hinatid kasi ako nito sa bakery hindi pumayag hindi ako muna niya idaan bago raw siya umuwi. “Ayaw mo pang umalis?” taboy ko ng ayaw pa akong pababain sa kotse niya. Fifteen minutes na kami naka park sa tapat ng bakery ko itong Scott Miguel ayaw pa akong pakawalan. “Woi! Magkikita pa tayo mamayang gabi sobra ka,” anang ko hindi ko maiwasang ngumiti. Sobrang clingy nito aba'y nakailang halik na sa ‘kin walang kasawa sawa ang boyfriend ko. “Seven pm mamaya ang dating ko, love,” sabi nito muli akong siniil ng halik. Nagtagal pa kami maghalikan bago ako nito tigilan. “Gusto mo bang magalit ang mommy mo sa ‘yo kanina pa panay tawag sa iyo. Inaantay ka ng lunch. Lakad na Scott.” “Love, ayaw mong sumama?" katwiran nito. Oo nga paggising namin kanina iyan na ang inuungot sa ‘kin sumama raw ako sa kaniya sa bahay ng parents niya. Hindi pa ako handa. Isa pa mamaya lang gabi pupunta naman kami sa party ng dad niya. At
Belle “Scott, hindi na ito kailangan,” bulalas ko ng isuot niya sa leeg ko ang isang white gold necklace. Kinapa ko iyon may pendant na heart. “Sobra-sobra na attorney, ang binigay mo. Sponsor na nga ang damit at shoes ko may pa necklace pa?” dinaan ko sa biro, pero ang totoo. Hati ang nararamdaman ko. Masaya na malungkot. Lagi kasing pumapasok sa isip ko kung deserve ko bang ganito bigyan ni Scott ng mamahaling regalo. Hindi ko pa nga nasabi sa kaniya ang totoong dahilan bakit agad akong sumama sa VIP room noong una naming pagtatagpo. Dahil ‘wag ko na raw isipin iyon. Nakaraan na kalimutan na namin. Pero hindi ko lang talaga maiwasang ma-guilty kasi ang bait ni Scott. “Love, ‘wag mong i-stress ang sarili mo. Hindi mo kailangan mag-alala. Dahil lahat ng binibigay ko sa ‘yo. Galing sa puso ko wala akong hinihinging kapalit.” “Sobra na ito, Scott,” “Walang magrereklamo. Let's go inaantay na nila tayo,” ani niya hinawakan na ako sa kamay ko. “Wait magpapaalam lang ako sa da
Belle Nang makarating kami ni Scott sa venue. Marami ng tao. Bawat madaanan namin tao binati si Scott kaya mabagal lang ang aming lakad. Humawak ako sa braso ni Scott. Ng mayroon may-edad na babae at lalaki sasalubong sa ‘min. Nahalata ni Scott ang kaba ko niyuko niya akong nakangisi. “Kasama mo ako, love,” paalala ulit niya. Makulit talaga ako ilang ulit na akong sinabihan ni Scott nito. Kanina pa bago pa kami bumaba sa kotse niya, ganito rin ang sinabi kasi matagal akong bumaba sa sasakayan niya. Pagpasok sa entrance ng Heretage place hotel. Ganito rin ang sinabi. Ngayon sinabi niya ulit sa ‘kin napangiti na lamang ako mabuti matiyaga itong boyfriend ko hindi lang nakita ang pagkainis sa ‘kin. “Pasensya na kung wala akong self confidence. Hindi kasi ako sanay sa ganitong okasyon. Sanay ako sa maraming tao. Pero sa ganitong party na may sinasabi sa buhay lahat ang invited hindi pa ako sanay.” “Hijo,” nagsalita ang babae ng nasa tabi na ‘min. Mag-asawa siguro ito kasi nak
Belle “Sana hindi mo pa ako niyaya. Bibigyan ko pa ng lecture si doktora Michelle. Baka magkaroon ng GMRC, kapag tinuro ko sa kaniya. Siguro hindi siya nagkaroon ng subject noong nag-aaral pa, kaya gano'n na lang ka epal ang ugali noon." Humalakhak si Scott, hinalikan ako sa gilid ng ulo ko. Pinihit ako paharap sa kaniya masayang nakatawa si Scott. Pinisti hinapit ako sa baywang ko hinalikan sa noo ko. Nanatili kaming nakatayo sa gano'n posisyon. “I love you," nakangiti kami sa isa't isa. "Ang tapang pala ng girlfriend ko,” naaliw pa rin na sabi ni Scott. “Na dapat lang naman! Kaya ‘wag kang ano sa ‘kin, hottorney. Baka makatikim ka rin ng lecture galing sa girlfriend mo," bumungisngis ko. “Takot ko lang sa ‘yo love. Alam ko naman grrr…matapang talaga ang girlfriend ko," aniya mahinang tumawa. Inirapan ko pero ang totoo kinilig ako. Mamaya binitiwan ako ni Scott. "Tara na nga nandoon sina mommy at daddy,” Napunta ang tingin ko sa itinuro ni Scott sa unahan. Hindi ko masyad
Belle Nang ilang hakbang na lamang kami ni Scott sa parents niya. Unang nakapansin na malapit na kami si Judge Edward Stewart. Lumingon kasi ang daddy ni Scott, kaya nakita na kami at masayang ngumiti sa ‘min. “Iyan si dad kasing pogi ko diba?” bulong pa ni Scott nangiti ako. “Ikaw ang batang version ng dad mo,” sagot ko sa kaniya nagustuhan ng Scott Miguel n'yo. “Medyo seryoso lang si daddy kaysa sa ‘kin pero cool na cool ‘yan. Alam ko mahuhuli mo ang ugali ni daddy,” pagbibida ni Scott. “Si mommy mo?” naitanong ko na rin. “Same mabait sila ‘wag kang matakot,” Lihim akong tumingin sa dad ni Scott. Dito pala talaga nagmana si Scott kasi parehong maputi. Parang maysinabi pa ang daddy ni Scott sa kausap na shipping line magnate kasi napunta ang atensyon sa ‘min. Mabuti wala na ang governor na sinabi ni Scott kanina. Naiwan na lang itong shipping magnet nag-uusap pa hanggang ngayon ng daddy ni Scott. Saktong nakalapit na kami. Nakahanda na ang maganda kong ngiti sa magu
Belle “Congrats bunso. Nauhan mo pa ako. Paano pala kung balak ko ng magpakasal hindi pala p'wede,” aniya nakangiti. Niyakap din ako ni kuya Daniel. Pinatong ko ang baba ko sa balikat niya. Lihim akong napalunok dahil nag-unahan na pala ang pagpatak ng luha ko sa aking pisngi. Mabuti na lang nakatalikod ako sa mga bisita hindi nila iyon nakita ganun din si kuya Daniel. Sa takot na mapansin niyang umiiyak ako. Dali-dali kong tinuyo ang luha sa aking pisngi. Namalayan ko na lang dinala ako ni kuya Daniel kung nasaan nakatayo si Scott Miguel. Para akong nakalutang habang naglalakad hanggang sa makarating kami sa kinatatayuan ni Scott Miguel. Masigabong palakpakan ang sunod na aking narinig. Lahat sila ay masaya maliban sa akin na seryoso. Wala akong imik simula ng iwanan ako ni Kuya Daniel kay Scott. Pagdukot ni Scott sa bulsa niya marahil ay kukunin ang engagement ring na ibibigay niya sa akin. Nag-umpisa rin magkaroon ng fireworks display. Nag-angat ako ng tingin. Pinanonood an
Belle Labis ang aking gulat ng tumigil ang sasakyan ni kuya Daniel sa isang resort. Dito pala kami pupunta? Ang sabi sa restaurant daw kami pupunta malaking resort pala ang pinuntahan namin ngayon. Tumingin ako kay Kuya Daniel, na may katanungan sa aking mata ngunit ngumiti lamang silang tatlo at nakalarawan ang kasiyahan savkanolanh mga mata na para bang natutuwa sila dahil nasorepresa nila ako sa pagdadala nila rito sa akin. “Restaurant huh?” kunwari kong sumbat sa kaniya. Ngumisi lamang si kuya Daniel natutuwa ito dahil naisahan niya ako. “Mamaya ka ng magtanong baka mainip si bayaw mag-antay sa loob. Kanina pa naman sila naririto sa sobrang excited noon,” sagot ni kuya sa akin. Nahalata siguro nito na gusto ko siyang usisain kaya nauna na akong pagsabihan niya. Ano kaya ang reaksyon ni kuya Daniel kapag nalaman niyang alam ko na kanina pa na aalukin ako ngayon ng kasal ni Scott Miguel. “Sabi n'yo sa restaurant tayo pupunta?” tugon ko napigilan kong sabihin sa kaniya na
Belle Nang pagpasok ko sa kuwarto. Siyang paglabas din ni Analisa. Nagkagulatan pa kami sabay pareho na lang kami natawa sa biglaang pasalubong. “Sumigaw na si Jaya naririto na ako hindi mo ba narinig?” tanong ko pa sa kaniya bago siya lumampas sa akin baka lang hindi niya narinig ang kapatid ko ng sabihan siya. “Narinig ko pero akala ko ayaw mo pa pumasok dito kaya nagulat ako,” pinasadahan niya ako ng tingin kaya ngumiti ako para kasing pinag-aaralan nito ang aking hitsura o reaksyon ko basta nasa dalawang iyan parang may gusto rin siyang sabihin sa akin nagdadalawang isip lang. “Makatingin aba. Alam ko naman na halata na ang baby bump ko kaya ‘wag mo na tagalan ang titig diyan,” biro ko lang sa kaniya. “Bagay nga sa iyo besh. Mayroon lang akong napansin na hindi ko matukoy.” Saglit na kumunot ang noo ko kunwari naguluhan ako sa kaniyang sinabi. Pero ang totoo ayaw kong mabasa nito umiyak ako kanina o mayroon akong problema na iniisip. “Luh! Ano naman iyan kakatok naman besh,
Belle “Dumating na pala si ate Love!” saad ni Jaya ng pihitin ko ang pinto pabukas. Sadyang inaabangan ako ni Jaya dahil pagtingin-tingin ito sa pinto kahit nakabukas ang TV nanood ito hindi pa rin nakalilimot tumingin sa pinto. Siya lang ang nasa sala. Nasaan na naman sina kuya Daniel at Analisa. Si Bebeng din wala rin sa sala hindi kasama ni Jaya. Sino naman ang kausap nito bakit binalita niya narito na ako? “Kumusta? Bakit pala ikaw lang ang nandito nasaan ang iba?” tanong ko rito pagkatapos ay lumakad sa kaniya palapit sa kinauupuan ni Jaya. Umupo ako sa tabi niya tumingin ako sa TV. “Ate kumusta rin ang lakad mo? Natapos mo ba? Bakit wala ka naman dala sabi mo mayroon ka lang bibilhin?” “Ahehe oo nga kasi nagbago ang isip ko eh,” anang ko nagkamot ako ng buhok ko. Matandain talaga itong kapatid ko hindi p'wedeng lansiin dahil tatanungin ka ng paulit-ulit hanggang sa mauubusan ako ng isasagot sa kaniya. “Sana pala umuwi ka ng maaga ate. Nag-antay kaya si kuya Scott.
Belle Nkayuko ako at nakatingin sa magkabila kong paa ng mayroon akong makitang dalawang paa tumayo sa harapan ko kaya ako'y nag-angat ng tingin. “Tita Mabel?” mahina kong sambit. Mabuti na lang kumalma na ako. Dapat paalis na ako kung hindi ito ngayon dumating. Seryoso ang mukha ni tita Mabel nakahalukipkip pa sa harapan ko. “Ahm paalis na po ako. Gusto ko lang po sana mangumusta kay Abril. Nakita ko naman na ligtas na siya uuwi na po ako,” tipid ko pang ngiti kahit seryoso si Tita Mabel. Napalunok ako ng pasadahan n'ya ako ng tingin. Wala naman imik. Pero slight akong kabado. Bakit kaya ano ang ibig n'yang ipakahulugan sa kilos niya ngayon nakababahala. “Tita, upo muna kung gusto mo po akong makausap,” magalang kung alok sa kaniya. “Magandang hapon din po tita Mabel,” pagbati ko rin sa kaniya. Wala pa rin itong imik nakataas pa ang kilay niya nakatingin lang sa akin. Ngumiti ako kahit gano'n ang ang pakitungo ni tita Mabel. “Anong ginagawa mo rito?!” may galit din sa b
Belle “Nurse! Gising na ang pasyente,” sigaw ng Tita Mabel ang narinig ko. Napatingin ako sa loob kahit hindi ko sila makikita. “Nurse kapag okay na po. Pakisabi sa tita Mabel. Bisita ako. Si Belle kamo,” bilin ko sa kaniya. “Miss sandali lang ha? Pasensya ka na hanggang dito ka na lang muna,” paalam nito sa akin at nagmamadaling muling pumasok sa loob ng ICU. Malalim akong napabuntong hininga. At least gising na si Abril iyon ang mahalaga sa ngayon. Mag-aantay naman ako kahit mamaya, abutin pa ako ng hating-gabi mag-aantay ako para makausap ito at si tita Mabel. Nag-antay ako sa nakasarado pinto. May maliit iyon na salamin ngunit hindi naman gano'ng makikita ang loob ng ICU. Lalo na kung saan ang p'westo nila tita Mabel lalo na ang kinahihigaan ni Abril. Mabuti na lang may isang mahabang upuan sa gilid. Sandali muna akong nagtungo roon upang umupo habang nag-aantay ng tamang oras kung maaari na akong pumasok. Mahaba pa naman ang oras. Aabot ako mamayang seven ng gabi sa u
Belle “Ate anong oras kami magsasara?” tanong ni Bebeng. Kasi mamaya raw lalabas kaming lahat. dahil treat ni Analisa. Ewan ko kay Analisa bakit galante ngayon at gusto sa restaurant daw kami kumain ng hapunan, kahit pwede naman sa apartment na lang kasi marunong naman akong magluto ngunit mahigpit ang pagtanggi ng bestfriend ko. Minsan ko lang daw siya ngayon makasama tatanggi pa ako sa libre niya. Aayaw pa ba ako e, libre na ng kaibigan ko. Isa pa. Lahat kami i-li-libre daw niya. Kasama pa nga si kuya Daniel sa lakad namin mamaya sumangayon na lamang ako matagal na rin kaming walang bonding ni Analisa kaya pinagbigyan ko ngayon. "Ate Belle, saan ka pala pupunta?" tanong ni Bebeng. "May kikitain lang ako bunso. Uuwi rin naman agad ako sa apartment hindi ako magtatagal." "Dapat ate magpaganda ka na lang eh para sa lakad natin mamaya," "Kakain lang naman tayo kailangan pa ba iyon?" "Oo nga pala maganda ka na ate. Kahit ano naman ang ayos mo gusto ni Kuya Scott," sabi ni
Belle Nagpasya akong umalis ng wala akong nakuhang tawag o text galing kay Scott sa pag-aantay ko sa kaniya sa bahay nila. Ang lungkot naman kasi wala sila rito ako ang mag-isang naiwan kahit sangkaterba ang kasambahay nila. Hindi ko naman sila mga kilala. Sa bahay na lang ako mag-aantay kay Scott upang makausap ito. “Ma'am saan ka po pupunta?” naabutan ko sa living room ang isa nilang kasambahay naglilinis. “Ate uuwi na muna ako. Pakisabihan na lang po si Scott, umuwi na ako sa bahay ha?” bilin ko. “Ayaw mo po antayin?” tanong pa nito tila gusto akong pigilin ngunit naglakad na ako palapit sa pinto. “Hindi ko kasi sigurado kung uuwi iyon agad. Gusto ko sa bahay na muna magpahinga. Salamat sa pag-aalala,” tugon ko sa kaniya at tuluyan ng lumabas ng pinto. Mabuti hindi nag-usisa sa akin ang guwardiya nila Scott ng magpaalam ako lalabas muna. Pagdating ko sa labas ng gate nila Scott. S-sandali lang akong nag-antay ng taxi nakasakay agad ako. Nang nasa taxi na ako hindi k
Belle "Abril! M-my God," nataranta ako sa nangyari. Hindi ko naisip na buntis ako. Dahil nagmamadali akong tumakbo upang tulungan si Abril sa baba. “A-Abril.. Abril gumising ka,” wika ko at iniangat ko ang ulo ni Abril. Nanlaki ang mata ko ng pagtingin ko sa kamay ko umaagos ang dugo sa sugat galing sa ulo ni Abril. Shit may sugat ito kaya siguro nahimatay dahil tumama ang ulo niya. At kung saan ay hindi ko alam. “Tulong! Please tulong!” malakas kong sigaw at sumunod mayroon nagtakbuhan. Sumulpot si tita Mabel at tatlong kasambahay na nanlalaki ang mata nila pagkakita kay Abri. Hindi ako makapagsalita dahil umaapoy ang mata ni tita Mabel. Kahit hindi ko kasalanan pero na-guilty ako sa pagkahulog ni Abril. Lalo pa napuruhan pa ang dalaga. Sana walang masamang mangyari kay Abril dahil habang buhay ko ito dadalhin sa konsensya ko. “Abril,” nauutal na saad ni tita Mabel tumakbo palapit sa dalaga. Nakita ko pa nanginig ang kamay ni tita Mabel sa pagkataranta lalo na hindi pa du