Lovebele “Bakit late ka, besh?” sinalubong ako ng bestfriend kong si Analisa, sa pinto pa lang ng dressing room at hinila na ako papasok sa loob upang magbihis. Buntonghininga ako hinilot ko ang noo ko. Nagtaka ang kaibigan ko ngunit hindi ko na inantay na tanungin ako kung anong problema ko. Sinabi ko na agad sa kaniya. “Hinatid ko muna si Bebeng at Jaya sa inyo, besh. Buset ‘yang si Tiyang. Naabutan kong pinagsasampal si Bebeng. Buti na lang nakalimutan ko iyong balisong ko na lagi ko dala-dala kapag ako'y papasok. Kaya bumalik ako sa bahay.” “Kapal talaga niyang Tiyahin mo. Noon saleslasy ka pa. Inuubos hinihingi ang sahod mo nagtitiis ang dalawa mong kapatid na walang baon. At palaging hindi pinakakain,” gigil ang boses ng kaibigan ko kapag nababanggit ang Tiyahin ko. “Kung hindi lang ako nagmamadali dahil papasok pa ako. Papatulan ko na iyon, besh. Sobra na siya pati si Jaya. Gusto n'yang ereto doon sa kilala niyang intsik. Kanina ko lang nalaman pinagbantaan ang kapatid
LovebeleAkoBesh, ikaw muna ang bahala sa dalawa kong kapatid ha? Raraket ako ngayon gabi. Hindi ako sasabay sa pag-uwi sa ‘yo.AnalisaBesh? Anong raket ‘yan ha?AkoVIP kasama ni Attorney Scott.Analisa Beshyyy…ang swerte mo naman. Waah itodo mo ang highest to the level mong giling na performance at ng maglaway si hotorney.Hindi na ako nag-reply at inayos ko na ang sarili ko. Tumingin ako sa harapan ng salamin.‘Kaya mo ito Lovebele’Humugot ako ng hangin bago mahinang kumatok sa pinto ng VIP room. Sa totoo lang gusto ko ng umatras ngayon ngunit narito na ako wala ng bawian.Pagkatapos naman nito hindi na niya ako makikita kaya ayos lang. Ngayon ko lang naman gagawin ‘to hindi na mauulit.Kakatok muli ako ng bumukas ang pinto. Ang lakas ng tahip ng aking dibdib bakit kabado ako.“Hi, pasok ka,” saad nito na kinalunok ko. Bakit ang dami ko ng nakaharap na lalaki pero pagdating kay Scott natataranta ako. Ang ganda ng boses iyon bang parang mga DJ sa radyo. May awtoridad ngunit sara
LovebeleKagat labi ako maingat na bumangon upang hindi magising si Scott sa mahimbing nitong tulog sa 'king tabi. Anong oras na kaya? Napabuga ako ng hangin sa bibig ko dahil ang sakit ng katawan ko kapag iginagalaw ko ang aking magkabilang hita. Tumingin ako sa wall clock. Ala-sais pa ng umaga. Kailangan kong tiisin ang sakit kung gusto kong makaalis ng hindi nagigising si Attorney Scott.Kahit napapangiwi ako sa kirot ng katawan ko lalo na ang pukengkeng ko. Tiniis ko 'yon upang magtagumpay ako na makaalis sa penthouse ng binata.Pagdating ko sa sala naalala ko ang bag ko. Paktay naiwan iyon doon sa locker ko sa Elite disco. Paano ako nito uuwi wala akong pamasahe. Bahala na kukuha na lang ako sa wallet ni Scott.H'wag sana ito magising ayaw kong maabutan niya ako na nandito pa sa penthouse niya. Dahan-dahan akong bumalik. Kahit nahihirapan maglakad pinilit kong maging mabilis ang kilos.Nakisama si Scott mahimbing pa rin ang tulog nito pagpasok ko sa kuwarto nito. Hinanap ko kung
Lovebele Kanina pa akong pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room habang nasa loob si Bebeng ginagamot ng duty doktor. Umupo ako sa tabi ni Analisa hinawakan ko ang palad niya. “Besh, natatakot ako baka kung ano na ang nangyari sa kapatid ko,” anang ko kinukurot ko ang palad ko. “Gaga, lalo kang kinakabahan kasi nga ang likot mo. Maaari bang pumirmi ka ng upo. Ako nga kanina pa nahihilo sa ‘yo,” saad ng bestfriend ko sa 'kin. Lumabas ang doktor na kasama ni Bebeng sa loob. Hinahanap nito kung sino ang kamag-anak ni Bebeng. Nagtaas ako ng kamay pinalapit n'ya ako. “Dok, kumusta po ang kapatid ko?” “Nalinis na namin sugat niya. Malaki kasi ang sugat no choice tinahi namin ng gayon maampat ang pagdurugo,” wika nito't pagkatapos bumaling sa hawak na medyo may kakapalan na papel. Binuklat nito ang hawak na papel. Kapagkuwan nagsulat ito at nang matapos bumalik ng tingin sa ‘kin. “Request ito para sa head CT scan ng kapatid mo. D'yan lang sa harap mayroon sila. Kapag
LovebeleKinuhit ako ni Analisa sa braso’t impit ang tili pagkakita kay Attorney Scott. Sina Tiya Lena at mga pulis parang nakakita ng artista nabatobalani. Tulalang namamangha habang nakatitig kay Scott.Ang guwapo naman kasi nito. Idagdag pa blue eyes ito para bang nangungusap ang mata ni Scott, kapag nakatitig sa akin.Feeling ko may foreign blood si Scott Miguel. Well kung pagbabasehan ang surname nito malamang nga half afam ito.Pasimple akong tumingin sa Tiya Lena, natitigilan sa bagong dating na si Scott. Pero s'yempre kapag nakabawi ang bruha kong Tiyahin. Balik ulit ito sa pakay nito sa akin.Hindi ko alam kung saan si Tiya Lena, kumukuha ng kakapalan ng pagmumukha. Kung sumugod dito sa bahay nila Analisa. Akala mo hindi siya ang naunang sumugod sa akin.Ayaw lang ni Bebeng na masaktan ako kaya nito nilapitan si Tiya Lena.Kung mayroon makukulong. Sisiguruhin ko si Tiya Lena iyon. Sa dami nitong kasalanan sa aming tatlong magkapatid bagay rito maghimas ng rehas sa kulungan at
Lovebele Naglaban kami ng nakamamatay na titigan ni Tiya Lena. Hindi ko uurungan ang tapang nito. Siya ang unang bumawi ng tingin kaysa sa akin. Unang nagsalita ang bestfriend ko. “Mamang pulis. Wag po kayong maniwala sa Balyenang iyan. Manloloko iyan dito sa lugar namin. Niloloko lang po kayo niyan.. Ang totoo po niyan siya po ang totoong may kasalanan hindi po ang bestfriend ko.” “Hoy! Isa ka pang malandi ka! Palibhasa iisa ang kaliskis n'yo ng babaeng haliparot na iyan kaya todo depensa ka,” “Hoy ka rin tiya Lena. Wag na wag mong idadamay rito ang bestfriend ko!” bulyaw ko rin sa kaniya. “Bakit masakit ba malaman ang katotohanan?” sabi pa nitong Tiyang Lena. “Of course pareho kami ng beshsyup kong Lovebele, fresh palagi at super ganda. At higit sa lahat, batang-bata. Eh, ikaw Balyenang aswang? Kahit na maligo ka pa ng sampung beses sa isang araw. Hindi ka pa rin magiging fresh dahil isa ka ng Balyenang bilasa,” panggagalit dito ni Analisa. Gusto kong tumawa dahil namul
Lovebele “Nasaan ako? Nilibot ko ang aking mata ko sa paligid. Ospital? Bulong ko, nang makita ko ang puting pintura sa buong sulok ng dingding sa kinaroroonan kong k'warto. Ospital nga kasi pag-angat ko ng kamay bumungad sa akin ang nakakabit na dextrose sa kamay ko.Naalala ko na ang nangyari. Hinimatay ako dahil sa labis na sama ng aking pakiramdam….Bumalik ang tingin ko sa dingding upang alamin kung anong oras na. Luh! Bakt alas alas diyes na ng umaga ngayon…ibig sabihin ba nito kagabi pa ako rito?“Scott?” mahina kong bulong pagkakita rito na nakayupyop sa gilid ng kama.Inangat ko ang palad ko na walang nakakabit na swero upang hawakan ang buhok ni Scott. Dahan-dahan ko iyon hinagod ng pasuklay.Nanlaki ang aking mata ng gumalaw ito kaya mabilis kong binawi ang aking kamay nagkunwari wala akong ginawa sa buhok niya.Unti-unti umangat nag ulo ni Scott. Bayolente akong napalunok. Nang magtama ang aming mata pag-angat nito ng ulo. Ngumiti ako ngunit si Scott, mabilisan akong nila
Lovebele "Salamat, Scott," saad ko nang ako'y kumalma. "My pleasure, love...Bele? Narinig ko tumawa. Sa sunod kapag nasa tama kayo. Dapat matapang kayo lumaban." "Madali lang sabihin kasi may pera ka. May pangalan ka na kilala sa Pinas. Pero sa katulad naming mahirap. Malabo iyang sinasabi mo na kapag tama, ay lumaban. Dati ginawa na namin iyon. Pero sa huli kami ang nawalan." "What do you mean, mmm?" tanong nito parang nagtataka pa tinanong niya ako. "Wala, mema lang," sagot ko ngunit narinig ko napa 'tsk' ito tila ayaw maniwala sa 'king sinabi. "Okay," sabi na lang nito at inayos pa ang buhok ko. "Ehem!" tumikhim ako ngunit umingay ang phone ni Scott tanda na mayroon tumatawag. Nagri-ring ang phone ni Scott kaya humiwalay ako sa kaniya. Mabuti pinakawalan din ako hindi niya ako pinigilan. Hindi kasi nito pinapansin ewan kong sinasadya ba nito kasi impossible namang hindi niya iyon naririnig. Ang lakas kaya ng ringtone ng phone niya plus may vibrate rin iyon. Kaya si
Belle “Dumating na pala si ate Love!” saad ni Jaya ng pihitin ko ang pinto pabukas. Sadyang inaabangan ako ni Jaya dahil pagtingin-tingin ito sa pinto kahit nakabukas ang TV nanood ito hindi pa rin nakalilimot tumingin sa pinto. Siya lang ang nasa sala. Nasaan na naman sina kuya Daniel at Analisa. Si Bebeng din wala rin sa sala hindi kasama ni Jaya. Sino naman ang kausap nito bakit binalita niya narito na ako? “Kumusta? Bakit pala ikaw lang ang nandito nasaan ang iba?” tanong ko rito pagkatapos ay lumakad sa kaniya palapit sa kinauupuan ni Jaya. Umupo ako sa tabi niya tumingin ako sa TV. “Ate kumusta rin ang lakad mo? Natapos mo ba? Bakit wala ka naman dala sabi mo mayroon ka lang bibilhin?” “Ahehe oo nga kasi nagbago ang isip ko eh,” anang ko nagkamot ako ng buhok ko. Matandain talaga itong kapatid ko hindi p'wedeng lansiin dahil tatanungin ka ng paulit-ulit hanggang sa mauubusan ako ng isasagot sa kaniya. “Sana pala umuwi ka ng maaga ate. Nag-antay kaya si kuya Scott.
Belle Nkayuko ako at nakatingin sa magkabila kong paa ng mayroon akong makitang dalawang paa tumayo sa harapan ko kaya ako'y nag-angat ng tingin. “Tita Mabel?” mahina kong sambit. Mabuti na lang kumalma na ako. Dapat paalis na ako kung hindi ito ngayon dumating. Seryoso ang mukha ni tita Mabel nakahalukipkip pa sa harapan ko. “Ahm paalis na po ako. Gusto ko lang po sana mangumusta kay Abril. Nakita ko naman na ligtas na siya uuwi na po ako,” tipid ko pang ngiti kahit seryoso si Tita Mabel. Napalunok ako ng pasadahan n'ya ako ng tingin. Wala naman imik. Pero slight akong kabado. Bakit kaya ano ang ibig n'yang ipakahulugan sa kilos niya ngayon nakababahala. “Tita, upo muna kung gusto mo po akong makausap,” magalang kung alok sa kaniya. “Magandang hapon din po tita Mabel,” pagbati ko rin sa kaniya. Wala pa rin itong imik nakataas pa ang kilay niya nakatingin lang sa akin. Ngumiti ako kahit gano'n ang ang pakitungo ni tita Mabel. “Anong ginagawa mo rito?!” may galit din sa b
Belle “Nurse! Gising na ang pasyente,” sigaw ng Tita Mabel ang narinig ko. Napatingin ako sa loob kahit hindi ko sila makikita. “Nurse kapag okay na po. Pakisabi sa tita Mabel. Bisita ako. Si Belle kamo,” bilin ko sa kaniya. “Miss sandali lang ha? Pasensya ka na hanggang dito ka na lang muna,” paalam nito sa akin at nagmamadaling muling pumasok sa loob ng ICU. Malalim akong napabuntong hininga. At least gising na si Abril iyon ang mahalaga sa ngayon. Mag-aantay naman ako kahit mamaya, abutin pa ako ng hating-gabi mag-aantay ako para makausap ito at si tita Mabel. Nag-antay ako sa nakasarado pinto. May maliit iyon na salamin ngunit hindi naman gano'ng makikita ang loob ng ICU. Lalo na kung saan ang p'westo nila tita Mabel lalo na ang kinahihigaan ni Abril. Mabuti na lang may isang mahabang upuan sa gilid. Sandali muna akong nagtungo roon upang umupo habang nag-aantay ng tamang oras kung maaari na akong pumasok. Mahaba pa naman ang oras. Aabot ako mamayang seven ng gabi sa u
Belle “Ate anong oras kami magsasara?” tanong ni Bebeng. Kasi mamaya raw lalabas kaming lahat. dahil treat ni Analisa. Ewan ko kay Analisa bakit galante ngayon at gusto sa restaurant daw kami kumain ng hapunan, kahit pwede naman sa apartment na lang kasi marunong naman akong magluto ngunit mahigpit ang pagtanggi ng bestfriend ko. Minsan ko lang daw siya ngayon makasama tatanggi pa ako sa libre niya. Aayaw pa ba ako e, libre na ng kaibigan ko. Isa pa. Lahat kami i-li-libre daw niya. Kasama pa nga si kuya Daniel sa lakad namin mamaya sumangayon na lamang ako matagal na rin kaming walang bonding ni Analisa kaya pinagbigyan ko ngayon. "Ate Belle, saan ka pala pupunta?" tanong ni Bebeng. "May kikitain lang ako bunso. Uuwi rin naman agad ako sa apartment hindi ako magtatagal." "Dapat ate magpaganda ka na lang eh para sa lakad natin mamaya," "Kakain lang naman tayo kailangan pa ba iyon?" "Oo nga pala maganda ka na ate. Kahit ano naman ang ayos mo gusto ni Kuya Scott," sabi ni
Belle Nagpasya akong umalis ng wala akong nakuhang tawag o text galing kay Scott sa pag-aantay ko sa kaniya sa bahay nila. Ang lungkot naman kasi wala sila rito ako ang mag-isang naiwan kahit sangkaterba ang kasambahay nila. Hindi ko naman sila mga kilala. Sa bahay na lang ako mag-aantay kay Scott upang makausap ito. “Ma'am saan ka po pupunta?” naabutan ko sa living room ang isa nilang kasambahay naglilinis. “Ate uuwi na muna ako. Pakisabihan na lang po si Scott, umuwi na ako sa bahay ha?” bilin ko. “Ayaw mo po antayin?” tanong pa nito tila gusto akong pigilin ngunit naglakad na ako palapit sa pinto. “Hindi ko kasi sigurado kung uuwi iyon agad. Gusto ko sa bahay na muna magpahinga. Salamat sa pag-aalala,” tugon ko sa kaniya at tuluyan ng lumabas ng pinto. Mabuti hindi nag-usisa sa akin ang guwardiya nila Scott ng magpaalam ako lalabas muna. Pagdating ko sa labas ng gate nila Scott. S-sandali lang akong nag-antay ng taxi nakasakay agad ako. Nang nasa taxi na ako hindi k
Belle "Abril! M-my God," nataranta ako sa nangyari. Hindi ko naisip na buntis ako. Dahil nagmamadali akong tumakbo upang tulungan si Abril sa baba. “A-Abril.. Abril gumising ka,” wika ko at iniangat ko ang ulo ni Abril. Nanlaki ang mata ko ng pagtingin ko sa kamay ko umaagos ang dugo sa sugat galing sa ulo ni Abril. Shit may sugat ito kaya siguro nahimatay dahil tumama ang ulo niya. At kung saan ay hindi ko alam. “Tulong! Please tulong!” malakas kong sigaw at sumunod mayroon nagtakbuhan. Sumulpot si tita Mabel at tatlong kasambahay na nanlalaki ang mata nila pagkakita kay Abri. Hindi ako makapagsalita dahil umaapoy ang mata ni tita Mabel. Kahit hindi ko kasalanan pero na-guilty ako sa pagkahulog ni Abril. Lalo pa napuruhan pa ang dalaga. Sana walang masamang mangyari kay Abril dahil habang buhay ko ito dadalhin sa konsensya ko. “Abril,” nauutal na saad ni tita Mabel tumakbo palapit sa dalaga. Nakita ko pa nanginig ang kamay ni tita Mabel sa pagkataranta lalo na hindi pa du
Belle Nang maisuot ko ang binigay ni Scott na boxer short. Nagitla ako ng bigla na lang hinablot sa kamay ko ang hinubad kong undies ko kaya mabilis niyang iyong nakuha sa akin. Malakas na humalakhak ng manlaki ang mata ko at pilit na kinukuha sa kamay niya. Pisti mahilig mang-asar. “Bakit ba? Anong nakakahiya?” tinanong pa ako talaga naman gusto akong asarin. “Scott woi akin na nga ‘yan lalabhan ko,” bulalas ko dahil hawak pa rin niya iyon kahit anong lukso ko hindi ko sa kaniya maagaw. “Ako na ang maglalaba nito mabilis lang ako. H'wag ka ng tumalon. Baka mapaano si baby,” “Paano ayaw mo naman ibigay?!” “Ako na nga makulit naman. Mabuti pa matulog ka na alas-otso na ng gabi bawal sa buntis magpuyat,” Hindi na ako nakapalag ng pangkuin niya ako at maingat na inilapag sa kama. “Nahihiya ka pa rin?” tudyo nito. Aba'y itatanong pa talaga natural ah. “Kung gusto mong mauna matulog, ‘wag mo na akong antayin, love," aniya at mabilis niya akong hinalikan ako sa labi. “Kasi
Belle Tuluyan lang akong hinila ni Scott hindi lang lumingon kina tita Mabel at Abril. Naulinigan ko pa na umiiyak ang dalaga habang pinatatahan ni Tita Mabel. Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Tita rito dahil nakalayo na kami ni Scott. Isa pa mahina lang boses ni Tita Mabel halos pabulong lang animo ayaw iparinig sa ‘min ni Scott. Nang makarating kami ng living room. Naabutan pa kami ni tita Mabel at Abril. Nagmamadali si Abril maglakad habang hinahabol ni Tita Mabel sa likuran nito. Hindi naman gaano'n kalayo ang agwat nito ngunit parang may panghili akong nadama. Ang astig ni Abril hinahabol ni tita Mabel dahil lang galit ang dalaga. Tumingin ako kay Scott naramdaman siguro nitong mayroon akong gustong sabihin sa kaniyang kaya pumaling siya ng tingin sa akin. “Uuwi siguro si Abril. Ayaw mo bang kausapin ng maayos? Okay lang aantayin kita rito,” saad ko ngunit mabilis lang umiling si Scott. “Love, kung kakausapin ko siya. Parang binigyan ko lang si Abril ng dahilan para paasa
Belle “Scott wala akong ginawa,” saad ko rito. Kahit ito lang ang maniwala sa ‘kin okay na ako. Nag-antay ako ng isasagot ni Scott. Napanguso ako ng pagmasdan niya ako pagkatapos naningkit ang mata niya palitan kaming binigyan ng tingin ni Scott. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip ni Scott nakapa seryoso kasi kaya hindi na lang ako nagsalita. “Anong nangyari bakit kayo nag-aaway?” si tita Mabel ang nagtanong. Napayuko ako kasi nabasa ko sa mata nito ang dismayado. Kung sa akin lang o para sa ‘min dalawa ni Abril hindi ko mahulaan. “T-tita M-Mabel, wala po akong ginawa kay Abri. Nagulat po ako paglabas ko ng CR. Nakaabang na siya sa akin. Hinayaan ko po siya na insultuhin ako para umiwas po sa posibleng gusot na mangyayari. Ayaw ko po siyang patulan bilang respeto po sa inyo. Dahil pamamahay n'yo ayaw kong magkaroon ng gulo. Iiwan ko na siya rito para iwasan ngunit bigla na lang niya akong hinila sa buhok ko at sinabunutan niya ako. Iyong nadatnan n'yo po kanina. Bumitiw po si