AURORA’S POV
Nang nawala na ang aking pagkahilo, natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa isang madilim na lugar. Nakalimutan kong isiping mabuti ang lugar kung saan ko gusto mapunta. At ang naging resulta no’n ay napunta na lamang ako sa kung saang lugar.
Napakawala ako ng malalim na buntong hininga, at saka ako naglakad patungo sa lugar kung saan nanggagaling ang isang ilaw. Itinungo ako ng ilaw na iyon sa isang dalawang palapag na gusali. Ang malakas na sangsang na amoy ng alak ang siyang dahilan upang maisip kong nasa loob ako ng isang inuman. Nakakalungkot lamang dahil hindi ako umiinom.
Akmang aalis na sana ako pero isang nakakatindig-balahibo na pagsigaw ang siyang nagpahinto sa akin sa paglalakad. Naglakad ako papasok at isang batang lalaki na mga nasa dose anyos na taon ay pinagguguluhan at kinakawawa ng isang grupo na mga estranghero.
Ang mukha ng batang lalaki ay maputla at ang katawan nito ay nanginginig. Ang lalaking na
AURORA’S POV Taas-baba akong tumitingin sa paligid ng silid, habang ang mga kamay ko ay namimilipit at nakatingin ako ng masama kay Aslan. Ang baliw na ito ay kakasabi lamang sa lahat na ako ang reyna ng mga dragon… Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? “Pwede ba maghinay-hinay ka na muna?... ang ulo ko ay nagsisimula nang sumakit…” sabi nito habang minamasahe ang kanyang ulo. Tumayo ako sa kanyang harapan at sa sinabi sa galit na tono, “Dapat lang iyan sayo! Kung hindi mo lamang ako iniligtas doon ay gagamitin ko sayo ang aking mahika at gagawin kang isang daga at saka kita ilalagay sa isa sa mga kahong nakuha natin…Alam mo na, iyong bagay kung saan patuloy sa pagtakbo ang isang daga…” “Huminahon ka muna munting witch… Sinabi ko lamang ang katotohanan…” namutla ang kanyang mukha at sandaling huminto sa pagsasalita. “Ano ang sinabi mo?” “Uhmmm… wala…” sabi niya at saka tumingin palayo. May itinatago siya sa ak
TYSON’S POV Nakasanayan ko na mag-imahinasyon ng mga eksenang maaaring mangyari at saka nag-iisip ng mga paghahanda sa posibleng kakaharapin na problema. Hindi ko naman intensiyon pero nangyayari na, nag-uumpisa na akong mag-alala kay Aurora at sa aming magiging anak. At kinikilabutan na ako sa nararamdamang kong ito. Matapos naming makabalik sa Pearl Palace, agad ko namang binuhat sa mga kamay ko si Aurora at dahan-dahan ko siyang dinala sa aking kwarto. Sa mga panahong may nakikita akong tao, niyuyuko ko agad ang aking ulo na tila ba mayroon akong ibinubulong sa tainga ni Aurora. Rinig na rinig ko ang pagbilis ng tibok ng puso at ng bawat paghinga niya. Agad namang napangiti ang aking labi na makita ko siyang naaapektuhan dahil masyado akong malapit sa kanya. At nang sandaling isarado ko ang pintuan ng kwarto agad naman siyang nagsalita, “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi ba’t dapat nagpapanggap lamang tayo?”
TYSON’S POV Gumalaw ako sa pagkatulog ko na ramdam ko ang napakasayang sensasyon. Pakiramdam ko ay kumpleto ang araw ko. Napangiti ang mga labi ko at binuksan ko ang aking mga mata. At matapos no’n, para bang kinidlatan ako ng malakas. Hindi ko intension na matulog katabi si Aurora. Hindi ko naman siya hinayaang makalapit sa akin ng sobra pero ngayon ay napakalapit niya na. Umalis ako sa kama ko at saka pinagmasdan si Aurora. Ipinagpapasalamat ko na lamang na tulog pa siya. Hindi ko gustong isipin niya na may nararamdaman ako para sa kanya, kaya naman umalis na ako bago pa man siya magising. “Aslan, Zarina, Caleb!” tawag ko nang makarating ako sa pasilyo. Si Zarina ang kauna-unahang tumambad sa harapan ko gamit ang kanyang kakayahang mag-teleport. Mukha atang napakasaya niya na pinagbigyan ko siyang magamit ang kaniyang mahik sa loob ng palasyong ito. Lumipas ang ilang sandali ay dumating na rin si Aslan. “Pupunta ako
CALEB’S POV Binuhat ko si Tiara palabas ng silid upang magawang bihisan ng manggagamot at ni Zarina si Aurora. Kamukhang-kamukha niya si Tyson: pareho sila ng kulay ng mga mata, magandang mga kilay pero ang labi niya ay katulad lamang ng kay Aurora, kasing ganda lamang ng isang pulang rosas. Isa siya klase ng bata na agad-agad mong mamahalin kapag nakita mo. Kaya kong makipaglaban sa buong mundo para lamang sa kanya. Inilagay ko naman ang isa kong daliri sa maliit niyang palad, nanlabot ang puso ko sa tuwa nang hawakan niya ito. Ang oras na makasama ko ang anghel na ito ay maikli lamang sa sandaling marinig ko ang nag-aalalang boses ni Aurora, “Asan ang anak ko?” Agad namang namuo ng isang napakagandang mga ngiti sa kanyang mukha sa sandaling makita niya si Tiara sa aking mga kamay. Agad namang umiyak si Tiara ng napakalakas na tila ba nasasaktan siya o ano. “Nawawala si papa at pati na din si mama?” ngiti ko sa bata saka ini
TYSON’S POV Huminga ako ng napakalakas at saka umupo sa aking kama. Nagawa kong pigilan ang mahigit dalawampung daang kalaban na gustong patayin si Aurora. Pero tila ba parang may kakaiba. Napakadali lang sa akin na talunin sila na tila ba imbes na lumaban sa akin, parang may gusto lamang silang subukin o alamin. Kaya naman mas makakabuting mag-ingat pa ako lalo sa mga susunod na araw. Umilaw ang isa sa mga monitor at lumabas ang isang notification, “May nakahalong lason sa gatas ni Tiara sa may Pearl Palace.” Hell! Ibig sabihin ang naganap na pag-atake kanina ay isa lamang paraan upang libangin ako para magawa nila ang kanilang plano. Ang mga walalang-hiyang mga iyon! Kailangan ko nang gawin ang ikalawa naming plano. Tatapusin ko lahat ng ito sa lalong madaling panahon. Hinding-hindi ako makakapayag na masaktan nila si Aurora, maging ang munti naming anghel. Sinisuguro kong magiging ligtas sila kahit ano pa man ang mangyari.
ASLAN’S POV “Zarina, tapatin moa ko. Ano ang alam mo sa nangyaring pag-atake noong kalian kay Tiara?” tanong ko at hinawakan siya ng mahigpit sa kanyang mga balikat. “Nagsisimula ka na bang mag-alala sa maliit na batang iyon, kapatid? Nakatatak na sa akin na tadhana niya ang mamatay. Kailangan lang ng tamang oras.” Ginawa ko ang lahat para pigilan ang sarili ko sa salitang nais kong bitawan. Alam kong sinusubukan lamang ako ni Zarina sa mga nais kong gawin at hinding-hindi ko hahayaang mawala ang tiwala niya, “Limang buwan na tayong nagpapanggap na may pakialam tayo kay Aurora. Ngayon, if namantay si Tiara bago pa natin makuha ang Heart of Magic, hindi ba’t mapupunta lamang sa wala ang mga pinaghirapan natin?” “Huwag kang mag-alala, Aslan. Binalaan ko na si Logan na huwag nang subukang atakihin pa si Tiara.” Pakiramdam ko ay may sumusuntok sa akin ng napakalakas. “What the F***! Tama ba ang narinig ko… si Logan?” “Mad
AURORA’S POV Hindi ako mapagpahinga sa kakaisip sa pagsabak ng aking munting anak sa delikadong paghahanap. Pero wala akong iba pang mapagpipilian. Tumayo si Caleb at saka inilabas ang isang scroll paper mula sa kanyang bulsa. Ang paper ay napakanipis at halos mapunit na ito sa sandaling buksan naming ito. Inilapag naman iyon ni Caleb sa may lamesa at saka ito nagsimulang magpaliwanag, “Ibinigay ito sa akin ng isang makapangyarihang manghuhula dahil may utang na loob siya sa akin. Isa itong sinaunang mapa na magtuturo sa atin upang mahanap ang portal. Nasa gitna ito ng isang kagubatan. Ang gubat na ito napapaligiran ng mga napakalawak na dagat, mga desyerto at matataas na bundok.” “Dang it! Caleb, imposibleng madadala natin ang bagong silang na sanggol sa ganyang lugar! Paano naman kakayanin ni Tiara ang walang katapusang paglalakbay at iba-ibang klima na haharapin natin….” sabi ko. “Sino bang nagsabi na kailangan nating magl
TYSON’S POV Halos matapakan ang pride ko nang mapanuod ko kung paano gumawa ng isang hex si Aurora at ng spell checker. Ang tumira na kasama ang isang witch kong kapatid ay natutunan kong aralin kung ano ang mga mahikang mga iyon. Ang pagkakahawak ko kay Tiara ay humigpit, kamuntikan ko nang ipagsapalaran ang buhay ng munti kong anghel kanina. Kaya naman ipinapangako kong mag-iingat na ako sa susunod. “Ayos na ang lahat ngayon,” bulong ni Aurora saka namn kinuha sa akin si Tiara. Bumungisngis naman si Tiara at ngumiti ng napakatamis na nasa isipan kong para talaga iyon sa kanyang ina. Para bang tinamaan ng mainit na sikat na araw ang kinaroroonan naming matapos makulong sa tila isang malamig na lugar. At nang ilapit ni Aurora si Tiara sa puno, bigla na lamang inangat ni Tiara ang kanyang kamay ng may pagkukusa saka hinawakan ang puno. Lahat kami ay sabik na sabik habang hinihintay ang oras na magbukas ang portal; pwed