Share

CHAPTER 5

AURORA’S POV

Nagising ako sa isang kakaibang tunog. Medyo natagalan ako bago ko mapagtanto na ito ay walang tigil na pag-uusap. May pinag-uusapan sila.  Medyo mainit ang pakiramdam ko at komportable ngunit hindi ko nais na buksan ang aking mga mata. Ang pagkasindak at pagkabalisa na nararamdaman ko nitong nakaraang linggo ay nawala. Bukas sarado ako sa mga mata ko para lang malaman kung ano ba ang pinag-uusapan nila.

Maya’t maya pa ay isang mainit at mabibigat na paghinga mula sa may mukha ko ang siyang gumulat sa akin kaya binuksan ko ang mga mata ko. Napanganga na lamang ako nang may isang pares ng napakagandang mga mata ang sumalubong sa paningin ko, matang kailan ma’y di ko nakita, kulay abo na may halong kulay gintong guhit.

Niyuko niya ang ulo niya at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Ang matalim na ngipin mula sa labi niya ang siyang nagbalik sa akin sa katinuan. Tinulak ko siya at tumayo, pero sa huli napagtanto kong nakaupo ako sa kandungan niya.

Naramdaman kong dumaloy ang dugo sa aking mukha at parang nasusunog ang aking tainga. Sa gulat ay sinubukan kong tumayo ngunit hinila niya ako pabalik sa kanyang kandungan.

Ang mapunta sa isang malawak na lugar na wala man lang silid kasama ang isang hindi ko kilalang lalaki ay dapat nakadama na ako ng pangamba at takot pero hindi, parang pakiramdam ko pa ay kumportable ako. At doon ko napagtanto na naiimpluwensiyahan niya ang pakiramdam ko.

Nagpumilit akong umalis sa kandungan niya at naglakad papalayo sa kanya. Ang mainit at komportableng nararamdaman ko kanina ay biglang naglaho at nag-umpisang bumilis ang tibok ng aking puso.

Tama nga ang hinala ko, kailangan kong lumayo sa lalaking ito kung gusto kong mapanatiling nasa tama ang pag-iisip ko. Agad ko siyang tinalikuran at tumakbo pero bumangga lamang ako kay Lina.

“Saan ka pupunta, Aurora? Delikado ka kung nag-iisa ka lamang lalo na sa lugar na ito…’’ sabi ni Lina.

“Kung ganon, bakit iniwan mo akong mag-isa, Lina… isa pa, iniwan mo ako sa mga di ko kilalang tao…’’

“Kapatid ko siya, si Caleb. Proprotektahan ka niya…’’

Bigla na lamang may humila sa akin mula sa likod at niyakap ako. Ang pakiramdam kong iyon kanina ang siyang muling dumadaloy sa mga ugat ko at pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga kamay niya. Bigla na lang kinabahan ang puso ko nang marinig ko ang boses niya malapit sa tainga ko, “Pananatilihin kitang ligtas…pangako…’’

Tinulak ko siya nang buong lakas ko at sinigawan, “Huwag kang lumapit sa akin. Ayaw kong isipin na nasa isang pinakamagandang lugar na ako ng mundo habang nasa malubhang panganib.’’ 

Kumislap nang may kirot ang mga mata niya na siyang nagbigay dahilan sa akin upang mapaisip kung nag-aalala nga ba talaga siya sa akin. Hindi, hindi ko pwedeng hayaan ang ganitong pakiramdam ko para maging iba ang tingin ko sa kanila.

“Pinangako mo sa akin na iuuwi moa ko, Lina… Hindi ko… Hindi ko inisip na lolokohin mo ako ng ganito…’’

“Hindi ka pwedeng umuwi, Aurora. Ang mga tauhan ni Tyson ay hahanapin ka. At ito lang ang lugar kung saan ka nila hindi mahahanap.’’ Pagpapaliwanag niya sa akin.

“Bakit? Kung ang lugar na ito ay tirahan ng mga mafia,’’ sambit ko.

“Tama ang hinala mo, luv.’’

Nakaramdam ang puso ko ng kaba nang marinig ko iyon. Hinihintay ko siya na tumawa ng malakas pero mukhang seryosong-seryoso siya.

Pero tumawa nga siya matapos ang mahabang katahimikan. Narindi ang tainga ko nang sinambit niya ang mga sumunod na salita, ‘Hayaan mo akong magpakilala, aking binibini. Ako si Caleb, ang leader ng mga Crescent pack o kung tawagin ay mafia gang.’

Matapos non ay hinila niya ang kamay ko at nagtanim ng isang halik sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya sa labis na pagkagulat. Hindi siya nagmumukhang mafia. Siya ay napakagwapo at kumpara kay Tyson at Aslan na isa dapat CEO ng kumpanya, siya ay mas mahinahon.

“Ang panlabas na anyo ay mapanlinlang, hun. Huwag kang pasisiguro, ang kapatid ko ay may kakayahang sirain ang lahat sa isa lamang pitik ng kanyang mga daliri.’’ 

Kilabot ang bumalot sa akin sa mga sinabi ni Lina. Meron akong matinding pakiramdam na napadpad ako sa lugar ng mga Diyablo matapos kong makatakas sa bahay ng mga Demonyo.

“Lina, hindi magandang tinatakot mo ang ating bisita. Huwag kang makinig sa kanya, luv. Hindi kita papatayin ng walang dahilan, Ikaw ay panigurado ng ligtas dito, nasa proteksyon na kita.’’ Sabi ni Caleb sa akin habang hinahaplos ang daliri niya sa pisngi ko.

Nakakaramdam ako ng parating na matinding pangangamba. Kaya hinayaan ko siyang malapit sa akin, at least mahahayaan niya pa akong makapag-isip ng maigi ng hindi ko masyadong iniisip ang mga bagay-bagay.

Pinakita sa akin ni Lina ang CCTV footage na mula sa pintuan ng bahay ko. Puno ito ng mga tauhan ni Tyson tulad ng sinabi ni Lina.

Mas maagi nga sigurong manatili muna ako dito habang nag-iisip ng paraan kung paano ako makakaalis dito.

***

Sinusubukan kong matulog pero lahat ng mga nangyari ay naglalaro sa aking isipan na para bang action replay. Tinapon ko ang aking sarili sa kama, pero kahit anong gawin ko hindi pa rin makuha ang  makapag-relax at matulog. At nararamdaman ko na… Nagsimulang sumakit ng kaunti ang tiyan ko ngunit hindi nagtagal ay bigla na lamang sumakit ng lalo ang buong tiyan ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, pinipilit na kayahin ang sakit. Umupo ako at yumukong hawak ang tiyan ko, nagbabakasakali na maalis ang sakit. Pero mas lalo pa itong lumala ng ilang minuto lamang.

“Arrrggghhh!’’ sigaw ko nang hindi ko na makayanan pa ang sakit. Para bang nawawasak ang tiyan ko mula sa loob.

Agad namang nasa tabi ko na si Caleb. Hinaplos niya ang likod ko at nag-aalala na tinanong ako, “Anong nangyayari sa’yo, luv?’’

“Hindi ko… Hindi ko alam. Sumakit na lang ang tiyan ko na parang may cactus na namimilipit sa loob.’’ sagot ko.

Hinawakan niya ang mga braso ko at tinignan ako sa mata. Naramdaman kong medyo nabawasan ang sakit pero napakasakit pa rin nito. 

“Anong nangyari, Aurora. Nagmumukha ka ng ewan,’’ sabi ni Lina nang siya ay pumasok.

Tumulo ang luha ko sa may pisngi ko habang nangangapa ng hangin at sinabing, “Hindi ko… Hindi ko alam, Lina… Yung sakit… sadyang napakalala… hindi ko na kaya…’’

Hinila ako ni Caleb sa kanyang kandungan at lumapit. Tila hindi rin ito masyadong nakakatulong…

“Hindi ba’t sinabi mong tinurukan ka ni Aslan ng mula sa dugo niya?’’

“Ano naman kinalaman no’n sa sakit ng tiyan ko? Wala ako sa mood para makipagchikahan sa iyo, Lina… parang awa muna.’’

“Ang dugo ni Aslan ay maaring pinakawalan ang natutulog na dragon sa loob ng bata. Kailangan niyang maturukan muli ng dugo ni Aslan ng lingguhan.’’

“Bloody hell! Lingguhan… Hindi ba masyado na iyon? Kung sinasabi mong lingguhan o anu pa man, malamang aatakihin ko na lamang siya at kukunin lahat ng dugo niya. Pero ang tanging paraan lang para mabigyan siya ng dugo ay ang hayaan si Aurora na manatili sa kanila…’’ sabi ni Caleb.

Ang mga sinabi ni Caleb ay parang lason sa tainga ko. Hindi ko gustong mapunta sa kanila, wala akong dapat gawin sa kanila.

“Ayoko, hindi ko gustong makulong ulit ako. Gagawin ko lahat ng sasabihin niyo… wala na bang ibang paraan?’’

“Hindi!’’ sabi ni Lina ng napakabilis.

Tinignan siya ng masama ni Caleb saka sinabi sa akin, “Ang tanging paraan lang ay ang patayin ang sanggol.’’

Ang kamay ko ay agad na lumipad sa tiyan ko at ang mga luha ko ay kumawala pababa sa aking mga pisngi. Hinding-hindi ko iyon magagawa… Ipapanganak ko siya at mamahalin ko ito ng higit pa sa sarili ko.

Isang matinding sakit ang siyang bumalot sa akin. Hindi ko na kaya pang tiisin ng mas matagal pa.

Humawak ako agad sa kamay ni Caleb ng mahigpit at nagmakaawa, “Parang-awa mo na, alisin mo ang sakit…’’

Ang mga mata niya ay nagpakita ng kakaibang emosyon, hindi ko magawang intindihin ang mga ito. Isa pa, ang mukha niya ay walang ekspresyon, blanko. Nasulyapan ko ang madilim at malamig na ekspresyon niya bago siya umalis,

Hindi ko na napigilan ang takot na namuo sa akin. Siya ay parang kasingsama lang ni Tyson. Hindi nga lang niya ipinapakita pa sa akin iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status