Linga dito. Linga doon.
Hagilap dito. Hagilap doon.
Naiwan si Ian, Marissa, Chyna, at Ira sa tila picnic spot namin malapit sa pampang. Karamihan sa amin, pares-pares na naglakad sa pali-paligid upang kumalap ng dagdag na pandingas sa bonfire.
Si Eloisa, Pete, Chadie at Max ang tumungo sa bandang hilaga na may mga halaman at mumunting mga puno. Sa bandang kaliwa sila Brix at Kat habang ang magpinsang sina Emong at Carey sa kanan patungo sa direksyon kung saan malapit ang may party at the beach.
Sa aming lahat, kami ni Jing-Jing ang unang nakaranas mabasa ng mga alon ang mga paa habang sumusubok na makakuha ng mga pandingas.
"Bhy, nakakatakot naman 'tong alon," pangamba ni Jing-Jing habang pasipa-sipa sa daloy ng tubig. "Parang hinihila niya paa ko papunta doon sa gitna...,"
"Wag ka mag-alala, kapit kita...malakas lang talaga ang hatak ng tubig pabalik kasi high tide na at matataas na alon...," panubok kong pagaanin ang takot niya habang nakaangkla sya sa braso ko.
"Siguro kasi dayo tayo...," pagbibigay palaisipan niya sa akin.
"Ano naman kunek no'n?," clueless ako.
"Kasi di ba ang sabi sa mga probinsya, mahilig daw mabiktima ng lunod ang mga dayo kasi hindi sila tagadon sa lugar o di sila kilala ng dagat...," salaysay niya.
"Ganoon ba 'yun?,"
"Siguro?," hindi naman siya sigurado pero feel ko magpaka-cheesy.
Huminto akong maglakad at binigay ko ang aking atensyon sa buhay na kalikasan at nagwika:
"Dagat, ako nga pala si Hardy... bagong salta dito sa bayan mo... alam mo, takot ako sa'yo kasi masyado kang malawak at baka anytime lamunin mo ako...," nakatingin lang na nakangiti sa akin ang katabi ko na hinawakan ko na ang kaliwang kamay.
"At pinapakilala ko naman sa'yo, ang mahal kong prinsesa... si Jing-Jing... hindi siya kasing-lawak tulad mo pero anytime pwede niya akong lamunin...," asar ngiting hinampas ako ng malayang kanang kamay niya na nasapo ng kaliwang palad ko at tuluyang kinupkop.
"Alam mo ba Dagat kung ano malawak sa kanya?," at tumitig ako sa bandang dibdib niya.
"Hoy, anong tinitignan mo?, " ngiting simangot niya.
Iniikot ko siya at sinandal sa likod ko sabay inilagay ko ang kanang kamay ko sa kaliwang suso niya. Napasimangot siya.
"Ang tanging malawak sa kanya... yung love niya sa akin na gusto ko tumbasan na kasing lawak mo, Dagat. (nangiti siya) Kaya ipamalita mo sa mga isda, pugita, starfish, seahorse, pating, balyena at sa kahit na ano pang nakatira sa'yo... na proud kami makilala ka at proud kami sa love namin...," sabay lumingon siya sa akin at humalik.
"Aylabyu, Bhy," titig ko sa mga mata niya.
"Aylabyumor, Bhy.... lamunin kita diyan eh," sabay tawa niya. "Halika na nga at naghahanap pa tayo ng masusunog..." masayang aya niya.
"Wait lang...," awat ko. Lumingon muli kami sa katawang-tubig.
"Dagat, nice meeting you," at itinaas ko ang kamay ko, tuon paharap nang isang wisik ng alon ang tumalsik sa mukha namin at kapwa kami napatawang pumikit.
"Oh ayan, nag-Hi Five na yung Dagat... Friends na kami...," patawa ko sa harap ng kaulayaw ko.
"Tara na nga, baliw mo...," tawa ng tawa habang hinihila ako.
"Wala ka ba sasabihin kay Dagat? Nag-Hi Five na nga sa mukha natin eh..," muli kong biro.
Patawang simangot na may matalim na tingin sa hangin ang iginanti niya bago luminga sa Dagat.
"Dagat, add mo kami sa FB ha... Bye!," at masaya kaming lumayo sa anyong tubig na waring nakikihalakhak sa amin.
Kung kami ni Jing-Jing ay loud and proud sa aming relasyon, mayroon namang lingid sa kaalaman ng nakararami.
"Kailan ba natin ibubulgar yung about sa atin? Ilang buwan na natin itong tinatago eh...," reaksyon ng pagkainip ng kasama naming istilong rapper ng bagong henerasyon.
"Brix, naiinggit ka lang siguro na nakikita mong sweet yung mga kasama nating partners... o baka naman naapektuhan ka pa sa bff ko," mapaghinalang bitaw ni Kat sa kausap.
"Bakit naman 'yan iniisip mo sa akin? Ex na nga di, ba? Saka happy na sila ng Kuya Hardy mo kaya dapat maging happy rin tayo na malaman nila tungkol sa atin...," pagtatanggol ng lalake sa side niya.
"Worried kasi ako sa sasabihin nila. Ex mo si Jing tapos bff ko pa... baka isipin after sa kanya, ako naman...,"
"So, isisikreto na lang natin 'to?"
"Pansamantala lang naman... habang hindi pa ko handang aminin sa kanila,"
"Sige kung 'yan gusto... pero nakailang monthsary na tayo... gusto ko naman maipagmalaki kita sa friends ko...,"
"Sige pagbalik natin sa Manila.... piliin mo yung friends mo na pwede mo na ako pakilala as your gf...,"
"Ok. Pwede na rin...,"
"Hindi buo ngiti mo ah, napilitan ka lang yata eh..," duda ng pinsan ko sabay haplos sa pisngi ng lihim na kalaguyo.
Walang ano-ano'y inundayan siya nito ng mabalasik na halik at mahigpit na yakap.
"Brix, ano ka ba? 'Wag dito... baka makita nila tayo...," salag ni Kat.
"Nasasabik na kasi ako sa'yo eh...,"
Tumingin sa paligid si Kat na simpleng may hinahanap.
"Ayun, doon tayo...medyo tago," turo ni Kat sa isang bukod tanging kubo sa di kalayuan.
Masayang hawak-kamay na nanakbo ang dalawa na patungo sa tinukoy ng babae.
Isa itong maliit na gawa sa kawayang cottage na istilong kubo. Napapaligiran ng upuang kawayan at mesa sa gitna.
Makailang saglit lang siniyasat nila ang paligid ng kubo at ang sapat na distansya nila sa mga kasama. Nang tingin nila'y ligtas na ang kinaroroonan, muling naglapat ang kanilang uhaw na mga labi.
Mainit ang eskrima ng kanilang mga dila at maliksing gumagalaw ang mga kamay ni Brix sa katawan ng babae.
Habang pabalik-balik sa labi at leeg ni Kat ang mga halik ng lalake, inilusot na nito ang kamay papasok sa likod ng sando ni Kat upang alisin ang pagkahook ng kanyang bra.
"Bilisan lang natin, baka hanapin nila tayo...," muling pag-aalala ni Kat.
Mas nagmadali si Kat sa pagkilos. Iniangat niya agad ang kanyang sando upang iluwa ang kanyang mga busog na dibdib at ibinaba ng sabay ang kanyang short at panloob.
Hindi nagpadaig si Brix at ibinaba rin agad ang kanyang shorts at trunks at ubod pagmamadaling isinilid si Manoy sa hukay ni Kat. Hindi niya rin matiis na hindi lamugin ang dibdib ng kaniig.
Ang pananabik ay sadyang ubod baon at ang ungol ni Kat ay ubod sarap na nagpapagana pa lalo kay Brix upang bilisan ang bayo habang nakabukang nakaupo si babae sa mesa at natayo siyang bumabanat.
"Malapit na ako...,"
" Sa labas mo iputok!," bilin ni Kat nang saglit lamang ay hinugot na ni lalake at isinaboy sa paligid ang kanyang katas.
Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal
Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag
Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a
Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw
Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning
Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan