Home / All / BAGAC / Chapter 18

Share

Chapter 18

Author: ArLaSan
last update Last Updated: 2021-02-08 10:51:40

"Kat, dilaan mo para luminis...," munting pasuyo ni Brix sa babae nang hindi niya alam paano lilinisin ang nagkalat na katas sa kanyang pag-aari at kamay.

"Ewww... ayoko nga, mamaya maamoy pa 'yan sa bibig ko...," asiwang tanggi ni Kat na palingon-lingon pa ring nagbibihis.

Natawa si Kat sa reaksyon ng mukha ni Brix sa pagkatuliro kung paano lilinisin ang sarili.

Tumindig siya sa pagkakaupo sa mesa at hinugot ang isang panyo sa kanyang likurang bulsa.

"O, eto na lang ipunas mo tapos itapon mo na...," pag-aabot ni Kat ng panyo sa kasintahan.

Nangiti at nakaluwag sa pag-aalala si Brix nang kuhain niya ang iniabot ng babae. Daglit niya itong ipinunas sa mga pagitan ng kanyang mga daliri at sa kanyang pang-ibabang ulo. Nang pakiramdam niya'y malinis na ang mga ito, humagilap siya ng pagsisiliran ng pamunas.

Ilang tahol ng aso ang nagpakaba sa dalawa at agad nilang nilisan ang kubo dahil sa takot.

Bago makalapit sa kanilang Bonfire area, naghugas ng maigi ng kamay si Brix sa pampang upang maalis ang tuyong lagkit na pakiramdam sa mga ito.

Ang tanging bitbit nila pabalik ay ilang bahagi ng punit na karton na noong una'y nasalubong na nila papunta sa kubo.

Samantala, sa bandang kinaroroonan nina Eloisa, Pete, Chadie, at Max, sagana ang kanilang mga kamay sa nadampot na mga putol na sanga at iba't ibang bagay na nagkalat sa halamanan.

"Love, baka kasya sa'yo 'to...," pag-aabot ni Pete ng napulot na bra sa kanyang kabiyak.

"Ayyy ano ba 'yang pinagdadampot mo?," diring mukha ni Eloisa sa partner na tawa ng tawa. "Saka excuse me, maliit 'yan...parang knee pad ko lang 'yan," patuloy ni Eloisa na nakisakay sa pagbibiro ni Pete.

"Buy 1, Take Two yata, Eloi...eto pa oh!," pakikisali ni Max sa kulitan ng magjowa habang iwinawagwag ang dalawa pang magkaibang sukat na bra.

"Ayan, may pang-elbow pad at pangcover na ako sa mata ko," mahalakhak na pakikipagbiruan ni Eloisa.

"Baka gusto mo rin ng mga ito?," pag-alok ni Chadie sa mga bagay na nakasabit sa itinaas niyang mga sanga.

"Aba, kumpleto ahhh, may bra, may panty, may palda pa... baka mamaya babae na 'yung madampot n'yo diyan ha...," tuloy na pagbiro ni Eloisa.

Hindi magkamayaw sa malakas na tawanan ang magkakaibigan habang punong puno ang kanilang mga palad sa maaaring magamit para apuyan.

Sa di kalayuan, mula sa dinaanan nilang bahagi kung saan may kasiyahan, pinipigil ni Carey ang pinsan sa tuksong nararamdaman nito.

"Kuya Emong, baka hanapin nila tayo doon... bilisan na natin makabalik...," aya ni Carey habang hila ang kanang braso ng pinsan.

"Konting inom lang naman at makikiparty lang tayo saglit...," ganting udyok din ni Emong.

"Bawal pa ako diyan, Kuya... menor de edad pa ako...,"

"Oo nga pala... sige hintayin mo lang ako dito... isang bote lang... maghanap-hanap ka lang ng madadala natin doon pabalik..., hindi pagpapaawat ni Emong na pinakawalan rin ni Carey.

Tuluyang pumasok si Emong sa loob ng tila isang bar sa gitna ng dalampasigan habang naiwan si Carey na nag-aala tsamba sa mapupulot.

Kung tutuusin ay hindi na niya kailangan pa ang flashlight dahil maliwanag naman ang mga bituin ng kalawakan ngunit sadyang malabo ang mga mata ni Carey sa dilim.

Sa pagpapaikot niya ng liwanag ng flashlight sa bahagi ng buhangin, isang bagay ang pumukaw ng kanyang atensyon. Nilapitan niya ito at dinampot.

"Bakit may sapatos ng bata dito?," tanong niya mula sa isip.

Tangan ang napulot na pambatang sapin pang-paa, inilibot niyang muli ang sinag ng flashlight at nakasipat pa siya ng isang malaking sako. Ilan pang hakbang ay natuwa naman siya sa naglipanang mga kahoy na para bang mga panggatong na.

Dinampot niya ito isa-isa at pinagsama-sama sa hila-hilang sako. Habang tumatagal siya sa pangongolekta ng mga kahoy, pakiramdam niya'y lalo itong dumadami at nagulat na lamang siya nang makita niya ang pinsang si Emong na nagsasayaw mag-isa.

Labis ang galak ni Emong sa mga bagong nakilala ngunit napahinto siya sa pagsasayaw nang karamihan sa naroroon ay lumingon sa isang teenager na unti-unting binabaklas ang ilang bahagi ng dingding. Kilala niya ito kaya sa hiya ay nagpaalam siya sa mga kasayawan.

Nakatulala na sa kanya ang teenager nang lapitan niya ito. Itinayo niya ito at inilayo sa lugar na iyon na hila-hila rin ang sako.

"Ano ka ba, Carey? Nakakahiya yung ginawa mo...," galit na tuon ni Emong sa pinsan.

Nakatingin pa rin ito sa kanya na puno ng pagtataka.

"Pero Kuya Emong....," kibot ni Carey na pinutol ng pinsang sapilitan siyang hila.

"Masyado ka namang hapit... pati haligi ng bar binaklas mo makakuha lang ng pang-bonfire natin... nakakahiya tuloy sa mga tao doon...," punong inis na sermon ni Emong sa kasama.

Hindi naalis ang palaisipang namasdan ni Carey sa pinsan niya kahit pa nakabalik na sila sa piling ng kanilang grupo. Sadyang puno ng katanungan ang kanyang isip lalo na sa mga winika ni Emong habang tinatahak nila ang puwesto ng tropa nila.

Namamapak na ng ilang tsitsirya ang mga dinatnan nila sa Bonfire area nang sila'y makadatal rito.

Nakakumpol sa isang bahagi malapit sa siga ang lahat ng mga nakolekta nilang pandingas.

Malaking bagay ang init na idinudulot ng apoy sa lamig ng gabing iyon.

"Mag-alkohol muna kayo ng kamay bago kayo kumain," pagsalubong ko kay Carey at Emong.

Napuna ko ang simangot ni Emong kaya kinalabit ko pasikreto si Carey:

"Bakit nakasimangot 'yun?"

"Hindi ko rin alam Kuya Hardy bakit nainis sa akin si Kuya Emong eh...,"

"Ahh sige kumain na kayo doon... humingi ka ng barbecue dun sa iniihaw ni Ate Jing-Jing mo...," patuloy kong instruksyon kay Carey.

"Sige po, Kuya... thank you." panapos ni Carey bago kinuha ang alcohol at lumapit sa dilag ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BAGAC   Chapter 107

    Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal

  • BAGAC   Chapter 106

    Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag

  • BAGAC   Chapter 105

    Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a

  • BAGAC   Chapter 104

    Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw

  • BAGAC   Chapter 103

    Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning

  • BAGAC   Chapter 102

    Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status