Hindi ko alam kung tamang ideya ba na mahiwa-hiwalay kami sa pagkakataong ito. Subalit isa lang ang mahalaga sa ngayon : ang makaalis kami sa tumok na kinaroroonan ng linggatong namin.
"Marissa, okey lang ba na mauna ka na muna at kung sino pwede mong isabay?," mungkahi ni Ian.
Pabor ako sa sinabing ito ni Ian. Sa tingin ko bilang lalake na nag-aalala sa kapakanan ng mga kasama naming babae, ito ang prayoridad namin ngayon.
Hindi namin kabisado ang utak ng mga kalalakihan sa paligid ni Marissa ngunit alam naming mapapangalagaan ni Marissa ang sinumang makakasabay nito.
"Mang Lindo, ilan po ang kayang isakay sa traysikel n'yo?," urirat ko rito upang mapag-aralan ang paghahati-hati sa grupo.
"Eh mga nasa apat hanggang lima naman ang kasya, iho...," sagot ni Mang Lindo na halos kuba na sa tindig.
Umisip ako pansamantala.
"Marissa, pasabay na lang sa'yo sina Chyna at Ira pati si Emong...," pakisuyo ko.
"Carey, tutal maliit ka...baka pwede ka pa makasabay sa kanila para madami agad makaalis...," pagbaling ko sa pinsan ko na nakaupo pa sa loob ng van.
"Hala kuya...ayoko magstay pa ng matagal doon, natatakot ako...," reklamo ni Carey.
Sumenyas ako sa kanyang takpan ang bibig kaya napigil niyang ituloy ang kanyang sinasabi.
"Isimple mong sabihin kay Marissa na sa labas muna kayo at 'wag muna kayo iwan hangga't hindi pa dumarating 'yung kasunod n'yo. Basta maging alerto kayo ha...," bulong ko sa kanya.
Takot man, at waring maiiyak sa suwestyon ko. Nagtiwala siya sa plano.
"Kuya, bilisan n'yo ha...," pahabol pa nito.
Tumango ako bilang pagtugon.
"Sige, tara na...," aya ni Marissa sa kanila.
Backride si Emong at si Marissa na katabi si Mang Lindo. Si Ira at Chyna sa kumportableng upuan sa loob at si Carey naman ang sa gilid na nakatalikod sa pwesto ng driver. Ang mga bagahe naman ay kapit ng nasa loob at ang ilan ay nasa tuktok ng traysikel.
"Ingat kayo, Mang Lindo ha...salamat po," bilin ni Ian bago umarangkada ito paalis.
Nasa labas na ng van ang lahat nang makaalis ang traysikel. Ipinaurong nila Mang Salde ang sasakyan upang madaling mabunot ang tumusok ditong pain.
Iisa ang reserbang gulong kaya mas matatagalan ito dahil malayo ang talyeran sa lugar na iyon.
Habang naghihintay, nagpupulong kami sa kung sino ang magsasama-sama sa pagbalik ng traysikel.
Makalipas ang isang oras nang makabalik na si Mang Lindo na may kasabay na isa pang traysikel.
"Kuya Bobby, pakigamit po itong pera panggastos sa remedyo ng gulong," iniabot kong tuping pera sa aming driver.
Tumango-tango lang ito habang may simpleng ngiti.
" 'Tay, pasensiya na kayo sa abala ha...maraming salamat po...," hiyang salita naman ni Ian kay Mang Salde.
"Walang problema, mag-ingat kayo ha...susunod na lamang kami pagkatapos rito..," mabuting ngiti nito sa amin.
Sa traysikel ni Mang Lindo kami nagbackride ni Pete habang sa loob si Eloisa at Jing-Jing.
Sa kabilang trike naman sina Kat at Chadie habang backride si Brix at Ian.
Habang nasa byahe, hindi napigilang pasimpleng magbukas-palagay si Pete:
"May kababalaghang nangyayari, ano? Ramdam mo rin ba?,"
"Oo...naguguluhan ako. Noong una panahinip lang pero ngayon parang unti-unti nangyayari... be alert lang talaga...," salit ko.
Sa loob ng mahigit sa tatlumpung minuto ay narating na namin ang bahay ni Marissa. Nakahinga rin kami ng naluwag nang makitang ligtas na nag-aabang sa balkonahe ang mga naunang lumisan kanina sa grupo. Tingin ko, ganoon rin sila nang makita kami.
Ang aming pagdating ang naging hudyat kay Marissa upang pumasok na ng bahay niya at kumuha ng mga kailangang gamit. Sinundan naman siya ni Ian, Brix, at Emong.
May ilang dumadaan na kapitbahay na palabati at meron din namang ilag.
Ilang sandali pa ay may kanya-kanya ng bitbit ang mga galing sa loob ng bahay. Ilang kumot, water jug, at flashlights. Iniwan din muna ang ilang malalaking bag.
Dahil malamig na ang hangin, halos lahat ay nakasuot na ng jacket bago pa kami lumarga.
At ngayong handa na, nagsimula na kami maglakad sa mga eskinitang pagitan ng mga bahay-bahay patungo sa dalampasigan.
Sa kasamaang palad, hindi na namin inabot ang magandang paglubog ng araw.
Sa isang bahagi malapit sa pampang ay tila may magarbong selebrasyon na may mga pailaw at modernong tugtugang pangsayawan. Maraming tao ang nagkakasiyahan rito ngunit hindi ito ang hanap namin kaya lumayo kami sa ingay na iyon.
Makailang hakbang pa ay nagdesisyon na si Marissa na sa isang espasyo na kami humimpil. Malayo sa mga residente at sa mga nagkakasiyahan. Tanging ang hampas ng alon at malamig na ihip ng hangin lamang ang aming naririnig.
Nag-umpisang ilatag na ng mga babae ang tatlong malaking sapin at pinandagan ang ilang bag na dala upang di ito tangayin ng hangin.
Nagsimula naman ang mga kalalakihan sa paghahagilap ng mga maaaring liyaban para sa planong bonfire.
Kung tutuusin, nakakaawa ang estado ng tabing-dagat na ito. Maganda sana ang buhangin ngunit marami ang lapastangan sa kalikasan. Maraming kalat ang iniwan ng mga eskarsyunista.
Hindi kaaya-ayang makita ang ilang basura sa pampang na ito (gaya ng mga supot ng tsitsirya, karton, bote ng mga energy drink at mineral water, at maging mga lata) kaya kinolekta namin ito para maisama na rin sa susunugin mamaya sa apoy.
Isa lang ang nasa isip ko : nakakahiya tayo na binigyan tayo ng biyaya ngunit hindi natin ito pinahahalagahan kahit na napakalaki ng pakinabang natin dito.
Sa ilang putol na sanga at kalat na aming nakolekta, nagsimula na si Ian na pagdingasin ito gamit ang dalang lighter. Sa una'y pahirapan sindihan dahil sa malakas na hangin ngunit matapos ang mahigit apat-na-pu't limang minuto, sa wakas, nakalikha rin kami ng apoy. Ngunit mukhang hindi sasapat ang mga nakuha naming susunugin upang magliyab magdamag ang aming bonfire.
Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal
Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag
Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a
Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw
Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning
Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan