Hindi mawawaan ang oras sa paiba't ibang hitsura ng kalangitan habang nasa byahe kami. Waring naglalaban ang kabutihan at kasamaan sa pagpapalit ng liwanag at dilim.
Tanging taimtim na dasal lamang ang nauusal ng mga kasama naming babae habang ang pagkaalerto sa paligid ay hindi bumibitaw sa aming mga lalake.
Sa isip-isip ni Brix, ito ang kauna-unahang beses na nagmaneho siya na dinaig pa ang drag racing dahil na rin sa takot. Hindi niya rin akalain na magiging kakaiba ang outing na ito at ilang oras niyang maimamaneho ang naturang van.
Ngunit hindi siya nagdalawang isip na umupo sa driver's seat nang piliin siya ng pagkakataon.
Ang buong byaheng iyon ay nakakapagal ngunit nakahinga ng maluwag ang bawat isa nang masilayan na nila ang mga kinasanayang ilaw pangkalye at mas sementadong daan. Ang kapanatagan ng loob ay namayani sa kanilang kalooban nang pamilyar na ang lugar na kanilang tinatahak.
"Brix, pakidiretso sa bahay para mailapit kay Tatay ang lag
Ang buong paligid ng silid ni Tito Ato ay pawang lugar para sa herbal medicines, nakabote man o nakasalansan sa patong patong na bilao. Umiikot lamang ang amoy rito ng mga tuyong dahon, ugat ng puno, kandila, at langis na panggamot (yung mga tipong langis na pinakuluan at sinasabing nakagagaling kapag ginawa mo sa mismong araw ng Huwebes o Biyernes Santo).Tanging ang dilaw na bombilya ang liwanag ng kwarto. Kung pakaiisipin, para kaming nasa eksena na may pinaaaming kriminal ang isang pulis dahil sa ilaw na iyon. Nakasabit ngunit umuugoy rin sa kaunting hangin.Wala kung anumang appliances na mapupuna sa paligid nito. Sa isang bahagi naman, sa gilid ng pinto ay nakahilera ang mga hinahasa niyang mga patalim na lubhang mapanganib kaya ipinuwesto niya ito sa likod ng pintuan.Sinuman ay hindi makapagsasabing albularyo si Tito Ato base sa kanyang tindig at hindi rin naman namin siya natignan sa ganitong imahe mula noon. Nagsimula lamang ang kanyang mga ganitong gawai
"Nasaan na ako?," unang mga salita ni Kuya Bobby na puno ng takot nang muli siya magmulat sa kanyang mortal na katawan."Ligtas na po kayo...," pakalmang hirit ni Max sa matanda na pinigilan niyang bumangon." 'Wag na po kayo mag-alala, magpahinga lang po muna kayo...," habol na bilin ni Emong na katabi ni Max sa gilid ng mattress na hinihigaan nito.Kampante na sila. Sa hatid ng pagpapala, nakaligtas ang aming driver sa balak na pagkuha ng kanyang buhay kapalit sa pagiging mortal ng isang engkanto.Nagkakape na kami nang dumating si Ian sakay ang minanehong van. Sa sitwasyong dinatnan niya, alam niya na okey na si Kuya Bobby."Mabuti naman at nakabalik na si Kuya Bobby...," bungad ni Ian sa amin."Oo pero sabi ni Tito Ato, magstay muna si Kuya Bobby dito ngayong gabi para malaman kung talagang hindi na siya babalikan nung nagtangkang sumanib sa kanya...," animo ni Emong."Nawala ang cellphone ni Kuya Bobby kasama ng mga suot niya," sabi ni
Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit paulit-ulit ang mga bangungot na nangyayari sa akin.May nangyari ng kababalaghan sa amin ngunit naroon pa rin ang masasamang panaginip na iyon. Naiintriga ako sa nais iparating nito sa akin. Napapatanong ako sa sarili, babala ba ito o hindi pa rin malimot ng utak ko ang trahedyang muntik kumuha sa buhay ng aming driver.Habang lutang ang aking utak sa tulirong pagtitimbang ng mga bagay-bagay, lumabas na ng banyo ang aking kasintahan.Sa saglit na pagpaling ng mata ko sa kanya, nalimutan ko na lahat ng pag-aalala.Mula noon hanggang ngayon, hindi siya pumapalya sa pagbighani ng aking mga mata. Taglay niya iyong ganda na mas maganda kapag simple lang. Kapag walang make up at napakasimpleng pananamit lamang.Nakadamit pantulog na siya. Isang cotton duster na may paborito niyang cartoon character.Sa di niya sinasadyang momento, inalis niya ang balunbon na tuwalya sa kanyang ulunan sa tapat ng isang lampara sa
Hindi na namin nakuha pang muling magsaplot ni Jing-Jing matapos ang aming pagniniig. Tanging ang init lamang ng aking katawan ang kumumot sa kanyang hubad na karikitan.Nakaramdam ako ng ngalay sa kaliwang brasong kanyang nadadaganan kaya mabigat man ang pakiramdam dala ng pagod, gumising ako.Marahan kong hinila ang aking braso at dahan-dahang bumangon para makapagbanyo. Habang jumi-jingle, sa isip-isip ko, ngayon lang ako nakatulog ng hubad sa tanang buhay ko. Nilalamig man, naglinis muli ako ng katawan upang mas maging presko ang pakiramdam.Nang lumabas ako ng banyo, naroon pa sa aking kama ang diwata ng aking pag-ibig.Pa-sideview ang higa nito at nakataas ang kanyang kanang paa. Sa posisyon niyang iyon at sa liwanag ng ilaw ng aking kwarto, malinaw na kumikinang ang aking paningin sa malaya niyang hiyas.Ang kuryente ng pagnanasa ay kumaripas sa aking mga ugat patungo sa nagsusumikip kong tiyan at nagsisimulang mangalit na armas.Ngayon lan
"Tigilan mo na ako!!!," naisigaw ko nang mapabalikwas sa muling masamang panaginip.Naalimpungatan sa pagkagulat si Jing-Jing. Napatilapon paalis sa aking dibdib ang kanyang ulo sa bigla kong pagbangon.Kahit nasaktan siya sa pagkatulak ng mukha niya, (dahil obvious naman na hawak niya ang kanang tainga at pinsngi niya) ako pa rin ang una nyang inalala:"Ano'ng nangyari, Bhy? Okey ka lang?,"Marahan kong hinabol ang hangin at buntong hininga kasama ang hilakbot na dulot ng panaginip ko bago ako nakakibot sa kanya. Ginagap ko ang tingin ko sa natabig ko sa mukha niya:"Sorry Bhy, binangungot na naman ako.,""Hindi na maganda 'yan na lagi ka binabangungot... buti kusa ka nagising ngayon...," may mukhang pagkaawa ang titig niya sa akin.Pinapahupa ko pa ang aking paghinga at pakalma pa lang kami sa pagkabalikwas nang mag-ring ang aking phone mula sa malapit na mesa.Dinukwang ko ito at sinuri kung sino ang tumatawag."Si Kat? Bakit
Alas kuatro pasado ng umaga. Nahihimlay pa ang araw at may kaunting kalamigan pa. Sa aming lugar, may mangilan-ngilan na tulog ngunit marami na ang nabulabog at sila'y nasa harap at paligid ng aming tahanan.Hindi ko akalain na kahit pagod pa at kulang sa tulog, naroon na ang ilan sa aming mga kasama.Hindi naman nakapagtataka na naroon agad ang aking mga pininsan dahil walking distance lang naman talaga ang agwat nila sa aming lokasyon.Subalit ang presensiya ni Kuya Bobby at Pete ang siyang kumudlit ng pitak sa aking puso. Naroon agad ang hindi nabosesan na pasasalamat na taos mula sa aking puso.Ang ganoong paghahayag ng utang na loob ay hindi pa mahalaga sa ngayon dahil ang kabulabugan ay nakasalang pa sa aming harapan.Isang hindi matatawarang lakas ang kasalukuyang sumasakal sa pinakapuno ng lalagukan ni Ian. At kahit naroon na si Tito Ato, si Pete, si Kuya Bobby, si Emong, Max, at ang aking ama na si Tatay Bong, hindi naging madali sa kanila ang
Nagbigay ng agwat ang bawat isa malayo kay Chadie. Maging ang mga nag-uusyoso na kamg-anak namin ay nag-abang sa ikukuwento nito. Malaya itong nakaupo sa gitna ng lahat at nagsimulang magsalaysay:"Magkapatid kami ni Ate Brigette. Naimbita kami ng kaibigan naming si Melissa na pansamantala na magbakasyon sa Bagac para malibang rin si Ate sa pang-iiwan ng lalakeng nakabuntis sa kanya.Isang gabi, habang natutulog na kami, nabulahaw kami sa sigaw ni Ate Brigette. Kinumbulsyon ang anak niya.Malapit ang bahay ni Melissa sa dalampasigan. Malayo ang palabas at sakayan papunta sa bayan kaya naglakad pa kami.Sa kasamaang palad, may nadaanan kaming grupo ng mga kalalakihan na nag-iinuman at napagdiskitahan kami.Kinuha nila ang baby ni Ate. Hindi namin alam saan nila dinala... kasi.... kasi kinaladkad na kami sa kakahuyan kung saan.... binaboy nila kami!Wala kaming nagawa kasi marami sila. Maraming suntok ang natamo ko at kitang kita ko ginawa nila kay
"HA HA HA HA HA HA HA HA HA!!!!," nagsimula na naman may pumaloob sa katawan ni Chadie.Sa saglit na magsimula pa lamang ang pagtawa, hindi na nag-alangan pa ang mga kalalakihan na lumapit rito at magkanya-kanya ng kapit bago pa man ito makagalaw ng marahas.Kahit hindi pa sila tumitigil sa pagtangis, marahan inilayo ni Tatay Bong si Nanay Belsa upang hindi masaktan sa kung anuman ang maaaring magawa ng sumapi."Iba na naman ang sumanib sa kanya...," matalim na paninimbang ng mga mata ni Pete."Nararamdaman ko na ulit ang hangin at paghinga ko...," masayang maluha-luhang banggit ng nasa katawan ng kapatid ko.Sa mga oras na iyon, ninanamnam ng sumanib ang muling makabalik sa isang katawang lupa."Hindi sa'yo katawan 'yan... pabalikin mo ang may-ari nyan...," sigaw ni Kuya Bobby.Sa pakiwari ko, si Kuya Bobby na siya naming driver ang malaki ang sama ng loob sa mga sumasaping iyon. Marahil naranasan niya rin yung hirap ni Chadie na wala ka sa