Share

Chapter 32

Ang buong paligid ng silid ni Tito Ato ay pawang lugar para sa herbal medicines, nakabote man o nakasalansan sa patong patong na bilao. Umiikot lamang ang amoy rito ng mga tuyong dahon, ugat ng puno, kandila, at langis na panggamot (yung mga tipong langis na pinakuluan at sinasabing nakagagaling kapag ginawa mo sa mismong araw ng Huwebes o Biyernes Santo).

Tanging ang dilaw na bombilya ang liwanag ng kwarto. Kung pakaiisipin, para kaming nasa eksena na may pinaaaming kriminal ang isang pulis dahil sa ilaw na iyon. Nakasabit ngunit umuugoy rin sa kaunting hangin.

Wala kung anumang appliances na mapupuna sa paligid nito. Sa isang bahagi naman, sa gilid ng pinto ay nakahilera ang mga hinahasa niyang mga patalim na lubhang mapanganib kaya ipinuwesto niya ito sa likod ng pintuan.

Sinuman ay hindi makapagsasabing albularyo si Tito Ato base sa kanyang tindig at hindi rin naman namin siya natignan sa ganitong imahe mula noon. Nagsimula lamang ang kanyang mga ganitong gawai

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status