Bagaman sementado ang kalsada sa harap ng bahay nila Marissa, hindi ito gaanong daanin ng malalaking mga sasakyan maliban sa ilang traysikel at habal-habal. Dahilan ito upang hindi mag-alangan si Kuya Bobby na igarahe ang van sa mismong bungad ng tahanan ng aming tinutuluyan.
Pumwesto si Kuya Bobby gitna at si Brix sa bandang dulo ng van upang maayos silang makahiga. Sarado ang mga pinto nito maliban sa bintana nito sa pagitan ng dalawang natutulog na nakaharap tumbok sa bahay nila Marissa. Pumapasok naman ang malamig na hangin kaya hindi na pinili ng dalawa na mag-aircon at panatilihing patay ang makina ng sasakyan. Ang tanging ilaw nila ay ang poste malapit sa bahay at ang mga maningning na bituin sa tahimik na gabi.
Binasag ang payapang gabi na iyon ng paulit-ulit na umaalingawngaw na tahol ng isang aso. Nabulabog sa pagkakahimbing si Brix at pakamot ulong naupo mula sa pagkakahiga. Nang malinawan ang kanyang paningin sa pagmulat, tumambad sa kanya ang nakaupo na si Kuya Bobby na nasa driver seat na at nakatitig mula sa malayo.
"Nagising ka rin ba kuya sa tahol ng aso?," bating puna ni Brix sa nakatalikod sa kanyang direksyon na driver.
Hindi siya nito nilingon ngunit maayos namang nagwika:
"Oo, napakaingay niya pero hindi niya maaagaw itong minamaneho ko...,"
Napakunot noo si Brix sa tinuran ni driver at nanatiling napapakamot sa kanyang ulo.
"Anong ibig n'yong sabihin, Kuya?", pag-ulit niya sabay liban sa likod at marahang lumapit kay Kuya. Pansin niyang titig na titig sa labas ang driver kaya hinanap niya ang kung anumang sinisipat nito mula sa labas.
"Nandiyan lang siya...'wag kang lalabas ng sasakyan at baka mangagat,"paalala ng matanda sa kanya.
Hinahagilap pa lamang ng mata ni Brix ang tinutukoy sa kanya nito nang ikasa ni Kuya Bobby ang susi at buksan ang makina ng van. Kapag daka'y inilawan niya ang asong nakatayo di kalayuan sa kanilang kinalalagyan.
"Ang laking aso 'yan kuya ha," naibulalas ni Brix sa kausap.
Muling tumahol ang aso. Waring galit na nakapinid ang tingin sa kanila. Palakad-lakad ito at tanging umaangil na tahol ang ibinibigay nito sa dalawa. Sa ilang sandali pa, lumikha ito ng munting mga hakbang patungo sa kanila. Walang takot na naramdaman si Brix dahil tiwala siyang hindi sila maaano hangga't nasa loob sila ng van. Ilang hakbang na lang bago ito makalapit sa mismong bumper ng sasakyan nang mawala ito sa kanilang paningin. Natahimik panumandali ang paligid.
Napagitla na lamang si Brix nang sumulpot sa gilid ng driver ang nanggagalaiting aso. Sa laki nito ay nakaya nitong abutin ang salamin sa driver's seat. Mabuti na lamang at sarado ito. Nanatiling hindi natitinag sa puwesto niya si Kuya Bobby at hinayaan lang magtatahol sa galit ang naturang hayop.
"Pesteng aso ka...ginulat mo ako...," sambit ni Brix na hawak ang dibdib sa pagkagulat. Tila ba sa pagkilos na iyon ni Brix na muntikan pang mauntog sa kanyang nasa uluhan, napuna siya ng aso at bumaling sa kanyang direksyon.
Tumigil itong tumahol. Sa halip, tumitig ito kay Brix at parang umiiyak sa pag-alulong ng ilang ulit.
Mula sa likuran, ilang ilaw ang pumuntirya sa mismong aso. Para bagang nakaramdam ng takot ang aso nang masilaw sa liwanag at umusbong ang ingay mula sa isang traysikel at bumubugaw na sigaw ng tatlong tanod na lulan nito.
Sa gawing iyon ay naitaboy nila palayo ang hayop ngunit sa kalagitnaan ng eksenang iyon ay umagaw ng pansin kay Brix ang mistulang anino ng naturang aso habang nakatapat ang sinag ng mga flashlight ng mga tanod.
"Pasalamat tayo at dumating ang mga tanod, kung hindi ay baka galusan niya pa ang sasakyan ko.," buntong hininga ni Kuya Bobby. " Matulog na tayo ulit," anyaya muli ng driver kaya bumalik na si Brix sa kanyang pwesto sa pagtulog.
"Sige po kuya, matulog na rin po kayo para makapagpahinga pa....," balik alala niya sa driver at muli sumubok na umidlip. Ngunit sa likod ng kanyang isip ay hindi mawala ang hulma ng anino na kanyang nahagip sa pagtakbo ng aso. Hindi ito isang aso. Malayong malayo sa pagiging aso ang anino nito.
Samantala, sa sala sa loob ng bahay, nagising si Ian na ubod ginaw ang pakiramdam. Bukod kasi sa pumapasok na hangin mula sa siwang ng mga bintana at pinto, tumatagos rin sa kanilang banig ang lamig mula sa sahig.
Kinapa-kapa niya kung saan na ang nalislis na kumot nila hanggang sa aksidenteng napadpad ang kanyang kamay sa dibdib ng kanyang kaulayaw. Walang suot na bra si Marissa kundi isang makapal na kamiseta. Nawili si Ian sa paghaplos na iyon hanggang sa umungol na ang katabi.
Mula sa kanyang kamay ay tumakbo ang kuryente sa kanyang katawan hanggang sa kanyang pagkalalaki. Dumilat na siya nang lubusan, hinatak ang nasa bandang tuhod nilang kumot pataas at saka umibabaw kay Marissa. Sa gigil niya ay mabilisan niyang itinaas ang tshirt ng pinatungan at tumambad ang mala-hugis niyog nitong dibdib. Walang anu-ano'y namahay ang dila at nguso ni Ian sa tuktok ng munting bundok at nagmistulang sanggol sa pagsipsip nito.
Kidlat na kumalat ang init sa katawan ni Marissa kaya't pasimpleng ibinaba ng kanyang mga kamay ang suot na shorts at panloob. Gayundin ang ginawa ng isang kamay ni Ian habang nakagabay ang kanyang kanang palad sa palitang hinihigupan at dinidilaan.
Napapaliyad na sa sarap si Marissa nang may daglit na dumaan sa kanyang paningin. Hindi rin iyon nakaalpas kay Ian kaya kapwa sila napatigil.
"Ano 'yun?," pag-aalam ni Ian habang nakapatong pa rin sa kasiping.
Agad ibinaba ni Marissa ang kamiseta upang takpan ang kanyang dibdib at muling isinuot ang kanyang underwear at shorts.
"Itigil natin 'to...may nasa paligid...," atas ni Marissa sabay pwesto ng pag-upo sa banig. Nakiramdam pa siyang muli habang ibinalik rin ni Ian ang suot niyang trunks.
"Lagi bang ganyan na may umaaligid dito kapag gabi?," muling usal ng tanong ni Ian na sinenyasan ng katabi sa nguso na manahimik.
Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal
Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag
Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a
Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw
Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning
Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan