"Ate...Ate...," pangungulit na kalabit ni Carey sa kanyang kabaligtaran katabi.
"Ano 'yun?," pikit pa rin ngunit ubod simangot na mukha ni Kat.
"Nadudumi ako...samahan mo ako sa cr...," may takot na pakiusap ni Carey.
"Ano ba 'yan, Carey? Ang lapit lang ng cr papasama ka pa...inistorbo mo pa tulog ko...," reklamo ni Kat sabay balik sa mas kumportableng paghiga.
Masakit na ang tiyan ni Carey kaya natatakot man ay bumangon siya at dumirekta sa banyo. Agad niyang itinaas ang takip ng bowl at naupo roon upang ilikas ang tawag ng kalikasan.
Labis ang kanyang pagtataka nang ibaba niya ang kanyang pyjama. Nasaan ang kanyang underwear?
Pilit niyang iniisip kung nakapagsuot ba siya nito o hindi ngunit hindi niya lubos na mapagtanto ang posibilidad na nakaligtaan niya iyong isuot.
Habang siya'y nasa trono, makailang beses siyang nakarinig ng langitngit ng kama at kung anong mumunting ingay ng gamit sa kanilang kwarto. Wari niya, may gising na sa kanila marahil. Pagtingin niya sa suot niyang relo, alas tres pa lamang pala ng madaling araw.
"Bakit parang ang gulo nila sa kwarto?," paulit-ulit na nababanggit ni Carey sa sarili. Ilang sandali pa, natapos na siyang magbawas at humakbang na pabalik sa kanilang silid tulugan.
Pagluwal niya mula sa banyo ay nasilaw siya sa bukas na bombilya na kanina lamang ay lampara ang munti nilang liwanag. Nais man niyang ipatay ang ilaw, naisip niyang baka may sadyang nagbukas nito at baka magalit pa kung ipapatay niyang muli.
"Kita mo 'tong mga ito...bubuksan ang ilaw tapos mga magtatalukbong...silaw kayo, ano?...," banggit sa sarili ni Carey nang mapuna niyang nakakumot na takip pati mukha ng kanyang mga kasama.
Subalit nang iangat niya ang kumot upang sumiksik sa kabaligtaran niyang kapatid, napangiwi siya nang makita niyang walang suot pang-itaas ang kanyang Ate. Inunti niya pang ibaba ang tela hanggang sa lalo siya nagtaka bakit hubo't hubad ang kanyang Ate Kat.
Puno ng katanungan ang kanyang isip nang gumalaw si Eloisa patagilid at dumulas ang kumot na tumatakip sa katawan nito at sa kabaligtarang si Jing-Jing. Kapwa wala rin itong kahit anong saplot.
"Init na init ba mga babaitang ito?," nasa sa isip niya saka muling kinalabit para gisingin ang kanyang Ate.
"Ate, gising...,"
"Ano na naman?," saradong talukab pa rin tugon ni Kat.
"Nagti-trip ba kayo, Ate? Bakit mga nakahubad kayo?," simangot na puna ni Carey na inaalog pa rin ang kapatid.
Waring nagambala si Chyna sa pag-uga ng kama bunga ng panggigising ni Carey kay Kat kaya bumangon siya at ramdam niya ang ginaw. Pupungas pungas pa si Chyna nang maramdaman niyang nababangga niya ng direkta ang kanyang kaliwang suso habang nagkakamot.
"Aaaaaaaahhhhhhh!!!!!!," tili ni Chyna na bumulabog sa lahat ng natutulog sa bahay.
Nagkabiglaan din lahat ng babae sa kwartong iyon nang makita nilang mga nakahubad sila maliban kay Carey. Kanya-kanya silang hablot ng itatakip sa kanilang mga katawan dahil di nila alam kung saan napunta ang kanilang mga suot.
Nataranta ang mga lalaki sa kabilang kwarto at mga nagmamadaling lumabas upang alamin ang nagyayari.
Sa sala, hinatak rin ni Marissa ang kumot upang itakip sa kanya at napasuot na rin agad si Ian ng kanyang short.
Hawak ang susi, ikinasa agad ito ni Marissa sa door knob at muling naghiyawan ang mga babae dahil mga nakadungaw ang mga lalake sa pinto na tanging kumot lamang ang takip nila.
"Isara n'yo ang pinto, please!!!," sigaw ni Eloisa na naguguluhan din sa nangyayari.
Pumasok si Marissa sa silid at ini-lock niya muli ito habang kwestyunable sa mga kalalakihan ang mga pagsigaw nito.
"Anong nangyari?," agad na tanong ni Marissa sa kanila.
"Ito yatang si Carey kumuha ng nga damit namin eh...," bintang na baling ni Chyna sa tinutukoy.
"Hoy!...bakit ko naman gagawin 'yun? Ako nga di ko alam saan napunta yung panty ko eh" depensa ni Carey na salubong na ang kilay.
"Eh ikaw lang naman ang Tbird dito eh," patuloy ni Chyna.
"Excuse me, Chyna...ganyan lang kumilos kapatid ko pero hindi tomboy 'yan...," pagsusuplada ni Kat at pagtatanggol sa kapatid.
"Eh sino'ng gagawa nito sa atin?," toreteng usisa ni Eloisa.
Samantala, sa sala nama'y nagkumpulan ang mga kalalakihan maging si Brix na galing sa van.
"Nangpa-prank na naman yata sila," banat ni Ian na may simpleng pagtawa.
"Pero Kuya Ian, may napansin ka ba dito sa bahay kanina?," paghahain ng usisa ni Max na kung titignan silang lahat ay may inililihim na dinanas sa saglit na pananatili nila rito.
"Meron kami nakita ni Max kaninang anino..." suporta ko sa hain ni Max.
"Oo, meron din kaming naramdaman ni Marissa kanina na umaaligid...," pagsang-ayong kwento ni Ian.
"May kakaiba rin akong napuna sa labas, 'yung anino naman ng aso...iba," pananahi ni Brix sa puna ng mga nauna.
"May naramdaman din ako sa kwarto na mabigat na espiritu...," dugtong ni Chadie.
"Ako rin, sa Museum pa lang kaya lumayo na ako agad...,"pakikihabi ni Emong sa kwentuhan.
"Ako....nakita ko lahat...pero kailangan natin ilihim sa mga kasama nating babae para di magkatakutan pa at di masira ang bakasyon natin. 'Wag na lang natin pansinin dahil lalo lang magpapapansin 'yun...,"suwestyun ni Pete sa grupo.
"Tama si Pete...tutal hanggang bukas na lang tayo rito...konting tiis na lang at bantayan na lang natin ang isa't isa...," aprubado kong tugon.
"Pero mag-iingat kayo...hindi n'yo nakikita kung sino talaga ang kalaban natin...," muling paalala ni Pete. "Ian, tingin ko dapat kausapin mo si Marissa kung ano mayroon sa lugar na ito at kung ano ang alam niya sa mga nangyayari...," patuloy na sabi niya.
"Sige, kakausapin ko siya ng palihim mamaya sa swimming natin...," aregladong tumbok ni Ian.
Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal
Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag
Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a
Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw
Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning
Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan