Nang sumunod na araw ay nagising si Khrystal na walang mabigat na dinadala sa kanyang dibdib. Iyon ay dahil sa alam niya na kung paano ang makaganti sa mga masamang ipinapakita sa kanya ni Beast.
Dati kasi tuwing magigising siya ay lagi siyang umiiyak at lugmok lang sa isang sulok. Ngunit ngayon ay nakakaramdam siya ng pagkasabik dahil sa gusto niyang makita ang reaksyon sa mukha nito.
Ngumiti siya habang tinitingnan ang kanyang sarili sa salamin. Nakita niya na may pagbabago ng nangyari sa sarili niya. Nawala na ang panlalalim at pangingitim sa paligid ng kanyang mga mata dahil sa hindi na siya umiyak at masarap ang tulog niya kagabi. Nag-inat siya pagkatapos para maging mas maayos ang aking pakiramdam niya bago pumunta sa banyo.
Mayamaya ay nakarinig siya nang mahihinang katok mula sa pinto ng kanyang kuwarto. Mabilis niyang sinuklay ang kanyang buhok bago niya ito binuksan. Nakakahiya naman kasi kung pagbubuksan niya iyong tao tapos mukha siyang bruha, baka kasi kung si John 'yon ay masabihan na naman siya ng kung ano kaya naghanda na siya.
"Hey, baka puwedeng ipagtimpla mo ako ng kape para magkaroon ka naman ng pakinabang. Ang sakit kasi ng ulo ko saka wala si manang para gawin 'yon," nakasimangot na sabi niya sa akin sabay hawak sa kanyang sintido. Mukhang masakit pa ata ang ulo niya. Pero pakiramdam ko mas sasakit ang ulo ko sa asal niya.
"Wow ha? Katulong mo ba ako? Kung makapag-utos ka talo mo pang binayaran mo na ako," mataray na sabi niya habang nakataas ang kanyang kilay.
"Sige na, ipagtimpla mo na ako. Di ba asawa kita?" seryosong sagot niya pagkatapos ay bastos na tumalikod papunta sa kanyang kuwarto.
"Edi wow, asawa mo lang ako sa papel kaya wala kang karapatang mag-demand sa akin ng ganyan. Pero sige dahil mabait ako ay ipagtitimpla na kita! Baka mamaya mamatay ka pa dahil sa sakit ng ulo mo maging mamamatay tao pa ako," nakangising sagot niya rito.
Nanlaki ang mata ni Khrystal dahil unti-unting lumalapit sa kanya si John. Napapalunok na lang siya ng laway dahil sa kabang nararamdaman.
Naka-boxer at sando pa naman siya tapos idagdag pa na kita ang mga kalamnan nito sa braso at binti. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang kanyang magiging reaksyon dahil ito pa lang ang unang beses na makakita siya ng gano’ng kakisig na katawan kaya di niya mapigilang mapaatras.
"Bakit ka umaatras asawa ko?" nakangising tanong niya. "Bakit para kang kinakabahan? Akala ko ba matapang ka? Hanggang salita ka lang ata e!"
Dahil sa pambubuska niyang ginawa ay nagpantig ang kanyang tainga kaya saktong paglapit niya ay buong diin niyang inapakan ang kanang paa niya.
"Holy shit! Why did you do that?" galit na tanong ni John habang nakahawak sa kanyang paa at namimilipit sa sakit at maipinta ang mukha.
"Oops! Pasensya na, akala ko kasi sahig ang inapakan ko. Sige na, magtitimpla na ako ng kape mo."
Mabilis na siyang umalis sa harap ni John dahil baka makaisip pa siya ng kung ano para makaganti. Napapangiti na lang siya dahil sa kamalditahang ginawa niya. “Akala niya magpapatalo pa ako sa kanya ha! Never!”
Dumiretso na siya sa kusina para ipagtimpla ito ng kape. Pagkatapos niyang kumuha ng mug ay pumunta na siya sa harap ng kabinet kung saan nakalagay ang kakailanganin niya para ipagtimpla si John ng kape. Kalahating kutsarang kape, dalawang kutsarang asukal at isang kutsarang coffee matte ang inilagay niya sa baso. Pagkatapos ay nilagyan niya nang mainit na tubig at hinalo ang kape.
"Hmmn...Ang sarap sana lagyan ng lason 'tong kape kaso huwag na lang baka masayang lang ganda ko dahil baka makulong pa ako kapag ginawa ko ‘yon," mahinang sabi niya sa kanyang isip pagkatapos ay binitbit niya na ang tinimplang kape.
Habang umaakyat siya sa hagdanan ay nakita niya ang wedding photo nilang dalawa na mukhang masaya. "Mukhang hanggang larawan lang ang kasayahang 'yon" malungkot na bulong niya pagkatapos ay tumingin sa pinto ng kuwarto nito.
Ibinaba niya ang basong dala sa lamesa na nakalagay malapit sa dingding ng kuwarto ni John. Pagkatapos ay kumatok siya para malaman nitong handa na ang kape niya. Pagkarinig ni Khrystal na humahakbang na ito papunta sa pinto ay mabilis na siyang naglakad pabalik sa kanyang kuwarto. Napabuga na lang siya ng hangin nang makapasok siya sa kanyang kulay pink na kuwarto.
"Ang galing mo talaga Khrystal, bilib na ako sa 'yo," tuwang-tuwa na sabi niya pagkatapos ay patalong humiga siya sa kanyang kama.
Kinuha niya ang kanyang cellphone na nakalagay sa maliit na lamesang katabi ng kanyang kama. Nag-browse muna siya sa kanyang F******k pagkatapos ay agad na binisita ang aking Messenger ng wala akong makita ay pinindot niya na lang ang Mp3 Music Player at nakinig ng paborito niyang kanta na Perfect na inawit ni Ed Sheeran.
I found a love for me
Darling just dive right in
And follow my lead
Well I found a girl beautiful and sweet
I never knew you were someone waiting for me
Cause we were just kids when we fell in love
Hindi pa rin siya makapaniwala na sa edad niya na labing-walo ay may asawa na agad siya at ang malala pa ay mukhang bipolar pa ata dahil sa madalas na pagbabago-bago ng ugali nito.
Not knowing what it was
I will not give you up this time
But darling, just kiss me slow, your heart is all I own
And in your eyes, you're holding mine
Noong unang nakita ito ni Khrystal ay inakala niyang ito na 'yong prinsipeng hinihintay niya na dumating at pumalit sa lalaking matagal niya ng crush simula noong elementary pa lang sila at idagdag pang kababata niya.
Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song
When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath
But you heard it, darling, you look perfect tonight
Tanda niya pa na pagkatapos ibalita ng daddy niya na ikakasal siya kay John ay nagsayaw pa sila sa stage habang pinapanuod ng maraming tao.
Pakiramdam niya ay isa siyang prinsesang isinasayaw ng isang prinsipe. Idagdag pa na naka-gown siya na kulay pink na katulad ng suot ni Barbie at si John naman ay naka-tuxedong itim at may puting collar na katulad ng suot ni Ken.
Nagkasulubong pa nga ang mga mata nila noong sumasayaw sila ng hindi sinasadya. Ang totoo niyan kilala ko siya kasi nakikita ko na ang mukha niya sa mga commercial. Isa kasi siyang modelo at may-ari ng sarili nitong advertising company.
Ilang beses niya na rin bang nasabi sa isip na ang guwapo nito para sa kanya noon. Pero ngayon kinamumuhian niya na ito. Sa lahat kasi ng ayaw niya iyong pinaparamdam sa kanya na hindi siya gusto. Papayag-payag siyang magpakasal tapos aasal siya na akala mo walang pinag-aralan.
"Khrystal Kenn, strike two!" tuwang-tuwa na sabi niya habang nagpapadyak sa kanyang kama.
Oo nga pala, bukas ay may pasok na siya sa school dahil Lunes na. Makikita niya na naman ang mga immature niya na kaibigan. Gusto na rin niyang pumasok para naman kahit papaano ay makaiwas siya kay Beast dahil baka tumanda agad siyang tingnan dahil sa stressed sa kanyang asawa. Ito na lang kasi ang tanging paraan para makatakas siya sa malungkot na bahay na 'to.
Mayamaya ay bigla na lang siyang napahikab pagkatapos ay dahan-dahang napapikit ang kanyang mga mata dahil sa bigla na lang siyang nakaramdam ng antok dahil na rin siguro unti-unti ng nakakabawi ang kanyang sarili sa mga nakaraang problema na naranasan niya noon. Ngayon kasi ay panatag na siya dahil kaya niya ng ipagtanggol ang sarili mula kay Beast.
Saktong natapos ang kanta ay napunta na rin siya sa kanyang panaginip kung saan nakikita niya ang sarili at si Beast na magkahawak ang kamay.
Habang nakaratay sa higaan sa loob ng ospital at naghihintay na lang kung hanggang kailan siya babawian ng buhay. Wala siyang ibang nasa isip kung di ang tuparin ang plano niya bago man lang siya mawala.Pagkatapos niyang makita sa telebisyon ang larawan ni John kasama ni Khrystal habang karga nito ang anak nila na masayang nakangiti ay biglang sumikip ang dibdib niya dahil sa galit at inggit na kanyang nararamdaman.Kaya pilit niyang iniabot ang remote na nakapatong sa maliit na kabinet para patayin ang telebisyon. Kung bakit ba lahat na lang ng kamalasan ay ibinigay ng Diyos sa kanya. at sa dami ring magmamana sa pamilya nila ng sakit na Leukemia ay siya pa ang napagbigyan.Kung noon ay isa siyang masaya, mabait, malambing at puro positibo lang ang nasa isip. Ngayon ay wala na siyan
Five months later…Dumalas nang dumalas ang pagde-date nilang mag-asawa. Sa totoo lang ngayon lang ulit naranasan ni John ang maging masaya sa kabila ng sakit niya. Wala na kasi siyang rason para matakot at itago pa ang totoong pagkatao niya.Madalang na lang kasi siya kung magalit at nakakasabay na rin siya sa pagbibiro ng kanyang kapatid at ng ibang tao sa paligid niya. Kung dati ay iniiwasan siya tuwing makakasalubong siya ng ibang emplayado sa kanilang kompanya dahil sa takot tuwing makikita siya ngayon ay hindi na. Dahil tuwing pumapasok siya sa opisina ay ngumingiti na siya at bumabati na rin tuwing may makakasalubong na binabati rin siya.“Nakakatuwa na ang anak nating si Janice nuh? Marunong na siyang dumapa at gumapang. Tapos napakabungisngis din niya,” tuwang-tuwang sabi ni Khrystal habang nakatingin sa anak nilang nakasakay sa stroller na iniregalo ng ninang niyang si Danell
ISANG linggo na rin ang lumipas simula nang malaman ni John na magkapareho sila ng kanyang asawa na may sakit na Borderline Personality Disorder. Akala niya sa pelikula o sa panaginip lang nangyayari ang ganoong mga bagay pero nagkamali siya dahil mapagbiro talaga ang tadhana.“So nagagalit ka na niyan? Sa tingin mo ba kapag sinabi ko sa ‘yo agad ang tungkol doon may magbabago ba sa sitwasyon natin? Hindi mo ba ako susungitan o aawayin man lang?” inis na tanong ni Khrystal kay John. “Oo, merong magbabago. Kung sinabi mo agad ang tungkol doon edi sana hindi ako natatakot na iwan mo kasama ng anak natin,” sagot ni John pagkatapos ay tumayo malapit sa bintana. “Edi sana hindi ginamit ni Marianne ‘yon para i-black mail ako na ipapaalam ang tungkol sa sekreto ko kapag hindi ako sumunod sa kanyang gusto,” bulong na sabi niya sa kanyang isip pagkatapos ay
“Long time no see, Khrystal! Oo nga pala condolence sa pagkamatay ng dad mo. Nalaman ko lang no’ng sinabi sa akin ng Papa nitong si John. Saka akalain mo ‘yon kayo palang dalawa ang itinadhana ng kalangitan na maging mag-asawa. By the way, pasok pala kayo sa loob. Sa sobrang tuwa ko na nakita ko kayong magkasama e nakalimutan ko ng papasukin kayo,” natutuwang sabi ni Doc. Dormis sa kanila ni John.Saglit na tumingin si Khrystal sa mukha ni John upang makita ang reaksyon nito. Hindi siya nagkamali na makita ang pagtataka na mababakas sa mukha nito dahil sa nalamang kilala siya ni Doctor Dormis.“Kami rin po natutuwang makita kayo pero kailangan po muna namin ulit umalis Doc. Crystelle. Mukhang may kailangan pa kaming pag-usapan dalawa…” sabi ni Khrystal na alanganing ngum
MAKALIPAS ang isang linggo ay hindi gaanong nagpapansinan o nag-uusap man lang sina John at Khrystal. Kahit kasi iisa lang ang tinitirhan nila ay gumagawa ang asawang si Khrystal ng paraan para lang hindi sila magkasalubong sa daan.Habang si John ay hindi maiwasang mainis sa sarili tuwing nakikita ang asawa dahil sinunod niya si Marianne sa mga sinasabi nito. Kung hindi sana nito alam ang sekreto niya ay wala sanang lakas ito ng loob para guluhin sila ng asawa.Dagdag pa sa iniisip ni Jhon ang ginawa ni Marianne na pumunta sa bahay nila para lang manggulo. Malayong-malayo na siya sa dating babaeng minahal niya na isang mabait, maunawain, palangiti, mahiyain at mapagmahal. Simula kasi noong naghiwalay sila dahil sa…“Totoo ba ‘tong mga nakasulat dito sa papel na ‘to? Sabihin mo, may inililihim ka ba sa akin?” nag-aakusang tanong ni Marianne habang nakaladlad sa harap ni
Hindi mapigilan ni John ang mag-isip habang naglalakad papasok sa pinto ng kanilang bahay. Pumasok siya at umuwi na walang ibang iniiisip kung di ang nangyari kagabi. Pinagsisihan niya na nasaktan niya ang kalooban ng asawa niya at higit sa lahat ay muntik na niya itong saktan. Gano’n siguro kapag lasing nawawala ang kontrol mo sa sarili at sa sasabihin mo. Iyon kasi ang sumunod na beses na nag-inom siya ulit.Mahal na mahal niya ang asawa at anak. Wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang maging masaya ito at ‘wag mawala sa piling niya. Kaya nga ginawa niya ang lahat para lang hindi sila guluhin ni Marianne at huwag sabihin dito ang itinatago niyang sekreto.Maaga niyang tinapos ang mga gawain sa opisina para dumiretso sa Flower Shop at bumili ng isang pumpon ng pulang rosas na ibibigay niya sa kanyang asawa. Alam niya kasing paborito niya ito kaya ‘to ang naisip niyang peace offering sa kanya.