Five months later…
Dumalas nang dumalas ang pagde-date nilang mag-asawa. Sa totoo lang ngayon lang ulit naranasan ni John ang maging masaya sa kabila ng sakit niya. Wala na kasi siyang rason para matakot at itago pa ang totoong pagkatao niya.
Madalang na lang kasi siya kung magalit at nakakasabay na rin siya sa pagbibiro ng kanyang kapatid at ng ibang tao sa paligid niya. Kung dati ay iniiwasan siya tuwing makakasalubong siya ng ibang emplayado sa kanilang kompanya dahil sa takot tuwing makikita siya ngayon ay hindi na. Dahil tuwing pumapasok siya sa opisina ay ngumingiti na siya at bumabati na rin tuwing may makakasalubong na binabati rin siya.
“Nakakatuwa na ang anak nating si Janice nuh? Marunong na siyang dumapa at gumapang. Tapos napakabungisngis din niya,” tuwang-tuwang sabi ni Khrystal habang nakatingin sa anak nilang nakasakay sa stroller na iniregalo ng ninang niyang si Danell
Habang nakaratay sa higaan sa loob ng ospital at naghihintay na lang kung hanggang kailan siya babawian ng buhay. Wala siyang ibang nasa isip kung di ang tuparin ang plano niya bago man lang siya mawala.Pagkatapos niyang makita sa telebisyon ang larawan ni John kasama ni Khrystal habang karga nito ang anak nila na masayang nakangiti ay biglang sumikip ang dibdib niya dahil sa galit at inggit na kanyang nararamdaman.Kaya pilit niyang iniabot ang remote na nakapatong sa maliit na kabinet para patayin ang telebisyon. Kung bakit ba lahat na lang ng kamalasan ay ibinigay ng Diyos sa kanya. at sa dami ring magmamana sa pamilya nila ng sakit na Leukemia ay siya pa ang napagbigyan.Kung noon ay isa siyang masaya, mabait, malambing at puro positibo lang ang nasa isip. Ngayon ay wala na siyan
"Ano ba naman 'yan Khrystal? Sobrang tanga mo naman! Maglalaba ka na lang ng mga damit ko hindi mo pa nagawa nang maayos!" inis na sabi ni John sabay balibag sa kanya ng mga nilabhan niyang damit noong nakaraang araw. Bukod kasi sa butas-butas na ay nawala na 'yong dating tingkad ng mga damit kaya hindi niya masisisi na gano'n ang maging reaksyon nito. Wala kasi siyang magawa no'n kaya naisipan niyang maglaba ng mga pamasok nitong damit. Gusto niya kasing matuwa naman ito kahit papaano sa kanya dahil palagi na lang napupuna nito ang mga mali niyang nagagawa.Lumaki kasi siyang buhay prinsesa na nasusunod ang lahat ng gusto kaya wala siyang alam kahit na isang simpleng gawain sa bahay dahil marami silang kasambahay na gumagawa ng lahat ng gawain."So-sorry, hindi ko sinasadya," naiiyak na sagot ni Khrystal kay John habang yakap-yakap sa bisig niya ang mga damit."Hindi ko na alam kung anong gagawin sa 'yo! K
Nang sumunod na araw ay nagising si Khrystal na walang mabigat na dinadala sa kanyang dibdib. Iyon ay dahil sa alam niya na kung paano ang makaganti sa mga masamang ipinapakita sa kanya ni Beast.Dati kasi tuwing magigising siya ay lagi siyang umiiyak at lugmok lang sa isang sulok. Ngunit ngayon ay nakakaramdam siya ng pagkasabik dahil sa gusto niyang makita ang reaksyon sa mukha nito.Ngumiti siya habang tinitingnan ang kanyang sarili sa salamin. Nakita niya na may pagbabago ng nangyari sa sarili niya. Nawala na ang panlalalim at pangingitim sa paligid ng kanyang mga mata dahil sa hindi na siya umiyak at masarap ang tulog niya kagabi. Nag-inat siya pagkatapos para maging mas maayos ang aking pakiramdam niya bago pumunta sa banyo.Mayamaya ay nakarinig siya nang mahihinang katok mula sa pinto ng kanyang kuwarto. Mabilis niyang sinuk
Alas-singko pa lang ng madaling araw ay gumising na siya para makapasok nang maaga sa paaralan. Dahil sa isa sa mga shareholder ang kanyang ama ng eskwelahang ito kaya napagbigyan siya na hindi muna pumasok ilang buwan din kasi siyang hindi nakapasok simula noong ikinasal sila ni Beast.Ang New World University na pinapasukan niya ay isa sa mga prestihiyosong unibersidad dito sa Pilipinas. Dahil sa isa sa mga shareholder ang kanyang ama ng eskwelahang ito. Hindi naman siya hirap sa paghabol ng mga kulang niya na project at exams sa professors niya dahil isa siya sa mga magagaling sa kanilang departamento.Kilala rin ang NWU dahil sa puro mga naka-kotse ang estudyanteng nag-aaral dito at puro anak ng mga sikat na negosyante at government officials ang puwedeng pumasok dito pati rin sa makabagong paraan ng pagtuturo ng mga professor."Kumusta naman ang buhay may asawa, Kyenn?" nakangiting tanong n
"Being single is smarter than being in the wrong relationship." "So what kung late na ako umuwi? May problema ba roon, asawa ko?" nakangising sabi niya sa kanyang asawa habang nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang baywang.Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong hinila sa kanyang kanang braso at iginiya paakyat sa taas. "Patay mukhang dadalhin pa ata niya ako sa kuwarto niya," sabi niya sa kanyang isip habang sumusunod sa bawat galaw nito dahil sa takot niya na mahulog o makaladkad sa hagdan."I think kailangan mong maturuan ng leksyon, asawa ko," seryosong sabi ni John sa akin habang puno ng galit ang kanyang mga mata."Ba-bakit? Anong
“Never build your emotional life on the weaknesses of others.”“Ba-bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dito? Bakit hindi ko alam na ganoon na pala kalala ang kalagayan ng da-daddy ko?” hilam sa luhang nakatingin lang si Khrystal sa kanya. Nakita niyang punong-puno ng hinanakit ang mga mata nito nang makita nito ang kalagayan ng kanyang ama na nakahiga sa kama.Umpisa pa lang bago sila pumasok sa mansion ng mga Fuentebella ay alam na niya kung ano ang magiging reaksiyon ng kanyang asawa sa itsura ngayon ng kanyang daddy.Mababakas kasi sa mapanglaw nitong mata ang pangungulila at pagkasabik na makita ang kanyang anak habang kita ang panghihina ng kanyang katawan dahil sa medyo humpak nitong pangangatawan.Ngunit hindi niya inaa
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin kayang tanggapin ni Khrystal na may taning na ang buhay ng kanyang daddy. Ayaw niyang mawala ang Daddy Drixx niya dahil ito na lang ang nag-iisang tao na tanging kakampi niya sa mundo. Pero ano bang magagawa niya kung babawiin na ng Diyos ang buhay nito? Sa ngayon ay ibibigay niya na lang kung anong gusto ng daddy niya.Noong hinatid siya ni John sa bahay ng daddy niya para samahan ito sa loob ng isang buwan ay masayang-masaya siya dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon para maalagaan ito. Katulad ng ginawang pag-aalaga sa kanya ng kanyang magulang no’ng bata pa lang siya.Dahil nakaratay na ito sa kanyang higaan ay palagi niyang dinadalhan at sinusubuan ito ng pagkain. Pagkatapos ay sinasamahan niyang manuod ng mga paborito nitong palabas no’ng kapanahunan niya at makinig ng mga musik
Hinawakan ni Khrystal ang dalawa niyang kamay pagkatapos ay hinubad nito ang kanyang suot sando na naging dahilan para lumitaw ang makisig niyang dibdib. Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito dahil siguro ngayon lang ito nakakita ng katawan ng lalaki.Pagkuwa’y dinala nito ang kamay sa kanyang dibdib na marahang pinadulas hanggang sa tiyan niya… Mayamaya ay marahang hinaplos-haplos ni Khrystal ang kanyang abs na parang nagmamasa ito ng tinapay. Hindi siguro siya makapaniwala na may “abs” ang guwapong asawa niya tapos idagdag pang may manipis na balahibo na bumabakat pababa sa kanyang pagkalalaki. Pakiramdam niya tuloy ay may apoy na unti-unting tumutupok sa kanyang katinuan dahil sa nakikitang kainosentehan sa babaeng kasama niya.Kita niya ang pamumula sa mukha ni Khrystal habang ginag