Shanra PovLabis-labis ang pag-aalalang nararamdamn ko para sa kaligtasan ng anak ko. Iniisip ko kung kumain na ba siya ngayon. Kung saan siya ngayon natutulog. Tiyak na takot na takot siya ngayon dahil hindi niya kilala ang mga kasama niya.Nang pagbalikan ako ng malay-tao ay agad kong inusisa ang aming driver at yaya ng anak namin kong paano nakidnap ng mga taong iyon ang anak namin. At ayon sa kuwento nila ay paliko na sa may kanto ang kotse nila nang biglang may tumawid na binatilyo. Akala ni Zaldy nasagasaan niya ang binatilyo kaya bumaba ito para sana dalhin sa ospital ang binatilyo. Ngunit pagbaba rw ni Zaldy ay nagulat na lamang ito nang my dalawang lalaking lumapit sa kanya at pinalo ito ng baril sa ulo ng dalawang beses kaya ito my sugat. Nang kukunin na raw ng mga lalaki ang anak ko y pilit daw nakipagbuno si Mia kaya pinalo rin ito ng baril sa ulo ng kidnaper. Pareho silang nawalan ng malay kaya nakuha sa kanila si Raiggen."Sa tingin mo ay may kinalaman sa trabaho mo kung
Shanra PovNakangiting pinagmasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Larawan ako ng isang babae na masayang-masaya at kontento na sa buhay.Kahit 5 years na ang nakalilipas magmula nang mag-wakas ng BAS at ikinasal kami ni Craig ay hanggang ngayon hindi pa rin ako halos na makapaniwala sa magandang nangyari sa buhay ko. Nagkaroon kami ni Craig ng isang napaka-bibong baby boy na pinangalanan kong Raiggen. At walang araw na hindi ipinadama sa akin ng aking asawa ang walang katapusan niyang pagmamahal.Ang lahat ng hirap na pinagdaanan ko noon ay pinunan ng saya nina Craig at Raiggen. Kung hindi sila dumating sa buhay ko ay tiyak na nananatiling nasa madilim kung mundo pa rin ako hanggang ngayon."Huwag mo nang titigan ang sarili mo at baka ma-in love ka pa sa mukha mo."Mula sa aking likuran ay niyakap ako ni Craig. Tinaniman niya ng mumunting halik ang aking leeg. Bahagya akong napakislot nang makiliti ako sa kanyang balbas na ilang araw na sigurong hindi inaahit.Kauuwi pa la
Craig's POVMabigat ang aking pakiramdam na bumangon ako sa hospital bed na kinahihigaan ko. Natamaan kasi ako ng lumilipad na bahagi ng building kaya ako na-ospital at may nakapalibot na benda sa itaas ng aking ulo. Nasa labas na kasi kami ng building at ipinapasok sa loob ng police car ang mga sumukong tauhan ng foreign drug lord at ibang mga BAS assassin. Napatay ko ang foreign drug lord kaya sumuko ang mga tauhan nito at pati na rin ang mga natitirang buhay na mga BAS assassin. At pabalik na sana ako sa loob para hanapin si Shanra ngunit bigla namang sumabog ang building at tinamaan ako sa ulo ng lumilipad na bahagi ng building na nabaklas. Hinimatay ako at dito na sa loob ng ospital ako nagising. At si Shanra ang kaagad na unang pumasok sa aking isip nang pagbalikan ako ng aking malay. "Sir, bakit bumangon kayo? Baka bumuka ang sugat mo sa ulo," nag-aalalang wika ni Denver nang madatnan niya akong nakaupo na sa ibabae ng kama."Si Shanra? Nasaan siya?" agad kong tanong sa kanya
Shanra PovSa gitna ng palitan ng mga putok sa pagitan ng mga pulis at mga kasamahan kong BAS assassin at pati na rin ang mga tauhan ng foreign drug lord ay nakakita ng pagkakataong tumakas si Ninong dala ang isang attaché case na naglalaman ng malaking halaga ng pera. Nang makita ko siyang tumalilis ay agad ko siyang sinundan. Siguro ay may secret door ang lugar na ito na puwede niyang daanan para makatakas. Ngunit hindi ko siya hahayaang makatakas. Dahil ito na ang oras ng pagtutuos namin."Ninong Eddie!" malakas kong sigaw sa pangalan niya. Bigla naman itong napahinto nang marinig ang aking boses. Huminto ako ilang metro ang layo mula sa kanya."Shanra. Hindi ko akalain na kaya mo akong pagtaksilan," galit na sigaw nito matapos akong lingunin."Ako rin, Ninong. Hindi ko rin akalain na ikaw pala ang mastermind sa ilang beses na pagtatangka sa buhay ko. At mas lalong hindi ko inakala na ikaw ang nag-utos para ipapatay ang aking buong pamilya!" ganting sigaw ko sa kanya. Sa wakas ay n
Shanra"Tandaan ninyong lahat. Mahalaga at malaki ang deal na magaganap na ito kaya hindi tayo dapat na pumalpak. At huwag kayong mag-alala dahil kapag naging successful ang deal na ito ay magkakaroon kayong lahat ng napakalaking bonus," kausap sa amin ni Ninong habang naghahanda kaming lahat para sa magaganap na drug deal ng BAS na pinamumunuan ni Ninong. Magmula nang ipinapatay ni Ninong ang ilang big boss ng BAS na kontra sa kagustuhan nito ay biglang nag-iba na ng tuluyan ang operasyon ng BAS. Lumabas na ang tunay na kulay at pagiging ganid niya. Hantaran na sa BAS ang pakikipag-deal nito sa mga malalaking foreign drug lord na pumapasok sa bansa. Ngayon nga ay makikipag-deal kami sa pinaka-notorious na drug lord na nanggaling pa sa Europe. At ang venue ay ang prostitute house dati ni Mrs. Madrigal na ngayon ay si Ninong na ang may hawak.Lahat ng BAS assassin ay hindi tutol sa ginawang pagbabago ni Ninong sa BAS maliban sa aming tatlo nina Tom at Denver. Ngunit katulad ko ay wal
ShanraPagkatapos ng ilang araw kong pag-iimbestiga ay nalaman ko rin kung bakit ipinapatay ni Ninong sa akin mga taong in-assassinate ko. Napag-alaman ko na siya na pala ang humahawak sa negosyo ng mga pinatay ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawa ngunit siya na ang bagong may-ari ng five star hotel na dati ay pag-aari ni James Mondragon, ang bahay-aliwan na dati ay pagmamay-ari ni Mrs. Madrigal, kung dati ang drug lord ay si Danding Acebedo ngayon naman ay si Ninong. At hindi na rin ako magtataka kung involved din siya sa illegal human organ trafficking. Sobrang laki ng pera na pumapasok sa kanya kaya naman pala kayang-kaya nitong magbayad sa akin ng ganoon kalaking halaga para sa isang ulo ng taong ipinapatay niya. At malamang ay siya rin ang lihim na nagbigay ng impormasyon kay Craig tungkol sa binabalak kong assassination kay Mrs. Madrigal noon. Kung hindi ko mapapatay si Madrigal ay mahuhuli naman ako ni Craig. Walang mawawala sa kanya kung nangyari iyon. Nahuhulaan ko rin na