Compartir

CHAPTER 48 - THE REPLACEMENT

last update Última actualización: 2025-09-16 23:36:44

CHRISTINE’S POV

Nakita kong dumistansya si Clyde palayo sa akin. Lalo akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib habang nakatingin sa kanya na kausap ang ‘babe’ na ‘yon.

Kaya ba ako nasasaktan dahil naniwala akong siya ang totoong asawa ko? Siguro mas masakit ito kapag nagkataon na bumalik na ang alaala ko.

Agad kong tinakpan ang sakit na nararamdaman nang makita siyang pabalik sa kinaroroonan ko.

“Sorry, ang tumawag kanina—”

“May kontak ka ba sa pamilya ko?” maagap kong pinutol ang pagsasalita niya. Para bang natatakot akong marinig ang anumang sasabihin niya sa akin.

Natigilan siya sa tanong ko, bagay na lalo kong pinagtaka.

“Bakit? Wala na ba akong pamilya?” Gusto kong malaman kung bakit parang nag-aalangan siyang sumagot.

“Christine, ang totoo… hindi kayo okay ng mommy mo.”

Napakunot ang noo ko habang nakikinig sa kanya.

“Tutulungan kitang bumalik ang alaala mo, nang sa gano’n, magkakaroon na ng kasagutan lahat ng mga katanungan d’yan sa isipan mo.”

Sumang-ayon ako, hindi na nagpum
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado
Comentarios (3)
goodnovel comment avatar
Yanne bueno
thanks Ms D🫶 humanda ka Clyde pag nalaman ni Tin buntis din si Megan...
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
more update ms a please thank you ms a
goodnovel comment avatar
Llyet Jatulan
slmt s update ms a
VER TODOS LOS COMENTARIOS

Último capítulo

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 65 - THE FINAL PLAN

    CLYDE’S POV“Dad,” tipid kong tawag nang makita ang aking ama na seryoso ang mukha habang nakaupo sa couch. Hinintay niyang makaupo muna kami ni Brando sa opposite couch habang nakaharap sa kanya.“Kumusta ang mga tauhan sa ospital?” kay Brando si Dad nakatingin. So, pinatawag niya kami ni Brando hindi para tanungin kung ano ang nangyari kagabi, kundi may iba kaming pag-uusapan.“Mahigit labing walo sa mga tauhan natin ang nasa ospital pa rin ngayon, Boss. Isang driver natin ang namatay, dalawa ang comatose at ang iba nagpapagaling pa.”Napapikit si Dad sa binalita ni Brando. Ramdam ko ang guilt sa kanyang mukha. “Alam na ba ng kanilang mga pamilya?” muling tanong ni Dad.“Pinarating ko sa kanilang pamilya ang nangyari, boss. Binigyan ko na rin sila ng assurance na sasagutin natin ang lahat ng gastusin. At sa pamilya ng namatayan, sinunod ko ang sinabi mo na magbibigay ng malaking halaga para makapagsimula sila ng negosyo. Sinigurado ko rin na maayos ang pagpapalibing.”Tumango lang

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 64 - THE ROAD TO BED

    Napatingin din ako sa kamay ko. Nakakuyom na ito. Muli kong hinatak si Christine at niyakap. “Wife, nagseselos lang ako. Ayaw kong mawala ka rin sa akin, lalo na ang mapunta sa Xian na ‘yun.”“Ano ba kasi ang iniisip mo? Nagkukuwento lang ako sa ‘yo sakaling magkasilip ka ng idea sa tungkol sa koneksyon ni Xian kay Tommy. Selos naman ang iniintindi mo. Isipin mo na lang. Kung talagang may tiwala ako sa kanya, sana hindi mo ako niyayakap ngayon. Noong hindi pa totally bumalik ang ala-ala ko, sana mas pinili kong pagkatiwalaan lahat ng sinabi niya at hindi ako sumama kay Zariah. Pero mas pinakinggan ko pa rin ang boses mo sa puso ko. Mas pinili kong paniwalaan ang dinidikta ng isipan ko na bumalik sa ‘yo.”Sa mahabang paliwanag niyang ‘yun napawi lahat ng selos at galit ko, dahil totoo naman. “Kaya mas lalo kitang minamahal.” naging sagot ko na lang dahilan upang kurutin niya ako sa tagiliran. Hindi masakit kundi may kasamang kiliti.“Teka, patingin nga ng likod mo. Papalitan natin ng

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 63 - THE PAIN OF JEALOUSY

    Tumingin siya sa akin, tila naguguluhan.“Paano natin gagawin ‘yun? Ang pekeng result nga nakalusot kahit todo bantay mga tauhan mo eh.”“This time, sigurado na ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa’yo ang plano ko, baka makarinig ang dingding.” Binigyan ko siya ng assurance. Naiintindihan naman niya ang ibig kong sabihin.“Sige na, matulog ka na. Shower lang Muna ako.” Buong pagmamahal ko siyang hinalikan sa labi. Tumagal iyon ng ilang minuto dahil sa pagkalimot ko. Tumigil lang ako nang maalala na kailangan ko pa palang mag shower. “Sorry, namimiss lang kita.” Nakangiti kong hinaplos ang namumulang labi niya bago tumalikod. Nakailang hakbang pa lang ako nang muli niya akong tinawag.“Sandali, Clyde. Anong nangyari d’yan sa likuran mo?”“Fvck,” Napapikit ako, hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko sa kanya. Naghahanap pa ako ng maaari kong gawing palusot nang maramdamang nandyan na siya sa likuran ko. Agad akong humarap sa kanya bago pa siya may madiskubreng kakaiba.“Wife, wala ito—”

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 62 - SECOND PLAN

    CLYDE’S POVSUMUNOD NA MGA GABI….Papasok na ako sa loob ng gate ng mapansin ko ang isang anino. Bumaba ako sa kotse at tiningnan kung sino ang lalaking nakatayo sa ilalim ng malaking puno.“Kevin?” Nagtataka ako kung ano ang ginagawa niya sa labas gayong madilim na ang paligid. Lumingon siya sa akin.“K-Kuya,” alanganin niyang sagot, tila nagulat nang makita ako. “Anong ginagawa mo rito? Hinihintay mo ba ako?” tanong ko habang lihim na nagmamasid sa paligid.Bahagya siyang tumango. “Naghahanap ng hustisya sa nangyari sa akin.” sagot niya habang nakatingin sa malayo.Alam ko na agad ang ibig niyang sabihin. Tungkol ito sa dahilan ng kanyang pagka-aksidente. Binalingan ko ang aking mga tauhan. Napapalibutan nila ang buong mansyon, nakatayo sa kani-kanilang pwesto habang nagbabantay ng anumang panganib sa paligid. “Kevin, pumasok ka na. Huwag kang tumambay dito sa labas.” paki-usap ko sa kanya. Alam kong hindi pa rin maganda ang kanyang kondisyon. Ayoko rin madamay siya sakaling may

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 61 - KEVIN

    CHRISTINE’S POVNagising ako kinabukasan na wala si Clyde sa aking tabi. Kahit paano, nabawasan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa tulong ng aking asawa. Sa kabila ng pagtanggi sa akin ng aking pamilya, si Clyde patuloy pa rin umaalalay sa akin kahit sa pinakamahirap na sitwasyon. Nakaupo na ako ngayon sa veranda habang umiinom ng gatas, ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang ngumiti.“Good morning, Christine.”Narinig ko ang pamilyar na boses na iyon mula sa aking likuran, ngunit hindi ako nag-abalang lumingon. Nagpatuloy lang ako sa paghigop ng gatas. Ngayon, humarap na siya sa akin. Halatang gusto na akong asarin.“Mabuti naman at maganda ang umaga mo,” malamig kong tugon habang abala sa pag-scroll sa aking cellphone. Hinahanap ko ang numero ni Clyde. Gusto kong malaman kung saan siya pumunta. “Aba’y syempre, masarap matulog sa kama ng asawa ko,” proud niyang sagot.“Wala naman siya sa tabi mo.” mapanuya kong sagot. Umarko ang kilay ko nang makita ang suot niyang roba na pagmamay

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 60 - THE TRUTH BEHIND THE DNA RESULT

    CLYDE’S POVIsang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa rin ako mapakali. Nakatulog na ang asawa ko, at habang minamasdan ko siya, nakaramdam ako ng sobrang awa sa kanya. Nakuyom ko ang kamao nang maalala na naman ang resulta ng DNA. Ang sabi ni Brando, isang matinik na Geneticist si Dr. Garanda, ngunit bakit pakiramdam ko may mali sa resulta?Ilang sandali pa’y nag ring ang phone ko. Mabilis kong dinukot iyon mula sa bulsa ng suot kong pantalon. “Brando,”“Boss, sinundan namin siya hanggang sa ospital, wala kaming nakita na kakaiba sa kanya.”“Siguradong nag-iingat ‘yan sa mga galaw niya.” sagot ko.“Anong gusto mong gawin namin ngayon? Gusto mo ba gamitin ang Black Note? Dating gawi, alam mo na..”“No,” maagap kong sagot. “Ako na ang bahala sa kanya, aamin siya.”============St. Hyacinth Medical Center.Tahimik ang paligid, tanging tik-tak ng orasan at mahinang ugong ng aircon ang maririnig habang hinihintay ko sa loob ng opisina ng Laboratory Head si Doctor Garanda.Pagpasok ni

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status