CLYDE’S POV“Christine!” Sigaw ko nang makita mula sa cctv footage na sumama siya sa lalaki na nakatayo habang nakatalikod sa labas ng gate. Hindi naging malinaw sa akin ang mukha ng lalaki. Siya ba ang lalaking kausap ng asawa niya sa phone? Pero bakit? Umigting ang panga ko na bumaba at nagtungo sa guardhouse malapit sa gate. Agad akong sinalubong ng head guard.“Simon!” galit kong tawag sa pangalan niya.“Boss,” Nagtataka ang kanyang mga mata ngunit halatang may bahid ng takot habang nakatingin sa akin.“Nakita mo ang asawa ko kanina, hindi ba!?” May katigasan ang tanong ko.“Y-yes, boss, pero—”“And yet, hinayaan mo siyang sumama sa lalaki!?” Pakiramdam ko sa headguard ko binunton lahat ng galit ko. Nakamot niya ang ulo.“A-akala ko kasi boss, kilala ni Ma’am Tine, kasi—”Hindi mo manlang inalam kung sino ang mga taong pumapasok o, lumalapit dito sa bahay!?” putol ko sa sinabi niya.“Sorry boss, hindi ko na—”Pak!Mabilis na umigkas ang kamay ko sa inis. Sinapak ko siya sa mukha
“Ba’t parang ang lalim ng iniisip mo?” Napatingin ako kay Christine matapos marinig ang boses niya.“Iniisip ko kung saan pupunta si Zariah, madaling araw siyang umalis.” sagot ko.“Huh? Tinawagan mo na ba siya?”Agad ko ring kinuha ang phone ko. Kanina ko pa pala planong tawagan siya.“Ilang beses na akong tumatawag di niya sinasagot.” Bagsak ang balikat na binaba ko ang phone sa table. Ayoko munang ipaalam ito kay Dad at Mom, hangga’t hindi ko nasisiguro kung saan pumunta si Zariah. Madalas naman kasing umaalis ‘yun na walang paalam.Humarap akong muli sa laptop at sinuri na naman lahat ng access na pwedeng makapagturo sa akin kung saan siya pumunta. Kaya kong gawin ‘yun sa pamamagitan ng gps na naka-install sa phone niya.“Hidden Valley?” naisatinig ko at hindi ito nakaligtas kay Christine. “Saan ito?” muli kong tanong habang nakatingin sa screen monitor. Parang tagong bundok, malayo na sa syudad.“Familiar sa’kin ang lugar.”Napatingin ako kay Christine habang nakapako rin ang ting
CLYDE’S POVNasa kalagitnaan kami ng biyahe nang mag-ring ang phone ko. Si Brando ang tumatawag. Habang nagmamaneho, ini-on ko ang car speaker phone mode upang marinig ang sasabihin niya.“Young Boss, hindi nga kayo nagkamali. Umalis siya.” bungad ni Brando.“Sundan mo,” agad kong utos bago ini-off ang speaker na nakakonekta sa aking phone. “Pwede bang malaman kung sino ang pinapasundan mo kay Brando?”Sinulyapan ko si Christine sabay ngiti. “Isang mahalaga ngunit walang kwentang tao.” Ginagap ko ang kamay niya. Hindi sa gusto ko siyang asarin ngunit naaddict na akong gawin ‘yon.“Ang lamig mo, kinakabahan ka ba?” tanong ko na may bahid ng pag-alala. Magkasunod siyang umiling. Ilang sandali pa’y nagsalita.“Pwede ba tayong bumalik na lang? K-Kinakabahan kasi ako,” pag-amin niya may bahid na parang nahihiya.Hininto ko sa tabi ng kalsada ang sasakyan at humarap sa kanya. Tiningnan ko siya sa mga mata. Mga matang hindi ko magawang tanggihan at natatagpuan ko na lang ang sarili kong napa
CHRISTINE’S FAKE POV“Sinasabi ko na sa’yo, hindi dapat mahulog ang loob mo kay Clyde, Ngunit matigas pa rin ang ulo mo.” “Shut up!” singhal ko sa bahagi ng utak ko. Puno ng poot at galit ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Clyde. Narinig ko lahat ng pinag-usapan nila sa hardin kanina. Kung ganun, nagkakamabutihan na sila? Ngunit sa aming dalawa ako ang totoo.“Pinaniwala mo lang ang sarili mo na ikaw ang totoong Christine. I’m your imaginary friend ang nag-iisang nagmamalasakit sa’yo. Gumising ka na sa kahangalan mo!”“I said shut up!” Nanlilisik ang mga mata ko sa galit. Gusto kong kumuha ng kutsilyo at tadtarin ang utak ko para mawala na ang boses na laging kumakausap sa akin. Ayaw kong palagi niyang pinapamukha na peke ako. Simula't sapul nang iniwan ako ni Daddy dahil pinatay ni Tito Clarence, nagkaroon na ako ng imaginary friend. Wala akong kausap at tanging siya lamang ang kumakausap sa akin. Hanggang sa kinuha ako ni Uncle Tommy sa malamig
Matagal nang nakatulog si Zariah, ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi ko alam kung ilang oras kami nagkwentuhan bago ko namalayan na nakatulog na pala siya. “Sorry, Zariah,” bulong ko sa hangin habang nakatingin sa kanya. Ramdam kong namiss niya ako, at ang dating gawi naming dalawa. Ngunit mas nangingibabaw ang sama ng loob sa puso ko. Habang nagkukuwento siya kanina, ilan lang doon ang pumapasok sa isipan ko. Dahil puno ang isipan ko ng mukha ni Clyde, kung paano niya ako tingnan ng malamig sa harap ng impostor. Para saan ang sinabi niya sa akin na magtiwala ako sa kanya? Gayung hindi niya ako magawang ipaglaban? Masyado ba akong umasa? Heto na naman, namamalisbis na naman ang luha ko sa gilid. Gusto kong makalanghap ng hangin, naninikip na ang dibdib ko.Bumangon ako. Plano kong lumabas at magpapahangin lang muna sa veranda. Gusto kong manood ng mga bituin, tila sa pamamagitan nito, magawa kong aliwin ang sarili.Napadapo ang tingin ko sa nakasarang pintuan ng silid ni
CHRISTINE’S POV“Bakit hindi ka pa umalis?”Narinig kong tanong ni Clyde sa malamig na boses. ‘Tsaka ko pa lang naalala, naghihintay pala si Zariah sa akin.“Hinihintay ko si Tin, may pag-uusapan kami.” Sagot ni Zariah. Sakto naman nakita niya akong kalalabas lang ng Cr. “Tin, hinintay kita.”Tumingin ako kay Clyde sakto naman ang paglingon niya kaya nagtama ang aming mga mata. Tila nagtatanong kung gusto ko bang sumama kay Zariah. Paano ako makasagot gayong parang sinasadya niyang tuksuhin ako sa ayos niya ngayon. Napalunok ako sa suot niyang mamahaling puting roba, bahagyang nakabukas sa dibdib kaya’t litaw ang matipuno niyang katawan na kanina lang yakap ko pa. Sa ilalim noon, halatang boxer shorts lang ang suot niya, dahil hindi maitatago ang umbok na bahagyang bumakat sa tela. Para akong natigilan, pinipilit pigilan ang mabilis na pag-ikot ng isip ko sa mga bagay na hindi dapat.Basa pa ang buhok niya, at ang ilang hibla ng bangs ay dumikit sa kanyang pisngi, kasabay ng patak ng