BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW

BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW

last updateLast Updated : 2025-09-17
By:  Scorpion QueenUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
15 ratings. 15 reviews
51Chapters
4.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Limang taon si Clyde at isang taon si Christine nang pareho silang ikasal sa isa’t-isa. Isang kasunduan ng pamilya na kapwa nila tinutulan. Ngayong bente na si Christine, kailangan nilang tumira sa iisang bubong sa loob ng isang taon… bago tuluyang maghiwalay. Si Christine, nagtago sa likod ng maskara upang protektahan ang pusong takot masaktan. Si Clyde, itinulak ang sarili sa piling ng iba, para lang huwag mahulog sa babaeng buong buhay niyang tinanggihan. Ngunit paano kung ang babaeng gusto niyang mahalin… ay siya ring asawang gusto niyang kalimutan? At paano kung ang planong wakasan ang lahat… ay mauwi sa simula ng tunay na laban, lalo na’t may isang babaeng handang sirain ang umuusbong nilang pagmamahalan? Sa mundong puno ng lihim at pride, may pag-asa pa bang magtagumpay ang pusong nagsisimula pa lang magmahal?

View More

Chapter 1

PROLOGUE

Prologue

Christine’s POV

Tahimik akong naglalakad sa kahabaan ng garden path sa labas ng university, hawak-hawak ang isang puting rosas. Maingat ko itong inaamoy. Hindi pa rin nakakalimot si Clyde sa pagpapadala ng bulaklak. Simula nang huling pag-uusap namin, kahit pangit ang mukha ko, hindi ko naramdaman na nandidiri siya sa akin. Malamig ang pakikitungo niya pero hindi na mahalaga iyon.

Graduation ko ngayon. Isa na akong ganap na flight attendant.

Di magtagal, magsisimula na rin ako sa bagong trabaho bilang brand ambassador ng DelCas Airlines, ayon sa pinirmahan kong kontrata. Bagong simula. Bagong pangarap. At syempre, plano kong makabawi sa aking asawa. Panahon na para aminin ko ang totoong mukha sa kanya.

“Christine Scott?”

Napalingon ako. Isang lalaking hindi ko kilala ang lumapit. Maayos ang bihis niya. Disente ang tindig. Pero may kung anong hindi ko maipaliwanag na biglang gumapang na lamig sa batok ko.

“Ano po ‘yon?” tanong ko, may halong kaba ang boses ko kahit pinipilit kong kumalma.

“Naaksidente raw po ang tatay niyo sa trabaho. Pinapapunta ka niya sa ospital. Ngayon na raw.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Ha? Saan pong ospital? Anong nangyari?”

Sinubukan kong tawagan si Mommy, pero ilang ulit akong nag-dial, walang sumagot. Out of coverage area. Si Daddy naman ang sinubukan ko, pero biglang namatay ang phone ko—low batt. Napamura ako sa loob-loob ko. Anong klaseng timing ‘to?

Napatitig ako sa lalaking kaharap ko. Wala akong ibang makontak. Wala akong ibang mahingan ng tulong. Hindi puwedeng mawala ang chance na ito kung totoo nga ang aksidente. Kaya kahit may takot, sumama ako.

=============

“Saan ako?”

Madilim. Malamig. Basang sementadong sahig ang unang bumati sa akin nang magkamalay ako. Mabigat ang ulo ko. Masakit ang batok. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nawala sa ulirat. Basta’t ang alam ko lang—nakagapos ako. Ang mga kamay ko’t paa, mahigpit ang tali.

Walang liwanag. Wala akong makita. Kahit sariling mga daliri ko ay di ko matanaw.

Napapitlag ako nang may marinig akong yabag. May presensya sa sulok ng silid. Isang boses ng babae ang bumulong, malamig at puno ng paghihiganti.

“Ngayong nandito ka na... panahon na upang ako naman.”

Kinilabutan ako.

“Ano'ng ibig mong sabihin? What do you want from me?” tanong ko, pilit pinapakalma ang sarili kahit ramdam kong nanginginig ang boses ko.

Sumagot siya ng halakhak dahilan upang lalo akong magtaka.

“Liwanag. Liwanag ang gusto ko. At ikaw ang makapagbibigay sa’kin niyon. Matagal na akong nabuhay sa dilim… ngayon, ikaw naman.”

“Anong—”

Pak!

Wala na akong nasabi pa nang isang mabigat na bagay ang tumama sa ulo ko. Pagkatapos niyon, unti-unting igunupo ng dilim ang paningin ko.

Unti-unti akong nagkamalay. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Naramdaman kong basa ang gilid ng labi ko. Hindi ko alam kung dugo ba ito o sariling kong pawis? 

May mga boses akong unti-unting naririnig.

“Dala ko na ang pera. Nasaan ang anak ko?!”

Boses iyon ni Mommy.

Napakagat ako sa labi, pilit pinipigilan ang luhang gustong bumagsak. Sinubukan kong magsalita—

“Mommy! Nandito ako! Mommy help me!”

Pero walang tunog na lumalabas sa bibig ko. Namamaos ako. Hindi ako marinig.

Muling nagsalita ang lalaki.

“Nandiyan siya sa loob.”

Narinig ko ang pagbukas ng pintuang bakal. Ngunit hindi sa akin iyon. Hindi sa selda ko. Kundi sa kabilang silid na katabi lang din ng sa akin.

“Anak, Christine? Salamat at buhay ka. Halika, umalis na tayo sa lugar na ‘to.”

Nanigas ako.

Christine...? Bakit siya ang tinatawag?

“Mommy, saan ka? Nandito ako!” Sumigaw ako ngunit bakit walang boses na lumalabas sa bibig ko. Hindi naman ako mute.

“Anak, sinaktan ka ba?”

Bumagsak ang luha ko. Gusto kong yakapin si Mommy, ngunit hindi ko siya makita sa dilim.

“I’m tired Mom.”

May babaeng sumagot na kaboses ko? Bakit siya ang nilalapitan ni Mommy?

Bakit... hindi ako?

Pilit kong ginagalaw ang katawan ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong tumayo. Gusto kong malaman kung—

Sino siya? Kung hindi ako si Christine? Sino ako?

Ilang sandali pa’y mayroong dumaan na ka-boses ko mula sa pintuan ng aking selda.

"Totoo ngang mas madali kapag mukha mong ginagamit ko."

Sa isang iglap, nawala sa akin ang lahat. May babaeng gumamit ng identity ko at hindi ko alam kung ano ang dahilan. 

Kailangan kong gumawa ng paraan para makalabas sa dungeon na ito. Hindi pwedeng magtagumpay ang babaeng 'yun sa kanyang plano. 

Ngunit paano? Sino ang tutulong sa akin gayong walang nakakaalam na nandito ako? 

Sa susunod na pahina ng aking libro hindi na ako ang gumaganap kundi ang pekeng ako...

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Joce Lyn Buyacao
Ang Ganda ng Story... Highly recommended ...️
2025-09-06 03:48:45
1
user avatar
Jekk'01
Highly recommended ...
2025-08-31 17:04:20
1
user avatar
CRis10
Highly recommended story
2025-08-30 21:15:26
1
user avatar
CRis10
Ang aga mong nabuking Ngayon magdusa ka ......
2025-08-08 16:18:00
1
user avatar
CRis10
Ang Ganda ng twist, Kaya grab nyo na Basa na kayo
2025-08-07 21:41:44
1
user avatar
Scorpion Queen
Thank you sa lahat ng nag-aabang at sumuporta. Happy Reading.
2025-08-06 22:29:18
1
user avatar
Mahilig sa Pancit
Ang dalawang puno ng lihim at ma pride.. mahuhulog din sa isat isa.. highly recommended
2025-08-04 03:45:43
1
user avatar
Noli Laurencio
Big Thanks to the Author, it's a big help. I love the content of the story. thumbs up. more please.
2025-08-03 23:28:40
1
user avatar
Docky
highly recommended
2025-08-01 19:35:33
1
user avatar
Mary Angeli Villarubin
sure akong maganda ang story na to base dun sa story ng parents ni Clyde. highly recomended
2025-08-01 15:04:43
1
user avatar
emzbranzuela
the story is interesting ganito gusto ko love it
2025-08-01 06:29:56
1
user avatar
Jekk90
Highly recommended
2025-07-31 23:14:06
1
user avatar
CRis10
Palaban ang ating bida, basahin nyo na sabay sabay Tayong malinis Kay Clyde.
2025-07-31 14:48:36
1
user avatar
Mylah Gereña
I miss your stories miss A.. this is worth reading.. very good and amazing story..
2025-07-31 12:40:39
1
user avatar
CRis10
Highly recommended story
2025-07-31 11:43:40
2
51 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status