Home / Romance / BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW / CHAPTER 58 - INVESTIGATE HIM

Share

CHAPTER 58 - INVESTIGATE HIM

last update Huling Na-update: 2025-10-01 15:47:11

Mabilis akong tumayo at hinablot ang papel mula sa Genetecist. Binasa ko ang nakasulat at tama nga ang binasa niya. Tumingin ako kay Christine, hilam na luha ang mukha niya. Hinablot rin ni Mommy ang papel sa akin.

“Wife? Tin?” Niyugyog ko si Christine nang makita na halos hawak na niya ang dibdib sa sobrang paninikip nito. Humigpit ang pagkahawak niya sa akin.

Clyde bakit? Bakit ko kailangan pagdaanan ito?” Halos hindi na niya kayang bigkasin ng malinaw ang mga sinasabi niya.

“Ngayong malinaw na sa lahat na ikaw ang impostor, dapat sa ‘yo ikaw ang ikulong sa basement!” Narinig kong sigaw ni Megan. Kanina, parang nawalan siya ng buhay habang naghihintay ng resulta, ngayon domoble ang tapang niya.

“Megan!” sigaw ko sa nanlilisik kong mga mata. Nagtatagis ang aking mga bagang sa galit. Kung kaya lang lumipad ng kamao ko habang hawak ko si Christine, kanina ko pa ginawa para lang matauhan si Megan.

“You seem to have forgotten who you are. You have no right, no voice, and no power to m
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Helen Delasa
walang update
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
baka tao ni Xian yan
goodnovel comment avatar
arkrey arkrey
ang Oa na masyaso paulit ulit ang scene
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 60 - THE TRUTH BEHIND THE DNA RESULT

    CLYDE’S POVIsang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa rin ako mapakali. Nakatulog na ang asawa ko, at habang minamasdan ko siya, nakaramdam ako ng sobrang awa sa kanya. Nakuyom ko ang kamao nang maalala na naman ang resulta ng DNA. Ang sabi ni Brando, isang matinik na Geneticist si Dr. Garanda, ngunit bakit pakiramdam ko may mali sa resulta?Ilang sandali pa’y nag ring ang phone ko. Mabilis kong dinukot iyon mula sa bulsa ng suot kong pantalon. “Brando,”“Boss, sinundan namin siya hanggang sa ospital, wala kaming nakita na kakaiba sa kanya.”“Siguradong nag-iingat ‘yan sa mga galaw niya.” sagot ko.“Anong gusto mong gawin namin ngayon? Gusto mo ba gamitin ang Black Note? Dating gawi, alam mo na..”“No,” maagap kong sagot. “Ako na ang bahala sa kanya, aamin siya.”============St. Hyacinth Medical Center.Tahimik ang paligid, tanging tik-tak ng orasan at mahinang ugong ng aircon ang maririnig habang hinihintay ko sa loob ng opisina ng Laboratory Head si Doctor Garanda.Pagpasok ni

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 59 - IN THE NAME OF LOVE

    Madilim ang paligid, nakakabingi ang katahimikan. Maging ang tunog ng orasan na madalas kong naririnig sa loob ng silid namin ni Clyde ay—“Teka, bakit parang wala ako sa loob ng silid namin?”Bumalikwas ako ng bangon. Kahit madilim, pinilit kong inaaninag ang kabuuan ng silid sa tulong ng maliit na sinag ng ilaw na tumatagos sa bintanang gawa sa salamin.Wala ako sa silid namin ni Clyde? Naalala ko ang nangyari sa akin kanina. Kung gano’n, dito ako dinala ni Clyde, at hindi sa mismong silid namin?Kasalukuyan akong nahulog sa malalim na pag-iisip nang biglang bumukas ang pintuan ng silid.Isang silweta ng babae ang aking naaninag. Napakunot ang noo ko nang unti-unting naging malinaw sa aking paningin ang kanyang mukha.“Megan,” mahina ngunit may bahid ng galit ang boses ko.“Kumusta ka na, Christine Real?” Mapanuya ang tono ng kanyang pagtatanong.“Anong ginagawa mo rito?” Parang gusto kong dagdagan ang mga kalmot sa mukha niya. Talagang napakatibay ng maskara niya.“Nandito ako para

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 58 - INVESTIGATE HIM

    Mabilis akong tumayo at hinablot ang papel mula sa Genetecist. Binasa ko ang nakasulat at tama nga ang binasa niya. Tumingin ako kay Christine, hilam na luha ang mukha niya. Hinablot rin ni Mommy ang papel sa akin. “Wife? Tin?” Niyugyog ko si Christine nang makita na halos hawak na niya ang dibdib sa sobrang paninikip nito. Humigpit ang pagkahawak niya sa akin. Clyde bakit? Bakit ko kailangan pagdaanan ito?” Halos hindi na niya kayang bigkasin ng malinaw ang mga sinasabi niya.“Ngayong malinaw na sa lahat na ikaw ang impostor, dapat sa ‘yo ikaw ang ikulong sa basement!” Narinig kong sigaw ni Megan. Kanina, parang nawalan siya ng buhay habang naghihintay ng resulta, ngayon domoble ang tapang niya. “Megan!” sigaw ko sa nanlilisik kong mga mata. Nagtatagis ang aking mga bagang sa galit. Kung kaya lang lumipad ng kamao ko habang hawak ko si Christine, kanina ko pa ginawa para lang matauhan si Megan.“You seem to have forgotten who you are. You have no right, no voice, and no power to m

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 57 - THE RESULT

    CLYDE’S POVIsang oras ang nakalipas, matapos kuhanan ng DNA sample si Megan at Christine ganun na rin si Tito Edwin at Tita Mylah. Kung tutuusin hindi na dapat kailangan ang ganito, ngunit para sa kapakanan ng asawa ko, ito na lang ang tanging paraan para matapos na ang paghihirap niya. Tumingin ako sa gawi ni Megan. Nakasubsob pa rin ang mukha niya sa dibdib ni Tito Edwin. Umigting ang panga ko. Hindi ko talaga makuha ko anong drama niya. Huling-huli na ang akting niya ngunit patuloy pa rin siya sa pagpapanggap. Kung tutuusin dapat ko na sanang tinapon ang babaeng ‘to kung hindi lang buntis. Mali akong pinanatili pa siya sa bahay ko, gayung wala naman akong mahihita sa kanya. Hanggang ngayon, madulas pa rin ang Tommy na ‘yun. At nang sinubukan ko si Megan na papatayin kapag hindi nagpakita si Tommy sa loob ng isang araw, ngunit walang nangyari. Walang pakialam si Tommy kay Megan, kahit mapatay ko man ito. Ang dahilan niya, marami pa siyang Megan na makukuha para patayin ako hindi

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 56 - DNA TEST

    CHRISTINE’S POV“Clyde, bakit wala pa rin si Mommy?” tanong ko na kinakabahan. Isang oras na kaming naghihintay dito sa airport pero wala pa rin sila ni Kevin kasama si Daddy Edwin.Pinisil ni Clyde ang kamay ko. Kasalukuyan kaming nasa loob ng sasakyan at tanging si Brando kasama ang parents ni Clyde lamang ang nag-aabang sa harap ng travelers lounge kung saan dadaan sii Mommy.Gusto ko sanang ako ang personal na mag-aabang sa kanila ngunit ayaw pumayag ni Clyde sa takot na baka mapansin ako ng mga kalaban lalo na si Xian. Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa gusto niya para maiwasan ang magkasisihan bandang huli.“Don’t worry, naantala lang ang kanilang flight. Pero in a munites nandito na raw sila

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 55 - IN HIS LOVE AND PROTECTION

    CHRISTINE’S POV“Clyde, anak, anong nangyayari?” tarantang tanong ni Mommy Ciara, habang palipat-lipat ang tingin kay Clyde at Xian, ganun na rin sa akin.Nakasunod naman sa kanya si Daddy Clarence ngunit tahimik lang habang malikot ang tingin sa paligid.Agad na tumalikod si Xian bago pa lumala ang sitwasyon. Ngunit bago tuluyang umalis, isang masakit na tingin ang iniwan niya kay Clyde. “Hindi pa tayo, tapos.” “Gusto mo ngayon tapusin na natin!” Matapang na sagot ni Clyde at binalikan din ng masamang tingin si Xian, agad kong hinigpitan ang paghawak sa asawa ko. “Clyde, tama na.”Hinayaan naman niyang umalis si Xian, ngunit nandoon pa rin ang mainit na tinginan nila sa isa’t-isa.Nang tuluyang magsara ang gate, saka lang ako nakahinga nang maluwag. Nanginginig pa rin ang tuhod ko, pero naramdaman ko ang mga braso ni Clyde na mahigpit na nakayakap sa akin.“Wife,” bulong niya habang hinahaplos ang kamay ko, “simula ngayon, hindi na ako papayag na lumapit siya sa’yo. Ako ang poprotek

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status