LOGINMaraming salamat sa pagbabasa! Maulan na hapon sa ating lahat!
Sino ang mas mahalaga sa kaniya? Madali lang naman sana sagutin ang tanong na iyon kung nasa normal na pamantayan ang relasyon ni Yelena kay Argus. Kung sana ay tunay niya itong kapatid at kung sana ay hindi kapatid ang tingin ng iba sa kanila.Hindi niya ito kapatid kaya okay lang siguro ang romantic affair nila? Pero ang paniniwala ng iba ay magkapatid sila kaya pinagbabawal ang anumang romantikong ugnayan.Parehas na nakatingin sa kaniya sina Argus at Morgan, gayundin ang iba, lahat ay naghihintay at nag-aabang sa kaniyang sagot."Mas mas importante ba sa kanilang dalawa? Parehas silang hindi importante sa akin," half-joke, half truth ang sagot na iyon.May nagtawanan, hindi ikinagulat ang sagot niya. Bakit nga naman magugulat? Walong taon siyang iniwan ni Argus. Tatlong taon siyang hindi man lang hinawakan ni Morgan kahit pinakasalan siya dahil ayaw nitong magkasala kay Nova. Bakit ngayon ay kailangang timbangin ang halaga ng dalawang lalaking parehas na nagbigay sa kaniya ng masa
Since her marriage, ito ang kauna-unahang pasko at bagong taon sa buhay ni Yelena na hindi siya nai-stress at kalmado ang kaniyang isip. Wala siyang galos. Hindi siya lumuhod. Hindi siya sinampal. Hindi siya pinahiya roon sa Armadda.Payapa ang mga sumunod na araw. Walang banta ng gulo o panganib. Parehas sila ni Yaale na nasa bahay lang. Although, patalon-talon siya mula sa kabila lalo na kapag naroon si Argus."Still working?" tanong ng lalaki at sinilip ang ginagawa niya roon sa may coffee table. Nagkalat sa ibabaw ang libro at mga papeles para sa research and development project.Tumingala siya at nasumpungan ang tray na bitbit ng lalaki. May cookies at cake roon, fruit juice at chips."Snacks muna," alok ni Argus at nilapag ang tray."Kaiinom ko lang ng coffee na bigay ni Yaale," sabi niyang tinikman ang cake. "Matcha cake?""Hmn," tango ni Argus at pinunasan sa daliri ang icing na naiwan sa sulok ng kaniyang labi."Saan mo nabili?" tanong niyang lumambot ang puso sa simpleng ge
Gitlang tumingin si Nova kay Morgan. "Iniisip mo talagang mabait si Yelena? Hindi mo ba nakita na kahit nagmakaawa ako ay wala naman siyang pakialam?""And your point?" angil ni Morgan."Hindi ko maintindihan! Bakita kayong lahat, naniniwalang mabuting tao at mabait ang babaeng iyon gayong kung tutuusin ay mas masahol pa siya sa akin!""Really? At ikaw ba ang mabuting babae?" Morgan grabbed her jaw. "Kung ganoon, ano'ng ginagawa mo rito? Balak mong saktan si Yelena?""H-hindi!" nanghihilakbot na sigaw ni Nova. "Gusto ko lang namang kompirmahin kung bakit hindi mo pa rin siya hiniwalayan? Di ba't may iba ka namang mahal?""Curious? Palagay mo ba karapat-dapat kang ikumpara sa asawa ko? Brando, bitbitin na ito at ibalik sa kulungan niya!" mabangis na utos ng lalaki.Mabilis na kumilos si Brando at ang ibang mga tauhan ni Morgan. Sa gitna ng pusikit na dilim ay humahagibis ang mga sasakyan patungo sa destinasyon. Ilang saglit pa ay sinapit nila ang lugar. Sapilitang kinaladkad ni Brando
Hindi mapalagay si Nova habang sakay ng taxi. Kailangan niyang makita ngayong gabi si Yelena. May kokompirmahin lang siya at hopefully magagamit niya iyon para pumabor muli si Morgan sa kaniya. "Bumalik tayo sa Elegance Road," utos niya sa driver.Nag-U-turn ang taxi pagdating sa intersection at bumalik sila sa lokasyon ng bahay ni Yelena. Sakto lang din nang sapitin nila ang village ay siya ring pagdating ng doktora. And good thing she is alone. Hindi kasama ng babae si Argus. Wala rin si Morgan. Dali-daling bumaba ng taxi si Nova matapos i-abot sa driver ang pamasahe niya. "Yelena!" sigaw niya bago pa nito maisara ang gate.Lumingon si Yelena. Nakatalikod ito sa ilaw at hindi niya mabasa ang expression ng mukha. ""Nova? Ano'ng ginagawa mo rito? At ano'ng nangyari sa iyo?"Na-off guard si Nova. Halata siguro ang lupit na dinanas niya sa mga kamay ni Morgan. Tatlong araw na rin siyang hindi naliligo at nagbibihis. Kahit nagpunas siya pero hindi sapat para iligpit ang amoy niya. Hind
Nasadlak siya sa railing ng balcony habang magkahinang pa rin ang mga labi nila ni Argus. Kapos na siya sa hangin. Nang saglit na huminto ang lalaki ay itinulak niya ito."May pagkakataon kang lumayo da kaniya kanina pero hindi mo ginawa," kastigo ni Argus, habol ang hininga. "Alam mong mas masahol ako sa kahit na sino'ng lalaking magtatangkang mahalin ka. Pero hindi ko gagawin ang isang bagay kung hindi sang-ayon dito. You promise but then you break it under my watch? Kissing you can't even compensate.""Kailangan ba de numero ang mga kilos ko tuwing nasa malapit si Morgan? Wala naman iyon sa kasunduan, ah!" kontra niya."I just want you to set your boundaries when he is around."Hindi na siya nakipagtalo pa. Maingay sa ibaba pero mas nakabibingi ang pintig ng puso ni Argus. Tapos ang dibdib naman niya ay para bang mawawasak na sa kaba. Pakiramdam niya ay umaakyat ang puso niya sa kaniyang lalamunan."The next time you let him touch you, I'll disconnect his fingers permanently." His v
"Hello, Doc Yena!"Nilingon ni Yelena ang babaeng papalapit kasama si Mercy at ang dalawa pa sa mga pinsan ni Argus."Hi, Ms. Elen!" Gumanti siya ng bati."Alam mo bang nakakatuwa itong mga pinsan mo, nagpupustahan sila kung maisasama mo rito ngayon ang asawa mo o hindi."He smiled and said to Wen Song: "Just now, a few younger siblings were still guessing, will Mr. Zhou come back with you today."Ngumiti lamang si Yelena. Expected iyon dahil mula nang ikasal sila ni Morgan, isang beses lang nakapunta roon ang lalaki. Birthday iyon ni Madam Eleanor."You haven't told me that you're famous here, see that, even a stranger made you the intro," pa-simpleng insult ang sinabi ni Argus na nagpatahimik sa mga nakapaligid sa kanila.Stranger. Si Elen ba ang tinutukoy nito? Malamang. At obvious na naintindihan iyon ng babae kasi nawalan ng kulay ang mukha nito."Mabuti naman at naisama mo ang iyong asawa, Yelena. Kailan n'yo ba balak magkaanak? Tatlong taon na kayong kasal," sabat ni Mercy."She







