登入Ramdam sa tono ni Argus ang labis na pag-aalala at pati si Lola Rosela ay hindi na rin mapigil ang ligalig. "Kung may maitutulong ako, sabihin mo lang, Argus..." aniya sa lalaking palakad-lakad habang hinihintay nila roon sa bakuran si Morgan. "Malaking bagay na ho ang tulong ninyo para makuha ko ang antidote," sagot niya at muling pinukol ng tanaw ang direksiyon patungong garden. "Brian, ipa-trace kung nasaan ang secretary ni Morgan na sumundo kay Yelena," utos niya sa bodyguard."On-going na, Boss. Mamaya lang ay may update na tayo mula sa team ni Javier." "Lola, thank you sa pag-accommodate sa amin ngayon. Alam kong malaking abala itong ginawa namin," muli niyang hinarap ang matandang babae."Ano ka ba, apo rin ang turing ko kay Yelena. Dapat lang nagpunta ka rito para malaman na rin ni Morgan." Kapwa sila bumaling sa parating na lalaki. Bakas din ang pag-aalala nito, marahil ay nasabi na ng katulong na may sumundo kay Yelena sa hospital. "Argus...""Yelena is missing and she
Kahit itanggi pa ni Argus pero ang katotohanan ay lahat sila'y may malalim na pagmamahal kay Yelena. Lumaki itong kasama nila at nasusundan ang bawat yugto ng buhay nito. Kung paano sila nito napatawa noon. Ito ang naging gamot sa kanilang lungkot. Ganoon din ang papel nito sa piling ni Morgan noong hindi pa kasal ang dalawa. Maaring iyon ang gustong ipaglaban ng lalaki. Nasa third floor ang private suite ni Madam Myrna pero hindi na naghintay pa si Argus ng elevator. Mabilis siyang bumaba sa fire exit stairs at dumiretso sa monitoring room.Ang gwardyang nakabantay roon ay hindi magkandaugaga sa pagsalubong sa kaniya. Banaag sa mukha ang takot at halos hindi na gumana ang utak dahil biglang nadapa sa sahig."Boss Argus, ano po ang atin?"Itinuro ni Brian sa nguso ang monitor screen. "I-play mo 'yung CCTV footage from half an hour ago mula sa entrance ng inpatient building."Mabilis na tumalima ang gwardya at nagmadaling hinanap ang footage.Madilim ang mukhang nakapako sa screen an
"Grandma, bakit si Argus tinulungan n'yo pero ako lagi ninyong binabara? Inaamin kong nagkamali ako noon pero handa akong magbago at mahal ko si Yelena," may hinanakit sa tono ni Morgan.Pero imbis na makuha ang simpatiya ng lola niya, lalo lamang dumilim ang mukha nito."Ano'ng gusto mong mangyari? Kailan ka ba titigil, kapag nakita mong napahamak na siya? Binigyan ka na ng mahabang panahon para patunayan ang sarili mo pero sinayang mo lang.""Paano n'yo po nasasabing ipapahamak ko siya? Gusto ko lang po bumawi sa kaniya.""Huli na ang lahat, Morgan. Guguluhin mo lang ang isip ni Yelena. Hindi makakatulong sa kaniya ang gagawin mo. Kung buhay lang ang lolo mo, baka nasinturon ka na."Ilang saglit ding nawalan ng kibo si Morgan. Sa kaniyang paghinga ay sumasabay ang huni ng ibon at kaluskos ng dahon."Noong bata ka, kapag pinapagalitan kita, ganyan din ang tingin mo. Parang ang buong mundo may kasalanan sa'yo.""Minsan na niya akong pinili, grandma. Gusto ko lang ulit na-""Pinili ka
Nasa ilalim ng kontrol ni Morgan ang angkan ng mga Cuntis at sinumang lalabag sa batas na ipinatutupad niya ay may kaukulang parusa na nag-aabang. Alam iyan ng mga empleyado at tauhan nila. Inisip niya kung sino sa staff sa mansion ang naglakas-loob na makipagsabwatan kay Argus para lasunin ang kaniyang lola.Kilala siyang matalino at di pa nabibigo sa lahat ng business deal na pinasok niya. Pero sa pagkakataong iyon ay wala siyang magawa kundi ang tumiklop. Naintindihan niya kung ano ang habol ni Argus, madalas ay hindi ito direktang nagsasalita, bagkus ay idinadaan nito sa trusted na close-in bodyguards gaya nina Rolly at Brian. Sandali lang siyang natigil ng ilang segundo bago lumakad papunta sa safe, kinuha ang antidote, at inihagis iyon kay Argus. "Alam ba ni Yelena na lalaking hinahangaan niya dahil sa dangal at paninindigan ay walang awa kahit sa matanda at may kapansanan?"Sinipat ni Argus ang bote at malamig na tumugon. "Wala ka ring pinagkaiba. Kilala mo naman ako. I ran th
"Jeremy, mag-draft ka na ng annulment papers para sa amin ng iyong ama," pahayag ni Nathasia. "Nat, pag-uusapan natin ito. Normal lang sa bata ang magkamali. Bigyan natin siya ng isa pang pagkakataon," pagsusumamo ni Vic."Bigyan ng isa pang pagkakataon? Hindi pa ba sapat ang pagsisinungaling mo? Pinalaki ko ang anak mo sa ibang babae nang hindi ko alam? Dumaa sa legal process lahat, kaysa sinabi mo na lang sana noon pa na anak mo siya! Ang malala, siya ang naging dahilan kaya nawala sa akin ng mahabang panahon ang bunso ko!"Nalaglag ang mga balikat ni Vic. "I'm sorry, gusto ko lang protektahan ang damdamin mo. Aksidente ang namagitan sa amin ng ina ni Vettyna. Ikaw ang mahal ko, alam mo iyan.""No, Vic. Hindi ko alam kung ano'ng klaseng pagmamahal mayroon ka para sa akin. Tama na ito sa ngayon. may charity ball pa mamaya. Jeremy, ibalik mo na ako sa kwarto ko at wala munang iistorbo sa akin."Pinangko na lamang ni Jeremy ang ina. Bago umalis ay binalingan ng binata ang ama. "I have
Araw ng charity gala. Maagang gumising si Nathasia. Pagkatapos maligo ay inayusan siya personal maid habang nakaalalay ang kaniyang nurse. Pumasok naman doon si Jeremy dala ang kaniyang gatas."Mom, dumating na si Light, dala niya ang resulta ng paternity test ni Vettyna. Naroon sila sa kwarto ni Martha," abiso ng binata."Pumunta na tayo roon pagkatapos ko rito.""Sabi ni Martha, sa study room na lang tayo maghintay."Tumango si Nathasi at huminga ng malalim. Bumundol ang kaba sa dibdib ng ginang. Malakas kasi ang kutob niyang anak ni Vic sa labas ang babaeng iyon.The entire living room is too queit when they went down. Martha and Light were there already. Pagpasok nila'y humabol din si Mark."Light?" Bumaling si Nathasia sa manugang.Marahang tumango si Martha, indikasyon na maaring sabihin na ni Light ang resulta."Positive po, Mom. Si Dad ang ama ni Vettyna," sagot ng lalaki.Although they suspected already, they still lingered on that slim possibility that the idea is not true.
Rambol na naman sa kama ang iniisip ng lalaking iyon! Nangaligkig si Yelena habang papasok ng kuwarto. Ginagawa lang yatang rason ni Argus ang pagiging house husband para masolo siya lagi. Pero may tapang ba siyang tumanggi?Lumingon siya sa gawi ng pintuan. Naroon si Argus, nakasandal sa hamba at n
Bumuntong-hininga si Elen at matiim na tinitigan si Yelena. "I really have no choice but to come to you. Umasa sana ako that Argus can take the initiative to break up with you, kung anuman ang mayroon kayo. But apparently it doesn't work."Sumandal sa sandigan ng swivel chair si Yelena. "Ano'ng gust
Bumalik sa alaala ni Morgan ang nakaraan, kung paano siya nagtatago at nagsisinungaling noon kay Yelena para lang hindi magtampo si Nova. Ni hindi niya naranasang mag-celebrate ng birthday kasama ang asawa. "Do you have enough? Umalis ka na and put some sense in that brain of yours, Morgan." Taboy
Hindi man lang gumaan ang pakiramdam ni Yelena kahit sinubukan niyang ipahinga ang isip. "Yaale, uuwi na ako roon sa kabilang bahay. Nga pala, pwede mo bang ilihim muna kay Mark ang tungkol sa nalaman natin ngayon? Ayaw kong makarating ito kay Argus.""Yelena-""Hindi ako galit sa kaniya. Pero gust







