Share

222 - collapsing trust

Author: 4stratcats
last update publish date: 2026-04-04 20:51:29

Nasa salu-salo pa sila pagkatapos ng wedding rites nang sumigaw ang isang katulong dahil nawalan ng malay-tao si Nathasia sa loob ng study room. Naroon ang ginang kasama si Victor nang bigla na lamang itong mag-collapse.

Kumaripas silang patungo sa silid.

"Ano po ang nangyari?" tanong ni Yelena sa kasambahay. Mula nang umpisahan ang treatment ni Nathasia, kabisado na niya ang resistensya ng ginang. Hindi ito basta-basta bibigay maliban kung nasadlak sa matinding stress.

"Narinig ko po sila ng
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
MerryJane Macatangay
bkt wala pa din po update author
goodnovel comment avatar
mercy villafuerte
makabili ng aquarium na may dilis din,pala masaya
goodnovel comment avatar
Winnie Caisip
dilis pa more pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   305 - rescued

    Nanginginig ang boses ni Yelena. Nangungulot ang mga daliri niya sa paa dahil sa sakit. Hindi siya umaarte. Halos mapugto ang kaniyang hininga dahil sa tindi ng paghilab ng kaniyang tiyan. Pero sigurado siyang hindi pa siya manganganak. Hindi pa due date. May dalawang linggo pa."May nilagay ba kayo sa gatas?" hirap niyang tanong. Gumigitaw ang malamig na pawis sa mukha niya."Ano'ng tingin mo sa amin, baliw? Bakit lalagyan namin ng kung ano ang gatas?" Halata ang pagkataranta sa mukha ng lalaki. Kung may mangyari talaga mawawalan ng saysay ang plano ni Matthew.Tinitigan ito ni Yelena nang may pagdududa habang saklot pa rin ang tiyan at hindi man lang humupa ang sakit."Bakit hindi mo ako tinutulungan?Kung may mangyari sa akin, hindi mo 'yon kaya sagutin."Wala nang nagawa ang lalaki kundi saklolohan siya."Paano kita tutulungan? Hindi naman ako pwedeng tumawag ng ambulansiya hindi papayag si Sir Matt."Umiling si Yelena. "Kailangan ko lang humiga at ipahinga ang katawan ko."Tuliron

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   304 - unknown

    Dinig lahat ni Yelena ang sinabi ni Matthew. Alam niyang hindi nagbibiro ang lalaki. Handa ito bago ginawa ang plano na iyon. Siguro kung may mild version ang pagkatao ni Argus, si Matthew iyon. Isang bagay ang likas sa dalawang lalaki, paninindigan at determinasyon.Ramdam din niya ang pag-iingat ni Argus. Nakataya ang buhay niya. Sinumang gustong magligtas sa kanya, kailangang sumunod sa utos ni Matthew.Pero hindi maaring basta na lang sila bibigay kung buhay ni Argus ang kapalit sa kaligtasan niya. Hindi siya papayag na mapahamak ang asawa.Sila ni Argus, at ang anak nila, silang tatlo, dapat makaalis dito nang walang nasasaktan.Muli niyang pinagmasdan ang lalaki na nasa ibaba. Malinaw na tinatamaan ng liwanag ang mukha ng asawa niya. Kitang-kitang ni Yelena ang pag-aalinlangan sa mga mata ng asawa. Pero saglit lamang iyon. Tila ba naramdaman nito ang tingin niya, at biglang tumatag ang kislap sa mga mata nito. Tumingala ito at nagtama ang titig nila. Walang boses. Mga mata nila

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   303 - bargain

    "Ten years old pa lang si Argus nang nga time na iyon. Wala siyang kapangyarihan at impluwensya. Paano siya papatay ng tao?" "Sino nagsabing siya ang gumawa, not him directly but his father. Anak ang mananagot sa kasalanan ng ama, 'di ba?"Doon lang nag-sink in kay Yelena. Ang sinisingil ngayon ni Matthew ay gulo mula pa sa mga magulang ni Argus. Pero kung tutuusin ay walang kinalaman ang asawa niya kung anuman ang nangyari sa nakaraan. Magsasalita pa sana siya pero bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking nakasalamin. "Sir, nandito na sila," abiso nito.Umarangkada ang kaba ni Yelena. Narito na si Argus?"Ang bilis, ah!" Binigyan siya ni Matthew ng bahagyang ngiti. "Hindi ko inakala na ganito ka kahalaga kay Argus. Mukhang... tama ang ginawa ko."Hindi niya makitaan ng takot ang lalaki. Bagkus ay nasa mga mata nito ang kasiyahan.Kasiyahan sa paghihiganti.Lalong sumama ang pakiramdam ni Yelena. Naging masidhi ang paghilab ng kaniyang tiyan habang iniisip na malalagay sa kapahama

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   302 - mastermind

    Siguro dahil sa pagpapalaki sa kanila, halos lahat ng Villegas siblings ay nagkaroon ng matinding hilig sa armas mula pa noong kabataa. Elementary pa lang Mark ay puno na ng mga modelong baril, eroplano, tangke, at warship ang kwarto niya.Pagbalik noon Xarah Jean sa Pagoda kasama ang mga magulang, halos kakalakad pa lang nito pero laging nagpupunta sa kwarto ni Mark. Kinukuha nito ang collector guns niya at ang iba ay ayaw nang ibalik.Bago ipinanganak si Xarah Jean, si Mark ang paborito sa pamilya. Spoiled hanggang sa nagiging makulit ay pasaway. Madali siyang mainis at ayaw niyang ibigay ang baril niya kay Xarah Jean hanggang sa nawala ito sa piling nila at doon lang niya natanto na nawalan na siya ng pagkakataong ibigay ang baril na iyon. Sa mga taon simula nang manirahan sila sa Magallanes, lahat ng gamit niya iniwan niya sa Pagoda, pero itong collector gun ay nanatili sa kanya. Ngayong gabi, iniisip sana niya na baka dumating si Yelena, kaya dinala niya ang baril. Hindi niya in

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   301 - Mark's agression

    Pumihit si Eleanor, nagliyab sa galit ang mga mata at nagtagis ng mga ngipin.Samantala ay tumingin naman si Riou kay Argus, tapos kay Martha at sa huli sa lola niya. Naguguluhan ang lalaki.Ramdam niya kung paano nagbago ang tingin ng mga tao sa kanya. Mula sa paghanga, ngayon ay may anino ng galit at pandidiri.Imposible...Pero pinalaki siya ni Madam Eleanor.Kilala siya nito. Kilala rin niya ang abuela, at kabisado niya ang pinsan na matagal na niyang kaalitan.Pero sinabi ng kutob niya na totoo lahat ng isinawalat ni Martha.Parang binuhusan siya ng isang timbang malamig na tubig sa gitna ng nagyeyelong silid. Nawalan siya ng direksyon.Kaya pala sila hindi makasundo ni Argus ang lola niya at kaya pala inaapi ni Eleanor ang lalaki. Hindi 'yon dahil sa alitan ng tatay at tiyuhin niya. Ang totoong dahilan ay hindi siya kabilang sa angkan ng mga Armadda. Ginagamit ni Eleanor si Argus para makakuha siya ng mas maraming pabor sa pamilya.Hindi nakapagtataka na lagi nitong sinasabi. "K

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   300 - unprecedented distruction

    Alam na ni Vettyna dati pa na hindi dapat minamaliit ang kakayahan ni Martha. Pero kasi, akala niya ay kaya na niyang basahin ang babae. Sanay siya na prangka ito at direkta kung tumuligsa. Pati mga paraan nito ay kabisado na niya. Ngunit, ngayon ang unang beses na nakaramdam siya ng matinding takot at naiisip na pati ang kaniyang ama ay walang magagawa. Ibabagsak siya ni Martha at hindi hahayaan na muling makabangon pa."Magpaliwanag ka, Martha. Ano 'to? bakit may mga pulis dito sa charity ball?" "Dad, hindi n'yo ba narinig ang sinabi nila? Sangkot sa frustrated murder si Vettyna. Ano? iniisip ninyong ako ang nagtawag ng pulis para akusahan siya? Bakit ko naman gagawin iyon?" May pagdududang tinitigan ni Vic ang babae. Simula kaninang umaga, parang ibang tao na si Martha. Dati, kalmado ito at mahaba ang pasensya, masunurin at makatwiran. Pero ngayon, ang natira na lang ay ang pagiging matigas.Bago pa makapagsalita si Vic, tumango nang bahagya si Martha sa mga pulis. Ngumiti ng bah

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   158 - secrets

    Maaga pa at kagigising lamang ni Nova nang tumunog ang cellphone niya. Sinipat niya iyon habang humihikab. Tila broken-hearted ang antok niyang nag-alsa balutan paalis sa kaniyang sistema nang makitang si Madam Eleanor ang tumatawag."Pumunta ka sa lumang commercial house," may antagonismo sa boses

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   133 - rescued

    Morgan's tall and sturdy build was shaken, his throat rolled and he almost lost his voice. For a while, nakatitig lamang siya sa cellphone na nasa pavement, wondering kung nasa loob ba siya ng isang bangungot. "Sir Morgan," boses ni Brando na nagpabalik kay Morgan sa wesyo.Muli niyang dinampot ang

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   135 - limitations

    Pagdating ng bahay ay hinayaan ni Argus na makapagpahinga si Yelena at na-appreciate iyon ng doktora. Hindi kasi niya alam kung ano ang unang ikukuwento sa lalaki. Parang nagkabuhol-buhol ang ganap. Kailangan muna niyang himayin ang isip. Pagod na pagod siya.Pero nakaligtaan niya ang isang bagay. A

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   122 - cook

    Rambol na naman sa kama ang iniisip ng lalaking iyon! Nangaligkig si Yelena habang papasok ng kuwarto. Ginagawa lang yatang rason ni Argus ang pagiging house husband para masolo siya lagi. Pero may tapang ba siyang tumanggi?Lumingon siya sa gawi ng pintuan. Naroon si Argus, nakasandal sa hamba at n

    last updateLast Updated : 2026-03-28
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status