로그인Thank you so much sa pagbabasa! Work muna po ako. Happy weekend!
Wala na ring nagawa si Matthew kundi hayaang makaalis si Yelena. Kahit papaano naman ay tumupad si Argus sa usapan, nagpaiwan ito pero ang bigla ring nagbago ang sitwasyon, may mga sniper na sa labas. Galing ang mga iyon sa pwersa ni George. Tanging ang beteranong drug lord lang tulad nito ang may access sa ganoong mga tauhan. Magulo ang emosyon sa mata ni Matthew. Hindi niya inakala na malalagay siya sa alanganin. Minamaliit niya si Argus. "What are you waiting?" hamon niya sa lalaki."Gusto mo akong singilin, di ba? Simulan mo na." Ganti ni Argus. Samantala ay nakaantabay lamang sina Martha at Jeremy habang binibigyan ng instruction ni Mark ang mga tao nito. "Hindi n'yo ako basta-basta mapapasuko." "I know, right now the only option I have is to let you go. Ayaw ko sana dahil krimen ang ginawa mo at kailangan mong pagbayaran pero gusto kong akita mo kung ano'ng klaseng tao ang pinaglilingkuran mo ngayon, Matthew." "Hindi ko alam ang gulo sa pagitan ninyong dalawa. Kung kay A
Maingat at mabagal na naglalakad palabas sina Argus at Yelena. Tinangka pang humarang ng mga tao ni Matthew pero tumabi rin agad ang mga ito nang kumilos ang private army ni Jeremy."Okay lang ba sina Kuya?" nag-aalalang tanong ni Yelena at nilingon si Jeremy.Nagtaas ng kamay ang kapatid niya, indikasyon na wag siyang mabahala. Tumango siya at nag-iwan ng matamis na ngiti."Don't worry, I'll dispatch a reinforcement to ensure the safety of your brother. Mark is here also, he'll take good care of everything." Assurance ni Argus. "Besides, matagal nang nakaugat ang impluwensya ni Jeremy sa dalawang lalawigan. Sapat na ang authority niya para ayusin ang gulo nang malinis at mabilis.""Thank you," mahina niyang sambit at hinaplos ang tiyan. "Brian, coordinate with Jeremy's men." Sinulyapan ni Argus ang bodyguard at sinenyasan na manatili para tumulong na i-secure ang lugar.Sina Rolly at ang lima pang bantay ay pinaligiran sina Argus at Yelena para protektahan habang palabas ng bakuran
Nanginginig ang boses ni Yelena. Nangungulot ang mga daliri niya sa paa dahil sa sakit. Hindi siya umaarte. Halos mapugto ang kaniyang hininga dahil sa tindi ng paghilab ng kaniyang tiyan. Pero sigurado siyang hindi pa siya manganganak. Hindi pa due date. May dalawang linggo pa."May nilagay ba kayo sa gatas?" hirap niyang tanong. Gumigitaw ang malamig na pawis sa mukha niya."Ano'ng tingin mo sa amin, baliw? Bakit lalagyan namin ng kung ano ang gatas?" Halata ang pagkataranta sa mukha ng lalaki. Kung may mangyari talaga mawawalan ng saysay ang plano ni Matthew.Tinitigan ito ni Yelena nang may pagdududa habang saklot pa rin ang tiyan at hindi man lang humupa ang sakit."Bakit hindi mo ako tinutulungan?Kung may mangyari sa akin, hindi mo 'yon kaya sagutin."Wala nang nagawa ang lalaki kundi saklolohan siya."Paano kita tutulungan? Hindi naman ako pwedeng tumawag ng ambulansiya hindi papayag si Sir Matt."Umiling si Yelena. "Kailangan ko lang humiga at ipahinga ang katawan ko."Tuliron
Dinig lahat ni Yelena ang sinabi ni Matthew. Alam niyang hindi nagbibiro ang lalaki. Handa ito bago ginawa ang plano na iyon. Siguro kung may mild version ang pagkatao ni Argus, si Matthew iyon. Isang bagay ang likas sa dalawang lalaki, paninindigan at determinasyon.Ramdam din niya ang pag-iingat ni Argus. Nakataya ang buhay niya. Sinumang gustong magligtas sa kanya, kailangang sumunod sa utos ni Matthew.Pero hindi maaring basta na lang sila bibigay kung buhay ni Argus ang kapalit sa kaligtasan niya. Hindi siya papayag na mapahamak ang asawa.Sila ni Argus, at ang anak nila, silang tatlo, dapat makaalis dito nang walang nasasaktan.Muli niyang pinagmasdan ang lalaki na nasa ibaba. Malinaw na tinatamaan ng liwanag ang mukha ng asawa niya. Kitang-kitang ni Yelena ang pag-aalinlangan sa mga mata ng asawa. Pero saglit lamang iyon. Tila ba naramdaman nito ang tingin niya, at biglang tumatag ang kislap sa mga mata nito. Tumingala ito at nagtama ang titig nila. Walang boses. Mga mata nila
"Ten years old pa lang si Argus nang nga time na iyon. Wala siyang kapangyarihan at impluwensya. Paano siya papatay ng tao?" "Sino nagsabing siya ang gumawa, not him directly but his father. Anak ang mananagot sa kasalanan ng ama, 'di ba?"Doon lang nag-sink in kay Yelena. Ang sinisingil ngayon ni Matthew ay gulo mula pa sa mga magulang ni Argus. Pero kung tutuusin ay walang kinalaman ang asawa niya kung anuman ang nangyari sa nakaraan. Magsasalita pa sana siya pero bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking nakasalamin. "Sir, nandito na sila," abiso nito.Umarangkada ang kaba ni Yelena. Narito na si Argus?"Ang bilis, ah!" Binigyan siya ni Matthew ng bahagyang ngiti. "Hindi ko inakala na ganito ka kahalaga kay Argus. Mukhang... tama ang ginawa ko."Hindi niya makitaan ng takot ang lalaki. Bagkus ay nasa mga mata nito ang kasiyahan.Kasiyahan sa paghihiganti.Lalong sumama ang pakiramdam ni Yelena. Naging masidhi ang paghilab ng kaniyang tiyan habang iniisip na malalagay sa kapahama
Siguro dahil sa pagpapalaki sa kanila, halos lahat ng Villegas siblings ay nagkaroon ng matinding hilig sa armas mula pa noong kabataa. Elementary pa lang Mark ay puno na ng mga modelong baril, eroplano, tangke, at warship ang kwarto niya.Pagbalik noon Xarah Jean sa Pagoda kasama ang mga magulang, halos kakalakad pa lang nito pero laging nagpupunta sa kwarto ni Mark. Kinukuha nito ang collector guns niya at ang iba ay ayaw nang ibalik.Bago ipinanganak si Xarah Jean, si Mark ang paborito sa pamilya. Spoiled hanggang sa nagiging makulit ay pasaway. Madali siyang mainis at ayaw niyang ibigay ang baril niya kay Xarah Jean hanggang sa nawala ito sa piling nila at doon lang niya natanto na nawalan na siya ng pagkakataong ibigay ang baril na iyon. Sa mga taon simula nang manirahan sila sa Magallanes, lahat ng gamit niya iniwan niya sa Pagoda, pero itong collector gun ay nanatili sa kanya. Ngayong gabi, iniisip sana niya na baka dumating si Yelena, kaya dinala niya ang baril. Hindi niya in
Pagdating ng bahay ay hinayaan ni Argus na makapagpahinga si Yelena at na-appreciate iyon ng doktora. Hindi kasi niya alam kung ano ang unang ikukuwento sa lalaki. Parang nagkabuhol-buhol ang ganap. Kailangan muna niyang himayin ang isip. Pagod na pagod siya.Pero nakaligtaan niya ang isang bagay. A
Nagsara ang pinto at nasadlak doon si Yelena, kasunod ang pagsalakay ng mapusok na halik ni Argus sa mga labi niya. Sinubukan pa niyang itulak ang lalaki pero napako ang sa may ulunan niya ang kaniyang kamay habang kaliwa niyang palad ay nakadiin sa dibdib nito. Dama niya ang yumayanig na tibok ng p
Sinubukan pang pigilan ni Morgan si Yelena na inakay ni Mark palabas ng villa pero pinigilan na ito ni Lito. Ang mga bantay ay hindi na rin nakialam matapos bigyan ng babala ng dalawang lalaki. Kung tutuusin ay parehas din namang kilala sa business arena ang pamilya nina Mark at Lito. Mas umangat ng
Morgan's tall and sturdy build was shaken, his throat rolled and he almost lost his voice. For a while, nakatitig lamang siya sa cellphone na nasa pavement, wondering kung nasa loob ba siya ng isang bangungot. "Sir Morgan," boses ni Brando na nagpabalik kay Morgan sa wesyo.Muli niyang dinampot ang







