Share

CHAPTER 6

Kinabukasan napahawak ako sa ulo ko pag bagon. Muntik pa akong mapasigaw noong makita ko ang lalaking naka upo sa harap ng kama habang nakatingin sa'kin ng seryoso.

"Sir Gabriel anong ginagawa mo riyan?" gulat kung tanong.

"After everything I did I deserve to seat here, hindi ako nakatulog magdamag. And I want to sleep and rest." Bakas sa mukha niyo ang antok pero may talim habang nakatingin sa'kin.

"Bakit nakatingin ka sa'kin ng masama, hindi ko naman hawak ang mata mo." Hindi ko mapigilang itanong.

"Sa susunod h'wag ka ng uminom."

Napalunok ako sinubukan kung alalahanin ang ginawa ko ka gabi pero kahit anong pilit ko wala talaga. "May ginawa ba akong masama ka gabi?"

Tumayo siya sa pagkakaupo. "A lot. At sumasakit ang ulo ko dahil sa mga ginawa mo."

Napakagat ako ng ibabang labi. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga, para itanong sa kanya ang ngyari. "Anong ginawa ko ka gabi?"

Noong tumayo siya akala ko lalapitan niya ako pero noong lampasan niya ako napaawang ang bibig ko noong iwan niya ako habang hawak ang ulo.

Nag ayos ako ng sarili ko bago bumaba para sundan si Gabriel. Ilang buntong-hininga ang ginawa ko bago tuluyang lumabas sa kwarto.

Naabutan ko sila sa hapag. Balak ko sanang bumalik pero noong makita ako ni Gabriel tumuloy na ako.

Gusto kung manlumo sa hiya noong i-kwento nila ang ngyari sa'kin. Hiniling ko na lumubog ang lupa para lamunin ako saglit.

"Kuya lasing na talaga si Aviana, kailangan na natin siyang i-uwi sa bahay."

"I told you hindi dapat siya uminom." Nakita kung tiningnan ng masama ni Gabriel ang Ina at kapatid kaya naman hinawakan ko ang mukha niya.

"Don't be mad na po, behave na ang baby mo." Sumandal ako sa balikat niya, hindi ko pinansin kahit tinatawanan ako nila. Gusto ko lang na yakapin ng subrang higpit si Gabriel. Inaantok na rin ako, pwede akong magpahinga sa bisig niya.

"H'wag kayong mag tinginan na tatlo dahil may kasalanan pa kayo sa'kin. Unang una sa lahat kung hindi pa sinabi sa'kin hindi ko malalaman na nasa bar kayo!" masungit na sabi ni Gabriel.

Umiwas ako ng tingin sa kanya, hindi ko nakakalimutan ang pinag-gagawa ko ka gabi. Hanggang ngayong hiyang hiya pa rin ako. Hindi na talaga ako iinom sa susunod.

"Kuya malaki na kami, hindi ka namin tatay, stop the sermon. We're here safe and kicking," sabi ulit ni Gayiel.

"No don't stop this the three of you need to learn there lesson. Maraming masamang damo sa bar pero pumunta kayo. Pwede kayong uminom pero nandito sa bahay, kahit pa maubos nyo ang isang case ng beer." Hinilot niya ang kanyang sintido.

"Stop fighting kasalanan ko dahil kahit ako ang matanda hinyaan ko ang dalawang uminom," sabi naman ni tita.

"It's my fough din po!" sabat ko para depensahan si Tita.

"Kasalanan nyong tatlo. At ikaw ma no more gala for the week. At ikaw naman Gayiel suspended pa rin ang atm mo for the whole week. At ikaw Viana mag-uusap pa tayong dalawa." Napalunok ako. Mas kinabahan ako dahil sa tingin niyang parang apoy na tinutupok ako.

"Kuya that's to much how can I buy new clothes and my bills! Marami kaming bayarin sa school and I haven't pay my school fees."

Tinaasan lamang siya ng kilay ni Gabriel. "Get your own money."

Ang sungit niya talaga. Pero alam ko naman na overprotective lang siya. Kahit nga ako secretary lang niya pero kinikilig ako na ewan. Ganito pala ang feeling na protektahan.

Sumunod na araw nakipagkita ako kay Elyse. Kailangan ko na ilabas lahat ng kwento ko at alam kung handa siyang nakinig kahit magdamag pa kami abutin.

Napasapo siyasa noo niya noong i-kwento ko sa kanya ang nangyari sa mga araw ko. Hindi mapinta ang mukha niya dahil puro raw kahihiyan.

"How should I make him fall for me? Wala akong alam sa mga lalaki. Gusto niya kaya ako?"

Hinilot ni Elyse ang sintido niya, napanguso ako dahil sa ginawa niya. "I need to calm down first. Marami tayong dapat pag usapan na dalawa, kung gusto ka man niya o hindi you should make him confess. Pero hindi dapat halata, sabihin na natin na low-key. Ewan ko sa mga lalaki mas manamahal nila ang pinaghirapan na makuha."

"Paano mo nasabi?"

"Kasi naman teh kapag nakuha na nila ang gusto nila, wala na yung trill na sinasabi nila. Pero kung talagang gusto ka ng tao makikita mo yan, kahit gaano pa ka tagal."

Nang dumating ang order namin kaagad akong uminom ng malamig na milk tea. "Anong gagawin ko?"

1. Make your self presentable. Kapag pinuri ka niya ituloy mo lang. May ibang lalaki kasi na mas gusto ang natural. Observe mo ang galaw niya.

2. Play hard to get. Kailangan na kahit boss mo siya sa personal na bagay tatangi ka. Minsan kasi sinasamantala nila.

Rule 3: Give him a hint. Mahahalata niya iyan kung gusto ka talaga niya. Kahit sa maliit na bagay na gusto mo o tungkol sayo ay alam niya, or tanda niya.

Rule 4: Be independent. Hindi yung literal pero ipakita mo na kaya mo ng mag-isa. Pero not all the time. May mga lalaki kasi na iisipin kaya mo ng wala sila, madali kang bumitaw.

Rule 5: If you can see love in his eyes. Eyes can't lie.

Rule 6: If he care for you. Mararamdaman mo iyon kahit sa maliit na bagay at protective iyan ng palihim.

Sa tingin ko ay sasakit ang ulo ko sa mga sinabi niya. Napalunok ako. "Kaya ko bang gawin ang lahat ng iyon? At paano kung hindi niya talaga ako gusto pagkatapos?" problemado kong tanong.

Lumungkot ang mukha niya. "Ay yun lang friend. Hindi ko alam kung anong gagawin natin kung talagang hindi gumana ang charm mo. Pero kapag hindi ka pa sigurado pigilan mo ang puso mo. Mahirap mag mahal kasi kapag paulit ulit ay matatakot ka ng sumubok ulit."

Hinawakan ni Elyse ang kamay ko sa ma dramang dahilan. Seryoso na silang dalawa. Napangiwi ako at binatukan siya.

"Bakit mo ginawa iyon?" sikmat niya habang masama ang tingin.

"Friendly gesture lang iyon."

Umismid si Elyse. Alam kung alam niya na hindi iyon friendly gesture o ano pa.

"May jowa na ako." Mabilis akong napalingon sa kanya habang naka awang ang bibig.

"Totoo? Hindi ba iyan scam? Sino?" Pinaulanan ko siya ng tanong.

"Taxi driver." Mas lalong bumukas ang mata ko.

"Taxi driver ang jowa mo?" gulat ko ulit na tanong.

"Bawal i-judge ang boyfriend ko kasing hot iyon ng ceo mo."

"Hindi ko naman sinabi kasi mataas ang standars mo noong isang araw lang bitter ka. Pero ngayon may boyfriend ka na tapos taxi driver." Pinipigilan ko na mag over react. Kahit ganoon na nga.

Para sa'kin challenging para sa lalaki iyon na maging girlfriend si Elyse. Pero bilib ako sa kanya dahil napa sagot niya ng oo ang kaibigan kung bato ang puso.

"Next time ipapakilala ko siya sayo."

Pagkatapos nilang mag kwentohan sa cafe pumunta ako sa Vergara Company para puntahan si boss. Nagdala ako ng pagkain para sa kanya.

Binati kaagad ako ng guard. Dumeresto ako sa 16 floor dahil nandoon ang office ni Sir Gabriel. Kumatok ako ng ilang beses pero walang sumasagot. Tumingin ako sa orasan pero wala naman siyang meeting ngayon.

"Sir?" Napatigil ako sa paglalakad noong makita ko siyang mahimbing na natutulog sa upuan. Naka sandal ang kanyang ulo, mukhang kanina pa siya tulog.

Nilapag ko ang dala kung pagkain pagkatapos sinara kurtina dahil nasisilawan siya. Bahagyang kumunot ang noo niya.

I lower my face, tinitigan ko ang maamo niyang mukha. Noong makita ko ang pawis niyang noo kaagad ko iyong pinunasan.

Muntik pa akong matumba noong imulat niya ang mata at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako palapit sa kanya, halos hibla nalang ang layo namin sa isa't isa.

"What are you doing?" he horsely asked.

Umayos ako ng tayo at hinila ang kamay ko. "Wala. Imagination mo lang siguro, do you need help?"

"Ofcourse ilang araw ka ng wala."

"Dapat ay masanay ka ng mag-isa. Hindi naman ako secretary mo palagi." Naalal ko ang sinabi ni Elyse. Kailangan kung simulan na magparinig sa kanya.

Nakita kung umayos siya ng upo. "May balak kang umalis?"

"Ofcourse gusto ko naman ng ibang experience, ayaw kung matapos ang buhay ko bilang secretary. Marami na opportunity ang naghihintay sa'kin." Nakangiti kung sagot.

"Maganda naman ang trabaho mo, kahit secretary lang. Mataas ang sweldo at may bunos ka palagi at 50% and overtime." Palihim akong napangiti. Hindi ko alam kung Ito na ba yung sinasabi ni Elyse.

"If I found my soon to be husband for sure—never mind." Umiwas siya ng tingin.

Tama nga ang sinabi ni Elyse. Mahirap nga malaman ang nasa utak ng mga lalaki.

"Go find some else sa isang araw ka pa babalik, bakit ka nandito?" masungit niyang tanong.

Tumawa ako. "Bakit ka nagagalit boss? Is that your way of saying that I'm not allowed to leave you? Hindi mo ba na miss ang ganda ko dito sa office mo? Nagdala pa naman ako ng pagkain mo dahil baka na miss mo."

"So delusional, Aviana!" Umirap ako bago binalikan ang dala kung pagkain. Nilagay ko iyon sa harap niya.

"Sabi sa'kin sa baba na hindi ka nagpapakuha ng pagkain. Kaya pala palagi kang umuuwi sa bahay nyo dahil hindi ka rito kumakain."

"Busog ako kaya hindi ako kumukuha ng pagkain sa baba. May mga dinner at lunch meeting din ako kaya hindi na ako kumakain. Galit pa rin ako hindi mo ako pwedeng suholan." Tiningnan niya ako. "Bahay ko naman iyon bakit bawal akong umuwi? Baka pumunta na naman kayo sa bar at mag lasing —"

Tinaas ko ang kamay ko sinenyasan siyang tumigil. "H'wag mo ng ipaalala, I forgot about it already. Hindi na ako iinom sa susunod."

Tumaas ang sulok ng labi niya, napaawang ang bibig ko. "Don't teased me. That's to much, hindi ka ba naawa sa'kin? Mabait naman ako noong lasing ako ah. Nilambig pa nga kita!" apila ko.

Napaawang din kaagad ang labi ko noong marealize kung ano ang sinabi ko. Mas lalong umarko ang ngiti sa labi niya. At sa tingin ko pareho na kaming baliw na dalawa.

Mas umawang ang bibig ko noong marinig ko ang mahina nilang tawa. "You're not a young girl, Aviana. Nilalambing pala kapag lasing, sana hindi ka malasing kapag wala ako."

"Mas sinasabi ka sir?"

Ginulo niya bahagya ang buhok bago humarap sa computer. "If you're here to help then stay there and be quite. Hindi ako maka fucos dahil sayo your to loud. At ayaw ko ng maingay baka makakalimutan mo na."

"I'm helping you to be happy."

"Bukas wala ka ng trabaho." Kaagad akong ngumuwi. Umupo ako sa visitor chair.

"I will be quite sir. Aayosin ko ang schedule mo para sa tatlong araw at babasahin ang mga reports bago ko ipasa sayo."

Hindi siya sumagot kaya umupo ako sa sofa. Panay ang sulyap ko sa kanya pero seryoso lamang siya sa trabaho. Minsan ay napapakunot pa ang noo dahil siguro sa mga binabasa niyang report. Minsan talaga literal na mapapakunot ang noo sa magulo nilang report. Lalo na kapag baguhan pa lang.

Nilabas ko ang laptop ko pagkatapos sinimulan ang trabaho panay ang sulyap ko sa kanya. Seryoso ang mukha niya, pati ang paglipat niya sa bawat pahina pagkatapos basahin.

"Stop starting at me, I'm not your work."

"Yes you are!" kaagad kung sagot.

Ilang oras pa. Napahawak ako sa tyan ko noong biglang kumalam. Nilingon ko siya pero hindi niya naman ako napansin. Napanguso ako sabay himas sa tyan ko.

"Are you hungry? It's past eleven, you should eat and go home. Uuwi naman ako mamaya pagkatapos ng trabaho ko."

"I'm not hungry boss," pagsisinungaling ko pero hindi siya napaniwala.

"I can hear your stomach grinning, kumain ka na sa dala mo tapos ibigay mo nalang sa'kin ang natira."

Bumukas ang bibig ko para magsalita pero kaagad din na sinara dahil hindi ko masabi ang gusto kung sabihin. Isang billionaire pero willing na kainin ang tira ko. Kailangan ko na yata ang strict diet ngayon. Nakakahiya naman sa billionaire ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status