I'M HEARTLESS AND UNBREAKABLE

I'M HEARTLESS AND UNBREAKABLE

last update최신 업데이트 : 2026-11-17
작가:  MR.ROMANTICO최근 업데이트
언어: Filipino
goodnovel18goodnovel
순위 평가에 충분하지 않습니다.
5챕터
4조회수
읽기
보관함에 추가

공유:  

보고서
개요
장르
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.

Nagmahal ng labis, nagtiwala ng wagas subalit pagtataksil lamang ang isinukli sa kanya. Ang pamilyang gustong buuin ni Metusella ay hindi na kailanman magaganap. Ang perfect relationship na akala niya ay isa palang malaking kasinungalingan na pinaniwala siya ni Bruce. She died the day she found out everything, the betrayal of two people she loves the most. Unexpectedly, muli siyang nabuhay at bumalik nagkaroon siya ng tinatawag na second life. At sa pagkakataong iyon, gusto niyang itama ang lahat at maghiganti sa mga nanakit sa kanya. She promised herself that time, she will be heartless and unbreakable!

더 보기

1화

Chapter 1: Betrayed

Metusella Pov

Maaga kong tinapos ang huling meeting ko nang hapong iyon. Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaayos ang mga dokumentong nasa ibabaw ng aking mesa. Espesyal ang araw na iyon para sa akin. Opisyal ko nang itinalaga ang asawa kong si Bruce bilang bagong head ng aking kumpanya. Hindi lamang iyon, ipinangalan ko na rin sa kaniya ang ilan sa aking mga ari-arian. We need to celebrate, iyong kami lang dalawa for more intimacy moments.

Pagkatapos ng lahat ng taong ginugol ko sa pagtatrabaho, gusto ko namang magpahinga. Gusto kong magkaroon ng mas maraming oras para sa aking asawa at sa pamilyang bubuuin namin. Pangarap kong maging isang ina at personal na subaybayan ang paglaki ng aming mga magiging anak. Kaya naman naisipan kong maghanda ng isang maliit na sorpresa para kay Bruce.

"Ma'am, hindi na po ba kayo babalik sa opisina?" tanong ng aking assistant.

Umiling ako habang inaayos ang aking handbag.

"Hindi na. Bukas na natin ituloy ang mga naiwan nating agenda." nakangiting turan ko.

"May kailangan pa po ba kayong ipagawa?" Muling tanong ng aking assistant na naghihintay pa rin kung may ipapagawa pa ba ako sa kanya.

"Wala na. At huwag mo munang sasabihin kay Bruce na uuwi ako nang maaga. Gusto ko siyang sorpresahin." Mahinahon kong tugon.

Ngumiti ang aking assistant. "Yes, ma'am."

Masaya akong umalis sa opisina. Dumaan pa ako sa isang flower shop upang bumili ng paboritong bulaklak ni Bruce. Bumili rin ako ng pagkain mula sa paborito niyang restaurant at saka red velvet cake. Hindi ko maiwasang isipin kung gaano siya kasaya kapag nakita niya ang aking sorpresa.

I love you, Bruce.

Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko habang pauwi. Ngunit hindi ko alam na ako pala ang makatatanggap ng pinakamasakit na sorpresa sa araw na iyon.

Pagdating ko sa mansiyon, tahimik ang buong paligid. Bitbit ang mga pinamili ko, agad akong umakyat sa ikalawang palapag. Dire-diretso akong nagtungo sa aming silid-tulugan. Nang malapit na ako sa p***o, may narinig akong mga boses mula sa loob.

Isang boses ng babae, at humalinghing ito kasunod ng isang tawa.

"Bruce, paano kung malaman niya?" Sabi ng babae.

Napahinto ako. Kilala ko ang boses na iyon, hindi ako maaaring magkamali.

Si Celine! Ang personal secretary ko at matalik kong kaibigan.

"Don't worry. Wala siyang malalaman," sagot ng isang lalaking pamilyar na pamilyar sa akin.

Si Bruce, ang aking magaling na asawa.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib. Halos hindi ako makahinga, pakiramdam ko ay biglang bumagsak ang mundo sa akin.

Bakit magkasama ang dalawa sa aming silid? Anong ginagawa nilang kababalaghan? At kailan pa nila iyong ginagawa behind my back?!

Sa nanginginig kong mga kamay, dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at bahagyang itinulak ang p***o. At sa isang iglap, parang tumigil ang buong mundo ko. Nakita ko sina Bruce at Celine na magkasama sa ibabaw ng aming kama. Nabitawan ko ang aking handbag dahil sa aking nakita na kailanman ay hindi ko sukat akalain.

"B-Bruce..." Utal kong bigkas.

Agad na napalingon sa akin ang dalawa. Nagmamadaling inayos ni Celine ang sarili habang si Bruce naman ay halatang nainis sa aking pagdating.

"Metusella!" Bulalas ni Celine.

Hindi ako agad nakapagsalita. Nakatitig lamang ako sa kanilang dalawa habang unti-unting napupuno ng luha ang aking mga mata.

"Celine..." nanginginig kong sambit. "Ikaw? Bakit mo ito nagawa sa akin?"

"Metusella, makinig ka muna—"

"Huwag kang lalapit sa akin!" Pasigaw kong sagot.

Hindi ko alam kung alin ang mas masakit. Ang makitang may ibang babae ang asawa ko o ang malaman na ang babaeng iyon ay ang mismong kaibigan kong pinagkatiwalaan ko.

"Bruce, sabihin mo sa akin na hindi totoo ang nakikita ko." utos kong sabi nagbabasakaling namamalik-mata lamang ako.

Ngunit sa halip na magpaliwanag, malamig lamang niya akong tiningnan. Isang tingin na para bang hindi niya ako asawa at isa lamang babaeng naligaw sa kanyang harapan.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"iritado niyang sagot.

Napatawa ako nang mapait.

"Ano'ng ginagawa ko rito? Asawa mo ako, Bruce! At bahay ko ito! Higit sa lahat, kuwarto natin ito!" Singhal kong tugon habang nag-uunahan ang aking mga luha mula sa aking mga mata.

"Stop overreacting!" Sigaw ni Bruce sabay duro sa akin.

"Overreacting? Nahuli ko kayong dalawa sa sarili nating kama! Anong gusto mong gawin ko, tumawa?" Halos pumiyok ang aking boses kasabay ng pagsakit ng aking lalamunan sa pagpigil ko ng aking iyak.

Napailing siya habang kinukuha ang kaniyang damit. Isinuot niya iyon na para bang walang nangyari saka siya malamig na tumingin sa akin.

"Since nalaman mo na rin lang, wala na akong dahilan para magkunwari." Mababa subalit malinaw na sabi ni Bruce.

Nanlaki ang mga mata ko. Saka ako napapikit nang mariin at muli ko siyang tiningnan.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Tanong ko gamit ang nanginginig kong labi.

"Napagod na akong magpanggap na mahal kita." Diretsahang sagot niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nanigas ang buo kong katawan.

"Bruce... what do you mean?" Halos hindi lumabas ang aking boses.

"Pinakasalan lang naman kita dahil sa pera mo, Metusella. Akala mo ba talagang mamahalin kita?"

Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi ko matanggap ang mga naririnig ko. Para akong sinaksak ng paulit-ulit at saka pinigtas ang aking puso.

"Pero ibinigay ko sa iyo ang lahat..." Tuluyan na akong napaluha ng may kasamang hikbi.

"Exactly! Ibinigay mo sa akin ang lahat. Ang posisyon sa kumpanya, ang mga ari-arian, at ang kapangyarihang dati ay nasa iyo. Ngayon, ako na ang namamahala sa lahat."

"Pero kasal tayo!" Giit ko.

"At ano ngayon? Wala ka nang karapatang pakialaman ang mga desisyon ko." Balewala niyang turan.

Tuluyan akong napahagulgol. Ang lalaking minahal ko nang buong puso ay pera lamang pala ang habol sa akin. Nilinlang niya ako at binulag sa purong kasinungalingan!

"Bruce, bakit? Ano bang nagawa ko sa iyo? Bakit mo ginagawa ito sa akin? I gave you my everything, how could you do this to me?!" Punong-puno ng hinanakit kong sabi sa kanya.

Hindi siya sumagot. Sa halip, lumapit si Celine at hinawakan ang braso niya.

"Enough, Metusella. Hindi mo na kailangang gumawa ng eksena." Sabat ni Celine saka ito ngumisi.

Napalingon ako sa kaniya.

"Manahimik ka! Pinagkatiwalaan kita! Itinuring kitang kapatid!" Galit kong singhal habang nakakuyom ang aking mga kamao dahil sa galit.

"At ano ngayon? Huwag mong isipin na dahil mayaman ka ay maaari mo nang kontrolin ang lahat." Tahasan niyang sagot.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Lumapit ako kay Bruce at buong lakas ko siyang sinampal.

Pak!

"Para sa lahat ng kasinungalingan mo!" Sigaw ko.

Ngunit mabilis din akong sinampal ni Celine.

"How dare you touch him!" Sigaw din niya sa akin.

Napahawak ako sa aking pisngi.

"Bruce! Hindi mo ba sasawayin ang babaeng iyan?" Duro ko kay Celine.

Sa halip na kampihan ako, hinawakan pa niya ang kamay ni Celine.

"Are you okay?" Malambing nitong tanong sa kerida niya.

Napayuko ako. Maging sa pagkakataong iyon, pinili niya pa rin ang babae niya.

"Sapat na itong aking nakita," malamig kong sambit.

Pinunasan ko ang aking mga luha at tiningnan silang dalawa.

"Babawiin ko ang lahat. Hinding-hindi kayo magiging masaya!" Naggagalaiti kong sabi.

Napakunot ang noo ni Bruce. "What?"

"Narinig mo ako. Babawiin ko ang lahat ng karapatang ipinagkaloob ko sa iyo. Ang posisyon mo sa kumpanya at lahat ng ari-ariang ipinangalan ko sa iyo." Matatag kong turan sa nagbabaga kong tingin sa kanya

"Metusella, huwag kang magbiro. Opisyal mo na akong itinalaga bilang kapalit mo." Mariing wika ni Bruce.

"Hindi ako nagbibiro. Magpa-file ako ng divorce! Kung kaya kong naibigay ang lahat sa'yo, kaya ko din iyong bawiin." Mariin kong sabi.

Pagkasabi ko niyon ay kinuha ko ang aking handbag at mabilis na lumabas ng silid. Hindi ko na kayang makita pa ang mga mukha nila. Mabilis akong bumaba sa hagdanan habang patuloy ang pag-agos ng aking mga luha. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lamang makalayo sa lugar na iyon. Ngunit bago pa ako tuluyang makababa, narinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Metusella! Tumigil ka!" Boses ni Celine.

Hindi ko siya pinansin.

Subalit biglang may humawak sa aking buhok.

"Aray!"

Napahawak ako sa ulo nang marahas akong sabunutan ni Celine.

"Akala mo ba mababawi mo pa ang lahat kay Bruce? Hindi mangyayari iyon!" Sigaw ni Celine.

"Bitawan mo ako!"

Dahil sa sobrang galit, gumanti ako. Nagsabunutan kaming dalawa habang nagtatalo sa may hagdanan.

"Mga walang hiya kayo!" Gigil kong hiyaw at sinabunutan ko na din siya.

"Bitawan mo ako!" sigaw naman niya.

Ilang sandali pa ay dumating si Bruce. Nagmamadali niya kaming nilapitan.

"Tama na!" Awat niya sa amin.

Agad niyang hinila si Celine palayo sa akin. Saka niya ito niyakap habang galit siyang tumingin sa akin.

"Bruce! Mga traydor kayo! Hindi ko kayo hahayaang makuha ang lahat ng pinaghirapan ko!" Sigaw ko habang dinuduro ko silang dalawa.

"Shut up!" galit niyang sigaw sabay hawak sa aking pulsuhan.

"Bitawan mo ako! Wala kang karapatang—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong itinulak nang malakas.

"Enough!" Singhal niya sa akin.

Nawalan ako ng balanse. Sinubukan kong kumapit sa gilid ng hagdan, ngunit huli na ang lahat.

"Ahhhh!"

Tuluyan akong nahulog. Isang malakas na kalabog ang narinig ko bago tuluyang nanlalabo ang aking paningin. Hirap akong huminga habang nakahandusay sa paanan ng hagdan. Nalasahan ko ang sarili kong dugo na nanggagaling sa aking bibig.

"Bruce..." Mahina ko siyang tinawag. "Please... tulungan mo ako..."

Umaasa akong lalapit siya. Umaasa akong kahit paano ay may natitira pa siyang malasakit sa akin. Ngunit wala, sa halip malamig niya akong tiningnan.

"Look what you've done. Hindi ka kasi marunong tumanggap ng pagkatalo." Panunumbat niya pa sa akin.

"Bruce... hospital..." Pilit kong bigkas habang hilam ng luha ang aking mga mata.

Napatingin naman si Celine sa akin.

"Bruce, ano ang gagawin natin?" Taranta niyang tanong.

"Wala. Tatawagin natin ang mga tao at sasabihing nadulas siya." Balewalang sagot ni Bruce.

"Pero paano kung may magtanong?" Tanong pa din ni Celine.

"Then we'll tell them it was an accident." Kaswal na sagot ni Bruce.

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Hindi man lamang nila naisip na tulungan ako. Nakita kong ngumiti si Celine saka ito napaismid.

"Deserve niya 'yan," malamig namang sabi ni Celine.

Tuluyan nang gumuho ang natitira kong pag-asa. Habang unti-unting dumidilim ang aking paningin, hindi ko mapigilang mag-isip.

Bakit? Bakit nila nagawa sa akin ito? Ibinigay ko ang lahat. Minahal ko sila nang buong puso. Pinagkatiwalaan ko sila. Ngunit ganito pala ang isusukli ninyo sa akin?

Isang luha ang pumatak mula sa aking mga mata. Kung bibigyan lamang ako ng isa pang pagkakataon... Hindi na ako magiging hangal. Hindi na ako magtitiwala nang ganoon kadali. At hinding-hindi ko na hahayaang may sinumang umapak sa pagkatao ko.

Bruce... Celine... Pagsisisihan ninyo ang lahat ng ginawa ninyo sa akin.

At tuluyan nang nagdilim ang aking paningin. Hinila ako ng kadiliman hanggang sa mawalan na ako ng buhay.

펼치기
다음 화 보기
다운로드

최신 챕터

더보기

독자들에게

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


댓글 없음
5 챕터
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status