Share

BILLIONAIRE'S LEGAL LOVER
BILLIONAIRE'S LEGAL LOVER
Author: ashteurs

PROLOGUE

"Manong sandali balik tayo may naiwan ako!" sigaw ko. Napatingin sa'kin ang tricycle driver ng nasasakyan ko. Napakamot siya sa ulo bago pinabalik ang tricycle.

"Kunin mo na lahat ma'am kanina pa tayo pabalik balik." Tumango ako at humingi ng paumanhin.

Akala ko nakuha ko na lahat ng kailangan ko pero may naiwan na naman.

Nakakunot ang noo ko habang naglalakad, hindi ko alam bakit subrang malas ko ngayong araw. Magkakaroon na nga ako ng trabaho pero puro naman kamalasan ang nangyayari.

Kanina kasi habang papunta ako nasira ang sapatos ko kaya bumalik ako ulit. Tapos naiwan ko pagbalik ang cellphone ko kung kailan mas kailangan. Hindi ko na tuloy binalikan dahil sayang sa pamasahe. Malayo na ang narating ko noong maalala. Naiinis na rin sa'kin ang driver dahil pabalik balik kami. Titiisin ko nalang na wala ang cellphone ng isang araw. Uuwi naman ako mamaya at sa bahay ko naman namin naiwan kaya ayos lang.

Unang araw ko sa trabaho sana ay hindi kaagad ako tangalin. Para sa pamilya ko kailangan kung mag-trabaho. Alam kung nahihirapan din ang mga magulang ko. Fresh college graduate ako mahirap mag apply ng trabaho. Kaya noong nakita ko na hiring ang Vergara Real Estate ay nagpasa kaagad ako ng requirements.

Malapit na rin kasi ang OJT ng kapatid ko at Midterm naman ni Alona. Maraming bayarin alam kung nahihirapan sila mama at papa.

Pagpasok ko sa company kaagad akong pumunta sa office dahil papagalitan na talaga ako ni boss. Unang araw ko sa trabaho late kaagad ako. Bukas talaga alas sinko pa lang aalis na ko sa bahay. Para maaga akong makarating.

Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok sa opisina. Napalunok ako noong makitang nakatingin si sir sa'kin ng seryoso. Sigurado sermon kaagad ang bungad.

Tama nga ang hinala ko dahil noong tuluyan na akong makalapit nagsalita ito. "You're 20 minutes late, Miss Francia, unang araw mo sa trabaho pero late ka."

Napayuko ako. "Sorry sir! Traffic kasi kaya hindi agad ako nakarating saka punuan sa bus. Malayo kasi ang bahay namin."

"Sana nagtaxi ka nalang," bwelta niya kaagad.

"Masyadong mahal ang bayad sa taxi sir, hayaan nyo bukas hindi na ako late. Maaga akong papasok sa opisina. Promise yan!" Tinaas ko ang kaliwang kamay na parang sumusumpa.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Talagang h'wag mong uulitin yan bukas dahil lagot ka na sa'kin. Hindi ako natutuwa sa mga taong late at ayaw ko ng pinaghihintay ako, lalo na sa trabaho. Pumunta ka na sa labas, nandoon na ang table mo at mga gamit na kailangan mo. Nandoon na rin yung mga importante na files na kailangan mo. Pinaayos ko na iyon kay Kim bago siya umalis." May inabot siyang isang malaking iPad at laptop.

Provided kasi ang mga ito ng kompanya. Ngumiti ako at tumango, kinuha ko ang binigay niya bago nagpaalam na lumabas. Nasa iPad na rin ang schedule niya at nasa laptop at kailangan na gawin. Mabait talaga ang secretary noon ni Sir hindi niya ako pinahirapan. Pero hindi ko alam kung bakit siya nag resign sa trabaho.

Sinimulan ko ang trabaho ko. Noong dumating ang lunch pumasok ako sa loob para tanungin kung anong gusto niyang kaiinin. Kukunin ko pa iyon sa baba dahil baka magutom siya.

"Allergic ako sa peanut kaya h'wag kang bibili ng kahit anong merong peanut," bilin niya. "Hindi ako kumakain ng beef at carrots."

"Okay, noted! Dadalhin ko na lang dito, may iba ka pa bang gusto?" Hinintay ko siyang dagdag ang gusto niyang pagkain pero hindi na siya sumagot. Kaya bumaba na ako para kunin ang gusto niyang pagkain.

Isang gulay na mapait, kasing bitter ko sa buhay dahil hindi ako pinili ng taong gusto ko, ampalaya. Pero ayos lang iyon kahit hindi ako pinili dahil mas napatunayan kung mas maganda ang buhay na wala ang ex kong manloloko. Pag sabayin ba kami ng kapit bahay ko, sumasakit ang ulo ko kapag naalala.

"Good noon! Kukunin ko na yung lunch ni Mr. Vergara. Palagay na rin sa isang tray ang isang chicken at rice." Mabilis kung nakuha ang pagkain namin dalawa dahil may naghahanda na para kay boss. Sinabay na rin ang pagkain ko.

"May meeting ka mamayang hapon by 2:30 pm kasama yung mga shareholders. At mamayang 4:00 naman ay may schedule ka sa ospital." Nakapa kunot ang noo ko, hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong tanungin siya.

"May sakit ka ba sir, bakit kailangan mong pumunta sa ospital?"

Tumingil siya sa pagkain, hinarap niya ako. "Chismosa ka rin, Miss Francia!"

Kinagat ko ang labi ko dahil sa hiya. "Hindi naman sa pagiging chismosa para aware ako sir. For work purpose lang po ang tanong na iyon."

"Kailangan ko lang na bisitahin si mom, mahaba pa ang buhay ko. Baka bukas ikaw ang mauna sa'ting dalawa." Umawang ang bibig ko.

Pasmado ang bibig niya. "H'wag kang ganyan sir baka malay mo ikaw ang mauna sa'ting dalawa."

Noong masama ako nitong tiningnan tinikom ko ang bibig ko. "Ito na aalis na. Babalik ako kapag kukunin ko na ang pinagkainan mo. Eat well."

Bago ako umalis nakita ko siyang ngumisi. Napailing ako, akala mo naman anghel pero isang baliw din pala.

Nang makabalik ako sa table ko kumain na ko. Pagkatapos binalik ko sa baba, naging busy ako noong hapon. Kahit hindi pa ako masayadong sanay kailangan kung mag trabaho ng maayos. Siguro bukas o sa mga susunod pang araw makakasabay na rin ako. Hindi rin biro ang pagod bilang isang secretary.

Paalis na sana ako sa opisina dahil tapos na ang trabaho ko noong may dumating na babae. Mabilis akong tumayo para harangan ito. Umatras ito at tiningnan ako.

"Who are you?" Nakakunot ang noong tanong niya sa'kin.

Kung titingnan maganda ang babae, mahaba ang buhok nitong kulot. Maganda ang kanyang suot na mermaid dress na talaga namang hapit na hapit sa bewan niya. Kita rin ang cleavage niya. Maganda ang dalang bag chanel.

"Good evening, ma'am! I'm Aviana Francia bagong secretary ni Mr. Vergara. Bawal po kayong pumasok sa loob, wala na siyang appointment ngayon," magalang na sabi ko.

Tumango ang babae, sa tingin ko hindi niya seneryoso ang sinabi ko. "Kaya pala ngayon lang kita nakita. Hindi mo ako kailangan na harangan dahil gusto rin akong makita ni Gabriel. Don't forget my face!"

"Sasabihin ko muna kay Sir Gabriel na nandito kayo para alam niya."

Tumaas ang kilay niya. "I'm your boss to. No need to tell Gabriel I can do it."

Kahit hindi ko nagustuhan ang asal niya ngumiti ako at naging professional. Tumabi ako sa daan niya para makapasok siya sa opisina. Kinuha ko ang mga gamit ko bago umalis.

Kung sino man ang babae na iyon hindi ko na iyon problema. Hindi ko naman hawak ang personal na buhay ng boss ko, secretary niya lang ako. Mas lalo yata siyang napagod kahit unang araw pa lang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status