Share

CHAPTER 1

Nakangiti akong tumayo noong makita kung papalapit na si boss. Mas nauna ako sa kanya ngayong araw dahil ayaw ko na talagang magpa-late.

"Good morning—" Hindi ko natuloy ang bati ko noong makita kung gaano ka seryoso ang mukha niya.

"Mag usap tayo sa loob," tipid nitong sabi bago pumasok. Naiwan akong naguguluhan, may nagawa ba akong mali? Maaga na nga akong pumasok ngayon pero mukhang galit pa rin siya.

Inayos ko ng kaunti ang sarili ko bago pumasok sa loob dala ang iPad. Baka itanong niya kung anong schedule ngayong araw.

"Sir—" Naputol ang sinasabi ko noong magsalita siya.

"May sinabi ba ako kahapon na may hinihitay akong bisita?" Natutop ako sa aking pwesto, naalala ko ang babae na pumunta kahapon bago ako umuwi.

"Sorry sir sabi niya po kasi kilala ka niya at hinintay mo siya. Hindi ko na pinigilan kaya pumasok."

"Sinabi ko na sayo na—" Ako naman ang pumutol sa gusto niyang sabihin.

"Wala ka pong sinasabi sa'kin na bawal siya."

Ginulo niya ang buhok, sayang ang pagkakaayos noon kanina. Bagay pa naman sa kanya ang maayos na buhok dahil kapag magulo mukha siyang bad boy kung tingnan.

"Sa susunod na pumunta pa siya dito h'wag mong papasukin. Inform mo rin ang guard na wag siyang papasukin. Mangugulo lang siya," Tumingin siya sa'kin kaya umayos ako ng tayo. "Ikaw ang mananagot kapag pumasok pa ulit siya rito sa opisina ko."

Tumango ako kahit naguguluhan pa. "Don't worry sir akong bahala!"

Akala ko hindi ako magtatagal sa trabaho kung ito. Pero paglipas ng panahon mas nasanay ako, kilala ko na rin ang ugali ng boss ko at sanay na ako. Isa pa mataas ang sweldo kaya naman mas ginaganahan ako.

"Day off mo ngayon bakit ka nandito?"

Ngumiti ako pagkatapos lumapit sa lamesa, nilapag ko ang dala kung pagkain para sa kanya. "Nagluto na ako ng pagkain mo kasi alam ko naman na hindi ka pupunta sa baba para kumain. Don't worry wala yang peanut."

"Pwede naman akong magpabili ng pagkain."

Ngumisi ako. "Don't you remember day off ngayon ng maganda mong secretary."

"I won't forget about it. Umalis ka na, agahan mo bukas dahil may pupuntahan tayong dalawa."

"Syempre nag impake na ako ng gamit ko, Cebu ba naman ang pupuntahan natin." Malawak ang ngiti kung sagot.

"Hindi tayo nandoon para mag swimming at kumain ng maraming lechon," sabi niya agad.

Bumulong bulong ako sa hangin, nakita kung kumunot ang noo niya. "Sabi mo yan boss aalis na ako."

Tumalikod na ako para umalis, kakalabas ko pa lang ng pinto noong may maalala ko. Binuksan ko ulit para pumasok, nanlaki ang mata niya. Nahuli ko siyang inaamoy ang niluto ko, mas lalo akong napangisi akala ko ba ayaw niya.

Tumikhim siya sabay bitaw sa lunch box na hawak. "Hindi masarap ang luto mo."

"Kunwari ka pa sir! Naalala ko na may meeting ka pala mamaya h'wag mong kalimutan." Pagkatapos kung sabihin iyon umalis na ako.

Pumunta ako sa condo ko, naipundar ko ito sa pagtratrabaho sa company. Mahigit isang taon na rin kasi akong secretary ni Mr. Vergara. Lumipat na rin ng bahay ang pamilya ko dahil napagawan ko na sila ng mas maayos.

Pagkatapos kung magbihis dumeretso ako sa Restaurant para makipagkita sa kaibigan ko. Malayo pa lang ako kaagad niya akong sinalubong.

"Alam mo teh miss na miss na kita. Subrang busy mo twenty four seven kana ata kasama ang boss mo. Hindi mo pa rin gusto?"

Kaagad kung binatukan si Elyse. "Ano bang sinasabi mo, trabaho kaya ang hanap ko hindi boyfriend."

Tiningnan niya ako ng mapanuri. "Noong isang araw lang iiyak iyak ka kasi may kasama siyang iba."

Nanlaki ang mata ko. "Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ako umiiyak, ano naman kung may girlfriend siyang iba."

"Kahit kaunti ba hindi mo siya nagustuhan?"

"Hindi." Walang pagdadalawang isip niyang sagot. Pero napaisip ako, minsan talaga ay nagtatampo ako. Marami na ang nagbago sa mahigit isang taon kung kasama ang boss ko.

Naputol ang kanilang chismisan noong makita kung sino ang groupo ng mga babae na pumasok. Kaagad akong nag-iwas ng tingin pero huli na ng gawin ko iyon. Nakita na ako ni Miss Athena, ang babaeng palaging nangungulit kay sir.

Hindi ko alam kung sinadya ba niyang sa tabi ng table pa namin umupo. Nagkatinginan kaming dalawa ni Elyse.

"Hayaan mo na yan!"

"Hindi ako affected," sagot ko kaagad.

"Kumusta na kayong dalawa ni Gabriel, Athena?" Narinig kung tanong ng kaibigan niya.

"Ayos naman kaming dalawa ni Gab, nagkita nga kami noong isang araw kasi may family dinner kami."

Wala sa sariling natawa siya, kaya pala wala ito noong isang araw. Hindi ko alam kung bakit ako nagtatampo dahil magkasama silang dalawa. Ayaw kung ipakita kay Miss Athena na apektado ako.

"Mabuti pumayag si Gabriel na samahan ka, siguro gusto ka talaga niya."

Narinig kung tumawa si Miss Athena pero para sa'kin nakakairita ang tawa niya. "Bakit naman ako hindi magugustuhan ni Gabriel. Wala na siyang hahanapin sa'kin, mataas nag pinag-aralan ko. Mayaman kami at maganda ako, wala na siyang ibang hahanapin pa."

Nabalik ang atensyon ko sa reyalidad noong maramdam ko na hinawakan ni Elyse ang kamay ko. Tiningnan ko siya, tipid niya akong nginitian.

"Ayaw ko na palang kumain, umalis na lang tayo baka may mabigwasan ako ng wala sa oras. Akala mo naman kung sino, yaman lang ang lamang niya." Nanlaki ang mata ko, pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi siya natinag.

"Bakit ako titigil tama naman—" Hindi natapos ni Elyse ang sinasabi niya noong may sumabog sa kanya ng tubig.

Nanlaki ang mata ko, nilingon ko ang may gawa noon. Ngumiti si Athena sa'min, inosente ang mga mata niya.

"Bruha ka talagang babae ka!" Pinigilan ko si Elyse sa akma niyang pag sugod. Hinarap ko si Athena.

"Why did you do that? Hindi kami nakikialam sainyo. Did you know the word respect?" Kinontrol ko ang inis.

Tumawa siya. "Wow, bagay lang yan sa kaibigan mo. Alam mo bagay naman talaga kayong dalawa."

Nagsalubong ang kilay ko. "Sino ka para sabihin yan."

"Who's this girl?" maarte na sabat ng kaibigan niya.

Ngumisi si Athena habang nakatingin sa'kin. Pipigilan ko talaga ang inis ko. Baka mamaya masampal ko siya.

"She's nothing. Secretary lang siya ni Gabriel akala mo naman kung sino. A low class girl, I bet she can't even afford to buy food here."

"Sino ka para sabihin yan sa'kin? Tinatawag mo akong low class pero respeto nga hindi ka marunong. Sinabuyan mo yung kaibigan ko ng tubig. Kung ano man ang issue mo sa'kin bakit hindi mo sinasabi." Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko.

Yung ginawa niyang pagsaboy ng tubig ayos pa iyon pero ang insultuhin ako ang hindi. Simula noong hindi ko na siya pinayagan na pumasok o pumunta kay Sir Gabriel ganito na siya. Iyon ang gusto ng boss ko, dahil sa ugali niya lalayo talaga ang mga tao.

"Hello I know how to respect people pero ikaw hindi ka kasama roon. At isa pa secretary ka lang ni Gabriel hindi ka namin ka pantay," maarteng sabi niya na puno ng pang-iinsulto.

"Ang kapal ng mukha mo!" Sinugod sila bigla ni Elyse. Lumapit sa'kin si Athena, akmang sasampalin niya ako pero naunahan ko siya. Mas lalong bumakas ang inis sa mukha niya.

"How dare you b*tch!"

Natigilan ako noong may humila sa'kin palayo sa kanya. Natigilan din si Athena, natigilan ako noong makita si Gabriel. Seryoso ang mukha niya habang nakaharang sa pagitan naming dalawa ni Athena. Pero hawak niya ang kamay at baywang ko.

"Sir what are you doing—" Hindi ko natapos ang gusto kung sabihin dahil nagsalita siya.

"You should enjoy your day off, Miss Francia, hindi ang makipag away." Bahagya akong nailang dahil titig na titig siya sa'kin. "Are you hurt?" he asked in worried tone.

Umiling ako kahit gulat pa rin. Anong ginagawa niya rito? "A-ayos lang ako. W-walang masakit sa'kin," nauutal kung sagot.

Para akong yelong madali ng matunaw noong ngumiti siya. "That's good Miss Francia!"

"Gabriel what are you doing here? Pinuntahan mo ba ako rito?" Narinig kung sabi ni Athena.

Sabay namin siyang nilingon ni Gabriel. Hindi niya binitawan ang kamay ko na mas nagpabilis ng tibok ng puso ko. Anumang oras parang gusto niya ng kumawala.

Natigil na rin ang away sa pagitan ni Elyse at sa mga kasama pa ni Athena. May nakabantay ng guard sa pagitan nila.

Seryosong bumaling si Gabriel sa kanya. "Bakit naman kita pupuntahan dito?"

Nakita ko ang pagbalantay ng sakit sa mga mata niya. Nawala ang kaninang tapang nito noong ako ang ka harap. Alam kung gusto niya si Gabriel, kaya alam kung masakit iyon.

"But we know each other, magkasama pa nga tayo noong isang araw diba. Sabi mo aayosin mo ang tungkol sa'tin." Pinilit nitong ngumiti.

"Nagkita lang tayong dalawa noong isang araw. Ikaw ang nag insist na sumabay sa family dinner namin."

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nabuhayan. Ibig sabihin hindi naman pala siya inaya. Bakit ba ako magtatampo kung wala namang dahilan para magtampo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status