Share

CHAPTER NINETEEN: HELL

Chris Pov's

"Let's go malalate na tayo" aya ni Rem ng makatapat kami sa gate.

"We're already late" sagot ko, tinignan niya ako ng masama at pumasok sa loob.

Dumiretso kami sa building namin at pumasok sa loob ng classroom.

"MS. FAXE AT MR. VALHALLA YOU'RE LATE!" bungad sa amin ni Ma'am.

"Sorry po Ma'am nag pasama po kase ako kay Chris sa CR nang makita ko siya kase biglang sumakit tiyan ko." Tinignan ko siya ng 'what are you doing' look, siniko niya lang ako at umarteng masakit ang tiyan.

Really? This girl is crazy

"Is that true Mr. Valhalla?" Napatayo ako ng maayos ng tumingin sa'kin si Ma'am.

"Yes, Ma'am we're sorry" Sagot ko at yumuko ng bahagya.

"Take your sit, pag eto pa na ulit dadalhin ko kayo sa guidance." Babala ni Ma'am bago tumalikod sa'min at nag sulat sa black board. Umupo ako sa upuan ko at sumunod naman si Rem at umupo.

"Pssst, psssst" Sitsit sa'kin ni Rem habang ang atensyon ko ay na kay Ma'am.

"Luh, hindi ka lilingon? Feeling gold ka tea?" Bulong niya na may halong sarkastiko.

"WHAT?!" 

Napatingin ako sa buong klase ng napalakas ang sinabi ko.

"MS. FAXE AT MR. VALHALLA GET OUT OF THIS CLASS!" Sigaw ni Ma'am

Tumayo naman ako at padabog na kinuha ang bag ko bago tumingin ng masama kay Rem na ngayon ay naka peace sign.

"Tss"

Dumiretso akong labas ng pintuan at bumaba ng building, balak ko ngayong pumunta sa fountain at duon tumambay, sure ako na pag nalaman 'to ni Hakeem may gagawin na naman sa'kin 'yon.

"Akalain mo 'yon pinalabas tayo." Saad ng boses sa likod.

Suminghap ako sa hangin atsaka huminto sa pag lalakad.

"OUCH!" Reklamo niya ng bumangga siya sa likod ko.

"WHAT DO YOU WANT?! HINDI MO BA ALAM ANG GINAWA MO?!" Sigaw ko sa kaniya na naging dahilan ng pagkagulat niya.

"Oo, napalabas tayo dahil sumigaw ka!" Sigaw niya pabalik habang nakapamaywang

"WHAT?! AKO PA MAY KASALANAN KUNG BAKIT TAYO NAPALABAS?! IKAW NGA TONG SITSIT NG SITSIT E!" Sigaw ko sa kaniya.

D*mn this girl, baliw talaga siya.

"ABA ABA TIGNAN MO KUNG SINO BINABANGGA MO HA!" Pikon niyang sagot

"Okay." Pag sang-ayon ko bago tumingin sa kaniya ulo hanggang paa.

"I saw a girl who's wearing a black skirt and a white long sleeves with a necktie on her chest and also she's wearing a 3 inches black shoes pair with black socks because she's small." Saad ko at binigyan siya ng ngisi.

Bigla naman siyang namula sa inis habang nakatingin sa'kin. Tumalikod ako at iniwan siyang nakatayo duon na parang tanga, akala niya siguro maasar niya ako.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" Napalingon ako ng bigla siyang sumigaw na parang baliw. Napatindig ako ng tayo ng makita siyang tumatakbo papalapit sa'kin habang nakaamba ang kaniyang kamao para suntukin ako.

"D*MN SH*T" Mura ko bago kumaripas ng takbo

"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH BUMALIK KA DITO CHRIS! HINDI KO TANGGAP NA PANDAAAAAAAAAK AKOOOOOOOOO!" Sigaw niya mula sa likuran ko.

D*mn this girl is really crazy, nakakatakot siya d*mn it.

Lumabas ako ng school at tumakbo papalayo ng mabilis para hindi niya ako masundan.

"WHAT THE F*CK CHRIIIIIIS BUMALIK KA DITOOOO!" Napalaki ang mata ko ng marinig ko pa siya. Huminto ako at hinintay siya na makarating sa harapan ko.

"I said wait for me, you're fast" Saad niya habang nakatukod sa kaniyang tuhod at hinihingal

"What do you- OUCH!" Naputol ang itatanong ko ng bigla niya akong sikmuraan.

"Deserve b*tch! Sinong pandak kung mas malakas naman ako sa'yo HAAA HAAAA?!" Pang aasar niya. Tumalikod na lang ako at nag simulang mag lakad papalayo sa kaniya dahil nararamdaman ko na naman ang pag init ng katawan ko at pagkasabik sa dugo.

"HOY! Saan na tayo pupunta?" Tanong niya sa'kin at pumantay.

Tss, bawal ko 'tong kasama mamaya hindi ko mapigilan sarili ko baka makain ko pa 'to.

"May pupuntahan ako, mauna ka na." Sagot ko at binilisan ang lakad.

"HA?! NOOOO! SAAMAA AKO NAG PAHABOL KA KAYA SASAMA AKO!" Pangungulit niya 

"NO!" Sigaw ko na naging dahilan ng pag hinto niya. 

"No, I mean uh It's private." Pagpapalusot ko atsaka lumakad.

Did I offend her? Yeps I did.

"It's better if you--" Nilibot ko ang paningin ko ngunit wala na siya. Umalis na ba siya? Nag tampo? No, it is better kung lumayo na siya sa'kin bago mahuli ang lahat.

Tumuloy ako ng lakad pauwi, duon na lang muna ako at hintayin si Hakeem para isahang sermonan na lang tss kinakabahan talaga ako.

I'm thirsty sh*t.

Nilibot ko ang aking mata, nasa loob na ako ng gubat malapit na ako sa bahay, last na ngayong araw mamaya mahalata ni Hakeem, hindi ko alam kung ano ang gagawin niya. 

Nag lakad-lakad pa ako ng kaunti at chumechempo sa taong dadaan. Nag lakad ako ng bahagya malapit sa malaking puno at sumandal muna. Tinignan ko ang oras pasado alas-onse na ng umaga, mamaya pang alas-tres ang uwian, mukhang mag hihintay ako nito ng matagal.

Umupo muna ako, at isinandal ang aking ulo sa puno na nasa likuran ko. 

"Kamusta kaya sila Dad." Bulong ko habang naka tingala sa itaas.

"May tatay ka pala huh, hindi halata." 

Napatingin ako sa harapan ako at napatayo bigla ng makita si Rem na naka cross arm at naka taas ang isa niyang kilay.

Akala ko ba nilayuan na niya ako?

"What are you doing here?" Nakakunot kong tanong sa kaniya.

"Heh, kung akala mo lalayuan kita of course not." Malamig niyang tugon sa'kin.

Lumapit siya sa'kin at tinignan ako sa mga mata, parang may nag bago.. Nag bago ang haba ng buhok niya, ang emosyon sa kaniyang mata. Is this Rem?

"KIDDING HAHAHAHAHAH BAKIT BA MASYADO KANG KABADO? EH SINUNDAN KITA KASE HINDI KO ALAM KUNG PAANO BUMALIK ANDON KASE AKO SA ISANG KALYE HINDI KO NA ALAM PABALIK HAHAHAHAHAH" Tawa niya habang nakahawak sa kaniyang tiyan.

"Tss, just stay away from me." Malamig kong saad at dinaanan siya.

Bawal niyang malaman kung nasaan ang bahay ko kaya mag iiba ako ng direksyon, mamaya papakin pa siya ni Dean isa din 'yon.

"HOOOY SAAN KA PUPUNTA?" Sigaw niya

"Babalik sa school mamaya hinahanap na tayo e" Saad ko at dumiretso ng lakad papalabas ng gubat.

"Anue ba 'yan babalik pa" Padabog niyang saad

-

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa tapat ng gate and to be expected andito si Hakeem kasama si Ma'am at isang matandang babae around 50's and isang naka skirt na black at lime green long sleeves around 40's guidance councelor ata.

Napalingon ako kay Rem ng bigla siyang nag tago sa likuran ko, kaya nag lakad ako ng mabilis papalapit sa kanila at pinakita si Rem.

"Chris." Malamig na tawag sa'kin ni Hakeem na naging dahilan ng pag nginig ng buto ko.

"Let's go to guidance office" Saad ni Ma'am at pinangunahan kami.

-

Pag pasok namin sa office agad kaming pinaupo, katabi ko si Hakeem kaharap ko naman si Rem at katabi niya si  Ma'am.

"Obviously ang ginawa niyo ay cutting, to make this short, kayong dalawa ay mapupunta sa detention class okay? Gagawin niyo lang kung ano ang iuutos sa inyo ni Manang Iren at Manong Revo ha? Kailangan niyo silang sundin dahil sila ang mag re-record ng performance niyo." Paliwanag ng principal na nakaupo sa lamesang kaharap namin ngayon.

"Of course tatlong linggo kayong ganiyan, before and after class" Pahabol naman ng Principal.

Tumango na lang ako at tumingin kay Rem na ngayon ay parang inalisan ng kaniyang kaluluwa.

"You may leave." Pagtataboy ng principal.

Lumabas agad kami ni Hakeem dahil hawak-hawak niya ako ng madiin sa braso.

"Chris pag maulit pa talaga 'to, hindi lang detention abot mo kay Ma'am pati ikaw detention sa'kin" Malamig niyang saad at iniwan ako.

Huh, detention sa'yo huh? Okay let's see then. Napangisi na lang ako ng may maisip na kalokohan tss Hakeem can't stop me though, I don't like his attitude towards me so babaguhin ko 'yon.

Nag lakad ako palabas ng gate ng school at nag hanap ng bagong makakain. Saktong-sakto ang labas ng lalaking 'to na may hawak na bote sa dalawang kamay.

Agad ko itong pinalo sa batok na naging dahilan ng pagkawala ng malay nito, binuhat ko siya at dinala sa liblib na lugar at duon inumpisahang wasakin ang buo niyang katawan.

hell will going to start right now, i will spread blood everywhere to everyone.

aqua

A/N: [Finally an update yey! this past few days I decided to take a leave for 3 days to rest my mind then chaaraan I'm back good as new kidding. Stay tune for the next updates, medyo boring ang update ko ngayon pero I will make it kinda special. NEXT CHAPTER: spoiler Crimsoon Moon! HAHAH. I hope you all got a nice day hmm? Some of us are stressed but don't forget to smile. enjoy reading, stay safe and thank you waters~.

| Sukai

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status