Share

CHAPTER EIGHTEEN: CRAZY

Chris Pov's

Natapos ang buong araw namin sa school kasama ko ang baliw na babae na 'yon, tss hindi man lang ako tinigilan kahit limang minuto lang, nakakainis. 

"Paano ka nakilala nu'ng babae?" tanong ni Hakeem sa tabi ko habang nag babasa ng libro dito sa sala.

"Katabi ko siya, hindi ko nga pinapansin e tss." malamig kong sagot.

"Beware, hindi pa rin magandang magpakampante sa mga nakapaligid sa'yo." dagdag niya at tumayo.

Tumango lang ako bilang pag sang-ayon, umakyat siya sa taas kaya kinuha ko 'yung remote ng TV at nanood.

"Palitan mo nga 'yan! Ang panget e!" reklamo ni Jake ng tumabi ito sa'kin.

"No." sagot ko.

Lumapit siya sa'kin at inagaw ang remote sa kamay, kaya tinaas ko ang kamay ko at tumayo na rin ako para hindi niya maabot.

"Giveeee meeeEEE the f*cking remoteeee!" sigaw niya habang tumatalon-talon, napaiwang ang labi ko ng hinila niya ang t-shirt ko at napunit.

"What the.."

"Araaaay!" sigaw niya ng batukan ko siya

"Ang penget neman ng pinanonood mo e! football!" sigaw niya sa mukha ko habang ang dalawa niyang kamay ay nasa kaniyang ulo.

"Oh." abot ko sa kaniya ng remote ng makitang nangingilid ang luha sa kaniyang mata.

Tss, isip bata.

"YEHEY!" maligaya niyang kinuha ang remote at tumalikod sa'kin, agad naman niyang pinalitan ang channel ng TV, napailing ako ng nilipat niya sa Cartoon Network, tumalon siya sa sofa at nag indian sit habang tutok na tutok sa kaniyang pinanonood.

Umakyat ako sa kwarto ko at humiga sa kama, d*mn nakakapagod ngayon araw kahit wala naman akong ginawa, and that d*mn crazy girl inagaw pa ang cellphone ko at kinuha ang number ko.

Napabalikwas ako ng maalala ang cellphone ko, kaya kinuha ko ito sa aking bulsa at tinignan ang messages, thankfully wala siyang message dahil ayoko makipag usap sa baliw tss.

Humiga ulit ako at pinatay ang lamp sa gilid ng kama ko. Ang tanging ilaw na lang ngayon ay ang ilaw sa labas ng bintana ko sa tapat ng aking higaan.

"Hays, hindi naman mangyayari 'to kung hinayaan ni Dad na kami na lang ang lumaban." bulong ko habang nakatingin sa kisame.

*beeep* *beeeeep* *beeeep*

Napalingon ako sa cellphone ko na katabi ko sa kama at tinignan kung sino ito.

Napakunot ang noo ko ng makita ang caller "Rem-aganda" bulong ko.

Bumalik ako sa pagkakahiga at hindi pinansin ang tawag, isang araw pa lang kaming nagkilala masyado na agad siyang feeling close, ganito ba lahat ng tao dito? hays.

Tumalikod ako sa cellphone ko at hinayaan lang ito na mag ring ng mag ring. Pinikit ko ang mata ko at inaalis sa isipan ang kakulitan ni Rem.

"D*MN WHAT THE F*CK!" bulyaw ko at umupo sabay kuha ng cellphone at nilapat sa'king tainga

"WHAT THE H*LL DO YOU WANT?" bungad ko ng masagot ang tawag.

Hindi siya nag sasalita tanging hangin lang ang naririnig ko.

"heheheeh suri na pu, mag tatanong lang kung ano 'yung lecture kanina sa English diba nakita mo naman na tulog ako? beke nemen pa kopya ng lesson hihi" sagot niya mula sa kabilang linya.

"Tss."

Pinatay ko ang call at bumalik sa pagkakahiga, tinalukbong ko ang puti kong kumot sa buong katawan ko at huminga ng malalim.

*beeeep* *beeeep* *beeeep*

"What the f*ck" bulong ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at in-airplane mode ito sabay hagis sa lamesa na katabi ng higaan ko.

Napatingin ako ng pumasok si Hakeem sa pintuan ko at ngumiti ng malawak.

I know i know, pumwesto ako na pahiga hanggang sa makapalit sa'kin si Hakeem.

"You ready? They're already asleep." bulong niya habang nakatingin sa'kin ng malamig.

Tumango lang ako bilang pag sang-ayon, nilapat niya ang kaniyang palad sa'king noo, huminga ako ng malalim hanggang sa marinig ko ang bulong niya.

"Somnum" 

Unti-unti akong nakaramdam ng antok, halos para akong lalamunin ng kadiliman.

"Masanay ka na Chris, hayaan mo lang ang sarili mong matulog." Saad niya bago ako mawalan ng malay.

_____

"WAKEE UP CHRISSS! AALIS NA KAAAMI!"

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng tumama ang silip ng araw sa aking kwarto. Nag linga-linga ako at hinanap ang orasan upang makita ang oras, 7:00 am na, ang pasok ay 7:30 am may konti pa akong oras.

Tumakbo agad ako sa banyo at naligo ng mabilisan ayokong masermonan ni mama Hakeem hays.

Matapos akong maligo agad kong sinuot ang uniform ko at sapatos wala ng ayos-ayos ng mukha ayaw ni Hakeem ang ma-late.

Tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin at nakita ang magulo kong buhok, kinuha ko ang suklay at inayos ito.

7:15 nang tignan ko ang orasan, bumaba ako sa sala at walang na abutan. Iniwan ba nila ako? tss 

"D*MN IT!" sigaw ko 

Nag lakad ako palabas ng bahay at nag simulang mag lakad patungo sa school. Bakit kailangan nila akong iwan? hays.

Napalunok ako ng unti-unti akong makalapit sa matao na lugar, sh*t hindi na tanggal ni Razael ang pang amoy ko.

Napangisi ako ng makita ang isang batang lalaki malapit sa damuhan at kumukuha ng bato, siya lang mag isa, pinakiramdaman ko ang buo kong paligid wala naman na akong na aamoy na malapit pa sa'min.

Napakuyom ako ng kamao, matagal-tagal din naman akong hindi nakakainom ng dugo, puwede na. 

Lumapit ako sa bata at umupo para pumantay sa kaniya, lumingon ito sa'kin at nag tanong.

"Hi, ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko

"Hmp!" Binato niya ako sa mukha ng hawak-hawak niyang bato.

Ngumiti ako sa kaniya kasabay ng pag labas ng pangil ko at pag pula ng aking mata. Nakita ko siyang umatras kaya nginitian ko ulit siya at hinawakan sa kamay

"Tara sama ka sa'kin" Nakangiti kong aya

Nag umpisa naman siyang mag pumiglas kaya hinigpitan ko ang hawak sa kaniya at narinig ang pag crack ng kaniyang buto, umiyak naman siya ng napakalakas kaya agad ko itong kinagat sa leeg na naging dahilan ng pag sirit ng kaniyang dugo. Hiniga ko ang kaniyang katawan habang sinisipsip ang dugo nitong pulang-pula, napakaganda sa mata para itong kumikintab dahil natatamaan ito ng araw.

"Now for the exciting part." bulong ko

Binaon ko ang aking kamay sa kaniyang dibdib at kinapa ang kaniyang puso, nang makapa ko ito agad ko itong kinuha mula sa kaniyang dibdib at kinagat ito na parang gutom na gutom.

Matapos kong pagsawaan ang kaniyang katawan, tumayo ako at tinignan ang kabuuan ko. Dugo ang bumalot sa aking uniform,pinunasan ko ang bibig ko gamit ang aking kamay.

Tumayo ako ng maayos at itinutok ang aking kamay sa katawan ng batang ito.

"sanguis effusus" bulong ko 

Ang mga dugo na nakakalat ay lumutang sa hangin habang pumepwesto sa harapan ko at bumubuo ng isang malaking dugo. Lumutang sa ere ang katawan ng bata at bigla itong sumabog na naging dahilan ng lalong pag kalat ng kaniyang laman at dugo sa paligid, unti-unting nag tutumpukan ang mga dugo sa aking harapan hanggang wala ng makikitang dugo sa paligid.

Pinagmasdan ko ang harap ko ngayon, isang bilong na gawa sa dugo ng bata. Itinutok ko ang aking kamay sa harapan ko at binuksan ang palad ko, unting-unting pumwesto ang bilog sa taas ng palad ko at lumiit ito.

"abito" bulong ko

Lumiwanag ng kulay pula ang bilog na dugo sa aking kamay at agad na nawala. Pinagpag ko ang damit ko at halos parang walang nangyari dahil wala ng dugo sa aking damit.

"C-Chris?"

Napalingon ako ng marinig ang boses ng isang babae, napatindig ako ng makita si Rem na nakatayo sa aking likuran habang nakatingin sa'kin ng blangko. Napalunok ako ng ilang beses habang nag hahanap ng dahilan.

"A-Ano'ng ginawa mo?" malamig niyang tanong habang nakatingin sa'kin ng diretso.

Lumunok ako bago lumapit sa kaniya, tss isa lang ang na iisip ko na paraan kung nakita niya ang ginawa ko. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa kaniyang wrist, tumingin siya sa'kin ng may halong pag tataka, nginitian ko lang siya.

"Ano nakita mo?" inosente kong tanong

Nakatingin lang siya sa'kin ng blangko habang ako ay nag aantay sa kaniyang sagot. Bawat patak ng segundo kasabay ng kabang nararamdaman ko.

"Ba't ang lamig ng kamay mo?" malamig niyang tanong sa'kin

Napalunok ako ng hindi niya sinagot ang tanong ko ibig sabihin nakita niya.

"sangui-" 

"HAHAHAHAHAHHAAHH masyado ka namang kabado, malay ko bang baka umihi ka lang diyan HAHAHAHAHAH" halakhak niya habang hinahampas ako sa braso

"bruh pfft-HAHAHAHAHA suri pu! hindi ko naman sinasadya na silipan ka HAHAHAHAH"

Natingin lang ako sa kaniya ng bigla siyang umayos ng tayo.

"Sorry Chris" magalang na saad niya

"tss" 

Tumalikod ako sa kaniya at nag lakad palayo, akala ko nakita niya tss d*mn muntikan ko pa siyang patayin sh*t!

"OY CHRIS 'WAG MO AKONG IWAAAN!" sigaw niya sa likod at hinabol ko.

"Crazy" i chuckle nang makita siyang nakapantay sa'kin.

sumimangot lang siya sa'kin at nag cross arm, tinawanan ko siya at nag lakad.

aqua

A/N: [cheers to 400+ T^T hindi ko 'to in-expect road to 500 na tayo T^T nakaka iyocc. update lang dahil wala kaming teacher HAHAHA kidding. sooner or later siguro aayusin ko na lahat ng chapter ko, 'yung mga maling grahams (grammars), ang mga symbols, at 'yung capitalization at ang mind conversation ayan lang naman ang aking i-edit. 'yung sa capitalization hindi ko ata na remind kayo na "small capital intended" ako, pero aayusin ko na kase hindi naman ho appropriate sa isang libro kaya sorry po kung na abutan niyo po 'yon i promise na aayusin ko po lahat ng mali ko, and thank you for reading kung inaabangan niyo man po (heheh). have a nice day ahead, stay safe and thank you waters. kayo ang dumadaloy na tubig sa aking paglalakbay sa kalagitnaan ng karagatan (gets niyo? hahaha) kbye.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status