Rejected Daughter, Reclaimed by my Trillionaire Husband

Rejected Daughter, Reclaimed by my Trillionaire Husband

last updateLast Updated : 2025-10-19
By:  heathergrayUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
11Chapters
5views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Nang ipinanganak si Celeste Dela Vega ay nakaplano na ang kanyang kapalaran—iyon ay ang ginawang pag swap sa kanya ng family maid nila sa anak nito sa kagustuhang mabigyan ng magandang buhay ang bata, habang si Celeste ay itinapon lang sa kung saan. 20 years later, the Consunji family finally found her. Ang buong akala niya ay magiging maayos na ang kanyang buhay, ngunit kabaligtaran ang nangyari. Instead of guilt, they gave her betrayal. Her fiancé Jaxon Jimenez cheated on her, and her family took their maid’s daughter’s side. Ginawa ni Celeste ang lahat upang labanan ang sarili niyang pamilya, ngunit tila mas lalo siyang pinahihirapan nito, hanggang sa wala na siyang ibang pagpipilian kundi gamitin ang black card na matagal nang nakatago—bagay na lalong ikinapahamak niya. Bullied and desperate, Celeste finally gave up, but immediately saved by the owner of the black card—ang tinaguriang pinakamayaman at makapangyarihang tao sa buong bansa. “Your fiancé? You’re dreaming, Celeste. There’s no way Mr. Razon would take you as his soon-to-be wife.” “What’s the problem with that, Mr. Jimenez? Are you insulting my wife?”

View More

Chapter 1

Kabanata 1 Ang Pagbabalik ng Impostora

“An invitation from Harvard University. Go study abroad. It’s your dream.”

Tumaas ang kilay ko. Nanatili akong nakatayo sa harapan niya habang tinitingnan siyang minamasahe ang temple niya. He looked stressed. I crossed my arms on my chest.

“What’s this all about, Jaxon? Our wedding’s in two-weeks. Why give me that invitation suddenly?” Direktang tanong ko sa kanya.

Tumigas ang kanyang ekspresyon. “We need to postpone the wedding, Celeste. Amara’s back.”

Umangat ang dulo ng labi ko. I knew it. Hindi niya ako basta-basta ipapatawag dito sa opisina niya kung wala lang kwenta ang pag uusapan namin dahil puwede naman niyang sabihin iyon sa text o kaya tawag.

And I knew it when Selene sent me those pictures while I was at the wedding gown boutique earlier.

“And why is that? Is she that relevant for us to postpone our wedding just because she’s back? O may iba pang dahilan?” tanong ko.

Kinunutan niya ako ng noo. “Reason like what?”

“I don’t know. Like maybe she’s pregnant? Someone saw you two entering an OB-Gyne Department yesterday. Is she pregnant and you’re the father, that's why you wanted me gone suddenly?” Walang preno kong tanong sa kanya na lalo niyang ikinainis.

Ngunit marahas lang siyang bumuntong-hininga imbes na patulan ang pang iinis ko sa kanya. Alam ko na ito. Hinahabaan niya ang pasensya niya sa akin nang sa ganon ay hindi ako mapikon at hindi siya pagbigyan sa gusto niya.

Pagbibigyan ko naman siya. Pero hindi sa paraang gusto niya—kundi sa paraan ko na wala siyang ibang pagpipilian kundi sundin ito.

“It’s not like that, Celeste. Amara’s sick and she’s here for her treatment. We need to postpone the wedding until she gets better. After that, I’ll send her away again just like before at puwede na nating ituloy ang kasal kahit saan mo pa gusto,” mahabang paliwanag niya na para bang makukumbinsi niya ako sa pang uuto niya.

Natawa ako at napailing.

“Fine,” tamad na sagot ko. Agad na nagliwanag ang mukha niya kaya lalo akong nakaramdam ng iritasyon.

Mabilis siyang tumayo and tried reaching me. “Thank you, babe. After she gets better, kahit gaano pa kagrandeng kasal ang gusto mo, ibibigay ko sayo.

I waved my hand in front of him. “No need for that kind of effort, Jaxon. I’m calling our wedding off. I need to go.”

Hindi ko na pinansin ang naging reaksyon niya at agad siyang tinalikuran. Hawak ko na ang doorknob at akmang bubuksan ang pinto nang muli siyang magsalita.

“You know you can’t do that, Celeste,” mariin niyang sinabi na para bang binabantaan niya ako.

A familiar pain struck my chest.

This is just like before. Nang sandaling makita ko pa lang ang picture na iyon ay alam ko nang magkakagulo na naman ang lahat dahil lang sa pagbabalik niya.

“Celeste, please. Do this for me,” sabi pa niya kaya mas lalong tumaas ang iritasyon ko.

“I’m done doing things for you and that bitch, Jaxon. Let’s not postpone the wedding. I will call it off instead,” pinal na pahayag ko at umalis na roon.

Halos masira ko ang pintuan ng opisina niya nang isara ko iyon pabagsak. Nang nasa main lobby na ako ng tower ay agad na nahagip ng mga mata ko ang paghinto ng sasakyan sa harapan.

Binuksan ni Diego, Jaxon’s bodyguard, ang passenger’s seat at agad na bumaba mula roon si Amara na may inosente at sweet na ngiti. Nakamasid lang ako sa kanya habang palabas ako.

“Thanks, Diego. I’m so glad to see you again,” anito habang inaabot ang mga shopping bags sa lalaki.

“No problem, Ma’am Amara.”

Nang sandaling makita ako ni Amara ay agad na nawala ang sweet niyang ngiti at napalitan iyon ng pagpapanggap.

“Celeste,” tawag nya sa akin at agad akong nilapitan. “Nice to see you again.”

“It’s not nice to see you again, Amara,” agad na sagot ko na ikinasimangot niya.

“You’re always like that, Celeste. Rude and bitter. I heard Jaxon will postpone your wedding. Isn’t that something you should worry about?” Puno ng kayabangan niyang pahayag kaya natawa ako.

“Jaxon doesn’t need to postpone it just because you’re back, Amara. I will call it off,” deklara ko na ikinagulat niya.

Bagay na ikinagulat ko rin dahil hindi iyon ang inaasahan kong reaskyon nya. Akala ko ay magiging masaya sya dahil alam ko namang matagal na nyang gustong mangyari ito.

“You’re not serious, right? You know you can’t call it off that easily,” aniya.

“I’m serious. You can have Jaxon for all you want. Marami pa namang lalaki riyan. Isa pa, that’s what you want, right? Ang tanong, tatanggapin ka ba ng mga Jimenez? Aww, no,” panunuya ko sa kanya.

Kitangkita ang pagtalim ng mga mata niya at ang saglit na pagsulyap niya sa likuran ko. Napailing na lamang ako at nilagpasan na siya roon, ngunit hindi pa man nagtatama ang balat namin ay bigla na lang siyang sumigaw at humandusay sa lupa kaya napatingin ako sa kanya.

“What—are you serious, Celeste? Ah!” Sigaw ni Amara na tila nasasaktan.

“Amara!” Jaxon’s voice thundered behind me.

Napatango na lamang ako sa hangin nang mapagtanto ko kung ano ang nangyari. This Amara bitch just intentionally hurt herself nang sa ganon ay maging masama ako sa paningin ni Jaxon at sa lahat ng mga nakakakita ngayon sa nangyayari.

“Is this what you want?” I muttered.

Before she could react, marahas kong hinablot ang buhok niya at kinaladkad sya patungo sa fountain roon at sinubsob ang mukha nya sa tubig.

“Ah—h-help—hmp!” 

Iyon na lamang ang naririnig kay Amara habang paulit-ulit ko siyang sinusubsob sa tubig. Ni hindi ko pinansin ang sigaw ni Jaxon sa likuran na tumakbo na patungo sa amin.

“Ganito mo gustong maglaro? Sana sinabi mo agad. I can decide on my own. Now if you want Jaxon, i*****k mo sa baga mo. Hindi ako katulad mo na mahilig makihati sa pagmamay-ari ng iba!” Sigaw ko at muling nilublob ang ulo nya sa tubig.

“J-Jaxon! H-help!”

“Celeste! What the fuck are you doing?!” Jaxon hissed kaya hinagis ko sa kanya si Amara na basang basa ang kalahati ng katawan at parang batang umiiyak at nakaupo sa lupa.

Hindi pa ako nakuntento at sinipa nang buong lakas ang binti niyang nakaharang sa daan ko.

“If you continue to torment me with sweet talks for them to pity you, babasagin ko na lang yang mukha mo para tumigil ka na,” deklara ko at aalis na sana ngunit marahas akong hinablot ni Jaxon sa braso kaya natigilan ako.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
11 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status