[Gail]
"Mabuti pa kumain na muna tayong dalawa bago mag usap." Kumain? Nagagawa pa nitong kumain sa bahay na pinagnanakawan? My god! Gaano kakapal ba ang mukha ng lalaking ito? Kung hindi niya nakita ang pagnanakaw nito sa Z-mall ay iisipin niya na ito ang may ari ng bahay na 'to. Napahinto ito ng mapansin ang hindi niya pagsunod. "G-Gusto ko nang umuwi." Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na sabihin iyon. "L-Look, I p-promise, hindi ako magsusumbong sa pulis. J-Just do your business here, I don't care," Natigilan siya bigla ng maalala ang tatlong gay na kumausap sa kanya kagabi. Bigla siyang nakadama ng konsensya. "T-Tungkol do'n sa tatlong lalaki... h-hindi mo naman siguro sila p-pinatay, h-hindi ba?" Baka kaya tahimik sa paligid dahil pinatay na nito ang mga nakatira rito?! N-no! Sana mali ang hinala niya! Napamaang siya ng malakas itong humalakhak— na para bang may nakakatawa sa sinabi niya. Bigla ay natakot siya para sa sarili niya. Kapag hindi siya nakaalis sa lugar na ito ay sigurado na mapapahamak siya. Nababaliw na ito! Baka kung ano pa ang magawa nito sa kanya! Pasimple niyang binuksan muli ang maindoor, umaasa na bubukas ito— "That door is locked." May ngiti na lumapit ito sa kanya. "Don't be afraid, hindi ako mamamatay-tao katulad ng iniisip mo." Yumuko ang lalaki at nilapit ang mukha sa kanya. "Hindi mo nga ako kilala... hmm, pero bakit naro'n ka sa mall?" Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng lalaking 'to. Pero isa ang sigurado siya— baliw ito. Saka sino ba ang kriminal na umaamin sa ginawang krimen? Nabuhayan siya ng loob ng mayro'ng may edad na lalaki ang dumating. Tinulak niya palayo ang lalaki sa kanya at pumunta sa matanda. "M-manong, tulong po—" naputol ang kanyang sasabihin ng yumuko ito sa lalaking nasa likuran niya. "Sir Migs, nakahanda na ang hapunan ninyo ni Ma'am," magalang na wika nito. Namilog ang mata niya. "S-Sir? Kung gano'n..." muling humalakhak ang lalaking nasa likuran niya. Kaya naman naitakip niya ang kamay sa mukha sa sobrang pagkapahiya. Napagkamalan niya itong magnanakaw sa sariling bahay. Nakakahiya! Pero nakahinga siya ng maluwag at the same time. Ibig sabihim ay safe siya— natigilan siya. "S-Sino ang nagpalit ng damit ko?" Kung hindi ito, ibig sabihin si Manong, gano'n? Dumilim ang mukha ng lalaki ng makita ang pagtingin niya sa matanda. "As if I will let anyone see what's mine." Mahinang sabi nito. Nang mapabaling siya rito ay biglang ngumiti ito. "Don't worry, matandang babae ang nagpalit ng suot mo," Nakahinga siya ng maluwag. Habang kumakain sila ay hindi niya maiwasan ang suriin ang mukha ng lalaki. Sigurado siya na sa Z-mall niya ito unang nakita, pero bakit parang pamilyar ito sa kanya? Has she seen this guys before? "Salamat po, mister." Pasalamat niya ng abutan siya nito ng isang basong tubig. "Siya nga po pala... nasaan na 'yung tatlong gay na kausap ko kagabi?" Naalala niya na bago siya mawalan ng malay ay may lalaking lumabas sa limousine, baka ito ang lalaking 'yon. Ibig sabihin lang no'n ay magkakakilala ang apat. "They are working at this hour. Hindi mo ba tanda, nawalan ka ng malay kagabi... kaya narito ka ngayon sa bahay ko dahil ibinilin ka nila sa akin," binaba nito ang hawak na kubyertos at tumingin sa kanya. "How's school, Gail?" Kumunot ang kanyang noo. Paano nito nalaman ang pangalan niya? Sumandal ang lalaki at ngumiti. "Narinig kong sinabi mo kay Manong ang pangalan mo kanina." Tumingin ang lalaki sa katawan niya. "You look young, so I guess, nag aaral ka pa." Napatango siya. 'My god, Gail!' Mabuti nalang at nagpaliwanag agad ito. Kung hindi ay baka kung ano-ano na naman ang tatakbo sa utak niya. Akmang kakagat na siya ng hotdog ng mapatingin sa lalaki. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang, lalo na nang mapansin niya ang kakaibang titig nito sa kanya. "M-may problema ba, Mister?" Nakangiting umiling ito. "Walang problema, Gail. Pero kung magtatagal kang kasama ako," lumunok ito, "baka magkaro'n nga." Nang makita nito ang paglunok niya ay mahina itong natawa. "I was talking about the time. Mali-late ka kung hindi mo bibilisan ang pagkain." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ng lalaki. Tama ito, mali-late nga siya! "Mister, pwede bang makiusap... please, pautang ng pamasahe," kinapalan na niya ang mukha niya. Hindi siya makakauwi ng walang pera. "Hindi mo na kailangan umuwi, Gail. May bagong damit sa kwarto sa itaas. You may take a bath after your meal, ako na ang maghahatid sayo sa university mo." "Talaga? Thank you, Mister.” Kulang nalang ay mapatalon siya sa tuwa. Inaalaagaan talaga niya ang attendance niya kaya ni isa ay wala siyang absent simula elementary palang siya. Gano'n niya pinapahalagahan ang pag aaral niya. Gusto niya na maging proud sa kanya ang daddy niya. Pagkatapos kumain ay bumalik siya sa kwartong pinanggalingan niya kanina. Sa ibabaw ng kama ay nakita niya ang isang mahabang palda kapareho ng madalas niyang isuot, at isang white crew neck shirt, maay isa ring sneakers na mukhang bago pa sa tabi nito. Kung hindi niya nakita ang pagbasag nito s istante sa Z-mall ay iisipin niya na talagang mabait ito. Pero sigurado siya na katulad lang ito ng ibang mayaman na may kanya-kanyang trip sa buhay. Marahil ng panahon na iyon ay trip nitong magnakaw. At dahil mayaman ito ay kaya nitong tapalan ng pera ang lahat. Nang makapasok siya sa bathroom ay napaawang ang labi niya. Malaki sobra ang bathroom nila sa bahay pero walang sinabi ang laki no'n sa laki ng bathroom na ito. Bago naghubad ay siniguro niya na naka-lock ang pinto. Nagbabad siya sa malaking jacuzzi. Bigla niyang naalala ang lalaking humalik sa kanya sa Z-mall kagabi. Hindi niya namalayan na nanginginig na naman pala ang katawan niya sa takot. 'Paano kung hindi agad ako nakatakbo?' Gumapang ang kilabot sa katawan niya sa naisip. Hindi na talaga ligtas sa panahon ngayon. Kahit saan pwede kang gawan ng masama, hangga't mayro'n silang pagkakataon. Kung magsumbong kaya siya sa pulis? Umiling-iling siya habang kagat ang kanyang daliri. 'Bakit pa?' Alam niya na hindi rin naman siya paniniwalaan. Baka sabihin pa sa kanya ng pesteng pulis na may asul na mata na isipin nalang niya na 'lamok' na naman iyon. Inalis nalang niya ang masamang nangyari kagabi sa isip. Ang dapat niyang isipin ngayon ay kung anong alibi ang sasabihin niya sa daddy at Ate Zera niya... at simula ngayon ay kailangan niya ng dobleng pag iingat para hindi na maulit ang nangyari kagabi. Naiiyak na sinubsob niya ang mukha sa kamay. “A-ang first kiss ko n-nakuha lang ng kung sino.” Gusto niyang isipin na 'lamok' lang iyon... pero hindi niya magawa. Paano niya malilimutan ‘yon kung hanggang ngayon ay dama pa rin niya ang mainit at malambot nitong labi sa kanya na amoy sigarilyo pa.🫶🫰✨
WALANG patid ang pagluha niya habang nakatingin sa puntod ng mga ate niya. Akala nila ay napakaswerte nila dahil nakatagpo sila ng mabuting tao na umampon sa kanila, ngunit mali sila. Para sa mga batang iniwan at pinabayaan ng tunay na mga magulang, gusto lang naman nila magkaroon ng magulang na tatanggap at mamahalin sila. Kanina pa tahimik na umiiyak si Junli. Sobra itong nasaktan sa nalaman. Hindi pala ito iniwan ng ate niya. Doble ang sakit na naramdaman nito ng malaman na nagdadalantao pala ang ate niya. Alam niya na kung nasaan man ang ate Marian niya ay masaya ito dahil nakatagpo si Junli ng mabuting babae. Nakakabilib si Joana, kahit sa pagluluksa sa first love ng asawa ay kasa-kasama ito. Si Coby naman, nasa kalayuan. Masaya ito dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate Zera niya. Pero batid niya na nasasaktan parin ito sa sinapit ng ate niya. Mahal na mahal rin nito ang ate Zera niya dahil kung tutuusin ay pwede itong umalis ng bansa at tumakas. Pero hindi nito g
Sobra ang kaba niya na baka magduda ang mga lalaking kasama nila ngayon. Buti nalang at ‘mukhang hindi sineryoso ng mga ito ang sinabi ng anak ni Nerissa. Sino nga naman kasi ang tatawagin niyang ‘fafa’ dito bukod sa kanyang ama. “Hoy, lakad na! Kanina pa naghihintay sila ma’am at sir sa sala!” Pinigilan niya ang sarili na huwag sipain ang lalaki. “Mamaya ka lang talaga sa aking lalaki ka. Pababalatan talaga kita kay Miguel mamaya.” Mahinang bulong niya. “May sinasabi ka?!” Bulyaw pa nito sa kanya. Hindi lang siya ang napangiwi, maging ang lalaking papakasalan niya. Paano ay nagtalsikan ang mabahong laway ng lalaki sa mukha nila. “Patawad, oh Diyos ko.” Napapantastikuhang tumingin siya sa lalaking papakasalan niya na ngayon ay nauna ng umalis sa kanya. Kanina pa niya napansin na panay ang sign of the cross nito. Mukhang sobra ang takot nito at tinatawag na ang lahat ng santo. Pagdating sa sala ay naabutan niya si Nerissa na kasama ang daddy niya. Natigilan siya at nagp
DINALA siya ng mga lalaki sa kwarto sa itaas ng kwarto ng daddy niya. Padaskol siyang itinulak ng mga ito at hinagis ang isang malaking kahon sa kanya. “Suotin mo daw ang laman niyan sabi ni ma’am Nerissa. Wag mong subukan na sumuway kung ayaw mong kami pa ang magpalit ng damit mo.” Napaatras siya ng pasadahan nito ng tingin ang katawan niya. “Ayaw mo naman siguro na kami pa ang magbihis sayo?!” Malakas na sinara niya ang pinto ng kwarto. “Mga manyakis!” Kung may load lang sana ang simcard ng ate Zera niya ay nakahingi na sana siya ng tulong. Kung hindi lang sana dumating ang daddy niya ay nailagay niya sana ang simcard sa cellphone nito. Pero sadyang ang malas niya dahil naabutan siya ng daddy niya at ni Nerissa. Pinahid niya ang luha na hindi niya namalayan na naglandas sa kanyang pisngi. Nang mapatingin siya sa kamay ay saka lang niya napansin na sobrang nanginginig na pala siya. Sana pala ay nakinig siya kina Joana at Junli na wag magpadalos-dalos at pumunta dito. Hindi
NATUMBA ang daddy niya sa lakas ng hampas niya. Nabitiwan niya sa takot ang hawak na kawali ng makita niya na dumudugo ang ulo nito habang walang malay. Naghanap siya ng tali at ng makakita ay itinali niya ito. Baka kasi magising ito at makatakas. Kailangan niyang makasiguro na hindi ito makakatakas. Pagkatapos itali ng mahigpit ang kamay at paa ay kinapa niya ang bulsa nito para kunin ang cellphone nito. “Thanks god!” Aniya ng makuha ang cellphone nito. Kailangan niyang tawagan si Miguel para ipaalam kung nasaan siya. “Shit!” Napasigaw siya sa inis ng makitang may password ang cellphone nito. Hindi ito gumamit ng fingerprint o face unlock kaya hindi niya ito mabuksan. Sinubukan niyang buksan ito gamit ang lahat ng pwedeng i-password nito pero wala talaga. Ang malas naman! Nakakainis! Sandali siyang napaisip. “Sa kotse!” Tama! Sigurado na may charger ito sa sasakyan nito. Wala siyang sinayang na sandali. Agad siyang lumabas para puntahan ang sasakyan nito. Dahil nakuha niya a
‘WAG KANG magpapahalata na alam mo na ang lahat, Gail!’ Aniya sabay kagat ng malakas sa loob ng kanyang bibig. Kailangan niyang labanan ang takot at kaba niya para hindi ito makahalata. Kunwari ay bumuntonghininga siya. “Tama ka, dad. Hindi dapat paniwalaan ang lalaking ‘yon. Siya ang dahilan kaya naging gano’n ang ugali ni ate Zera. Biruin mo ‘sinabi niya sa akin na pinatay daw si ate Zera dahil may nalaman si ate na sikreto ng pamilya natin.” Kunwari ay tumawa siya. “Mukhang nababaliw na talaga ang lalaking ‘yon. Inutusan oa niya ako na kunin ang mga gamit ni ate Zera para patunayan sa akin na totoo ang mga sinabi niya. Anong akala niya sa akin? Tanġa na maniniwala sa mga sinasabi niya?” “Kung gano’n ay bakit mo dala ang mga gamit ng ate mo?” Walang kangiti-ngiti na tanong ni Hector na may duda sa ikinikilos ng anak. Lihim siyang napalunok. “Ah ito ba, dad? Pumunta kasi ako dito para alamin kung may pwede pa akong mapakinabangan na gamit dito. Nasunugan kasi ang pamilya ng d
Bumuga ng hangin si Gail habang nakatingin sa bahay-bakasyunan nila dito sa Zambales. Padilim na. Pagod pa siya dahil sa biyahe pero wala siyang panahon para magpahinga. Kailangan niyang malaman kung ano ba ang meron dito para matakot ang ate Zera niya para sa kanya, ano ba ang nalaman nito na humantong sa pagkamatay nito. Tinatanggi ng utak at puso niya ang mga sinabi ni Coby tungkol sa daddy niya. Patutunayan niya na hindi iyon totoo. Patutunayan niya na walang dapat ikatakot sa lugar na ito. Ito talaga ang tunay na dahilan kaya siya narito—ang patunayan na hindi magagawa ng kanyang ama ang bintang nito. Mabilis na nagtago siya sa likuran ng sasakyan ng makarinig ng yabag. “Aalis na ako, Hector. Pumunta lang ako dito para bigyan ka ng babala. Makabubuti kung susundin mo ang mga sinabi ko sayo. Hindi ka na ligtas sa bansang ito.” Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang kaibigan na doktor ng daddy niya na pinakilala sa kanila noon. “Bye, daddy!” Napaawang ang labi niya ng mak