[Gail]
Panay ang iyak niya habang hawak ang labi, nanginginig pa ang katawan niya sa sobrang takot. Mabuti nalang at hindi na siya sinundan pa ng lalaki. Yakap niya ang sarili habang nakatanaw sa Z-mall. Narito siya ngayon sa labas at wala sa sariling nakatanaw sa gusali. Ayaw niyang pumasok. Natatakot siya na baka naro'n pa ang lalaki at binabantayan siya. Gusto na niyang umuwi. Pero nasa kaibigan niya ang bag, wala siyang pera pamasahe. Tumingala siya ng biglang bumuhos ang ulan. "Shit naman talaga!" Nagmamadali siyang tumakbo para humanap ng masisilungan. Pero sadyanh malas niya ngayong araw dahil wala siyang nahanap. Sobrang lakas ng ulan, sinabayan pa iyon ng malakas na kulog. Dahil kakarampot na tela lang ang kanyang suot ay mabilis na nanuot ang lamig sa kanyang katawan. Ito ba ang tinatawag nilang kamalasan? My god! Simula nang magpunta siya sa Z-mall na ito ay minalas na siya ng husto. Nabastos na siya sa public restroom, pati ba naman rito? Napapitlag siya ng bumusina ng malakas ang kulay puting sasakyan sa kanya— no, hindi ito basta sasakyan lang. Isa itong limousine. Napaatras siya ng lapitan siya ng tatlong lalaki na mayro'ng dalang tig-iisang payong. Akmang tatakbo na siya ng biglang pumitik ang mga daliri nito. "Girl, ang lakas ng ulan. Gusto mo bang ihatid ka namin sa inyo?" Pinasadahan nito ng tingin ang kanyang katawan, "basang-basa ka na, baka magkasakit ka ni'yan." Sumang ayon naman agad dalawang gay na kasmaa nito. "Jay is right. I'm sure na magkakasakit ka... come on, ihahatid ka na namin." Pinayungan siya ng nito. Mukhang friendly naman ang tatlo. Pero mahirap na magtiwala ngayon. "N-no thank. M-may kaibigan ako sa loob, palabas na rin po siya kaya maghihintay ako rito." Nginig ang tinig na sagot niya. Ang lamig! Nagkatinginan ang tatlo, nag uusap ang mga tingin nito at sabay pa na tumango. Mayamaya ay naglabas ng pang-spray ang pinakamalaking lalaki sa tatlo, at saka nag-spray banda sa kanyang mukha. Hilaw na tumawa ang lalaki. "M-may lamok, girl..." tila kabadong wika pa nito. Awtomatikong napahawak siya sa kanyang ulo. Bigla siyang nakaramdam ng hilo. Sa kabila ng malakas na ulan ay dinig niya ang malakas na businang muli ng sasakyan. Sa nanlalabong tingin ay nakita niya ang pagbaba roon ng isang lalaki na hindi niya makita ang mukha. "Good job. Now let me carry my sweet little angel." Boses iyon ng isang baritonong tinig. Naramdaman na lamang niya ang pag angat ng kanyang katawan sa ere. She wants to scream and ask for help, pero hindi niya magawang ibuka ang bibig. Tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang kanyang kamalayan. *** "UHMM." Ramdam niya ang mainit na bagay na sumisípsíp sa kanyang leeg, patungo sa kanyang panga habang sa gilid ng kanyang labi. "Oh my god!" Malakas na singhap ang kumawala sa labi niya ng magising. Sobrang bilis ng tahip ng dibdib niya. 'Anong klaseng panaginip 'yon? Nakakadiri!' Hinawakan niya ang leeg at mukha. Parang totoo na mayro'ng humawak sa kanya. Mabuti nalang at panaginip lang pala. Nanlaki ang mata niya ng mapatingin sa kanyang katawan. "What the..." agad na namutla siya ng makitang isang napakalaking t-shirt na ang kanyang suot. Sa sobrang laki nito ay nagmistula itong bestida sa kanya. Nilibot niya ng tingin ang buong silid— hindi rin ito ang kwarto niya! Ang huli niyang naaalala ay mayro'ng tatlong gay na kausap siya kagabi. 'Nawalan ba ako ng malay?' Nang makakita ng isang pares nang tsinelas ay agad niya itong sinuot. Sakto pa ang sukat nito sa kanyang paa na parang sinukat sa kanya. Muli niyang nilibot ng tingin ang paligid. Ang isang buong pader ng kwarto at gawa sa salamin. Isa itong wall aquarium na mayro'ng iba't ibang klase ng isa. Dim blue light ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. Whoever own this room, natitiyak niya na mahilig ito sa dagat. Pinilig niya ang ulo— this is not the right time to be amused by the things here. Kailangan niyang makaalis at makauwi. Sigurado na nag aalala na ang kanyang ama at kapatid. Napaawang ang labi niya ng makalabas ng kwarto. "W-where am I?" Sa sobrang lawak ng kanyang nakikita ay hindi niya tiyak kung nasa palasyo ba siya, o nananaginip siya. All she could see is color light blue, and all the furniture here is surely expensive! Mula sa ceiling, sa mga painting, sa mga figures na kanyang nakikita ay natitiyak niyang lahat ay nagkakahalaga ng mahal. "Hello!" Nag-echo ang boses niya sa paligid. Nag iisa lang ba siya sa lugar na 'to ngayon? Wala siyang makitang tao, o kahit isa sa mga maids. Marahan ang hakbang na bumaba siya ng hagdan. Mukhang tama ang hinala niya, walang tao sa lugar na 'to. 'Mabuti pa ay umalis na ako.' Ewan ba niya, pero malakas ang kutob niya na hindi ang tatlong gay kagabi ang may ari ng lugar na ito. Nang makababa ay agad na tumakbo siya sa maindoor para lumabas na. "Bakit naka-lock?!" Hindi niya ito mabuksan, na siyang nakapagtataka. "Are you leaving without telling me? That's rude." Napasandal siya sa maindoor sa sobrang gulat. Nang mag angat siya ng tingin ay napaawang ang labi niya— "Y-You?!" Hindi siya pwedeng magkamali, ito ang lalaking nakita niya sa Z-mall. Ang lalaking bumasag ng istante ro'n para magnakaw ng relo! Ano ang ginagawa nito rito. Imposible naman na ito ang may ari ng lugar na 'to. Kung mayaman ito, hindi na ito magnanakaw pa— unless narito ito para magnakaw! My god! Sa dinami-dami ng pwedeng makasalamuha, bakit ang lalaking ito pa? "You looked pale. Did I scared you?" Nakataas ang sulok ng labi na tanong pa ng lalaki. Parang natutuwa pa itong nakita na namumutla siya. What a scumbag jerk! Gusto niyang umatras ng humakbang ito palapit sa kanya pero wala na siyang ma-atrasan. Nahigit niya ang kanyang paghinga ng dumampi ang mainit nitong kamay sa bandang leeg niya. "That mark looks good on you." Sumungaw ang mapaglarong ngisi sa labi nito. "It says that someone owned you." Malakas na tinabig niya ang kamay ng lalaki. "G-Get off your hands on me, you jerk!" Wala siyang pakialam kung gwapo ito. Bukod sa matanda ito sa kanya, this jerk touched someone without a permission! Mali iyon! Napalunok siya ng laway. 'My god, Abigail, gusto mo bang mapahamak? Remember, that man is a criminal!' Kastigo ng kanyang utak. Tumalikod pa ito at napasabunot sa buhok. "Jerk?" Mahina itong natawa. Hindi siya makapaniwala. Ano ang nakakatawa? Nasisiraan na ba ito ng ulo? Napangiwi siya ng mapatingin sa likuran nito. Maski ang likuran nito ay malaki at malapad. Kaya siguro hindi ito takot sa pinasok na trabaho dahil kaya nitong ibalibag ang kung sino. Naalala niya ang ginawa nitong pagbasag sa istante sa Z-mall. Sigurado na sisiw lang rin sa lalaking ito na basagin ang kanyang mukha. Nawala bigla ang tapang niya... natakot siya bigla, lalo nang mapatingin siya sa malaki at maugat nitong kamay. Sigurado na isang sapak lang siya nito.♥️🫶
WALANG patid ang pagluha niya habang nakatingin sa puntod ng mga ate niya. Akala nila ay napakaswerte nila dahil nakatagpo sila ng mabuting tao na umampon sa kanila, ngunit mali sila. Para sa mga batang iniwan at pinabayaan ng tunay na mga magulang, gusto lang naman nila magkaroon ng magulang na tatanggap at mamahalin sila. Kanina pa tahimik na umiiyak si Junli. Sobra itong nasaktan sa nalaman. Hindi pala ito iniwan ng ate niya. Doble ang sakit na naramdaman nito ng malaman na nagdadalantao pala ang ate niya. Alam niya na kung nasaan man ang ate Marian niya ay masaya ito dahil nakatagpo si Junli ng mabuting babae. Nakakabilib si Joana, kahit sa pagluluksa sa first love ng asawa ay kasa-kasama ito. Si Coby naman, nasa kalayuan. Masaya ito dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate Zera niya. Pero batid niya na nasasaktan parin ito sa sinapit ng ate niya. Mahal na mahal rin nito ang ate Zera niya dahil kung tutuusin ay pwede itong umalis ng bansa at tumakas. Pero hindi nito g
Sobra ang kaba niya na baka magduda ang mga lalaking kasama nila ngayon. Buti nalang at ‘mukhang hindi sineryoso ng mga ito ang sinabi ng anak ni Nerissa. Sino nga naman kasi ang tatawagin niyang ‘fafa’ dito bukod sa kanyang ama. “Hoy, lakad na! Kanina pa naghihintay sila ma’am at sir sa sala!” Pinigilan niya ang sarili na huwag sipain ang lalaki. “Mamaya ka lang talaga sa aking lalaki ka. Pababalatan talaga kita kay Miguel mamaya.” Mahinang bulong niya. “May sinasabi ka?!” Bulyaw pa nito sa kanya. Hindi lang siya ang napangiwi, maging ang lalaking papakasalan niya. Paano ay nagtalsikan ang mabahong laway ng lalaki sa mukha nila. “Patawad, oh Diyos ko.” Napapantastikuhang tumingin siya sa lalaking papakasalan niya na ngayon ay nauna ng umalis sa kanya. Kanina pa niya napansin na panay ang sign of the cross nito. Mukhang sobra ang takot nito at tinatawag na ang lahat ng santo. Pagdating sa sala ay naabutan niya si Nerissa na kasama ang daddy niya. Natigilan siya at nagp
DINALA siya ng mga lalaki sa kwarto sa itaas ng kwarto ng daddy niya. Padaskol siyang itinulak ng mga ito at hinagis ang isang malaking kahon sa kanya. “Suotin mo daw ang laman niyan sabi ni ma’am Nerissa. Wag mong subukan na sumuway kung ayaw mong kami pa ang magpalit ng damit mo.” Napaatras siya ng pasadahan nito ng tingin ang katawan niya. “Ayaw mo naman siguro na kami pa ang magbihis sayo?!” Malakas na sinara niya ang pinto ng kwarto. “Mga manyakis!” Kung may load lang sana ang simcard ng ate Zera niya ay nakahingi na sana siya ng tulong. Kung hindi lang sana dumating ang daddy niya ay nailagay niya sana ang simcard sa cellphone nito. Pero sadyang ang malas niya dahil naabutan siya ng daddy niya at ni Nerissa. Pinahid niya ang luha na hindi niya namalayan na naglandas sa kanyang pisngi. Nang mapatingin siya sa kamay ay saka lang niya napansin na sobrang nanginginig na pala siya. Sana pala ay nakinig siya kina Joana at Junli na wag magpadalos-dalos at pumunta dito. Hindi
NATUMBA ang daddy niya sa lakas ng hampas niya. Nabitiwan niya sa takot ang hawak na kawali ng makita niya na dumudugo ang ulo nito habang walang malay. Naghanap siya ng tali at ng makakita ay itinali niya ito. Baka kasi magising ito at makatakas. Kailangan niyang makasiguro na hindi ito makakatakas. Pagkatapos itali ng mahigpit ang kamay at paa ay kinapa niya ang bulsa nito para kunin ang cellphone nito. “Thanks god!” Aniya ng makuha ang cellphone nito. Kailangan niyang tawagan si Miguel para ipaalam kung nasaan siya. “Shit!” Napasigaw siya sa inis ng makitang may password ang cellphone nito. Hindi ito gumamit ng fingerprint o face unlock kaya hindi niya ito mabuksan. Sinubukan niyang buksan ito gamit ang lahat ng pwedeng i-password nito pero wala talaga. Ang malas naman! Nakakainis! Sandali siyang napaisip. “Sa kotse!” Tama! Sigurado na may charger ito sa sasakyan nito. Wala siyang sinayang na sandali. Agad siyang lumabas para puntahan ang sasakyan nito. Dahil nakuha niya a
‘WAG KANG magpapahalata na alam mo na ang lahat, Gail!’ Aniya sabay kagat ng malakas sa loob ng kanyang bibig. Kailangan niyang labanan ang takot at kaba niya para hindi ito makahalata. Kunwari ay bumuntonghininga siya. “Tama ka, dad. Hindi dapat paniwalaan ang lalaking ‘yon. Siya ang dahilan kaya naging gano’n ang ugali ni ate Zera. Biruin mo ‘sinabi niya sa akin na pinatay daw si ate Zera dahil may nalaman si ate na sikreto ng pamilya natin.” Kunwari ay tumawa siya. “Mukhang nababaliw na talaga ang lalaking ‘yon. Inutusan oa niya ako na kunin ang mga gamit ni ate Zera para patunayan sa akin na totoo ang mga sinabi niya. Anong akala niya sa akin? Tanġa na maniniwala sa mga sinasabi niya?” “Kung gano’n ay bakit mo dala ang mga gamit ng ate mo?” Walang kangiti-ngiti na tanong ni Hector na may duda sa ikinikilos ng anak. Lihim siyang napalunok. “Ah ito ba, dad? Pumunta kasi ako dito para alamin kung may pwede pa akong mapakinabangan na gamit dito. Nasunugan kasi ang pamilya ng d
Bumuga ng hangin si Gail habang nakatingin sa bahay-bakasyunan nila dito sa Zambales. Padilim na. Pagod pa siya dahil sa biyahe pero wala siyang panahon para magpahinga. Kailangan niyang malaman kung ano ba ang meron dito para matakot ang ate Zera niya para sa kanya, ano ba ang nalaman nito na humantong sa pagkamatay nito. Tinatanggi ng utak at puso niya ang mga sinabi ni Coby tungkol sa daddy niya. Patutunayan niya na hindi iyon totoo. Patutunayan niya na walang dapat ikatakot sa lugar na ito. Ito talaga ang tunay na dahilan kaya siya narito—ang patunayan na hindi magagawa ng kanyang ama ang bintang nito. Mabilis na nagtago siya sa likuran ng sasakyan ng makarinig ng yabag. “Aalis na ako, Hector. Pumunta lang ako dito para bigyan ka ng babala. Makabubuti kung susundin mo ang mga sinabi ko sayo. Hindi ka na ligtas sa bansang ito.” Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang kaibigan na doktor ng daddy niya na pinakilala sa kanila noon. “Bye, daddy!” Napaawang ang labi niya ng mak