Share

KABANATA 15

Malamig ang buga ng aircon at nakakaramdam na rin si Zarina ng panunubig pero tinatamad siyang bumangon at hayunin ang banyo. Alam niya na kapag iminulat na niya ang mga mata at sinunod niya ang gusto ng katawan niya sure siya mahihirapan siyang makabalik ng tulog. Ang plano niya ay deadmahin ang nararamdaman dahil alam naman niya mawawala rin ang panunubig niya.

Kinapa niya ang isang unan sa tabi niya at kinuha ‘yon para ilagay sa pagitan ng hita niya. Inipit niya nang husto ang unan at ipinikit nang mariin ang mga mata para ituloy ang pagtulog.

Ilang minuto pa ang lumipas ay inis siyang napahimalos sa mukha at iminulat ang mata.

Agad na sumalubong sa mata niya ang isang madilim na kuwarto.

Nasaan ako? Takang tanong niya sa sarili at napabalikwas ng bangon.

Umupo siya sa kama at isinandal ang likod sa headboard. Napakamot siya sa ulo habang inaalala ang mga nangyari. Alam niya kasama niya si Antoine sa loob ng kotse bago siya nakatulog.

Napatuptop siya sa bibig at nilinga-linga ang u
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status