Almika's POVSeryoso nga ang gaga sa sinabi nitong pupunta siya dito sa mansyon ni Riley. Ang aga-aga niya pa nga, kakagising ko nga lang at nadatnan ko siyang kausap sina Riley at Freena. Nagtatawanan pa ang mga gaga oh. Pinikit ko ang mata ko para ibalanse ang paningin ko pero agad din naman akong nag mulat. At sa pag mulat ko mukha ni Penelope na naka ngiti ang sumalubong sa akin. "Hi!" "What the hell! Penelope!" inis na sigaw ko. Tumawa lamang siya at hinila ako pababa ng hagdan."Maaga dapat tayo ngayon. Sasama nga pala sina Freena at Riley sa atin, kumain kana at maligo." Sinunod ko naman ang sinabi niya baka pagtripan na naman nito. Pagkatapos kong kumain at maligo. Sa kotse kami ni Penelope sumakay, isang kotse lang ang dinala namin dahil 'yung ibang sasakyan ay gagamitin ng mga lalaki sa pupuntahan nila. Kukuha daw sila ng invitation card. Ewan ko kung para saan, baka may party na magaganap. Nakalimutan siguro silang bigyan ng mga 'yon kaya pinuntahan talaga nila. Ano na
Almika's POV "WHAT?! Saan na kayo?!" kanina pa sumisigaw si Penelope dito sa harapan namin. Kakatapos lang ng training namin at puro pasa na 'yung mukha ko ganu'n din si Riley at Freena na kapwa hinihingal din at nagkaroon ng maraming sugat. Hindi madali ang pinagawa sa amin ni Penelope, masyado siyang marahas magturo. Pagod na pagod ang mga mukha namin, punit-punit na ang mga damit dahil sa pinangagawa ni Penelope, masyado siyang mapanakit kung lumaban, magaling nga siya ngunit mapangahas. Nasaksihan ko kung gaano siya kagaling sa katana, tinuruan niya ako at hindi madali iyon. Nagkasugat-sugat ang mga kamay ko dahil sa katana na gamit ko. Ilang beses akong pumalya. Ang hirap naman kasi, kailangan mong umiwas, sanggaan ang mga maaaring bala o talim na paparating gamit lamang ang katana. Hindi ko naman iyon gagamitin kay Vandeon. Mas magaling ako sa baril, pero dahil si Penelope na 'yon, pinilit niya talaga ako. May natutunan naman kahit papano. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Freena.
Almika's POVNagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama. Mabilis namang tumayo si Riley sa kinauupuan niya, inalayan niya akong umupo ng tuwid, napansin ko ring kaming tatlo lamang ang andito. Si Penelope, Riley at ako. Where's the others? And where's my son? "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Penelope ngunit bakas sa mukha niya ang pagkairita. Bakit na naman kaya? Wala na kasi akong ibang naalala bukod sa nahimatay ako sa harapan ni Vandeon kahapon. Ginawa ko ang makakaya ko upang labanan si Vandeon, I did it. Nakuha ko si Vandish mula sa kanya, mabuti nalang walang nangyari sa anak ko. Wala siyang sugat na natamo, mukhang inalagaan niya. Pero wala akong pakialam, sa mga mata ko ay mamatay tao parin siya. Hindi 'yan mawawala sa isip ko. "Where's my son? Saan na naman dinala ni Vandeon ang anak ko, Riley?" nagtitimping tanong ko. Gusto kong tumayo para makita ang anak ko pero mas pinili ko na lamang umupo at kumalma,
Almika's POVTinupi ko ang mga damit ko tsaka ko ito nilagay lahat sa malaking maleta ko,. Kaka-resign ko lang din sa kompanya ni Riley, ayoko nang humingi ng tulong sa kanila baka ako na naman ang maiiwan, gagamitin ko ang mana na iniwan ni daddy at mamumuhay na ako ng normal, pero sisiguraduhin kong hahanapin ko kung nasaang lupalok nagtatago ang Vandeon na 'yon. "Almika, you don't have to do this." Pigil sa akin ni Riley, kasama niya si Carmela na nasa likuran niya at ang asawa at anak niya na nasa tabi niya. Masaya sana kung gan'yan din ang pamilya ko, Riley, pero hindi eh, nawalan na nga ako ng anak. Demonyo pa ang kalaban ko. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ako mananatili sa mundong 'to, without my son I feel empty, wala akong kalas na lumaban pa. Umiling ako. Hindi na muli ako magpapadala sa emosyon ko. Gagawin ko ito ng kusa. Without their help. "We can help you find your son, Almika, just don't leave." "Hindi mo nga alam kung na saan siya hahanapin pa kaya? Baka nam
Almika's POV"Miss Monteverdi, dumating na po si Sir Santford," saad ng Secretary ko sa akin. Tumango ako sa kanya bilang tugon. Inayos ko ang sarili kong buhok ganu'n din ang skirt ko. Nilapag ko sa ibabaw ng mesa ang tambak na tambak na mga papel. Kung ano man ang dahilan ni Santford bakit siya pumunta rito ay kailangan kong paghandaan. Hindi ko rin naman inaasahan na pupunta siya rito, kahapon kasi ay hindi ko sila naabutan kaya't umuwi akong disappointed. Ngayon ay siya mismo ang lumapit. Kung gagawa man siya ng masama, I can now defend myself. This time, I won't let him harm me. Lalaban na ako ngayon, Vandeon, magkamatayan man. *CLICK* Saglit akong natigilan nang marinig ko ang pag bukas ng pintuan. Yumuko ako para pakalmahin ang sarili, bigla na lang kasing tumibok ng malakas ang dibdib ko. Kinakabahan ako na may halong galit, ngunit umaapaw talaga ang kaba ko. Damn it, kaharap ko lang naman ngayon ang isang mamatay tao, sino ang hindi kabahan niyan? "Good morning, Sir Santfo
Third Person's POV Kanina pa lutang si Almika. Hanggang ngayon kasi ay gumabagabag parin sa kanya ang sinabi ni Vandeon, hindi niya alam kung sinong lalaki ang tinutukoy niya at bakit galit na galit ito sa kanya. Sa totoo lang, gusto niya na talagang patulan si Vandeon kaya lang, dahil sa sinabi nito, bigla itong natigilan at hindi na ginawa ang plano. Gusto niya rin sana 'tong saktan habang wala itong malay kaso ay naawa siya. Bumuntong hininga siya, binalingan niya nang tingin ang kanyang anak na ngayong mahimbing nang natutulog. "Hindi ko na talaga maintindihan ang Daddy mo, Vandish, sumusobra na ang kademonyuhan niya," kung sino man ang lalaking tinutukoy ni Vandeon, sigurado siyang wala nang bukas ang taong 'yon. Kinumutan niya si Vandish. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama tsaka nagpasya na lumabas muna ng kwarto. Hindi na siya nakikitira ngayon kina Riley dahil may sarili na siyang bahay. Pinangako niya kasi sa sarili niya na bibili lamang siya ng bahay kapag nasa kamay niya
Continue... "Anong plano mo ngayon?" tanong ni Skie. Nasa labas kami ng bahay ngayon nag-uusap. Nasa loob naman si Vandish at natutulog. Itong si Skie kasi sobrang kulit, feeling close talaga ng baliw na 'to. Kahapon ko pa tinataboy ang lokong 'to pero balik naman siya ng balik sa pamamahay ko, mabuti nalang ay hindi siya nakita ni Vandeon kundi bangisan na naman ang mangyayari. "Pag-iisipan ko pa," sa ngayon ay wala pa akong naisip na plano. Nakauwi narin si Vandeon sa sarili niyang bahay, hindi niya kinuha ang bata sa akin. Mukhang natauhan yata ang hayop. Ni hindi man lang ako pinasalamatan bagkus ay tinalikuran ako. Nagpaalam lang siya kay Vandish at iyon na. Wala naman akong pakialam sa kanya, hindi importante iyon. "Ang masasabi ko lang, Almika. Hindi madaling kalaban si kuya, mas masahol pa 'yan sa tao. Mas gugustuhin mo pang tumahimik 'yan kaysa magsalita." "Kilalang-kilala mo talaga ang kuya mo ano?" tumawa siya ng mahina. Ngiting may dalang lungkot. Sa tingin ko'y hindi
Continue. Arkanghel Donovan. Saan ko nga ba narinig 'yang pangalan niya.Bagong salta, bagong demonyo. Ano na naman kaya ang papel ni Ark sa society ni Kiefer? Anong negosyo ang pinatatakbo niya? Sa halip na isipin ang mga bagay na iyon binalingan ko ng tingin ang sasakyan. Nanlaki ang mata ko nang bigla na lamang nilang paandarin ang sasakyan. What the shit! Lumabas ako sa pinagtataguan ko. Mahigpit kong hinawakan ang bag ko, lumapit ako sa sasakyan at akma na sanang hihiyawan nang may humigit sa kamay ko. Iritable akong humarap sa taong humila sa akin. "ANO BA!" angil ko pagkatapos ay lumingon na naman ako sa sasakyan. "No, No! Fvck!" hindi ko pinansin ang taong nasa likuran ko. Mabilis kong tinakbo ang distansya ng sasakyan. Shit! Patay na talaga ako neto ngayon, tangina.Nilabas ko ang cellphone ko. Hinubad ko din ang heels ko since mag-oovertake ang sasakyan na ito, sisiguraduhin kong hindi ito makakalayo. Bumuntong hininga ako, mahigpit kong hinawakan ang heels at phone ko.