Share

Kabanata 4

last update Huling Na-update: 2023-07-12 01:10:42

Hindi na siya nagulat kung alam nito ang mga nangyayari sa kanya. Lima silang magkakapatid. Siya ang bunso sa lahat at nag-iisang babae kaya sobrang mahal na mahal siya ng mga ito. Una siyang umuwi ng Pilipinas after she found out na naaksidente ang kanyang mga magulang dahil naambush sa daan. Sa sobrang sakit ng pagkawala ng mga ito, pumunta siya sa bar at naglasing mag-isa. She is a loner person kaya wala siyang best friend na matatawag. Sa katayuan nila sa buhay hindi siya nawawalan ng kaibigan dahil ang iba, kusang lumalapit sa kanya kahit hindi niya kilala. Ngunit hanggang doon lang siya, nakikipagkaibigan din ngunit hindi literal na masasabing best friend. Lumaki siyang puno ng pagmamahal ng kanyang pamilya. Spoiled princess sa apat na kuya niya at baby girl pagdating sa kanyang ama at ina. Kaya sobra siyang nasaktan ng mawala ang mga ito ng biglaan. Hindi niya rin alam sa sarili niya kung bakit na lasing siya sa bar at gustong gamutin ang init ng kanyang katawan kaya niya natagpuan ang sarili kinabukasan na n*******d katabi ni Tyler. Kilala na niya ito dahil matunog ang pangalan nito sa kahit saang larangan ng industriya. Gayunpaman wala itong ibang naging nobya kundi si Lezlie lang.

"Nakahanda ka na bang iwanan ang asawa mo?"

Muli siyang nakabalik sa sarili ng marinig ang tanong ng Kuya Alfie niya. Isa itong tanyag na abogado sa states maging dito sa bansa. Kung bakit ito ang una niyang tinawagan dahil gusto niyang tulungan siya nito sa custody niya sa bata kapag umabot sila ni Tyler sa korte.

“Nakahanda na ako, Kuya. Maghahanap lang ako ng tyempo kung paano makaalis rito.”

“Alam mong hindi mo na kailangan pang maghanap ng magandang tyempo princess. Dahil anytime kaya mo siyang iwanan na walang kahirap-hirap.”

“Ngunit hindi alam ni Tyler ang tunay kong pagkatao Kuya. Ang alam niya, isang simpleng babae lang ako na nakilala niya sa bar.

“Paano niya malalaman ang tunay na identity mo gayung wala siyang interest sayo?”

Nasaktan siya sa sinabi ng Kuya niya ngunit iyon ang totoo. Mahina siyang nagpakawala ng hangin upang maibsan ang bigat ng kanyang dibdib.

"Kaye,"

Napako ang kanyang paningin sa may pintuan matapos marinig ang boses ni Tyler. "Kuya, tatawag na lang ulit ako." Paalam niya sa Kuya Alfie niya.

"Kaye, can we talk?" Malumanay na tanong nito. Ngunit sa pagkakataong ito ayaw niyang makinig. Alam na niya kung ano ang sasabihin nito kung bakit siya gustong makausap. Hindi niya binuksan ang pintuan. Nanatili siya sa kanyang inuupuan. Patuloy pa rin sa paglandas ang kanyang mga luha habang nakatingin sa kanyang anak.

"Kaye, alam kong mahirap para sayo ang hinihingi ni Lezlie. Kinausap ko na siya. Hindi na niya pipilitin na kunin ang anak mo, ngunit nakiusap siyang dito pa rin tumira kasama ko."

Hindi pa rin siya sumagot. Wala siyang gana na kausapin ito. Sinabi na niya kanina na mas gusto niyang sa apartment na lang sila ng anak niya ngunit nagmamatigas ito.

Humiga siya sa kama habang nakaunan pa rin sa braso niya ang anak. Kahit anong mangyari, hindi niya ito ihiwalay sa tabi niya.

"Nana Diday, kunin mo nga ang susi." Tuwid na nakatayo si Tyler sa harap ng nakasara na pintuan. Inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya. Hindi siya mapakali hangga't hindi sila nag-uusap ni Kaye. Natatakot siya para sa anak nila.

"Boss, nandito na po ang divorce paper na pinahanda mo sa akin kahapon."

Binalingan niya si Dennis ng marinig ang sinabi nito. Tiningnan niya ang brown envelope na hawak nito sa kamay bago niya ito tapunan ng kanyang matalim na tingin.

"Can't you see that my wife is not in the mood?" Singhal niya rito at tinabig ang hawak nitong envelope.

Nanatiling nakaawang ang labi ni Dennis habang nakatingin sa Boss niya. Hindi niya talaga ito maintindihan. Naguguluhan na siya sa mga in-akto nito these past few days. Simula ng manganak si Jeckaye, hindi na ito makapag focus ng maayos sa trabaho. Kung nakaraang buwan naninibago siya dahil unti-unti na itong nagkakaroon ng concern sa asawa, ngayon mas lalo siyang nagtaka dahil hindi na ito mapakali hangga't hindi ang mga ito nag-uusap.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "Saan ko ilalagay ito Boss?" tanong nito habang pinipresenta ang hawak niyang envelope.

"Put it on my desk, inside the library."

Agad siyang tumalima pagkatapos marinig ang sinabi nito. Umakyat siya sa itaas kung saan naroon ang library ng kanyang Boss.

"Nana Diday!" Bakas ng pagkainip ang boses ni Tyler habang naghihintay sa mayordoma ng mansyon niya.

"Sir, nandito na po ako. Heto po ang susi." Hinihingal na binigay ng matanda ang susi sa kanya.

Mabilis niya itong kinuha at binuksan ang pinto. Sumilip muna siya sa loob bago tuluyang pumasok. Pinihit niya ang doorknob at muli itong sinara. Maingat ang kanyang paghakbang ng makita ang asawa na nakahiga sa kama.

Nanatili namang nakapikit ang mga mata ni Jeckaye ng maramdaman na pumasok si Tyler sa loob ng silid. Wala siyang plano na idilat ang kanyang mga mata. Umiiwas siya na mag-usap silang dalawa dahil paulit-ulit lang ang nangyayari. Naramdaman niyang gumalaw ang kama senyales na umupo ito sa tabi niya. Muli na naman niyang na amoy ang nakakaadik na pabango nito. Bahagyang gumalaw ang pilik mata niya ng magdikit ang kamay nito sa pisngi niya. Alam niyang hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakakalat sa kanyang mukha.

"Kaye, I'm… I'm..." Hindi na nagawang ituloy ni Tyler ang gusto niya sanang sabihin. Sa halip tumayo siya at tinitigan muna ng matagal ang kanyang mag-ina. Hindi niya alam kung bakit naging duwag siya ngayon na sabihin ang gusto niya. Mayroong takot sa dibdib niya na baka mali na naman ang kanyang masabi at lalo itong lumayo sa kanya.

Saka pa lang nagmulat ng mga mata si Jeckaye ng maramdaman ang mga yapak na papalayo sa kanya. Nakumpirma ang hinala niyang lumabas na ito ng marinig ang pagsara ng pintuan ng kanyang silid. Kinagat niya ang unan upang pigilan ang lakas ng paghikbi niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya titiisin na manatili sa poder ni Tyler. Narinig niya kanina mula kay Dennis na nakahanda na ang divorce paper. Atat na ang dalawa na maghiwalay sila. Huminto siya sa paghikbi ng maalala ang kanyang anak. Niyakap niya ito. Hindi ito ang panahon upang maging mahina. Muli siyang nagpadala ng mensahe sa kuya niya.

Samantalang lumilipad ang isipan ni Tyler habang nakatitig sa divorce paper. Mabilis niyang binalik ang dokumento ng marinig ang pagbukas ng pintuan ng kanyang library. Iniluwa nito ang katawan ng girlfriend niya.

"Babe, sinabi sa akin ni Dennis na dumating na ang divorce paper. Nakapirma na ba si Jeckaye?" Bungad nito ng habang naglalakad palapit sa kanya.

"Fuck!" Hindi niya maiwasan na magmura ng sarilinan. Kahit kailan talaga hindi mapagkakatiwalaan ang bunganga ni Dennis. Alam niyang close ang dalawa dati pa.

"Babe, nakapirma na ba siya?" Muling tanong nito sa kanya.

Sumandal siya sa swivel chair. "Hindi pa." Balewala niyang sagot.

"Hindi pa?" Bakas ang galit sa boses nito. "Hindi ba ang usapan natin hihiwalayan mo siya after niyang manganak?"

"Lezlie, bigyan muna natin ng oras na makapag pahinga si Kaye. Kapapanganak niya lang. She need some space." Paliwanag niya rito.

"No!"

Binalingan niya ito na nakakunot ang noo ng marinig ang biglang pagsigaw nito. Minsan pumapasok sa isip niya kung may taning ba talaga ang buhay nito dahil hindi man lang niya ito nakitaan ng panghihina. Ngunit ayaw niyang pagdudahan ito. Narinig niya mismo na sinabi ng Doctor na may taning na ang buhay nito. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya agad nakapunta ng ospital noong nanganganak si Kaye dahil hindi niya ito maiwan-iwan.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Ivy Joy Cababa Tampus
may kutob akong mayamam tong c kaye mas mayamam pa kai tyler
goodnovel comment avatar
Adora Miano
oh yeah nagbalat kayo lang Yan,,
goodnovel comment avatar
melba ritos
anong klaseng asawa k Tyler.gago lng
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 229

    Nagmulat ng mata si Amor. Hindi pa man lubos nakabalik ang ulirat niya nang pumasok sa kanyang ilong ang masangsang na amoy ng alikabok.Dahan-dahan niyang inikot ang paningin at napansin ang malamlam na ilaw na pumapasok mula sa bitak ng sirang bintana.Mainit ang pakiramdam ng kanyang mga kamay at

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 228

    “Wala pa ba si Amor?” Maya-maya’y tanong ni Tyler habang binabalingan si Chris.“Wala pa, boss. Kanina ko pa nga siya hinihintay eh. Dapat nandito na ’yon,” sagot ni Chris.Biglang nakaramdam ng kaba si Tyler. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan si Amor, ngunit hindi ito sumasagot. Nagriring

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 227

    ISANG ORAS ANG NAKALIPAS Pinahid ni Amor ang kanyang mga luha. Baka hinahanap na siya ng Kuya niya. Matagal-tagal din siyang nagmuni-muni sa loob ng maliit na park kung saan mangilan-ngilan lang ang tumatambay. Kahit paano, naaliw siya sa mga batang naglalaro sa swing at naghahabulan sa damuhan.Na

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 226

    Bumagsak ang luha ni Amor. Hawak niya ang kanyang tiyan. “Sorry, baby. Nabigo si Mommy. Marami akong pangarap para sa’yo kaya ako nagsusumikap. Ngunit kailangan na nating bumalik sa lola mo.” Sinarili niya ang sinabi sa kanyang anak. Nandito na ang problema. Kailangan na niya itong harapin.Agad ni

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 225

    “Oh, bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ka ba masaya na nandito kami?” tanong ni Tyler, bahagyang nakakunot ang noo.“Oo nga, Amor. Daig mo pa ang nakalunok ng pakwan,” dagdag ni Kaye sabay tawa, birong-biro ang tono.Nanatiling nakaupo si Amor, at hindi mapakali. Nag-aalala siyang baka mahalata ng mg

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 224

    “M-Mimi...”Nagkatinginan sila. Walang salita. Nanginginig ang labi ni Amor.“Elie...” mahina niyang sagot.Mabilis siyang niyakap ni Elion, mahigpit. Para bang ayaw nang pakawalan.“Amor, I’m sorry. Hindi kita agad nakilala. Alam mo bang matagal kitang hinanap? Kung saan-saan ako napadpad—lahat gin

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status