Share

Kabanata 0005

CHAPTER 5

Maluha-luha si Liz nang madatnan niya sa loob ng opisina ng operator ang kambal.

Literal na nakipag-away siya sa mga staff ng Louisiana para kontakin ang nagpapatakbo ng Southshire Train Station na suyurin ang buong lugar mahanap lang ang mga bata.

“Are you okay? May masakit ba sa inyo?” sunod-sunod niyang tanong at pinagsisipat ang katawan ng dalawa. Natigilan siya nang mapansing tahimik ang dalawa.

Kapwa nakayuko na para bang aping-api.

Inangat niya ang mukha ni Lottie. Nakakurba na pababa ang bibig nito at kikibot-kibot.

“Anong nangyari?” nag-aalala niyang tanong at muling pinasadahan ng tingin ang katawan ng mga anak niya.

Nang hindi sumagot ang baby girl niya, lumingon siya kay Earl. Halata ang pagpipigil ng bata na umiyak.

“What happened, Earl? May nanakit ba sa inyo? Did you get scared? I’m sorry. It’s Momma’s fault.”

Muling yumuko si Earl ngunit sa pagkakataong iyon ay kumibot na rin ang labi nito. Papaiyak na.

“W-We saw D-Daddy.”

Napahumandig siya. “S-Saan? Walang daddy, Earl.”

“There is Daddy, Momma,” matinis ang boses na giit ni Lottie. Kulang na lang ay magpapadyak sa harap niya. “Kita namin siya ni Kuya but he doesn’t like us.”

Kinabig niya ang bata nang nagsimulang humikbi-hikbi ito.

Nalilitong tiningnan niya ang mga staff na naroroon. Mukhang walang din alam ang mga ito kaya ibinalik niya ang atensyon sa kambal niya.

“Stop crying na, hmn…Don’t be sad, magbi-birthday na kayo ni Kuya di ba? We’re at the city now.”

Kinabig niya rin payakap si Earl na kahit hindi humikbi ay namumula at basa ang mga mata.

“It’s okay, my loves. Bibilhan kayo ni Mommy ng cake at saka kakain tayo ng favorites niyo. Gusto niyo ba ‘yon?”

“Yes, Momma,” tango ni Earl at inabot nito ang pisngi ng kakambal upang punasan ang mga luha. “Stop crying na, Lottie. Momma loves us naman.”

Mas lalo naman nagsumiksik si Lottie sa kanya ngunit tumigil na rin sa pag-iyak. Sandali niyang iniwan ang dalawa sa waiting area para pribadong kausapin ang manager. Humingi ito ng paumanhin dahil iisang gwardiya lang ang ipinadala ng mga tauhan nito.

Nakita raw ang dalawang bata na nakayakap sa lalaki. Tinatawag daw na ‘daddy’ ng dalawa. Ngunit nang tanungin ang lalaking iyon kung kaanu-ano ang mga anak niya, ay hindi raw alam, ang naging sagot.

Humingi na lang ng paumanhin ang mga gwardiya sa lalaking iyon dahil nasabi niya sa staff ng Louisiana na siya lang ang kasama ng kambal papuntang Southshire City.

Muli siyang nagpasalamat sa mga ito bago niya binalikan sina Lottie.

Namumula pa rin ang mga pisngi ni Lottie sa pag-iyak habang si Earl naman ay balik-seryoso ang mukha. Binuhat niya ang babaeng anak. Mabait na humawak sa kanyang kamay si Earl.

Pinagpara pa sila ng security guard ng taxi.

“Mom, how many days are we gonna stay here?” tahimik na tanong sa kanya ng panganay nang umandar na ang taxi.

“One week, Baby. Why?”

“Do we have enough money?”

Tipid niya itong nginitian at h inalikan sa ulo. “Yes, we have, my Love.”

Bukod sa ipon niya, malaki rin ang mga tip na ibinibigay sa kanya ni Sir Gustave. Sapat para sa isang linggong pananatili nila sa siyudad na hindi niya magagalaw ang pera para sa normal na araw-araw na gastusin.

Balak niya rin kitain ang matalik na kaibigan. Nang umalis kasi siya sa siyudad, pinutol niya na rin lahat ng koneksyon niya sa mga taong makakapagpaalala sa kanya ng mga nangyari. Kung papalarin, gusto niya rin makita si Sir Arthur kahit sandaling-sandali lang, bago sila bumalik sa probinsya.

“We saw Daddy earlier.”

“Baka napagkamalan niyo lang,” aniya kahit hindi impossible ang sinasabi ng anak.

“You don’t want to tell us the truth, but we know he’s our dad, Momma.”

Hindi siya nakaimik. Minsan, nakakalimutan niya na advance ang utak ng mga anak niya kaysa sa mga kaedad nito.

Earl and Lottie have high IQs. They start reading and writing at the age of three. Madalas kasi ang dalawa sa bahay ni Carrie kapag nasa trabaho siya. Dating librarian sa unibersidad ang babae kaya maraming libro sa bahay nito.

Sa tuwing kukunin niya ang dalawa pagkatapos ng trabaho, kung hindi nanonood ng documentary episodes, libro ang hawak-hawak.

“It’s okay, Momma. Maybe he’s surprised that we know him.”

‘Hindi niya kayo kilala’ gusto niya sanang sabihin ngunit ayaw niyang mas masaktan pa ang dalawa.

They were hurt when their father didn’t do anything. Ano pa kaya kung sabihin niyang bunga lang ang mga ito ng isang gabing pagpapakaligaya?

Na ang pagbubuntis niya sa kambal ay isang kasalanan dahil pagbali-balikatarin man ang mundo, legal na may asawa siya.

Mananatiling bastardo sina Lottie at Earl dahil anak niya ito sa ibang lalaki.

Tinulungan siya ng sumalubong na hotel staff nang makarating sila sa Amanluo Inn. Mumurahing Hotel na may kalayuan sa pinakasentro ng siyudad.

“Dito ka na sa tabi ni Lottie, Anak,” sabi niya kay Earl nang makapagpalit na rin ito ng pajama katulad ni Lottie.

Masunurin itong humiga sa tabi ng kapatid at hinawakan ang kamay.

“Goodnight, my Love.”

“Night, Momma. Thank you for bringing us here.”

Matamis siyang ngumiti at h inalikan ang mga ito.

Hinintay niya munang makatulog ang dalawa bago siya naglinis ng katawan. Ramdam niya ang pagod buong araw nang mailapat ang likod sa kama.

Maaga siyang nagising kinabuksan upang magpa-deliver ng cake. Na-trauma yata siya sa pag-iwan niya sa mga ito sa loob ng tren dahil ayaw niya ng umalis ng hindi kasama ang kambal.

“Happy Birthday to you,” she sang gleefully while holding the birthday cake with candles on top. “Happy Birthday, happy birthday…”

Unang nagising si Lottie.

Kumurap-kurap ito nang magmulat. Ilang sandali lang ay namimilog na ang mga mata nito at matinis na tumili.

“Kuya Earl, wake up.”

Masayang humalakhak siya nang nagtatalon si Lottie sa tuwa.

“Make a wish, Babies.”

Sabay pumikit ang mga ito bago hinipan ang mga kandila.

“Happy Birthday, my Love.”

“Thank you, best momma in the world.”

Matunog na h inalikan siya ng dalawa sa pisngi bago mahigpit niyang niyakap.

“Anong wish ng mga baby ko?” lambing niya matapos ilapag ang cake sa maliit na mesa.

Bibong nagtaas ng kamay si Lottie.

“I wish know po kami ni Daddy at love niya kami very much pa.”

Napawi ang ngiti niya. Napansin agad iyon ni Earl. Hinawakan nito ang kanyang pisngi para matingnan niya.

“I wish Momma would always be happy.”

“We love you, Momma.”

“I love you too. Maligo na kayo kasi lalabas tayo.”

Pumalakpak si Lottie. “Pasyal po, Mommy?”

“Opo.” Kublit niya sa baba ng batang babae. “Papakilala ko kayo kay Ninang Dory.”

“OMG! Ang cute ng mga anak mo.” Mangiyak-ngiyak si Dory nang ipakilala niya rito sina Earl at Lottie. Nagpapadyak pa ang babae bago mahigpit na niyakap ang dalawa.

Humiram siya ng computer kay Carrie noong isang lingo, para hanapin si Dorothea sa social media at sabihin pupunta siya sa Southshire.

“Are you our Ninang Dory?”

“Yes, Earl. I’m your Momma’s bestfriend.”

“Bakit po ngayon lang namin ikaw na-meet?”

Tumingala sa kanya si Dory. Lumabi at inirapan siya. “Kasi ang galing magtago ng Momma niyo. Nampuputol pa ng koneksyon ng walang pasabi.”

“I miss you, Dory.” Siya na ang yumakap sa babae. Hindi naman ito nagprotesta bagkus ay humigpit ang yakap niya at mahinang humagulhol sa kanyang balikat.

Marami itong baon na kwento habang kumakain sila fastfood chain na agad nagustuhan ng kambal.

“Lot of things happen when you left, Liz. Lalo na sa pamilya mo. I’m sorry na hindi ko alam na buntis ka.”

“Sobrang nahiya ako.”

“Bakit naman? You’re single since that jerk Anderson cheated.”

Nakakatwang kahit ilang beses na mabanggit ang pangalan ng ex-boyfriend niya ay wala na sa kanya.

“Sulutera talaga ang Catherine na ‘yon.” Mabilis nitong sinulyapan ang mga anak niyang busy sa pagkain. Panay ang daldal ni Lottie kuya nito—may sariling mundo. “Alam mo bang, pinagkalat niya na kaya raw kayo naghiwalay ni Anderson dahil madalas ka sa Jolus Club. Gosh, kung hindi lang ako pinigilan ni Mommy, basag ang bunganga no’n sa akin.”

“Hayaan mo na.”

Umirap ang kaibigan at humalukipkip. Bakas ang pag-aalala sa mga mata nito nang muling sulyapan ang dalawang bulilit. “May balak ka bang ipakilala sa mga Bently ang mga anak mo?”

“Wala, Dory. Hindi pwedeng malaman nila na may anak ako.”

“Huh? Hindi kita gets. Uso na ngayon ang single mom. We’re in a modern era now. Single ka naman—”

“I’m married.”

Laglag ang siopao na nginunguya nito.

“Ibang lalaki ang ama ng kambal. Hindi ang pinakasalan ko.”

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jesusa Lara
sana makilalana na Ng dalawang Bata Ang ama nila
goodnovel comment avatar
Mj Liboon
Interesting ...
goodnovel comment avatar
Lanie Enerlan
soon magkikita ulit sila ng guy
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status