Share

Kabanata 0006

CHAPTER 6 (PART 1)

Inayos niya ang sombrerong suot nang pumarada ang sasakyan sa harap ng villa ng kliyente. Nakiusap sa kanya si Carrie na sumama siya sa pupuntahang okasyon ng branch ng flower shop nito sa Southshire. Kinulang kasi ng tao at huli na nang nalaman na nagdagdag pala ang customer ng mga bulaklak.

Parte na ng sentro ng siyudad ang lokasyon ng villa kaya itinatago niya talaga ang kanyang mukha.

The center was home to the headquarters of big companies, including Channing Empire and Benzone Telco.

“Marlon, Erica, kayo sa may front yard. Liz, ikaw ang ia-assign ko sa may pavilion,” wika ni Anne na siyang manager ng flowershop.

Nagsisunuran naman sila at kanya-kanyang kuha ng gamit para sa pag-aayos ng bulaklak. Rinig niya ay may party na gaganapin sa villa mamayang gabi.

Pinuputol na niya ang mga tangkay ng bulaklak nang maramdaman ang presensya sa kanyang likuran.

Mabalahibong binti ang unang nakita ni Liz nang lumingon siya. Nakayukong tumayo siya upang bumati sa may-ari ng bahay.

“Good afternoon, Sir.”

Tumikhim ito at nagsalita. “Good afternoon.”

Awtomatiko ang pag-angat ng ulo niya at namilog ang mga mata nang makita ang mukha ni Nikolaus Wulfric.

“We met again.”

“A-Anong ginagawa mo rito?” Humakbang siya paatras at nagpalinga-linga.

Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki. “Why? Surprised that a construction worker like me can afford this property?”

“Hindi.”

“Flower shop worker,” banggit nito sa tila naaliw na boses. “You won’t date a construction worker, huh? I don’t date flower shop workers, too.”

Lumaki yata ang butas ng ilong niya sa inis. “Bakit mo minamaliit ang trabaho ko?”

“Minaliit mo rin ang pagiging construction worker ko,” puno ng sarkasmo nitong sagot.

“Hindi ‘no. Sinabi ko lang ‘yon kasi—”

Pumamulsa ito sa suot na khaki short. Gustong kutusan ni Elizabeth ang sarili dahil mas lalo yatang lumakas ang dating nito sa suot kahit kaswal na pambahay lamang ang short at white t-shirt.

“You lied then. You lied too when you said you won’t date a construction worker?”

“O-Oo. Wait a minute po muna. Bakit iyon ang pinag-uusapan natin? Hindi ka naman construction worker talaga.”

“You’ll date me, then?”

“Hindi.”

Umanggulo ang ulo nito na para bang sinasabing hindi tatanggap ng simpleng ‘hindi’.

“Kasi—hindi ko po obligasyon na sagutin ang mga ‘yan, Sir. Nagtatrabaho po ako ng matino. At kung hinihintay mong mag-sorry ako na sinampal kita, mamumuti po ang buhok mo sa paghihintay. Excuse me po, may trabaho pa po akong dapat tapusin.”

Tinalikuran niya ito para ipagpatuloy ang ginagawa.

Sa kanyang pagkadismaya, hindi umalis ang lalaki. Parang haring umupo ito sa couch na nandoon.

Inabala na lang niya ang sarili sa pag-aayos ng mga bulaklak kahit pa ramdam niya ang mga mata ng lalaki sa kanyang likuran.

Kung sa Southshire nakatira ang lalaki, hindi malabong ito nga ang nakita ng kambal. Pero bakit parang wala naman itong binabanggit tungkol sa dalawang bata. Hindi ba nito namukhaan ang mga anak niya? Lalo na si Earl na hawig na hawig kay Nikolaus Wulfric.

Sa unang tingin, kamukha niya ang mga anak. Ngunit kapag pinaka-titigan niya ng maigi si Earl, nagiging kamukha ito ng ama.

O baka naman hinuhuli siya para siya mismo ang umamin.

Pinagpagan niya ang suot na pantalon nang matapos ayusin ang mga dekorasyong bulaklak. Binitawan niya muna ang gunting at akmang aalis para kunin ang lights kay Anne na siyang ilalagay sa ibabaw.

Gulat siya nang makitang hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa kanya si Wulfric. Nasa kamay nito ang iPad subalit ang mga mata ay nakatuon pa rin sa kanya.

Umiwas siya ng tingin at tumikhim. “May kukunin lang po ako, Sir.”

Tumayo si Wulfric kaya napaatras siya. Nakaka-intimida ang tangkad at lapad ng katawan. Hanggang dibd ib lang siya, ang katawan niya ay kalahati lang ng katawan nito. Siksik ang muscle, mauugat ang kamay—hula niya ay batak ito sa trabaho.

“Are you afraid of me?”

“Hindi po.” Atubiling umiling siya at yumuko. Natigilan siya nang dumapo ang kanyang tingin sa daliri nito.

Ngayon niya lang napansin ang alahas sa palasingsingan nito.

He’s married!

Pinanlalamigan si Elizabeth. Mas lalong hindi pwedeng malaman ng lalaki na may mga anak sila. Alam niya ang pakiramdam na walang kompletong pamilya kaya ayaw niyang sirain kung ano man ang meron ito ngayon.

“You act like a scaredy cat.”

Humakbang ulit siya paatras.

“Hindi po, Sir.”

“Look at me,” utos sa kanya na parang nasa militar.

Kinutkot ni Liz ang kuko at umiling. “May kukunin lang po ako, Sir. Maiiwan ko na po—”

Hindi niya na naituloy ang sasabihin nang bigla nitong inangat ang kanyang baba gamit ang dalawang daliri.

Lihim siyang suminghap nang makita niya ulit sa malapitan ang kulay abo nitong mga mata.

Those eyes were full of lust while he thrust inside her that night... Those pupils dilate every time he reaches orgasm and—no, stop!

“Sir?”

“My name is Wulfric.” Halos hindi bumuka ang labi nito. Tunog diktador na heneral at siya ang kawawang kadete. “You already knew my name. You forgot.”

Paano niya makakalimutan ang pangalan ng lalaki kung paulit-ulit niya iyong inungol ng gabing iyon? Na kahit sa nakalipas na limang taon na pilit niyang kinakalimutan, may mga pagkakataon pa rin na sumisingit ang mukha nito sa isip niya.

Kumurap-kurap siya at umatras. She wetted her lips and tried to be formal as possible.

“Kalimutan na lang po natin ang nangyari.”

Nakadama siya ng takot nang dumilim ang mukha nito. Ngunit sandali lang iyon nang maisip na ‘ego’ lang ng kaharap ang naiisip. Malaking insulto sa mga katulad ni Nikolaus Wulfric ang tanggihan ng babae.

Surely, women flock to his feet just to have a taste of him. And she wouldn’t be surprised if this man in front of her had tons of mistresses.

Halimbawa na lang ang babaeng kasama nito sa Louisiana na tinangkang sampalin siya. Sa klase ng pagdikit-dikit ng namumutok na dibd ib sa braso ni Wulfric, ay hindi simpleng katrabaho lang.

“I don’t forget, Elizabeth.”

Nagtaasan ang balahibo niya sa batok nang banggitin nito ang kanyang pangalan. Of course, he knew her name.

“May sari-sarili na po tayong mga buhay, Sir—”

“My name is Nikolaus Wulfric. Call me Wulfric,” mariin nitong wika na para bang maliit na bata siya at matigas ang ulo. “You didn’t call me Sir, that night. Damn it!”

“Customer ka po namin.”

Kumunot ang noo nito at naging mariin lalo ang tingin sa kanya. Lapat na lapat ang mapupulang labi ngunit hindi naman na nagsalita pa. Mukhang nagalit niya.

“S-Sige po.” She excused herself again and walked quickly away from him.

Halos tumakbo siya palabas ng pavilion. Nanghihinang napasandal siya sa dingding nang makapasok sa loob ng bahay.
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Mj Liboon
Wow! It's getting more interesting ...
goodnovel comment avatar
Marcela Dagami
it's very beautiful
goodnovel comment avatar
Luzviminda Dalinas
good story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status