ARIELLE'S POINT OF VIEW
Nasa classroom ako habang naghihintay ng next subject kung saan si Professor Zaldivar ang teacher namin. Nasa gitna ako nakaupo habang katabi ko naman si Vince— kaklase ko.
"Tagal naman ni Prof, natatae na ako, e!" pasimpleng bulong sa akin ni Vince.
Natawa ako sa sinabi niya.
Kahit kailan talaga walang filter 'tong bibig ng lalaking 'to.
"Pigilan mo muna 'yan," bulong ko pabalik.
Maya-maya ay nagsitakip ng ilong ang mga kaklase ko.
"T-ngina! Sinong umutot?!" galit na galit na ani ng isang kaklase ko na nasa likuran.
Pati ako ay napatakip na rin ng ilong. Mabaho talaga.
Lumapit si Vince sa akin at pasimpleng bumulong.
"Ako 'yong umutot. Secret lang natin 'yon, ah?"
Hindi ko na napigilang humagikhik at mahina ko siyang mahampas dahil sa kababoyan niya.
Agad kaming napaayos ng upo nang makita namin si Professor Zaldivar na nakatayo na sa bukana ng pintuan ng classroom.
Naiwas ko ang tingin ko nang makita kong matalim ang tingin niya sa akin at kay Vince.
"Good morning, Professor Zaldivar!" bati namin nang makapasok na siya sa classroom.
Rinig na rinig ang tunog ng kanyang sapatos habang papunta siya sa kanyang table. Bahagya kaming napatalon sa aming kinauupoan nang parang pabagsak niyang nilagay ang kanyang libro sa ibabaw ng mesa.
Parang wala yata sa mood si Prof...
Sobrang tahimik ng klase na parang hininga lang namin ang maririnig.
"Today, I decided to have a new seating arrangement. All girls to the left, and all boys to the right. In alphabetical order. Do it now."
Agad naman na nagsitayuan ang mga kaklase para magsilipatan.
Sobrang biglaan naman ng pagpapalipat ni Prof. Noon naman wala siyang pakialam kung saan kami umupo.
"Alcantara, sa pinakauna ka. Letter A," sabi sa akin ni Klea.
Wala na akong nagawa kundi pumunta na sa pinakaunang upuan.
Hayst... Hirap talaga kapag letter A ang unang letter ng apilyedo mo.
Ayaw na ayaw ko pa naman maupo sa pinakauna. Sobrang lapit ko na tuloy kay Professor.
Nang maupo na ako, napatingin ako kay Professor na nakatingin na pala sa akin. Mas umaliwalas na ang mukha niya.
"Better..."
Tumingin muna siya sa akin bago binalik ang tingin sa buong klase.
Weird.
Hanggang sa matapos ang klase ni Professor Zaldivar ay nanatiling usapin pa rin ang seating arrangement niya sa klase kanina.
"Nagtanong ako sa kabilang section, hindi naman sila nag-seating arrangement. Sa atin lang talaga," sabi ni Rhea— kaibigan ko.
"Feeling ko may issue 'yong section natin," dagdag pa ni Shane.
"Cheating issue?" sabi ko.
Ngumuso si Rhea. "Ewan ko. Loyal ako, 'no? Hindi ko magagawang mang-cheat sa boyfriend ko."
Napabuntong-hininga nalang si Shane sa kanya na para bang nauubusan na ng pasensiya.
"No'ng umulan ng katangahan, sinalo mo lahat. Promise!"
Kahit kailan talaga ang mga 'to. Natatawa nalang ako sa kanilang pagbabangayan.
Nang matapos ang klase ko, napagdesisyunan ko na umuwi dahil sa sobrang pagod ko buong araw. Para akong lantang gulay na papasok sa bahay.
Grabe kasi ang nangyari sa akin sa buong araw. Pagkatapos kasi ng seating arrangement ni Prof Zaldivar, palaging ako ang unang natatawag sa oral recitation kasi letter A ang unang letra ng apilyedo ko.
Pucha... Nakakapagod!
Sinusumpa ko talaga 'tong apilyedo ko.
Pagbukas ko ng pintuan, nakita ko sina Professor at Adam na nakaupo sa sofa. Parehas pa sila ng postura habang nanood ng video game.
Mag-ama nga talaga...
"Mommy! Mommy!" sigaw ni Adam nang makita ako. Agad naman itong tumakbo papunta sa akin.
"Bless you, Baby!" ani ko nang magmano ito sa akin.
Matalinong bata si Adam. Kapag may itinuturo ka sa kanya, nakukuha niya agad. Tinuturuan ko kasi siyang magmano at ngayon parati na niya itong ginagawa.
Tinuturuan ko siya ng mga bagay-bagay paunti-unti.
"Magandang hapon, Prof— I mean, Val..." bati ko kay Professor Zaldivar.
"Magandang hapon, Arielle."
Pumunta na ako ng kwarto ko para makapagbhis na. Pagkatapos ay bumaba na ako para makapagluto ng dinner namin.
Habang naghihiwa ako ng cabbage, hindi ko namalayan na nawawala na pala ako sa focus. Sobrang pagod ng isip at katawan ko.
Nakaupo lang naman ako sa skwelahan at nakikinig pero grabe talaga ang pagod. Hindi makapag-function ang katawan mo kapag utak mo na ang pagod.
"Ah!" daing ko nang mahiwa ang daliri ko ss kutsilyo.
Nakita kong may mga dugo doon.
"What happened?" nag-aalalang tanong ni Prof.
Agad siyang napatakbo nang marinig niya akong dumaing. Lumapit siya sa akin kinuha ang kamay kong nahiwa.
"Nahiwa po 'yong daliri ko po sa kutsilyo..." sagot.
Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala.
"D-mn, Arielle! You're making me worried!" sabi nito.
Dinala niya ako sa lababo habang hawak niya pa rin ang kamay kong may sugat. Pagkatapos niyan ay tinapat niya ito sa gripo para hugasan.
Maliit lang naman 'yon pero maraming dugo.
"Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat?" ani nito na parang naiinis.
"S-sorry, Prof... Pagod lang..."
Huminga nalang siya nang malalim. Maya-maya ay umupo kami sa bar counter pagkatapos niyang kunin ang first aid kit. Ginamot niya ang sugat ko at nilagyan ng band aid.
"Stay here. Ako na ang magluluto. Just tell me kung ano ang dapat kung gawin. I am good at following instructions," sabi nito.
"Pero—"
"Stop protesting, Alcantara."
Wala na akong nagawa kundi umupo nalang at tingnan siya habang nagluluto.
"What should I do next?" tanong nito habang sinimulan nang tapusin ang ginagawa ko.
"Balatan mo po 'yong sayote at hiwain mo into cubes," utos ko.
Tumango lang siya. Habang tinitingnan ko si Prof, makikitang hindi nga siya sanay sa pagluluto.
"Oh, f-ck..." mura niya nang hindi niya magawa nang maayos ang pagbabalat ng sayote.
Balak ko sanang gumawa ng tinolang manok para sa hapunan namin. Pero mukhang hirap si Professor kahit sa pagbabalat pa lang ng sayote.
Nag-insist ako na ako na ang gagawa pero ahaw naman niya dahil may sugat daw ako.
After so many years, nagawa na rin niya. At ngayon, naghihintay nalang kami na lumambot ang manok at ang iba pang mga sangkap.
Napahikab ako dahil inaantok na rin ako dala na rin siguro ng pagod.
"Are you sleepy?" tanong ni Prof.
Ngumiti ako tapos umiling. "Hindi po. Siguro sa pagod lang ngayong araw."
"Madami ka bang ginawa sa school today?" pormal niyang tanong.
"Mismo! Binugbog ako ng sandamakmak na oral recitation tapos alphabetical order pa. Sinusumpa ko talaga 'tong apilyedo ko!"
Hindi ko na napigilan ang bibig ko. Tuluyan na nga akong sumabog.
Mahinang natawa si Professor sa inasta ko. Ang sarap lang pala ng may mapagsabihan ka ng nararamdaman mo. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko.
"Pinapangako ko talaga sa mga anak ko na hinding-hindi ako mag-aasawa ng Letter A ang unang letter ng apilyedo."
"Why?" natatawang saad ni Professor.
Napahawak nalang ako sa pisngi ko at itinukod ang siko ko sa bar counter.
"Ayaw kong maranasan nila ang maranasan ko. Mapapalitan lang yata ang apilyedo ko kapag nag-asawa na ako."
Umayos ng upo si Professor Zaldivar at parang interesadong-interisado sa sasabihin ko.
"Then, what surname would you like to have in the future?" tanong niya.
Ngumuso ako na parang nag-iisip.
"Gusto ko 'yong mga nasa huling letter na ng alphabet. Yung mga T, U... mga ganyan."
"How about Z?" aniya.
Kumunot ang noo ko. "Z?"
"Z for Zaldivar. If you like my surname, you can have it."
Pagkasabi niya no'n ay tumayo na siya at tiningnan ang niluluto niya pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang binulong niya habang nakatalikod sa akin.
"Arielle Lye Zaldivar..."
TO BE CONTINUED...
VALERIAN'S POINT OF VIEW
I went early in the morning to meet with Adam's physician. I talked about him about my son's condition. Nasabi ko rin sa kanya na aside from me, hindi din siya allergic kay Arielle.
"As I've looked on Adam's condition and based sa mga nasabi mo na aside from you, there's one person who's Adam not allergic into, right? A girl?" Doctor Silus said.
I nodded. "Yeah. A pretty girl..."
I heard Doctor Silus chuckled a bit. Doon ko lang na-realize ang sinabi ko.
I cleared my throat before correcting. "I mean... Yes, a girl. Adam's babysitter."
Tumango si Doctor Silus at pilit na pina-process ang sinabi ko. Maya-maya ay may kinuha siya sa kanyang table na mga papeles at binigay sa akin.
"I presumed that Adam could have an attachment trauma disorder."
Nagsalubong ang mga kilay ko. "What do you mean, Doc?"
"Ang ibig kong sabihin, what’s happening to him isn’t something you can see in blood tests. Adam's body learned that humans are dangerous at an early age. Pakiramdam niya lahat ng tao ay masama kaya nagre-react ang katawan niya..."
Natigilan ako. Bumagsak ang balikat ko sa narinig ko.
"Is this because of what happened to him?"
Doctor Silus sighed heavily. "Yes..."
Now, memories came flashing back. Ayaw ko na maalala 'yon. Pero kapag nakikita ko si Adam, bumabalik ang epekto nito sa akin at kung paano nito sinira ang buhay namin.
Adam was kidn*pped noong three years old pa lang siya. He saw how her mother being t0rtured slowly while he was hiding in a cabinet. Hindi ko na kayang alalahanin 'yon. Naninikip ang dibdib ko dahil sobrang sakit.
I couldn't imagine the pain I've been through after that incident.
"You mean, Adam is not really allergic to humans?" I asked.
Tumango si Doctor Silus. "Yes, Mr. Zaldivar. It's just his body reacting. And possibly, nakaramdam siya ng comfort sa kanyang babysitter or feeling niya safe siya sa kanya, kaya hindi nagre-react ang katawan niya."
Meaning, he felt comfortable with Arielle?
"Maybe this girl talks softly or has a soft voice. Just calm or something kaya feeling ni Adam safe siya sa kanya."
Arielle is indeed soft. Magaan ang loob ni Adam sa kanya at malumanay rin siya. Mahaba ang pasensiya niya kay Adam.
Magaling siyang mag-alaga ng bata.
"Can Adam be treated?"
The doctor smiled. "Trauma is learned, and can be relearned. Pero hindi siya magagamot with medicine alone."
My brows furrowed. "Anong ibig niyong sabihin?"
"Consistency."
"Consistency?" I asked.
Doctor Silus smiled. "Yes, consistency. Calm presence... that's what all he needs. Unti-unti, matutunan ng katawan niya na magtiwala ulit sa mga tao— that not all humas are bad."
Habang pauwi ako ng bahay, nanatili pa rin sa isip ko ang sinabi ni Doctor Silus sa akin. Arielle gives her comfort.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Si Arielle ang kailangan ko para magamot si Adam.
I need Arielle Alcantara...
_______
ARIELLE'S POINT OF VIEW
"Baby, dahan-dahan! Baka madulas ka!" saway ko kay Adam na tumatakbo sa pool.
Weekends ngayon kaya wala akong pasok. Nakabantay lang ako kay Adam dahil wala rin yung daddy niya. May meeting na dinaluhan kaya kaming dalawa nalang ang natira dito sa bahay.
"Maliligo ka sa pool?" ani ko kay Adam nang kalabitin niya ako at tinuturo ang pool.
Tumango ito.
"Okay, sige. Go na. Mag-iingat, ha?"
Naligo na nga si Adam sa pool at nakatingin lang ako sa kanya. Nakaupo lang ako sa gilid habang nakababad ang paa ko sa tubig.
Nasa 3 feet lang ang lalim ng pool at saktong-sakto lang kay Adam.
Maya-maya ay lumapit siya sa akin at hinila ang paa ko.
"Adam!"
Napasigaw ako nang mahulog na ako sa pool. Wala pa naman akong balak maligo. Basang-basa ako habang si Adam ay tumatawa lang pero walang tunog. Pero nakikita kong may improvements na siya kahit sa kanyang pagsasalita.
Napanguso nalang ako na parang nagtatampo habang nakatingin sa bata.
Kulit... mana sa tatay.
Nakasuot lang ako ng manipis na puting t-shirt at cotton shorts. Wala na akong nagawa kundi maligo nalang dahil nabasa na naman din ako.
"Sabihin mo nga, 'Daddy'... Da...ddy..." turo ko sa kanya habang nasa pool kami.
Wala pa ring tigil ang pagtuturo ko sa kanya ng mga simpleng salita. Habang tumatagal, mas lalo kong naiintindihan ang ugali ni Adam.
Siguro late lang ang development niya dahil wala siyang masyadong nakakasalamuha at kailangan talaga niya ng magtuturo sa kanya.
Pansin ko kapag ganitong nasa mood siya, o nag-e-enjoy, mas madali siyang turuan.
"Da...ddy..."
Napahiyaw ako sa tuwa nang masabi na nga niya nang tuluyang ang salitang daddy. Halos isang linggo ko ring itinuro ang salita na iyon sa kanya.
"Good job, baby!" nasisiyahan kong ani.
Dahil sa tuwa ko, nahalikan ko siya sa pisngi dahil sobrang cute niya.
Malawak na ngumiti si Adam. Pagkatapos ay ginawa niya rin ang ginawa ko sa kanya. Hinalikan niya rin ako sa pisngi.
"Mommy," saad nito.
Hinalikan ko na naman siya sa pisngi. "Ang tawag diyan ay kiss. Kiss."
Pinakita ko pa sa kanya ang action ng kiss sa pamamagitan ng dalawa kong kamay.
Ginaya rin naman niya.
Natatawa nalang ako sa kakulitan niya. Naghabulan kami sa pool. Hanggang sa nakita ko si Professor Zaldivar na kararating lang.
Nang makita kami ni Professor, agad siyang pumunta sa may pool area.
"Adam nandiyan na si Daddy. Bless ka na!" sabi ko kay Adam.
Agad naman siyang umahon sa pool at pumunta sa daddt niya para magmano. Habang ako naman ay nakalubog pa rin ang katawan ko sa pool.
"Having fun?" tanong ni Prof nang tingnan ako.
"Gusto kasi ni Adam na maligo sa pool. Tapos binasa niya ako," dahilan ko.
Pasimple lang natawa si Prof.
Maya-maya ay umahon na ako. Habang naglalakad ako papunta kay prof, nakita ko siyang napalunok na parang hindi mapakali. Titingin siya sa akin pagkatapos ay iiwas na para bang hirap siyang makatingin sa akin.
"May kailangan po kayo?" tanong ko kay Prof.
"We need to talk."
Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Nakita kong namumula ang taenga niya.
"Ano pong pag-uusapan natin?"
Naiinis ako dahil hindi niya ako magawang tingnan— na para bang mayroong nakakadiri sa mukha ko.
"Bakit hindi kayo tumitingin sa 'kin?"
Hindi ko na talaga napigilan at napatanong na ako.
"I just can't," mariin niyang sabi.
Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang tumingin sa akin. Hindi na talaga ako makatiis.
"Bakit?" ani ko sa medyo naiinis na tono.
"Nothing."
Tang-na naman!
"Akala ko ba gusto mo akong makausap?"
Siguro ay nadidinig niya ang inis sa boses ko kaya napalingon na siya sa akin. Nagtatas ang bagang niya at nanlilisik ang mata niyang humarap sa akin.
"I don't want to talk to you while your red bra is f-cking showing under that thin t-shirt, Alcantara."
Doon ko lang napansin ang basa kong t-shirt na humahapit sa katawan ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang bakat na bakat ang pula kong bra at kitang-kita.
Nakakahiya!
Tatakbo na sana ako sa loob ng bahay dahil sa sobrang kahihiyan pero sa hindi inaasahang pangyayari, isang hakbang ko pa lang nadulas ang paa ko.
Ngunit mabilis ang kamay ni Professor Zaldivar na pumulupot sa aking bewang at ulo para hindi ito mabagok. Napapikit nalang ako.
Magkasabay kaming bumulagta sa sahig.
Pero ang hindi inaasahan ko ay ang malambot na bagay na nakapatong sa aking labi.
Nang ibuka ko ang aking mata, nakita ko nalang si Professor Zaldivar sa ibabaw ko... habang magkadikit ang aming mga labi...
"Mommy... Daddy... Kiss..."
Iyon nalang ang narinig ko kay Adam na nakatingin at nakatayo sa gilid namin.
Ang first kiss ko!
TO BE CONTINUED...