ARIELLE'S POINT OF VIEW "Arielle, may customer ka sa VIP room!" ani ni Madam Lucia sa akin habang nag-aayos ako ng sarili ko sa dressing room ako. "Madam, dancer lang ako. Hindi ako nagpapakama," deritsong sabi ko.Oo, tama ang narinig niyo. Dancer ako sa club. Pero isang buwan pa lang ako rito. Pero gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako dahil maraming nagre-request sa akin. "Choosy naman!" sabi nito saka pinaikotan ako ng mata. "But don't worry, pasasayawin ka lang naman pero kasama na diyan ang lap dance, ha? Thirty thousand offer sayo just for a dance!" Naengganyo ako dahil sa sinabi ni Madam. Doble na 'yan sa kinikita ko gabi-gabi. First time kong gagawin ang sumayaw na may kasamang lap dance.Kung hindi ko lang talaga kailangan ang pera sa lalong madaling panahon, hindi ko ito gagawin. Agad kong sinuot ang maskara ko at pumunta na sa VIP Room kung nasaan ang taong sinasabi ni Madam Lucia. Nang pumasok ako sa room, madilim ito at para akong kinilabutan. Pulang ilaw lang ang
最後更新 : 2026-07-21 閱讀更多