SABRINA’S POV
“ Because she is your secretary! It is a disgrace, Aiden. Isang CEO na pumatol sa secretary niya. “ bulyaw sa akin ng aking ina.
Ang mga salita ng kaniyang ina ang paulit – ulit na tumutusok sa puso ko. Alam ko na masama ang makinig sa usapan ng may usapan ngunit di ko mapigilan. Naglagay lang ako ng konting puwang upang marinig ko ang usapan nila. Ngunit, pinagsisihan ko din ito sapagkat para akong sinasaksak ng paulit – ulit sa mga katagang sinasabi ng kaniyang mga magulang patungkol sa akin.
Bago kami magtapos sa kolehiyo ay suportado kami ng magulang ni Aiden. Dahil na rin siguro napatino ko ang kanilang anak at maganda ang standing ko sa paaralan dahil running for summa cum laude ako. Ngunit, nagbago ang lahat ng magsimula akong magtrabaho sa kanilang kompanya bilang sekretarya ni Aiden. Dati ay naguguluhan pa ako kung bakit nagbago ang trato nila sa akin, ngunit alam ko na kung bakit.
“ Go ahead! Sabrina is my everything. “
Muli kong narinig si Aiden na nagsalita kasunod nito ang mga yabag papunta sa pintuan kaya naman dali – dali akong umalis roon at pumunta sa banyo. Pagdating ko sa banyo ay unti – unting pumatak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil sa sakit ng mga salitang narinig ko sa mga magulang ni Aiden o saya dahil alam ko na ipaglalaban ako ni Aiden hanggang dulo.
Makalipas ang ilang minuto ay biglang nag vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang nagmessage.
“ Where are you? The meeting will start in a bit. “ – Aiden
Agad – agad kong inayos ang sarili ko at sumulyap sa salamin bago ako tumungo sa conference room kung saan magaganap ang meeting. Pagdating ko doon ay napayuko ako sapagkat ako na lang pala ang hinihintay. Umupo ako sa tabi ni Sir Aiden at nagsimula na ang meeting.
*
*
*
AIDEN’S POV
Buong oras ng meeting ko with the Marketing Department ay kapansin pansin ang pagkawala sa sarili ni Sabrina dahil na rin sa paulit – ulit niyang pagbura ng notes niya. Hindi man ito napapansin ng iba ay di naman ito makakaligtas sa akin sapagkat katabi ko siya at higit ko siyang kilala sa iba.
“ All right! That is it for now. Meeting adjourned! “ anunsiyo ko pagkatapos ko pirmahan ang recommendation project na iprinesent nila sa akin kanina.
“ Thank you, Sir.”
“ Thank you po. “
Rinig kong pagpapasalamat nila na tinanguan ko na lamang sapagkat ang atensyon ko ay na kay Sabrina. Isa – isang lumabas ang mga empleyado na mula sa Marketing Department. Tumayo na rin si Sabrina kaya naman hinawakan ko ang braso niya. Napapitlag naman siya sa gulat dahil sa ginawa ko.
“ Are you okay? “ nakakunot noo kong tanong sa kaniya.
“ Ha? Ah, oo. Ayos lang ako. “ sagot niya saka umiwas ng tingin sa akin.
“ Are you sure? “ tanong ko muli sa kaniya.
“ Yes. “ tipid na sagot niya sa akin.
Iniharap ko siya sa akin sapagkat hindi ako kumbinsido na okay lang siya sapagkat di niya ako matingnan sa mata. Nagtama ang mga mata namin at kitang kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.
“ Sir, baka po may makakita sa atin. “ malamig niyang turan saka umiwas ng tingin sa akin kaya naman lalong kumunot ang noo ko.
“ I know na napakinggan mo ang pinag usapan namin kanina nila Mommy at Daddy. “ pasimula ko na naging dahilan ng paglingon niya sa akin muli.
“ Hindi ko sinasadya “ pag – amin niya.
“ Pero paano mo nalaman? “ naguguluhan niyang tanong sa akin.
“ Paglapit ko kasi sa pinto kanina ay nakita ko na may konting uwang. Ikaw lang naman ang lumabas doon. “ paliwanag ko sa kaniya
“ Sorry. “ mahina niyang paumanhin sa akin saka siya muling yumuko.
“ Hanggang saan ang narinig mo? “ tanong ko muli sa kaniya.
“ Lahat “ tugon niya ng di tumitingin sa mata ko
Hinawakan ko ang baba niya at itinaas ito hanggang sa magtama ang mga malamlam niyang mata sa aking mga mata. Bahagya akong ngumiti para iparamdam sa kaniya na maayos ang lahat.
“ If you heard everything, I meant it. I can trade off my life and what I have for you. “ seryoso kong turan sa kaniya.
*
*
*
SABRINA’S POV
“ If you heard everything, I meant it. I can trade off my life and what I have for you. “
Matapos niyang sabihin yun ay nagsimulang pumatak ang mga luha ko. Tila nataranta naman siya sa naging reaksiyon ko sa sinabi niya.
“ Hey, what is wrong? “ nag – aalalang tanong niya sa akin saka ako hinatak kaya naman napayakap ako sa kaniya.
“ Ikaw kasi! “ turan ko saka hinampas ng mahina ang dibdib niya. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa sa ginawa ko.
“ Anong tinatawa tawa mo diyan? “ masungit kong tanong sa kaniya.
“ Ikaw lang talaga ang babae na kapag kinikilig, umiiyak. “ turan niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
“ Paano mo nalaman? May pinapakilig ka pa bang ibang babae? “ masungit kong tanong sa kaniya ngunit biro ko lamang ito.
“ Isa pang biro mo, hahalikan kita. “ seryosong turan niya sa akin kaya napatikom ako ng bibig. Alam ko na gagawin niya iyon.
Bukod sa ginagawa niya ang sinasabi niya ay tiyak din na gusto niya rin ako mahalikan.
“ Hmp! Humingi ka ng tawad kila Tito at Tita mamaya. “ malambing kong turan sa kaniya.
Naramdaman ko naman ang pagseryoso ng mukha niya saka tinanggal ang pagkakayakap sa akin.
“ Kapag humingi ako ng tawad sa kanila, mas ipapamukha nila sa akin na tama ang sinabi nila tungkol sa iyo. I will protect you, ipaglalaban kita. “ seryosong turan niya sa akin kaya napahilot ako sa sintido ko.
“ Anong petsa na, di na uso ang you and me against the world. Hindi ko kakayaning makitang magkasira kayong pamilya dahil sa akin. Ang paghingi ng tawad ay hindi nangangahulugang mahina ka o tama sila. Ang ibig sabihin ng paghingi ng tawad ay anuman ang pagkakaiba ng opinion niyo, tama man sila o mali, mas mananaig ang pagmamahal mo sa kanila. “ Mahabang paliwanag ko sa kaniya na naging dahilan upang bahagya siyang mapangiti.
“ Ano kaya ang ginawa ko para pagpalain ng isang katulad mo? “ namamangha niyang turan sa akin kaya natawa ako.
“ Tama na yang ka-sweetan mo. Basta, humingi ka ng tawad sa kanila lalo na sa pagsagot mo sa kanila ng pabalang. “ payo ko sa kaniya
“ Fine, I will do it for you. “ turan niya na nagpailing sa akin.
“ Never do anything for me. Always do everything for yourself. I am just here to support you. “ nakangiting turan ko sa kaniya.
“ Halika nga dito. “ turan niya.
Napangiti ako sa itsura niya sapagkat para siyang bata na nanghihingi ng yakap. Nakita ko namang ngumuso siya dahil nanatili akong nakatayo sa pwesto ko. Natatawa akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.
Makalipas ang ilang sandali ay napagdesisyunan naming dalawang bumalik sa opisina niya at sa desk ko sapagkat baka may makakita pa sa amin. Natapos ang maghapon na halos di na kami nagkita ni Aiden sapagkat ang mga sunod niyang meeting ay siya na lamang ang pumunta sapagkat ang sabi niya ay kaya naman na daw niya at may mga pinagagawa siya sa akin para bukas.
Pasado alas – singko na noong matapos ko ang mga dapat kong tapusin para sa meetings bukas ni Aiden. Agad ko ng inayos ang gamit ko saka nag time – out sa opisina. Nagpadala lamang ako ng mensahe kay Aiden na uuwi na ako at saka ako sumakay ng jeep pauwi sa amin.
Makalipas ang isang oras ay nakarating na ako sa aking condo. Malapit lamang ito kung tutuosin ngunit dahil sa traffic at kalyeng ginagawa ay tumagal ang byahe ko. Nagbihis lamang ako bago ako humarap sa laptop ko. Gusto kong ipaglaban si Aiden sa paraang alam ko kaya naman dali – dali akong naghanap ng kompanya na naghahanap ng fashion designer. Plano ko naman talaga dati pa na magtayo ng clothing line. Nagka-aberya lamang noong nagkasakit si lola. Ngunit ngayon, mukhang may rason na muli ako upang abutin ang mga pangarap ko.
ITUTULOY!
SABRINA'S POV“Good afternoon…”Kumunot ang noo ko dahil sa panauhing pumasok. Napatingin naman ako kay Sheryl ngunit bahagyang pagkibit-balikat lamang ang itinugon nito sa akin. What the! Anong ginagawa niya dito?!“What a pleasant surprise,” pakunwaring bulalas ko saka ngumiti sa kaniya upang iparamdam na welcome siya rito. “What brought you here, Mr. Anderson,” halos maubusan ako ng laway sa lalamunan ng banggitin ko ang apelyido niya.“I was in the area so I decided to drop by,” tipid na turan niya na akala mo ay close kami. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng kapal ng mukha upang sabihin iyon. “Am I interrupting something?” tanong niya.Tumingin lamang ako sa sekretarya ko at tinanguan ko ito upang makalabas na siya. Yumuko lamang ito sa akin saka nag-martsa palabas ng opisina ko.“I don’t mean to be rude, Mr. Anderson but I can’t offer you any drink because I am already running late,” tahasang wika ko sa kaniya. “I mean, don’t take it personally but I have an appointment to a
SABRINA'S POV“Hmm…” mahina kong ungol nung maramdaman ko na may pumipindot ng pisngi ko.Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at ang malawak na ngiti ni Hope ang bumungad sa akin.“Good morning, Mommy!” masiglang bati nito sa akin na sinundan ng halik sa aking pisngi.“Good morning, baby,” bati ko pabalik dito habang bumabangon ako mula sa pagkakahiga. Agad ko siyang ikinulong sa aking mga braso at niyakap ng mahigpit.“Mommy, did you go home too late last night?” tanong nito sa akin habang yakap-yakap ko siya.Bahagya muna akong humikab bago sumagot sa kaniya, “almost 1am na baby ko. You’re auntie Sheryl kasi,” paliwanag ko.“That’s too late. Maybe you should get some sleep pa po,” suhestiyon ni Hope sa akin.“I have work pa, baby eh,” tugon ko sa kaniya after kong tiningnan yung oras sa orasan na nasa side table. “Just take the day off, Mommy,” suhestiyon nito sa akin saka nagpa-cute.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at marahang pinisil ang kaniyang pisngi. “I’m sorry young
SABRINA'S POV“Sorry…”Hindi ko na pinansin yung nagsalita saka nagmamadaling dinampot ang laman ng purse ko na nalaglag dahil sa pagbangga niya sa akin. Ghad, bakit sa ganitong paraan pa kami magkikitang muli? I played different scenario kung paano ko siya makikita pero bakit naman ganito.“Here, let me help you,” wika niya saka ako tinulungang damputin ang mga gamit ko.“No thanks, I can handle,” mabilis kong sabi saka nagmamadaling kinuha sa mga kamay niya ang gamit ko.“Okay?” hindi siguradong wika niya at hinayaan na lamang niya akong gawin ang ginagawa ko.Nakita ko rin sa peripheral vision ko na tumayo na siya. Jusko, bakit ayaw niya pang umalis? Can he just leave me alone?! Natapos ko na ang pagdampot ng mga gamit ko pero nandiyan pa rin siya.“Come on,” rinig kong wika niya saka ko nakita ang kamay niya na nakalahad.“I can handle myself,” pagtanggi ko saka tumingala at sinubukang tumayo.Ngunit sa kasamaang palad ay nawalan ako ng balanse kaya napapikit na lamang ako ng mata
SABRINA'S POV“For my competitors, I don’t feel threatened at all. As I’ve said, I work hard for this, so I’ll never back down. So, to you, prepare yourself because I will win this game with flying colors…” tugon ko saka ngumiti sa kanila.Sunod-sunod na flash naman mula sa camera ang tumapos ng interview ko. Nagpasalamat lamang ako sa mga miyembro ng press na pumunta pati na rin sa mga crew at spectators pagkatapos ay napagdesisyunan ko na bumalik na rin sa office ko upang balikan si Hope. Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin si Sheryl.“You really did well, girl,” namamanghang komento niya habang mabagal niya akong pinapalakpakan.Natawa naman ako sa naging reaksiyon niya saka ko sinara ang pintuan, “great job ba?” natatawang tanong ko sa kaniya.“Mas great pa sa great,” mabilis niyang sagot saka kami sabay na natawa.“Where is hope pala?” tanong ko sa kaniya ng mapansin kong wala ang anak ko dito sa loob.“Nasa labas kasama ang secretary mo. Gusto daw mag-tour, eh,” sagot nam
SABRINA’S POV Maaga akong nagising kinabukasan dahil may meeting pa ako mamaya sa Wilson Hope Corporation and may interview pa ako para sa isang TV network. Tiningnan ko muna si Hope na mahimbing pa din ang tulog sa tabi ko saka ako nagdesisyong bumangon na. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin sa loob ng banyo. Limang taon na ang nakakalipas at marami na rin ang nagbago sa akin. Sa estado ko ngayon, hindi na makikita sa akin ang bahid ng isang Sabrina Cruz. Napatitig pa ako sa sarili ko ng ilang sandali bago ako nagdesisyong gawin ang morning routine ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kusina upang magluto ng agahan namin ni Hope. Dito kami tumuloy sa condo na binili ko two years ago since pinapaayos ko pa ang mansion namin. “Good morning, mommy.” Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi ng maramdaman ko ang pagyakap ni Hope sa baywang ko kasabay ang pagbati niya sa akin sa malambing na boses. Iniikot ko ang aking sarili upang harapin siya. “Good morning, sweetie,” bati
SABRINA’S POV >>> 5 YEARS AFTER " Ladies and gentlemen, Happy Airlines extends a warm greeting to you as we arrive in Manila. It is currently 8:11 p.m. local time. Please keep the aisle(s) clear until we are parked at the gate and remain seated with your seat belt fastened for your protection and the safety of those around you. Thank you! " anunsyo ng flight attendant kaya napaayos na ako ng upo. “Mommy we are here in the Philippines?” tanong sa akin ni Hope, limang taong gulang kong anak. Ngumiti naman ako sa kaniya, “yes, baby.” sagot ko. Ngumiti naman siya at umayos na rin ang upo. Maya-maya pa ay bumukas na ang mga pintuan ng eroplano kaya tumayo na rin ako at si Hope. Pagbaba namin sa eroplano ay pumunta na kami sa arrival lane para makuha ang mga maleta ko. Binuksan ko na rin ang cellphone ko upang tawagan ang susundo sa amin para malaman ko kung nasan ito naroroon. “Hope, kalabitin mo ako kapag nakita mo na ang mga maleta natin, okay?” bilin ko sa kaniya. Tumango naman it