SABRINA’S POV
Kinabukasan ay maaga akong nagising sapagkat maglilinis pa ako ng apartment ko. Hindi ko kasi ito nagawa ng ilang araw na sapagkat sobrang busy nga sa kompanya. Wala naman akong pasok ngayon sapagkat si Aiden ay may sunod - sunod na meeting sa mga ka-business partner niya. Ito ay dahil na rin sa pag-alis ni Aiden papuntang business summit kinabukasan. Hindi na niya ako pinasama sapagkat marami daw silang gagawin at baka mapagod lang daw ako. Hindi na ako tumanggi pa sapagkat magkakaroon ako ng oras upang maglinis ng apartment ko at makapagpahinga.
Naghahanda ako ng almusal ng tumunog ang cellphone ko. Pinatay ko muna ang kalan dahil tapos ko na ding lutuin ang aking kakainin. Inilagay ko lang muna sa mesa ang aking kakainin saka kinuha ang cellphone ko.
“ Hello? Sir Aiden? “
( Anong sir ka diyan. Wala ka sa office. )
“ Sorry na, nasanay kasi ako na kapag tumatawag ka ay tungkol sa opisina madalas ang pag uusapan natin. “
( Well, di ka naman nagkakamali diyan. I need you to wear something semi formal for a dinner meeting later. I will just send you the location. )
Magtatanong pa sana ako pero pinatayan na niya ako ng tawag. Dinner Meeting? Wala naman siyang naka-sched na dinner meeting ngayong araw. Pero, maaari ding pina-adjust ng isa niyang business partner ang meeting nila. Imbes na isipin ko pa ang dahilan ay kumain na lamang ako. Kailangan kong bilisan ang pag-aasikaso sapagkat pagkatapos ko maglinis ay pupunta ako sa Mall upang tumingin ng something semi formal dress.
Makalipas ang mahigit dalawang oras ay papunta na ako sa Mall. Medyo natagalan lamang ako sa paglilinis ng apartment ko dahil clean freak din naman ako. Pagpasok ko sa Mall ay pumunta ako sa isang boutique na may naggagandahang mga dress. Nag – ikot ikot lamang ako rito at maya – maya ay may umagaw ng atension ko. Isang evening gown na may slit malapit sa hita pababa sa paa. Kulay itim ang gown na ito na kitang kita ang pagkahapit. Sigurado akong babagay sa akin ito sapagkat makikita ang kurba ko.
Nilapitan ko ang evening gown na ito at kukunin ko na dapat ng may pares ng kamay ang unang humawak dito. Napalingon ako sa nagmamay-ari ng mga kamay na iyon. Tinaasan lamang ako nito ng kilay,
“ This cost more than what you are wearing. Stop dreaming of buying this gown. “ mataray na turan ng babaeng may hawak ng nagustuhan kong gown.
“ Oh, really? Is it ironic that you can buy an expensive gown, but cannot buy a manners? “ Tanong ko sa kaniya saka ako ngumiti. Hindi ko ugali ang magpatalo sa isang taong iniinsulto ang pagkatao ko.
“ How dare you? Hindi mo ba ako kilala? “ nagagalit niyang asik sa akin.
“ Sorry, Miss. Pero, wala din akong intensyon na kilalanin ka. Your attitude speak for yourself. “ mataray na asik ko rito.
Kitang kita ko ang pamumula niya. Sigurado akong naiinis na ito sa akin.
“ Hello po, may problema po ba dito? “ Tanong ng sales lady pagkalapit niya sa amin.
“ Yes, this is an expensive boutique, why such a poor girl is here? “ Tanong niya sa sales lady saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
“ Sorry Ma’am pero wala naman pong nakalagay sa entrance na bawal pumasok ang mga mahihirap na tao. “ magalang na sagot ng babae kaya napangisi ako.
“ Ahh Miss. Yung tagline niyo ay you can search everything here, tama ba? “ Nakangiti kong tanong sa sales lady.
“ Yes po, Ma’am. “ sagot ng sales lady kahit na nagtataka siya.
“ Then, where is your manners section? I just wanna buy some for that girl. “ nakangiti kong tanong muli sa sales lady na bakas ang pagkabigla sa tanong ko.
“ Pasensya na po Ma’am. Hindi po kasi available yung tinatanong niya. “ magalang na sagot ng sales lady kaya bahagya akong natawa.
“ Ganun ba, oh paano Miss, hindi daw available, balik ka na lang next time. “ nakangisi kong turan sa aroganteng babae na sobrang namumula na sa galit.
“ You, you did not know who I am and what I am capable of. Ikaw namang sales lady ka, maghanap ka na ng pagtatrabahuhan mo dahil for sure bukas wala ka ng trabaho. “ naggagalaiti sa galit niyang asik sa amin habang dinuduro pa kami.
“ Alam mo kaya negative yung tingin ng iba sa mga mayayaman dahil sa gaya mong matapobre. Huwag ka masyadong magmalaki na mayaman ka, dahil pag namatay naman tayo pare – parehas lang tayo sa lupa ililibing. “ Mahabang paliwanag ko sa kaniya,
“ Who you are para pangaralan ako? You are nothing but a poor girl. “ mariin niyang turan sa akin.
“ Ate, we are wasting our time here. Magchecheck na lang po ako ng ibang damit kesa makipagtalo sa babaeng pinaglihi ata sa ampalayang napakapait. “ pag – aya ko sa sales lady.
Marahan naman itong tumango saka bahagyang yumuko doon sa matapobreng babae saka ako sinamahan sa ibang section ng boutique nila. Grabe, nakakastress ang babaeng iyon. Ganun ba siya pinalaki ng magulang niya? Manghamak wagas. Inilibot ako ng sales lady sa mga semiformal dresses nila sa boutique hanggang sa madako ang tingin ko sa isang off shoulder baby blue dress na may glitters pa. Agad ko naman itong nilapitan at kinuha ko na. Mahirap na baka makuha pa ng iba.
“ For sure Ma’am, bagay po sa inyo yan. “ komento ng sales lady
“ Talaga po? Sa tingin niyo rin? “ tanong ko sa kaniya habang nakangiti
“ Aba opo, magaling po kayong mangilatis ng mga damit. “ komento niya muli.
“ Ahh, fashion designing kasi ang natapos ko kaya medyo maalam ako sa pangingilatis ng mga designs ng damit. “ paliwanag ko sa kaniya.
“ Same pala tayo, fashion designing din ang natapos ko. Pero, dahil sa hirap ng buhay, hindi ko na tinuloy pa ang pangarap ko at nagtrabaho na ako agad bilang sales lady. Breadwinner kasi ako, may mga pinag-aaral pa akong mga kapatid. “ malungkot na kwento sa akin ng sales lady.
“ Huwag ka masyadong malungkot. Ganoon naman talaga ang buhay, minsan nasa ilalim, minsan nasa ibabaw. Pero, tandaan mo na, darating ang panahon na papabor din sa atin ang sitwasyon at maaabot din natin yung mga pinapangarap natin “ pagpapalakas ko ng loob sa kaniya
“ Salamat Miss ah. Napakaganda mo na, napakabuti mo pa. “ turan niya sa akin ng nakangiti
“ Asus, si ate. Nambola pa. Opo, bibilhin ko ito, huwag ka mag-alala para may benta ka. “ nakangiti kong sagot sa kaniya.
“ Salamat ulit, kailangan ko na ding makabenta ng marami ngayon dahil sigurado ako na wala na akong trabaho bukas. “ malungkot niyang turan kaya kumunot ang noo ko.
“ Bakit naman? Dahil doon sa sinabi ng babae kanina? “ tanong ko sa kaniya.
“ Oo, di mo pala siya talaga kilala. Sikat siyang model at anak siya ng may-ari ng boutique na ito. “ paliwanag niya sa akin kaya nabigla naman ako.
“ Pasensya ka na, sana hindi mo na lamang ako tinulungan kanina. “ paghingi ko ng paumanhin sa kaniya ngunit umiling lamang siya.
“ Hindi, nakakasawa din kasi ang ugali ng babaeng iyon. Kung manliit ng ibang tao akala mo siya ang may-ari ng mundo. Ayos lang yun, lahat naman siguro susuko kung nasa posisyon ko. “ paliwanag niya sa akin ngunit makakaramdam pa rin ako ng guilt sa sinabi niya kaya naman may kinalkal ako sa bag ko na business card at inabot sa kaniya.
“ Ito oh, sa Canada yan. Naghahanap sila ng fashion designer. Nagtry ako, pwede mo ding subukan. Wala ka namang gagastusin sa paglalakad ng requirements dahil sila ang mag – aasikaso. Malaki din ang sweldo at magagawa mo din kung ano talaga ang gusto mo. “ nakangiti kong paliwanag sa kaniya kaya umaliwalas ang mukha niya.
“ Talaga? Salamat ha, ang bait mo. Ang swerte siguro ng boyfriend mo. “ nakangiti niyang turan sa akin kaya napangiti ako.
Ngunit napawi ang ngiti ko ng maalala ko na aalis nga pala ako ngayon. Hindi ko maaaring paghintayin si Aiden dahil mapapagalitan ako for sure. Isa kasi talaga sa ugali ni Aiden ang pagiging mainipin kaya mapapagalitan ako pag nahuli ako. Time is money daw kasi at hindi na maibabalik pa ang mga oras na nawala na.
“ May problema po ba? “ tanong niya sa akin
“ Ah, wala naman. Naalala ko lang na may pupuntahan ako kaya ako bumili ng damit. “ nakangiti kong sagot sa kaniya.
“ Ay ganun ba, tara ayusin na natin yan at baka mahuli ka pa sa pupuntahan mo. “ nakangiti niyang turan saka ako sinamahan papunta sa cashier.
Pagkabayad ko ng damit ay nagpaalam na din ako sa sales lady at lumabas na ng boutique. Agad kong tinungo ang daan papuntang sakayan ng jeep. Uuwi muna ako upang makaligo ulit at makapag asikaso na. Itim na heels at yung jewelry set na ibinigay sa akin ni Aiden ang ipapares ko sa damit ko.
ITUTULOY!
SABRINA'S POV“Good afternoon…”Kumunot ang noo ko dahil sa panauhing pumasok. Napatingin naman ako kay Sheryl ngunit bahagyang pagkibit-balikat lamang ang itinugon nito sa akin. What the! Anong ginagawa niya dito?!“What a pleasant surprise,” pakunwaring bulalas ko saka ngumiti sa kaniya upang iparamdam na welcome siya rito. “What brought you here, Mr. Anderson,” halos maubusan ako ng laway sa lalamunan ng banggitin ko ang apelyido niya.“I was in the area so I decided to drop by,” tipid na turan niya na akala mo ay close kami. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng kapal ng mukha upang sabihin iyon. “Am I interrupting something?” tanong niya.Tumingin lamang ako sa sekretarya ko at tinanguan ko ito upang makalabas na siya. Yumuko lamang ito sa akin saka nag-martsa palabas ng opisina ko.“I don’t mean to be rude, Mr. Anderson but I can’t offer you any drink because I am already running late,” tahasang wika ko sa kaniya. “I mean, don’t take it personally but I have an appointment to a
SABRINA'S POV“Hmm…” mahina kong ungol nung maramdaman ko na may pumipindot ng pisngi ko.Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at ang malawak na ngiti ni Hope ang bumungad sa akin.“Good morning, Mommy!” masiglang bati nito sa akin na sinundan ng halik sa aking pisngi.“Good morning, baby,” bati ko pabalik dito habang bumabangon ako mula sa pagkakahiga. Agad ko siyang ikinulong sa aking mga braso at niyakap ng mahigpit.“Mommy, did you go home too late last night?” tanong nito sa akin habang yakap-yakap ko siya.Bahagya muna akong humikab bago sumagot sa kaniya, “almost 1am na baby ko. You’re auntie Sheryl kasi,” paliwanag ko.“That’s too late. Maybe you should get some sleep pa po,” suhestiyon ni Hope sa akin.“I have work pa, baby eh,” tugon ko sa kaniya after kong tiningnan yung oras sa orasan na nasa side table. “Just take the day off, Mommy,” suhestiyon nito sa akin saka nagpa-cute.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at marahang pinisil ang kaniyang pisngi. “I’m sorry young
SABRINA'S POV“Sorry…”Hindi ko na pinansin yung nagsalita saka nagmamadaling dinampot ang laman ng purse ko na nalaglag dahil sa pagbangga niya sa akin. Ghad, bakit sa ganitong paraan pa kami magkikitang muli? I played different scenario kung paano ko siya makikita pero bakit naman ganito.“Here, let me help you,” wika niya saka ako tinulungang damputin ang mga gamit ko.“No thanks, I can handle,” mabilis kong sabi saka nagmamadaling kinuha sa mga kamay niya ang gamit ko.“Okay?” hindi siguradong wika niya at hinayaan na lamang niya akong gawin ang ginagawa ko.Nakita ko rin sa peripheral vision ko na tumayo na siya. Jusko, bakit ayaw niya pang umalis? Can he just leave me alone?! Natapos ko na ang pagdampot ng mga gamit ko pero nandiyan pa rin siya.“Come on,” rinig kong wika niya saka ko nakita ang kamay niya na nakalahad.“I can handle myself,” pagtanggi ko saka tumingala at sinubukang tumayo.Ngunit sa kasamaang palad ay nawalan ako ng balanse kaya napapikit na lamang ako ng mata
SABRINA'S POV“For my competitors, I don’t feel threatened at all. As I’ve said, I work hard for this, so I’ll never back down. So, to you, prepare yourself because I will win this game with flying colors…” tugon ko saka ngumiti sa kanila.Sunod-sunod na flash naman mula sa camera ang tumapos ng interview ko. Nagpasalamat lamang ako sa mga miyembro ng press na pumunta pati na rin sa mga crew at spectators pagkatapos ay napagdesisyunan ko na bumalik na rin sa office ko upang balikan si Hope. Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin si Sheryl.“You really did well, girl,” namamanghang komento niya habang mabagal niya akong pinapalakpakan.Natawa naman ako sa naging reaksiyon niya saka ko sinara ang pintuan, “great job ba?” natatawang tanong ko sa kaniya.“Mas great pa sa great,” mabilis niyang sagot saka kami sabay na natawa.“Where is hope pala?” tanong ko sa kaniya ng mapansin kong wala ang anak ko dito sa loob.“Nasa labas kasama ang secretary mo. Gusto daw mag-tour, eh,” sagot nam
SABRINA’S POV Maaga akong nagising kinabukasan dahil may meeting pa ako mamaya sa Wilson Hope Corporation and may interview pa ako para sa isang TV network. Tiningnan ko muna si Hope na mahimbing pa din ang tulog sa tabi ko saka ako nagdesisyong bumangon na. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin sa loob ng banyo. Limang taon na ang nakakalipas at marami na rin ang nagbago sa akin. Sa estado ko ngayon, hindi na makikita sa akin ang bahid ng isang Sabrina Cruz. Napatitig pa ako sa sarili ko ng ilang sandali bago ako nagdesisyong gawin ang morning routine ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kusina upang magluto ng agahan namin ni Hope. Dito kami tumuloy sa condo na binili ko two years ago since pinapaayos ko pa ang mansion namin. “Good morning, mommy.” Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi ng maramdaman ko ang pagyakap ni Hope sa baywang ko kasabay ang pagbati niya sa akin sa malambing na boses. Iniikot ko ang aking sarili upang harapin siya. “Good morning, sweetie,” bati
SABRINA’S POV >>> 5 YEARS AFTER " Ladies and gentlemen, Happy Airlines extends a warm greeting to you as we arrive in Manila. It is currently 8:11 p.m. local time. Please keep the aisle(s) clear until we are parked at the gate and remain seated with your seat belt fastened for your protection and the safety of those around you. Thank you! " anunsyo ng flight attendant kaya napaayos na ako ng upo. “Mommy we are here in the Philippines?” tanong sa akin ni Hope, limang taong gulang kong anak. Ngumiti naman ako sa kaniya, “yes, baby.” sagot ko. Ngumiti naman siya at umayos na rin ang upo. Maya-maya pa ay bumukas na ang mga pintuan ng eroplano kaya tumayo na rin ako at si Hope. Pagbaba namin sa eroplano ay pumunta na kami sa arrival lane para makuha ang mga maleta ko. Binuksan ko na rin ang cellphone ko upang tawagan ang susundo sa amin para malaman ko kung nasan ito naroroon. “Hope, kalabitin mo ako kapag nakita mo na ang mga maleta natin, okay?” bilin ko sa kaniya. Tumango naman it