Share

Bargained Body
Bargained Body
Author: Fita Rita

PROLOGUE

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

---

“Lumayas ka dito! Wala kang kwenta, palamunin ka lang dito! Ang tamad-tamad mo pa! Putang*na ka talaga!” 

Naturingang tamad? Walang kwenta? Palamunin? Ano pa?

Tinulak-tulak n’ya ako hanggang sa madapa na ako’t mapasubsob sa sahig. Puno nang luha ang aking mukha at nahihiya akong mag-angat nito dahil makikita ako ng mga chismosa naming kapitbahay na nakiki-usyoso. Pero anong pakialam ko? Heto na ko’t pinapahiya ng sarili kong ina kaya wala na ‘kong paki kung ano man ang tingin nila sa’kin.

“Lumayas ka dito! Wala ka ng ginawang matino, tanga-tanga mo talaga! Ang bobo mo pa, mana ka talaga sa ama mong bobo!” sigaw n’ya sabay duro sa ‘kin.

“Oo na! Ako na tanga, ako na bobo, ako na lahat-lahat! Dati pa naman ako na talaga eh, sa ‘kin mo lahat binubunton ang galit mo,” puno ng hinanakit kong singhal sa kanya.

“Aba’t! Sumasagot ka na ha.” Isang malutong na sampal ang aking natanggap mula sa mabigat n’yang palad na nagpabaling sa ‘kin.

“Sige sampalin mo pa ako! D’yan ka naman magaling ma eh, ang manampal, ang manakit sakin. Bakit ma? Bakit? Ano ba nagawa kong mali? Simula ng tumira ako dito palagi na lang mainit ang dugo mo sa ‘kin!”

Magkakasunod na sampal ang aking natanggap kasabay ng paghatak nya sa ‘king buhok.

“Wala kang utang na loob! Wala kang galang! Matapos kitang pag-aralin at bihisan ‘yan pa ang igaganti mo sa ‘kin? Eh ‘di dapat pala no’ng sanggol ka palang sinakal na kita para namatay ka nang hayup ka!”

Natigilan ako sa sinabi n’yang ‘yon, parang nabingi ako na ewan. Totoo ba talaga yung mga naririnig ko?

“Wala akong pakialam kung mawala ka man, mamatay o lumayas ka na! May isa pa ‘kong anak! ‘Di kita panghihinayangang hayup kang hinayupak ka!”

‘Di ako makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig mismo ng aking ina, parang hindi n’ya ko anak o baka nga hindi. Pero ang sakit pa rin e, para akong pinapatay ng mga salita n’ya.

“Talaga ma?” nanghihinang sambit ko. “Eh ‘di dapat pinatay mo na lang talaga ako noon.”

“Lahat ng gawin ko mali sa paningin mo! Mas pinapaburan mo pa ang isa mong anak. Bakit? Porque ba anak mo ‘ko sa una mong lalaki at may pamilya ka na, iba na trato mo sa ‘kin? Ginawa nyo kong katulong dito na ni minsan hindi ko naranasan sa puder nila lolo at lola!” sumbat ko sa kanya.

“Yung asawa mo!” Duro ko sa asawa n’yang nanunood sa ‘min. “Iyang lintek mong asawa, minolestya n’ya ‘ko noon at sinabe ko ‘yon sayo pero ano ma? Anong ginawa mo? Di ka naniwala! Kasi mas pinaniwalaan mo pa ‘yang malibog mong asawa!”

Malutong na sampal ang aking natanggap kasabay ng malakas na pag untog n’ya sa ‘kin sa pader. Masakit na ang katawan ko pero mas masakit ang puso ko dahil sarili kong ina iba ang trato sa ‘kin. Nalalasahan ko na ang dugo sa ‘king mga labi ngunit patuloy pa rin s’ya sa pag sabunot at pagsampal sa ‘kin. Walang umaawat sa kanya, walang gustong tumulong sa ‘kin. Ang hilaw kong kapatid ay naka-tingin lang at naka ngiti pa na malademonyo at lalo na yung ama nya!

“Walang hiya ka! Magaling ka talaga umimbento ng kwentong hinayupak ka—“

“Di ako gumagawa ng kwento ma,” sikmat ko. “Iyon ang totoo pero ayaw mong maniwala! Kahit kalian naman di ba di ka naniwala sa ‘kin?”

“Malandi ka, lumayas ka dito!”

Tinulak n’ya ko ulit at tumama yung likod ko sa may dulo ng upuan. Hindi ko na ininda ang sakit ng likod ko dahil mas masakit ang dibdib ko dahil sa mga binitawan n’yang mga salita.

“Lalayas na po talaga ako dito! ‘Di ko na kaya ugali mo ma,” namamaos kong sambit.

“Tatlong taon ma. Tatlong taon na ‘kong nag-titiis sa pamilyang ‘to! Tama na!”

Tumayo ako at tatalikod na sana ngunit hinablot n’ya pa ang buhok ko. Hinawakan ko ang kamay n’ya at pilit na tinatanggal ito sa pagkakasabunot sa buhok ko. Buong lakas kong hinaltak ang kamay n’ya at sa wakas natanggal ko ito. Pakiramdam ko ay parang binutas yung ulo ko, ang sakit ng anit ko. Humagulhol na rin ako sa iyak, ‘di ko na kaya ito. Tama na.

Buong tapang kong pinunasan ang luha ko at nilingon s’ya. Nanlilisik ang mga mata n’ya nang salubungin ko ito ng tingin.

“Aalis na ko dito kung ‘yon ang gusto mo, kung ‘yon ang ikasasaya ng pamilya mo. Kung ‘yon ang ikatatahimik mo. ‘Di na kita guguluhin ma, matatapos na rin ang pagtitiis mo sa akin. Tama na, sobrang sakit na eh. Di ko na kaya.”

‘Di ko na s’ya hinintay pang sumagot at umakyat na ko sa taas upang kunin yung mga damit kong pinagtatapon n’ya. Pinunasan ko ang luha sa aking mukha pati na ang dugo sa may labi ko buhat ng mga sampal n’ya. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang inaayos ang mga damit kong dadalhin.

Sa pag-alis ko ng bahay na ‘to, ‘di ako babalik na walang napapatunayan sa sarili ko. Tapos na kong intindihin kayo. Panahon naman para unahin ko ang sarili ko.

---

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status