Share

CHAPTER 3

Pagkatapos ni Ninette maghugas ay inaya nya ‘ko sa magiging kwarto ko raw. Nasa ikalawang palapag ito katabi ng dulong pintuan sa kanan. Sa buong pangalawang palapag ay may anim na pinto akong nakikita, tatlo sa kanan gayun din sa kaliwa, ngunit tanging sa pinaka huling pintuan sa kanan ang naiiba dahil sa kulay nitong itim. Maliban dito ang lahat ng pintuan ay kulay puti. Marahil yung itim na pinto ang silid ng estrangherong iyon.

“Pasok ka na Miss,” aya n’ya sakin matapos buksan ang pintuan.

Nginitian ko lang s’ya at tumuloy na sa loob, pagkapasok ko ay isinara n’ya na ang pintuan. Nilibot ko ang paningin sa buong silid at, wow! Ang laki naman ng kwartong ‘to, triple ang laki sa dati kong silid. Nilapag ko sa katabing lamesa ang bitbit kong shoulder bag at sinuyod ang buong silid.

“Wow! Ang ganda naman dito may sariling C.R. at may bath tub pa sa loob,” buong pagkamangha kong sambit.

Para naman akong kinikilig dahil sa sobrang tuwa, anlaki din ng kama na sa tansya ko’y kasya ang apat na tao. May isa pang pintuan na katabi ng banyo ang di ko pa natitingnan kung kaya binuksan ko ito at bumungad san ‘kin ang malawak na walk in closet at sa lapag nakita ko ang aking mga gamit.

~~~~~

Lingid sa kaalaman ni Xanya ay pinapanuod pala sya ng estrangherong lalaki gamit ang mga camerang lihim na nakalagay sa silid n’ya. Lihim namang napapangiti ang lalaki dahil may namumuong plano sa isip n’ya.

~~~~~

Kumuha lang ako ng damit pamalit at lumabas na ng walk in closet na ‘yon. Pinatong ko sa kama ang damit at naghubad na para maligo, pagkapasok ko sa banyo ay nag sipilyo muna ako. Buti na lang may ekstrang sipilyo sa likod ng salamin na ginawang cabinet. Tinanggal ko ang balot nito at hinugasan bago nag sipilyo, pagkatapos ay naligo na ako.

Ang bango ng sabon pati shampoo, pang mayaman ang amoy! Tapos na akong maligo nang aabutin ko na sana ang towel ko ng makalimutan ko pala ito.

“Nubayan! Nakalimutan ko pa talaga,” maktol ko.

Lumabas na lang akong hubo’t hubad at kumuha ng towel sa bag ko. Ayos lang namang wala akong saplot habang palakad lakad dito sa loob ng kwarto dahil ako lang naman mag-isa at sigurado naman akong walang maninilip dahil nasa ikalawang palapag itong kwarto. Natapos na akong mag bihis at patihayang nahiga sa kama.

“Anong susunod Xanya? Tsk! Bukas na bukas rin pupuntahan ko ‘yong inaplayan kong trabaho at maghahanap na rin ako ng matitirahan. Hmp! Nakakahiya na sa lalaking ‘yon.”

Mukha na ‘kong tanga nito habang kausap ang sarili. Sa sobrang pag-iisip ko ng mga problema ko ay di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan ako ng may mabigat na nakadagan sa dibdib ko, ‘di ko alam kung binabangungot na ba ako o totoong may nakadagan talaga sa ‘kin. Naghahalo kasi yung antok at pagod kaya hirap akong dumilat.

Maya-maya ay nawala na yung parang nakadagan sakin kaya nakatulog na uli ako ngunit bago pa ako tuluyang gupuin ng antok ay naramdaman ko pang parang may basa sa dibdib ko, mismong sa tuktok nito.

Kinaumagahan ay nagising akong ayos naman yung pakiramdam ko, sa tingin ko’y binangungot nga lang talaga ako no’n kagabi dala na rin marahil ng kamuntikan ko ng magahasa. Nag-ayos na ako at naligo muna bago bumaba, niligpit ko na rin ang hinigaan ko pati mga gamit ko. Pagka baba ko’y nakasalubong ko si Ninette.

“Magandang umaga Miss,” bati n’ya.

“Good morning din sayo Ninette,” nginitian ko s’ya at gano’n din ito sakin.

Bumaba na s’ya kaya sumunod na lang ako tulad ng sabi n’ya. Pagdating namin sa kusina ay naka-upo na sa harap ng mesa yung estrangherong lalaki. Tinulungan n’ya na ako’t lahat-lahat pero ‘di ko parin alam ang pangalan niya. Nakakahiya!

“Magandang umaga Sir, nandito na po ang Miss,” imporma ni Ninette.

“Sige maaari mo na kaming iwan Ninette.”

“Yes Sir,” yumukod si Ninette bago tumalikod.

“And Ninette? Make her some coffee,” pahabol n’yang utos.

“Opo sir.”

Umalis na ng tuluyan sa harap namin si Ninette at naiwan naman akong nakatayo sa harap ng mesa. Tiningnan naman n’ya ako ngunit wala akong mabasa dahil blanko lang ang mga mata n’ya.

“Have a seat, I won’t bite,” saad n’ya na nagpapula ng pisngi ko. Para tuloy akong napahiya.

Umupo ako sa may gilid n’ya banda. Pagka upo ko’y nilagyan n’ya agad ng hotdog at itlog yung plato ko. Mas lalo naman akong namula dahil sa kapilyuhang pumapasok sa isip ko. Sus ginoo! Ano ba Xanya magtino ka nga!

“Aah… ako na po, ka-kaya…kaya ko naman,” nauutal kong pahayag bago ko inagaw sa kanya ang panandok.

Binitawan n’ya naman ang sandok at ako na nag patuloy. Tahimik lang akong kumakain nang dumating si Ninette dala ang tasa ng kape. Nagpasalamat naman ako bago tumalikod si Ninette.

“Uhm… excuse me po Sir,” agaw ko sa atensyon n’ya pero mukhang hindi na dahil naka tingin na pala ito sa ‘kin at may hawak s’yang dyaryo sa kanang kamay niya.

“Hmm?”

“Ano po pala ang pangalan n’yo? At tsaka gusto ko lang po sanang magpasalamat sa lahat ng naitulong mo, mamaya rin po ay aalis na ak---“

“Stop right there,” putol niya sa ‘kin, “I don’t discuss matters when I’m having my meal.”

Natahimik naman ako dahil sa pagkapahiya. Tinikom ko na lang ang aking bibig at tinapos na ang pagkain. Naku Xanya wala ka man lang manners sa lamesa!

“Let’s talk about that later,” untag n’ya.

Nauna s’yang matapos at tumayo na, sinundan ko ito ng tingin at lumabas na s’ya ng kusina papuntang sala. Tinapos ko na lang din ang pagkain ko at sumunod na sa kanya. Pagdating ko sa sala ay naka upo na ito sa pang isahang sofa. Minuwestra n’ya ang kamay para maupo ako sa katapat nitong upuan kaya umupo na lang ako do’n. Tuwid na tuwid ang pagkakaupo na tila pinatawag ng nanay ko dahil sa kasalanang nagawa, at hindi maganda ang pakiramdam na iyon.

“So, what are you going to say?” Relax lang s’yang naka upo habang ako ay kabado na sa hindi malamang dahilan.

“A-ano po pala ang pangalan nyo?”

“Wag mo ‘kong i-po, I’m not that old I think to be addressed by po.”

“Uhm, sorry,” hinging paumanhin ko sabay yuko.

“Ezrael.”

“Huh?” Napalingon ako bigla sa kanya at biglang nagtama ang aming mga mata.

‘Di ko alam pero, alam mo ‘yong pakiramdam na tila hinihigop ka ng mga mata n’ya? Gano’n yung nararamdaman ko. Dati pag nagbabasa ako ng mga romance pocket book ‘di ako naniniwala sa mga gano’ng pakiramdam pero iba na pala pag sa ‘yo na nangyari.

“My name is Ezrael,” seryoso itong nakatitig sa ‘kin, ako ang unang nagbitiw sa titigang iyon at yumuko na lamang.

“Ah. Thank you nga pala Sir Ezrael sa pagtulong sa ‘kin at sa pagpapatuloy sa ‘kin dito kagabi. Uhm, naligpit ko na yung mga gamit ko at aalis na rin ako after nito,” paalam ko habang pinaglalaruan ang mga daliring naka-patong sa ‘king mga hita.

“Then where are you going?” tanong n’ya.

“Pupuntahan ko po--- I mean pupuntahan ko yung pag-aapply-an kong trabaho at maghahanap na rin ng matitirahan.”

“U-huh? Then do you think that I won’t ask for a payment from last night”

Dahil sa sinabi n’yang ‘yon ay napa angat ako ng tingin at puno ng pagtataka ko s’yang tiningnan.

“From the moment that I helped you out from that pervert ugly man you were already in debted with me.”

“Ano!” Napatayo naman ako sa gulat.

“Tsss… girls are really hard to handle,” reklamo n’ya sabay hilot sa sintido.

“Sir Ezrael,” buong diin kong bigkas sa pangalan n’ya, “Kung alam ko lang po na hindi pala bukal sa loob mo ang pagtulong sa ‘kin ay sana ‘di mo na lang ako tinulungan at sana wala akong utang sa ‘yo. “Wag ka pong mag-alala pag nagkaroon na ‘ko ng trabaho babayaran naman kita.”

“Tsk! And you think I need your money?” mayabang n’yang tugon.

Huh? Gusto nya ‘kong magbayad ng utang sa kanya pero ‘di n’ya kailangan ng pera ko. Eh anong gusto n’yang ibayad ko? Yung mga libro ko?

“I don’t need money, I have a lot of that one.” Naiinis na ko sa kayabangan nito ah!

“Ano bang gusto mong ibayad ko? Wala naman akong mga ari-aran para ipang bayad sa ‘yo at higit sa lahat wala pa akong trabaho.”

“You...”

Sus ginoo! Ako?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status