LOGINAkala ni Leila, tuluyan na niyang nailibing sa nakaraan ang pagmamahalan nila ni Dylan—ang lalaking minsang naging mundo niya. Ngunit isang araw, bigla na lamang siyang iniwan nito nang walang paalam. Lingid sa kaalaman ni Dylan, nagbunga ang pagmamahalan nila. Lumipas ang ilang taon at pilit na tinanggap ni Leila na hanggang alaala na lang si Dylan. Tahimik niyang binuo ang buhay para sa sarili at sa anak na buong puso niyang minahal. Ngunit muling ginulo ng tadhana ang tahimik niyang mundo nang makapasok siya bilang intern sa isang kilalang kumpanya—ang kumpanyang pagmamay-ari mismo ni Dylan Villareal. Sa muli nilang pagkikita, agad nagtaka si Leila nang tila hindi siya makilala ni Dylan. Ang lalaking minsang naging kabahagi ng kanyang buhay ay tinrato siya na parang isang estranghero lamang. Hanggang sa unti-unti niyang makumpirma na may amnesia si Dylan at wala na itong alaala tungkol sa kanilang nakaraan. Mas lalong naging komplikado ang lahat nang mapansin ni Dylan si Leila. Dahil sa husay at dedikasyon nito sa trabaho, mabilis niya itong ginawang personal assistant mula sa pagiging intern lamang. Unti-unti ring nagsimulang makapukaw ng pansin kay Dylan ang dalagang tahimik ngunit matatag, kahit hindi niya maipaliwanag kung bakit parang pamilyar ito sa kanya. Habang araw-araw silang magkasama, mas lalo siyang naguguluhan sa biglaang emosyon na nararamdaman niya para kay Leila—emotions he cannot explain, yet cannot ignore. Ngunit mas lalo siyang nagulantang nang matuklasan niya na ang batang si Oliver—ang masayahin at nakakatuwang bata na labis niyang kinagigiliwan at kamukhang-kamukha niya—ay anak ni Leila, ang kanyang kasalukuyang sekretarya na unti-unting nakakapukaw ng kanyang pansin. Paano kung malaman ni Dylan na si Leila at Oliver ay bahagi ng kanyang nakaraan na matagal na niyang nawala… at ngayon lang unti-unting bumabalik?
View MoreNakatayo si Dylan sa tabi ng kama ni Oliver, ngunit hindi na ang natutulog na bata ang tinitingnan niya.Si Leila ang kaharap niya.Matagal na niyang gustong itanong iyon. Ngayong alam na niyang may anak siyang hindi niya nakasama, hindi na niya kayang tanggapin ang mga sagot na kulang.“Why did I disappear?”Napatigil si Leila.“Dylan…”“Hindi aksidente lang ang tinatanong ko.”Mabigat ang boses niya.“Alam kong naaksidente ako. Alam kong nawala ang memory ko. Pero bakit bago iyon? Bakit parang may nangyari bago ako tuluyang mawala sa buhay ninyo?”Umiling si Leila.“Hindi na mahalaga.”“It matters to me.”Lumapit siya.“Leila, may anak ako. May buhay akong hindi ko maalala. At ikaw ang tanging taong makapagsasabi sa akin kung ano ang nangyari.”“Hindi ko alam kung makakatulong sa iyo ang malaman.”“Then let me decide that.”Napayuko si Leila.Ayaw niyang sabihin.Hindi dahil gusto niyang protektahan si Celeste.Kundi dahil alam niyang kapag sinabi niya ang buong katotohanan, maaarin
Hindi agad nakasagot si Leila. Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid. Nakatitig lamang si Dylan sa kanya, naghihintay. Sa mga mata nito ay may takot, pag-asa, at isang desperasyong hindi niya kailanman nakitang ganito kalalim. “Is Oliver my son?” Nanginginig ang boses nito. “Tell me he is mine.” Napapikit si Leila. Ilang taon niyang itinago ang katotohanang iyon. Ilang beses niyang pinangarap na balang araw ay siya mismo ang magsasabi kay Dylan. Ngunit hindi niya inakalang darating ang sandaling kailangan niyang sabihin iyon habang nakatingin sa kanya ang lalaking minsan niyang minahal, na ngayon ay unti-unting bumabalik sa kanyang buhay. “Dylan…” “Please.” Lumapit ito. “Please tell me he’s mine.” Matagal siyang hindi nakapagsalita. Sa huli, tumango siya. “Yes.” Isang salita lamang. Ngunit tila huminto ang mundo ni Dylan. “Oliver is your son.” Hindi gumalaw si Dylan. Para bang hindi niya kayang iproseso ang narinig. “My son?” Tuma
Tahimik ang buong sala matapos itanong ni Dylan ang tanong.“Then why did you let me believe you were just someone from work?”Hindi agad nakasagot si Leila.“Because I was afraid,” mahina niyang sagot.“Of what?”“Of losing you again.”Napatingin si Dylan sa kanya.“I already lost you once?”Tumango si Leila.“At hindi ko alam kung paano ko iyon haharapin.”Huminga siya nang malalim.“Kung gusto mong malaman ang tungkol sa atin, sasabihin ko.”Umupo sila sa magkabilang dulo ng sofa.Tahimik na naghihintay si Dylan.“First time kitang nakita sa university,” simula ni Leila.“University?”“Oo.”“Where?”“Sa library.”Napangiti siya nang bahagya.“Late ako noon sa isang presentation. Nagmamadali akong maghanap ng reference book.”“And?”“May isang lalaking nakaharang sa shelf.”“Me?”“Oo. At hindi ka man lang gumalaw.”“Why?”“Dahil nagbabasa ka.”“Sorry.”Napatawa si Leila sa unang pagkakataon.“Hindi ka humingi ng sorry noon. Sa halip, sinabi mong, ‘You could have asked.’”Napailing s
“Mom?”Hindi gumalaw si Celeste.Nakatayo lamang ito sa balcony, hawak pa rin ang cellphone, habang nakatitig kay Dylan na para bang sinusubukan nitong alamin kung gaano na karami ang narinig niya.“Did you just say Leila?”“Yes,” sagot ni Dylan. “I did.”“Hindi iyon ang iniisip mo.”“Then tell me what I should think.”Lumapit siya.“Bakit mo sinabi na may nangyari sa amin?”Napabuntong-hininga si Celeste.“Dylan, pagod ka. Kakagaling mo lang sa ospital. Hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan ang mga bagay na hindi mo pa kayang intindihin.”“Stop saying that.”Matalim ang tingin niya.“Everyone keeps telling me that I’m not ready. The doctors. Leila. And now you.”“Dahil kailangan mong magpahinga.”“No.”Umiling siya.“Ang kailangan ko ay katotohanan.”Tahimik si Celeste.“Did Leila and I know each other before my accident?”“Yes.”“Friends?”Bahagyang nag-atubili si Celeste.“Yes.”Napakunot ang noo ni Dylan.“Just friends?”Hindi agad sumagot ang kanyang ina.At sapat na ang k
Kinagabihan, hindi sinasadyang ikwento ni Dylan si Leila.Nasa isang bar siya kasama si Marco, kaibigan niyang sanay nang makinig sa mga random biglang iniisip ni Dylan na biglang nagiging interesting.“May bago na naman ba tayong i-ooverthink ngayon?” agad na bungad ni Marco habang umiinom.Hindi
Kinabukasan, nakatayo si Leila sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang mahimbing na tulog ng anak. Bahagyang nakaawang ang maliit nitong labi habang yakap ang paborito nitong maliit na unan. At gaya ng dati… hindi niya maiwasang mapatitig. “Hay naku…” mahina niyang bulong habang nakapamewang. “
Nanatiling nakahawak si Dylan sa sentido habang pilit inaayos ang mabigat na pakiramdam sa ulo niya.Isang babae.Mainit na yakap.Masayang tawa.At isang pakiramdam na tila matagal na niyang hinahanap.Mariin siyang napapikit.What the hell was that?Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay habang pil
Fine,” bulong niya sa sarili habang pilit pinipigilan ang sakit sa dibdib. “If that’s how you want to play it…” Tahimik na nagsara ang pinto ng opisina sa likod niya. Ngunit pagkalabas na pagkalabas ni Leila sa executive floor, saka niya lang tuluyang nailabas ang mabigat na hininga na kanina pa
![Damn You! I'm A Girl! [Completed]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore