Habang sakay ng jeep ay parang ewan na iniisip ko parin ang estrangherong lalaking iyon.At bakit nakalimutan ko talaga siyang komprotahin sa ginawa nitong paghalik sa akin .Ano na lang iniisip noon sa'kin ngayon?
At tama bang may konting kilig at kiliti na hatid sa'kin kapag naalala ko ang pagdampi ng labi niya sa akin?Tulad ngayon na ramdam ko pa kung paano ang pakiramdam ng nakadikit ang labi niya sa'kin ,hindi ito tama ang sabi ko sa sarili mali na maramdaman ko ito sa isang taong hindi ko pa man lubusang kilala . Lalo't kung tutuusin ay isa pang pangahas na nagnakaw ng unang halik ko pa mandin . Oh siguro dahil naaalala ko sa kaniyang mukha ang isang batang lalaking matagal ng nakatatak sa aking isipan at may maliit na bahagi sa aking puso . Si Jefferson Alcantara . Isa sa anak ng dating amo ni Nanay bago ang kung saan ako nagtatrabaho ngayon .Bago manilbihan sa aking pinapasukan ngayon si Nanay ay naalala kong sa mga Alcantara kami nakatira . Sa pagkakatanda ko hindi naman talaga kami mahirap noon ,sa katunayan nakatira kami sa isang malaking bahay at sa isang kompanya nagtatrabaho ang Tatay ko,na doon ay minsan na rin akong isinama. Ngunit ng nasa anim na taong gulang na ako ay nangyari ang pinakamasakit na bagay na hindi namin inasahan ,namatay ang Tatay ko .Nabalitaan na lang namin na wala na siya at walang-awang binaril ng hindi namin malaman na kung sino. Ang sabi ni Nanay gawa ng isang taong may inggit sa Tatay. Mula noong nawala samin si Tatay ay unti-unti na ring nawala ang kung anong mayroon kami.Maging ang bahay na tinitirhan namin. Nang araw na pinalayas kami ay wala kaming nagawa kung hindi magpalaboy-laboy sa kalsada at walang matuluyan.Nandoong hindi na rin kami makakain dahil hindi pa makahanap ng maaring pasukan si Nanay ,tanging sa mga may pusong nagbibigay ng limos sa amin noon kami nakakaraos ng bawat araw namin. Isang araw ay may nakita akong kausap si Nanay , isang ginang na ka-edad niya ,mukhang mayaman at mabait naman. Mula noon ay sumama na kami ni Nanay sa kaniya at tumira sa kanila kapalit ng pagtatrabaho bilang katulong ni Nanay . At kapag walang pasok ay pinatutulong rin ako sa mga gawaing bahay at naging malapit na kalaro ng anak nilang lalaki . Naaalala ko pa na may dalawang batang babae na kapatid pa ito . Madalas noon ay nasa ibang bansa ang mga magulang nila para sa pagpapalago ng kanilang negosyo,at lagi na'y kalaro ko sila. Ngunit may isang bagay na hindi ko makakalimutan kapag nandiyan ang magulang nila Jefferson lalo na ang kanilang ama ay pinagsasabihan ako ni Nanay na huwag munang makipaglaro sa kanila dahil lagi na ang pagiging masungit at tila galit na trato nito sa kanilang dalawa ng Nanay niya . At tanda niya na isang araw ay pinalayas sila ng Senyor at walang nagawa kung hindi na lang umalis at muling manirahan sa kalsada .Mabuti na lang at may isang kaibigan na nakilala si Nanay at doon ay inirekomenda sa kung saan siya nagtatrabaho na siyang pinagtatrabauhan kona nga rin ngayon . Sa musmos kong isipan ay hindi ko alam kung bakit hindi ko nakalimutan si Jefferson marahil dahil sa isa siya sa naging mabait kahit may pagkamasungit na batang lalaki na nakilala ko.Siya lang din ang naituring kong kaibigan dahil wala rin naman akong nakilalang ibang bata . Napailing na lang ako sa sarili dahil sa ang layo na pala ng tinakbo ng utak ko .Nagulat pa ako ng makita na bumababa na ang lahat ng mga nakasakay sa jeep na sinasakyan ko.Bumaba na rin ako at naglakad para marating ang paradahan ng mga tricycle para makauwi . Tinignan ko ang oras sa cellphone at sobrang nanlaki ang mata ko dahil magaalas-otso na lang pala .Lagot ako nito panigurado kay Marisse . Pagkaparada ng tricycle na sinakyan ko sa mansiyon ng mga Salcedo ay nagmamadali akong bumaba nakapagbayad na naman na ako kanina pa.Dumiretso kaagad sa maid's quarter at nagbihis pagkatapos ay nagmamadali na namang pumunta ng kuwarto ni Senyorita . Pupunta na sana ako sa kuwarto ni Senyorita Marisse ng may marinig ako nagsalita sa likuran ko "Bakit ngayon ka lang alam mo namang kabilin-bilinan sayo ni Senyorita Marisse na ikaw ang maglalaba ng mga uniform niya ?Lalo kana namang pagiinitan non"ang pabulong na sabi sa kaniya ni Leslie ,isang katulong din na nakapalagayan na niya ng loob mas bata lang ng tatlong taon sa kaniya . "May nangyari kasi-"ang salita ko na balak sanang magkuwento subalit natigilan dahil naisip kung tama ba na ikuwento ko sa kaniya ang nangyari kanina basta pa naman may pagkamadaldal itong isang 'to . "Anong nangyari ?"ang tanong na nga niya na may pakalabit pa ng hindi na ako nagsalita ",teka bakit parang nagba-blush ka yata ?Hoy ano yan ,huwag mong sabihin na nakita muna si bebe mo?"ang tanong niya sa'kin na tila kitikiti na kinikiliti na nagpipigil ng kilig . Dahil matagal na kaming magkakilala at tinuturing na ring kaibigan ay nagawa kona ring ikuwento sa kaniya ang tungkol sa kay Jefferson,na siya pang nagpangalan na bebe ko daw . "Wow at ngayon lang dumating ang mabait na katulong .Alam mo ba kung anong oras na ,ha Ella ,bakit ngayon ka lang?"ang pasupladang bungad na nga sa'kin ni Senyorita Marisse ang anak ng mga amo ko . "Pasensiya na Senyorita marami lang akong tapusin sa school kanina at medyo tinraffic ." "At ikaw anong ginagawa mopa rito ,hindi ba't nagluluto ka ?"napaismid na lang siya sa sinabi ko at sunod na tumingin kay Leslie . "Babalik na nga po , Senyorita."at pumunta na nga si Leslie sa kusina kahit nasa hitsura nito na ayaw akong iwan alam kasi niya na may pagkamaldita lalo na sa'kin ito. "Ikaw sa tingin mo palalampasin ko ang ginawa mo .At sa tingin mo maniniwala ako sayo ,pinagaaral kana nga nila Mommy ay nagagawa mo pang maglakwatsa .Pumunta kana ngayon din sa kuwarto ko at umpisahan mo ng labhan ang mga damit sa laundry basket ."Ang sabi niya sa'kin na pailing-iling ",at huwag kang gagamit ng washing machine . Napabuntunghininga na lang ako ng makita siyang lumabas ,mukhang wala na naman ang magulang niya kaya ganito kalakas ang loob na utusan ako . Pagkatapos kong maglaba ng halos sangkatutak nitong damit ay magpapahinga na sana ako at alas-onse na rin naman pero pinuntahan ako ulit ni Senyorita Marisse at galit na itinulak ako mabuti ay sa kama ako bumagsak . "Kanina pa'ko naghihintay.Its already 11 gutom na'ko bakit hindi mo'ko dinalhan ng pagkain sa kuwarto ?" "Pero hindi mo naman sinabi iyon sa akin kanina,Senyorita ." "Hindi pa ba malinaw sayo na personal maid kita at Isa sa trabaho ang siguraduhin mong maasikaso ako ng maayos .Kailangan kopa bang sabihin sayo iyon?"ang sabi niya at idinuro pa ko sa may ulo . Kaya kahit pagod na ay dinalhan kona lang siya ng pagkain sa kuwarto niya para wala ng gulo .Pero papasok kopa lang ang tray ng pagkain ng isa-isa niyang itapon sa sahig ang mga dala ko . "Oops sorry natapon "sabi nito na nakangisi samantalang ako hindi na maipinta ang mukha sa inis sa ginawa niya ",linisin mona lang yan kanina pa kita hinihintay kaya bumaba nko at kumain."at umupo na lang siya sa kama nito at nagcellphone na may tinatagong ngisi sa labi . Napakagat na lang ako ng labi dahil sa inis hindi na talaga maalis sa ugali ni Marisse ang mga ganito .Uutusan ako hindi dahil sa kailangan niya kung hindi dahil sa gusto niya lang akong inisin at pagurin. Pero kailangan kong magtiis dahil wala kaming mapupuntahan at maasahan ni Nanay kung hindi ang sweldo ko dito .I swear kanina pa ko nababagot at hindi makuhang pumasok ng kung ano mang tinuturo ng prof namin sa harapan .Isa lang ang gusto kong gawin at iyon ay ang makasama na si Ella . Kaya ng matapos na ang oras ng subject na ito at time na for lunch ay nagmamadali akong tumayo para na sana lumabas ng harangan ako ni Marisse . "Care to have lunch with me ?"at nginitian ako ng mapang-akit.Yeah I admit that Marisse is one that have beautiful face in the university .Malakas ang dating at karisma ,pero para sa akin wala ng mas gaganda pa sa girlfriend ko . Ella is somehow different sa mga babae na nakasalamuha kona ,innocent looking pero may pagka-naughty.And maybe that's what make me more attracted to her . "Sorry pero may kasama ako ."I said at huli na ng ma-realize ko na hindi ko nga pala dapat sinabi iyon . "Sino ang muchacha naming si Ella ?"ang una ay galit ngunit napalitan ng pangaasar na turan niya . "I don't think I need to tell you kung sino pa ang kasama ko ."ang salita at ti
Jeff 's P O V Lahat ng inis at tampo na naramdaman ko kahapon ay unti-unti na lang nawawala.Makita ko lang siya lalo na at kahit isang kiss lang ni Ella wala na ,okay na ako limot na lahat . Akala ko kaya kong matagal na magtampo pero hindi pala ,makita ko lang siyang walang kibo tulad ngayon ay lumalambot na ang puso ko . "Morning babe ."she said .F*ck the way she said it with her playful smile and a voice not intentionaly but sounds seductive , made me cringed and wanting for more to kiss her . Kaya hinalikan ko nga siya .And sh*t hearing her moan makes me so turn on ,that I never felt to anyone that I'd kiss before . Oo nga pala ,hindi nga pala ako ang humahalik sa "mga babae "kung hindi sila .At sobrang kinaiinis ko iyon noon palagi .I don't want how their lips taste pero pagdating kay Ella iba hindi nakakasawa ,kung hindi ayaw ko ng tigilan nakakaadik pa nga . Mula nga ng makilala at maging malapit kami ni Ella ay hindi na'ko nag-entertain ng mga iyon. Pilit at lagi k
"So ikinakahiya mo na malaman nilang isang tulad ko ang boyfriend mo ,iyon ba yon?"Nanlaki na lang ang mga mata ko na halos hindi makapaniwala kung bakit ganoon ang lumabas sa bibig at bakit ganoon ang iniisip niya . Dahil kung tutuusin malayo o kabaligtaran iyon sa kung anong naiisip kong dahilan .Ayoko lang namang siyang mas lalong tuksuhin lalo na kung gagawin at ipapakita niya na kami na talaga ,dahil sa kung anong katayuan ko sa buhay .Ayoko ring dumating sa punto na ayawan niya ko dahil kapag maraming makaaalam na kami ay paniguradong marami ang tututol .Ngayon pa nga lang na hindi kopa nga kinokompirma eh ganoon na ang nangyayari paano kapag nalaman pa na kami na nga . At saka pangarap ko kaya to ,pangarap ko siya noon pa .At sobrang laki ng pasasalamat ko dahil pinagbigyan ako ng tadhana na magkita kami muli ,kaya talagang hindi ko maiisip ang ganoon . Kita ko pa rin ang paglukot ng mukha niya at pagkainis doon na tila hindi masabi ang kung ano mang kinikimkim na sama ng
Hanggang ngayon na halos dalawang oras na ang natapos ng muntikan ko ng pagkalunod ay hindi sobrang nanlalata pa rin ako . Iniisip na mabuti at naroon si Senyorito at nailigtas ako .Ano na lang ang mangyayari kung sakali na wala siya , maaaring pinaglalamayan na ako dahil siguradong wala namang magiisip na magligtas sa'kin. Kung nangyari iyon paano na lang si Nanay .Hindi ko napigilan ang umiyak .Dahil sa bumabalik sa alaalang dahilan kung bakit nangyari sa'kin ito . Nasa ganoon akong pagiisip ng bumukas ang pinto ng maid's quarter at pumasok si Senyorito,kita ko sa mukha at mata niya ay hindi mailarawan na kaba at pagaalala habang nakatingin sa akin .At labis kong ikinagulat ng walang anu-ano'y niyakap na lang niya ko mahigpit . "You okay now ?Hindi mo lang alam kung gaano ako nagalala sayo ,every seconds that I'm trying to revive you feels a lifetime for me ."ang madamdaming sabi niya habang mahigpit pa rin ang pagyakap sa'kin .Hindi kona nagawang yumakap pabalik dahil sa n
Ella's P O V "Ikaw ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"ang nanlilisik na matang tanong ni Senyorita Marisse sa akin ng magpang-abot kami sa kusina .Kasalukuyang naghahain na ako para sa kaniyang pananghalian . "Anong iyon Senyorita?"sa hitsura niya ngayon ay tila hindi ko gusto ang patutunguhan ng paguusap naming ito. "Una kay Dilan ,pinahiya mo siya sa school .At ngayon naman umeeksena ka rin kay Jeff."ang gigil na sabi niya . "Pero Senyorita hindi ko ginustong ipahiya si Dilan at totoo na may balak siyang hindi maganda sa akin." At sa sinabi ko ay tinitigan ako ng nakataas kilay.Para siyang nakarinig ng joke at tumawa ,tawang nakakainsulto nga lang "Wow just wow at anong akala mo sa kaibigan ko papatol sa isang kagaya mo?" "Bahala ka kung ayaw mong maniwala."ang sinabi kona lang at pinagpatuloy ang paghahanda . "But I don't really care about him .It's about Jeff ,ano ang mayroon kayo?"ang tanong niya na nagpa-angat ng tingin ko sa kaniya . "Ahmm- ah Senyorita bakit mo
"Kahit kailan talaga hindi kana nagbago ,siguradong ubos ang lahat ng gamit kapag gumana yang pagiging mainitin ng ulo mo "umiiling at matalim ang matang sabi niya na ipinagkrus ang kaniyang mga braso sa baba ng dibdib ",at talagang pati mga vase na collection ko ay hindi mo pinatawad ."pasigaw na sabi niya ng makita ang isa na nakatumba at may badag na . "Bakit ka umuwi?"ang naisipan kong itanong .Wala naman akong masamang ibig sabihin doon pero heto at nakatanggap na naman ako ng malakas na batok sa kaniya ",aray naman ."ang nasabi ko habang himas ko ang nasaktan batok kahit kailan talaga ay napakasadista niya . "Ano pa nga ba dahil na naman sayo ."at umupo nga ito sa upuan kaharap ko .Itinaas ang isang kilay ",bakit hindi ka nagingat ?" Kumunot ang noo ko dahil hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin at nang ilabas niya ang cellphone at ipanood sa akin ang video ng nangyari kagabi ay labis akong nagulat .Hindi kona naisip na maari nga palang kumalat na iyon ngayon .Malaking k