LOGINShe ran away from her past and he's the only way out. Sa isang malamig na gabi sa gitna ng malamig na kalsada , nilabanan ni Alexa ang takot upang takasan ang napipintong kalbaryo ng buhay niya. Balak lang naman siyang ipakasal ng tiyuhin niya sa isang matandang bilyonaryo na pinagkakautangan nito. Sa gitna ng kanyang pagtakas , muntik na siyang masagaan ng minamanehong sasakyan ni Lucas. Nangpanggap siyang nasaktan at nawalan ng alaala. Walang nagawa si Lucas kundi ang kupkupin siya at sa maikling panahon na nakasama niya ito ay sumibol ang isang damdamin na hindi niya inasahan. Pero paano kung kailan nahulog na ang loob niya sa lalaki ay madiskubre niyang may kinalaman ito sa sa taong tahasan niyang tinakasan?
View MoreANG PAGLALAYAS
“Magno, hindi mo pwedeng gawin ‘to!" Naalimpungatan si Alexa sa lakas ng boses na narinig niya. Dinig niyang nagtatalo na naman ang tiyo at tiya niya. “Wala na akong ibang choice Lisa, si Alexa lang ang huling baraha ko. Siya ang hininging kapalit ng matanda kapalit ng malaking halagang naipatalo ko sa sugal.” Dumagundong ang dibdib niya nang marinig ang pangalan niya. Pupungas-pungas siyang bumangon at lumapit sa pinto upang makinig sa pinag-uusapan ng dalawa. “Pero Magno, hindi p'wede! Bata pa siya, at nag-aaral pa, marami pa siyang pangarap sa buhay. At isa pa pamangkin mo siya, kaya mo bang ipamigay siya kapalit ng pagkakautang mo?” dinig niyang tutol ng tiya Lisa niya. Mula nang iwan siya nang nanay niya sa mga ito noong sampong taong gulang siya, ang tiyo Magno at tiya Lisa niya na ang nangalaga sa kanya. Anak kasi siya ng nanay niya sa pagkadalaga, at hindi man lang niya kilala kung sino ang tunay niyang ama. “Hindi na siya bata Lisa, dise otso anyos na siya, at isa pa magiging maganda ang buhay niya, ubod nang yaman ang matanda, siguradong magbubuhay prinsesa siya pag nagkataon. Mabuti nga at nagustuhan siya ng matanda para sa apo nito, kung hindi baka sa kulungan ako babagsak.” Dahil sa narinig ay nanindig ang balahibo niya. Napahulikpkip siya at laylay ang mga balikat na naupo sa gilid ng kanyang kama. “Bukas na bukas din, dalhin ko siya sa mansion ng matanda. At huwag na huwag mo akong pigilan, dahil malilintik*n ka sa akin,” maawtoridad na saad ng tiyo Magno niya. “Pero Magno—-” “Tumahimik ka na! Ayaw ko nang marinig ang pagtutol mo, wala ka nang magagawa, buo na ang pasya ko. Isa pa maaambunan din tayo nang grasya pag naikasal na si Alexa sa apo ng matanda.” Noon pa man boses ng tiyo Magno niya ang laging nasusunod sa pamamahay nila. “Hindi maari, ayaw pa niyang mag-asawa, lalo pa at hindi naman niya kilala ang taong papakasalan niya. May nabuong pasya sa isip niya. Lalayas siya, tatakasan niya ang tiyo Magno niya.” Dali-dali siyang kumuha ng maleta at naglagay ng mga damit, pati na rin ang mga personal na gamit niya. Pinagdugtong-dugtong niya ang mga kumot at ikinabit sa bintana. Doon siya dadaan para makatakas. Napahinto siya sa ginagawa nang makarinig ng mga yabag papalapit sa pinto, dala ang maleta ay nagtago siya sa ilalim ng kama. Narinig niya ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng tiyo Magno niya. “Nalintik*n na! Galit na sigaw ng tiyo Magno niya nang makitang walang tao sa loob ng kwarto niya. Lalo pa at nakita nito ang buhol-buhol na kumot na nakalaylay pababa ng bintana. “ Lisa! Halika ka nga rito! Tinakasan tayo ni Alexa, narinig yata ang pagtatalo natin kanina.” “Bakit ka sumisigaw? Anong nangyari? balisang tanong ng tiya niya. “Lumayas si Alexa! Tingnan mo, dito siya dumaan sa bintana. Lint*k na batang yun, bibigyan pa ako nang sakit ng ulo. Halika, at baka hindi pa nakalayo yun. Buwis*t! Mananagot ako sa matanda nito.” Malalaki ang mga hakbang na lumabas ang mga ito sa kwarto niya. Nang marinig niya na pag-alis ng sasakyan, saka pa lamang siya lumabas sa ilalim ng kama. “Diyos ko, tulungan niyo po ako,” piping dalangin niya, habang binabagtas ang madilim na daan. Hindi niya alam kung saan siya tutungo, ang gusto niya lang ay makaalis sa lugar na iyon. SAMANTALA, hindi makapaniwala si Lucas sa sinabi ng Lolo Marcus niya. Gusto nitong pakasalan niya ang babaeng napipisil nito para sa kanya, kapalit ng mamanahin niya. “Lolo naman! That is so unfair! Ayoko na kung sino-sinong babae lang na napulot niyo ang mapapangasawa ko.” “Lucas, maniwala ka sa akin, siya ang babaeng nababagay sa'yo. Kaysa naman doon sa mga babaeng nakakarelasyon mo, na sa tingin ko ay hindi mga matino. Puro kaartihan lang ang alam. Ayokong mapunta sa wala ang mga pinaghirapan ko.” “Lo, alam niyo namang hindi ganoon kadali ang gusto niyo. At isa pa, bakit naman kayo nagmamadali, balang araw mag-aasawa rin ako. Masyado pa akong busy sa pagpatakbo ng business natin.” “Kailan pa, pag hindi na ako humihinga? Nakung bata ka, gusto ko bago ako mawala sa mundo ay makita kong may pamilya kana, at nang mapanatag naman ang kaluluwa ko sa kabilang mundo.” “Lolo naman kung makapagsalita kayo parang may taning na ang buhay niyo. Sa nakikita ko malakas pa kayo sa kalabaw. Mahaba pa ang buhay niyo.” “Lokong bata to! Ah basta buo na ang desisyon ko, bukas makikilala mo na ang mapapangasawa mo.” “Lolo, babalik na ako ng Maynila, tapos na ang bakasyon ko. In fact, nasa sasakyan na ang mga gamit ko, aalis na ako mamaya. Hindi pwede—- Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang biglang tumunog ang cellphone nito. “Ano? Ay hanapin mo? Hindi pwedeng mawala siya, mananagot ka sa akin pag di mo siya mahanap.” galit na wika ng Lolo niya, sa kausap nito sa kabilang linya. “Lo, what happened? takang tanong niya. “Yung magiging asawa mo lumayas sa kanila, nalaman yatang pinagpaplanuhan siya nang tiyo niya. Sana makita nila, siya pa naman ang gusto ko para sa'yo.” “ Lo, matanong ko lang, gaano niyo ba kakilala ang babaeng yan, at siya ang napipisil niyo para sa akin? “ “Ay, napakbait na bata yon, magalang, at maalalahanin. Scholar siya sa paaralan natin. Hindi niya alam na ako ang may-ari nang paaralan. Minsang napadaan ako dun, biglang sumama ang pakiramdam ko. Hindi man lang siyang nag-alangan na alalayan ako. Binilhan pa ako nang meryende, ang akala niya ordinaryong matanda lang ako. Mula noon, sinubaybayan ko siya, at nakita ko kung gaano kabuti ang puso niya. Sa tuwing magkikita kami, magiliw siya sa akin. Kaya gusto ko siyang maging apo, at isa lang ang paraang alam ko.” “Ang ipakasal siya sa akin?” dugtong niya sa sasabihin nito. “Ganoon na nga! Hay, sana mahanap na siya, nang sa ganun magkita na kayo.” Napabuntong hininga pa ito. Batid niya ang pagka dismaya sa boses nito. “Sa tingin ko Lo, siguro hindi pa ito ang tamang panahon para magkita kami. Babalik na lang ako dito pag nahanap na siya. May maagang meeting pa ako bukas, babalik muna ako ng Maynila” Nagpaalam na siya rito, kahit pa alam niyang ayaw pa siya nitong pakawalan. “Siguraduhin mong babalik ka! Kung hindi ay wala kang mamanahin sa akin,” pahabol pa nitong wika sa kanya. —---The next morning, maagang nagising si Lucas. Napangiti siya nang mapansing mahimbing pa ring natutulog si Lexie habang nakayakap sa kanya. She looked so peaceful, her face relaxed against his chest, as if she had no worries in the world.Marahan niya itong hinalikan sa noo bago dahan-dahang inalis ang kamay nitong nakayakap sa kanya. Maingat siyang bumangon upang hindi magising ang asawa.He didn't want to wake her up just yet. Maaga pa naman, and she could use a little more sleep.Pagkatapos maligo, dumiretso siya sa kitchen at naghanda ng simpleng almusal. He toasted some bread, fried a couple of eggs and bacon, then prepared two cups of coffee.Hindi man siya eksperto sa pagluluto, gusto niyang kahit sa simpleng paraan ay maiparamdam kay Lexie na inaalagaan niya ito.Ngunit pagpasok niya sa kuwarto, napansin niyang wala na ito sa kama.Napatingin siya sa nakasarang pinto ng banyo. Mula roon ay naririnig niya ang malakas na lagaslas ng tubig.Bahagya siyang napailing bago naupo sa g
Napahawak nang mahigpit si Lexie sa leeg ni Lucas habang patuloy itong naglalakad patungo sa banyo."Lucas, honey, you're scaring me a little," mahina niyang bulong, pilit na itinatago ang kaba sa boses.Agad na huminto si Lucas. He looked at her, his dark eyes searching hers. Sa isang iglap isang pilyong ngiti ang namumutawi sa mga labi ng lalaki."Am I?" anas nito sa tenga niya.Tumango siya nang bahagya at medyo uminit ang kanyang pisngi."M-medyo."Mapaglarong ngumiti si Lucas at bahagya itong yumuko at hinalikan ang kanyang noo."Then tell me to stop honey and I will.”Napakurap si Lexie. Iyon ang hindi niya inaasahan. Sa kabila ng kakaibang dominanteng kilos nito, naroon pa rin ang lalaking minahal niya, ang lalaking hindi siya pipilitin sa isang bagay na hindi niya gusto. Dahan-siyang napangiti habang nakatingala rito."I didn't say I wanted you to stop,” sagot niya, biglang pumasok ang kapilyahan sa kanyang utak.Bahagyang tumaas ang kilay ni Lucas sa kanyang sagot."Oh? So,
“Do you want some pain killer Sir Lucas?” agad na wika ng sekretarya ni Lucas kaya napabaling si Lexie dito. Kunting-kunti na lang talaga at mapipiktusan na niya ito. Acting so concern at efficient pero siya lang ang nakakaalam na may hidden agenda ito. Alam niyang may gusto ito kay Lucas na tahasang inamin nito sa kanya noon. Ngayong alam niya na may pagtingin ito sa asawa niya, hindi niya hahayaang makipaglandian ito kay Lucas habang nakatingin siya. “No need, ako na ang bahala sa asawa ko,” idiin pa niya ang salitang asawa sa huli, marking her territory, gusto niyang ipahiwatig dito na sa kanya si Lucas at siya lang ang may katapatang alagaan ito. “Lucas honey, maybe you are just too tired, hayaan mo, pagdating natin sa bahay bibigyan kita ng bonggang masahe, a total massage, mula ulo hanggang paa, di ba gustong-gusto mo yun?” malambing na wika niya sa asawa at hinaplos pa ang braso nito. Gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi Lucas sa turan ng asawa. “I can't wait to get
Palabas na si Lucas ng kompanya ng pahabol siyang tawagin ni Maricel.“Anong nangyari sa'yo, why you are such in a hurry? At bakit puno ng pawis iyang mukha mo?” kunot noong tanong ni Lucas sa sekretarya na hingal na hingal habang humahakbang palapit sa kanya.Huminga muna ito ng malalim bago sumagot. She's been faking it, mukhang pawisan at pagod para maantig ang puso ni Lucas. Ang totoo binasa niya lang ng tubig ang buong mukha at iilang parte ng nakalugay niyang buhok para mag mukha itong pawis.“Pasensya ka na Sir Lucas, may sira yata ang kotse ko at ayaw mag-start. Sinubukan kung kalikutin pero wala eh, ayaw pa ring umandar. Baka naman pwedeng makisabay sa inyo at on the way naman yung apartment ko?”Walang anlinlanlangan na sumagot agad si Lucas.“Sure, pero kailangan ko munang sunduin si Lexie sa University before I can drop you home, do you mind?”Sa bait ni Lucas sigurado siyang hindi siya kaya nitong tanggihan. Nakaplano na ang mga kilos niya para mapalapit kay Lexie at
Alas nuebe na nang gabi, ay wala pa rin si Lucas, inaatake na ang antok si Alexa ngunit hindi pa niya magawang matulog. Hinihintay pa niya ang pagdating ni Lucas. Nasa meeting ito kasama ang mga investor at ang sekretarya nitong si Maricel.“Ba’t ang tagal nila,” pagmamaktol pa niya.Umupo siya sa
Habang naghihintay sa opisina ni Lucas, ay hindi niya maisawasang maalala ni Alexa ang tiya at tiyo niya.“Kumusta na kaya sila? Hanggang ngayon ba ay hinahanap pa rin nila ako? Pasensya na po kayo tiya, tiyo, kung nagawa kong tumakas. Hayaan ninyo balang araw babalik din ako, at umaasa akong sa pa
Magno! Anong gagawin natin, hindi pa rin natin nahanap si Alexa, baka napaano na ang batang yun, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may masamang nangyari sa kanya.” Puno nang pag-alala ang boses ni Lisa.“Nag-iisip ako Lisa, ginigipit na ako nang matanda, bakit ba kasi tayo pinahihirapan ng bab
ANG PAGTATAGPOMagkahalong lungkot at takot ang nadarama ni Alexa habang bitbit ang maleta habang tumatawid sa madilim na kalsada. Nalulungkot siyang lisanin ang lugar na kanyang kinalakihan, ngunit natatakot naman siyang manatili para maikasal sa kung sinong tao na hindi niya kilala.“Ayyyyyy!” b












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.