Share

Chapter 9

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nanatili ni Dmitri sa gano’ng posisyon. Pero pagkatapos ng ilang sandali ay siya na rin mismo ang kumawala sa yakap at ngumiti pa siya sa akin.

“Pasensiya ka na, Ali…” mababa ang boses na saad pa niya kaya mabilis akong umiling.

“Hindi, Dim. Okay lang. Nag-aalala ako sa ’yo,” sagot ko naman.

Tipid siyang ngumiti bago naglakad papunta sa papag, tapos ay umupo siya roon. Marahan pa niyang tinapik ang puwesto sa tabi niya kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya at umupo rin sa tabi niya.

“I wasn’t hurt, Ali. I was disappointed,” marahang saad niya.

“Hindi ako naniniwala na hindi ka nasaktan, Dim. Kahit na hindi mo aminin ay alam kong nasaktan at nasasaktan ka pa rin,” sagot ko naman kaya mahina siyang natawa.

“Pagod na akong mag-isip,” seryosong sagot naman niya pagkatapos. “After more than two years, I tried to court her again hoping that I’ll be able to
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status