Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang kami saglit bago tumambay sa sala nila para makapagkuwentuhan muna. Ang dami nga naming napag-usapan. Sobrang dami kong nalaman tungkol sa kanila.
Nakakatuwa kasi ramdam na ramdam ko ang mainit nilang pagtanggap sa akin bilang kaibigan ng mga anak nila. Hindi ko na rin matandaan kung ilang beses kong sinabi pero sobrang suwerte nina Drake at Dmitri at sila ang pamilyang nakapili sa kanila.
Pagkatapos naman ng ilang minutong pakikipagkuwentuhan kasama sila ay nagpasya sila na magpahinga na dahil maaga pa raw silang aalis bukas. Kaya naman iniwan na nila kami ni Dmitri sa sala.
“Do you want to see my room?” nakangiting tanong ni Dim sa akin matapos ang ilang segundong katahimikan sa pagitan naming dalawa.
“Okay lang ba?” tanong ko naman kaya mabilis siyang tumango.
“Of course, Ali,” nakangiti pa rin na sagot niya. “Let’s go,” anyaya pa niya at tumayo na mula sa sofa.
Hindi naman ako nagdalawang isip na tumayo na rin at sundan siya sa paglalakad. Medyo nalula pa nga ako nang nasa hagdan na kami, masyado kasing mataas ito.
Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa harap ng isang malaking pinto. Binuksan niya iyon at agad ulit akong namangha nang makita ang loob ng silid.
“Grabe, ang laki ng kuwarto mo! Eh, parang iyong buong convention hall na sa bahay ampunan,” hindi pa rin makapaniwalang saad ko.
Napangiti pa ako nang makita kung ano ang nasa bedside table niya. Iyon ang picture naming tatlo nina Drake noong birthday ko. Iyon ang kauna unahang picture na kuha mula sa cellphone na regalo nila sa akin. Naalala ko na pinapasa nga pala niya iyon sa akin bago sila umalis no’ng araw na iyon.
“Dito sa veranda, maganda ang view kapag gabi,” saad niya tapos ay agad na naglakad papunta sa isang sliding door.
Binuksan niya iyon kaya sumunod ulit ako sa kanya. Napangiti ako nang makita na matatanaw mula doon ang malaki at malawak nilang swimming pool.
Bukod pa ro’n ay kita rin ang labas, tanaw ang ilang bahay sa subdivision nila at ang maraming ilaw sa daan. Para ring mas naging malapit kami sa langit kasi parang mas tanaw ang maraming bituin sa kalangitan.
“Hindi ba’t matatapos na kayo sa apat na taong kurso ngayong taon?” tanong ko habang pareho kaming nakaduwang sa railings ng balkonahe.
“Oo,” sagot naman niya.
“Mabuti pa kayo,” saad ko ulit. “Ako kasi dalawang taon pa,” dagdag ko pa.
“Mabilis lang naman ang panahon. Atsaka i-enjoy mo lang. Darating ang araw na trabaho naman ang iisipin mo. Iyon ang totoong buhay, hindi ang pag-aaral,” sagot naman niya kaya bahagya akong tumango.
Totoo naman ang sinabi niya. Hindi natatapos ang buhay sa pagtatapos sa pag-aaral. Pagkatapos kasi no’n ay kailangan pang humanap ng trabaho para mabuhay. At doon pa lang nagsisimula ang totoong buhay ng isang tao.
Kapag kasi dumating ang oras na iyon, kahit na gaano natin maisip at maramdaman ang pagod ay alam natin na kailangan nating magpatuloy.
“Malapit lang din pala ang bahay niyo sa university na pinapasukan ko. Sa tingin mo okay lang ba na pasyalan ko kayo rito minsan o ang mga magulang mo kahit na wala kayo?” tanong ko pa.
“Oo naman,” sagot ulit niya. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Mom? Welcome ka rito kahit na anong oras,” dagdag pa niya.
Napalingon naman ako sa kanya at napansin ko na nakatitig pala siya sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na lang iyon binigyan ng pansin.
“Thank you, Dim,” saad ko.
“Para saan?” tanong naman niya.
“Thank you kasi sinama mo ako rito. Alam mo ba, sobrang saya ko na makilala ang dalawang tao na nagbigay sa inyo ng isang buong pamilya. Tapos ang sarap sa feeling na makasama at makasabay silang kumain. Pakiramdam ko may buong pamilya rin ako,” mahabang sagot ko naman.
“Eh, kung dito ka na muna kaya pansamantala?” tanong niya na siyang ikinagulat ko.
“Ha? Bakit naman?” tanong ko.
“Kasi malayo ang bahay ampunan sa university. Hindi ba nasa forty to fifty minutes ang biyahe pauwi? Sobrang delikado kapag alas diez ka umuuwi galing sa trabaho,” sagot naman niya.
Kung tutuusin ay may punto siya. Nahihiya na nga rin ako kay Mother Myrna na laging napupuyat kahihintay sa akin kapag pauwi na ako. Hindi naman kasi nila puwedeng ikandado ang gate ng ampunan na wala pa ako ro’n.
Ayaw ko nang maging abala pa sa kanya lalo na’t may edad na rin siya. Ayaw ko rin naman na maging abala kina Drake at Dmitri, lalo na sa mga magulang nila.
Sa totoo lang ay naisip ko na kumuha na lang ng maliit na apartment malapit sa university, siya rin naman na halos katapat lang din ng university ang coffee shop na pinagtatrabauhan ko.
Kapag nangyari iyon ay sa tingin ko ko ay mas makakatipid ako ng konti at hindi pa ako makakaramdam ng araw araw na pagod mula sa biyahe. May kamahalan ang pamasahe mula sa ampunan papunta sa university, kung pagsasama samahin ay puwede nang pambayad sa isang maliit lang na apartment. Sobra pa nga sa tantiya ko.
“Hindi na, Dim. Sobrang abala na iyon sa inyo. Okay na ako na nakakapasyal ako rito paminsan minsan. Atsaka nakausap ko na rin naman si Nanay na hahanap ako ng isang maliit na apartment,” sagot ko naman.
“Pumayag ba siya?” tanong niya.
“Noong una ay hindi, lalo na’t nag-aalala siya. Pero sinabi ko naman sa kanya na siya ang nagpalaki sa akin kaya sanay ako sa mga gawaing bahay. Medyo matagal nga bago ko siya napilit. Naisip din niya na siguro ay okas din iyon lalo na’t minsan alas dose na ako nakakauwi. Delikado raw para sa akin. Nahihiya na rin kasi ako sa kanya, kasi nga lagi rin siyang napupuyat dahil sa akin,” mahabang pahayag ko naman.
“Kung ako ang papipiliin, mas gusto ko sanang dito ka na lang para mabantayan ka namin ni Drake. Pero ayaw ko namang pilitin ka sa isang bagay na ayaw mo. Basta kung kailangan mo ng tulong nandito lang kami para sa ’yo,” sagot naman niya kaya napangiti ako.
“Alam ko naman iyon, Dim. Kaya sobrang thankful ako kasi naging kaibigan ko kayo. Salamat din kasi kahit nagkaroon na kayo ng pamilya at maraming bagong kaibigan ay hindi niyo pa rin ako nakalimutan,” medyo may halong pagka-emosyonal na saad ko naman.
“Bakit mo naman nasabi ’yan?” nakakunot ang noong tanong niya kaya nagkibit na lang ako ng balikat.
“Ilang kaibigan ba ang mayroon tayo sa ampunan noon? Ni isa ba sa kanila may pumasyal pa sa atin noong inampon na sila?” pagbabalik ko ng tanong sa kanya.
“Iba sila at iba kami ni Drake, Ali,” sagot niya kaya ngumiti ako at marahang tumango.
“Alam ko, kaya nga nagpapasalamat ako sa inyo,” saad ko naman.
Napatingin ako sa screen ng cellphone ko at napansin ko na alas diez na pala ng gabi. Napahaba ang kuwentuhan namin at hindi ko namalayan ang oras.
“Dim, kailangan ko nang umuwi. Maaga pa kasi ang pasok ko bukas,” saad ko.
“Tara, ihahatid na kita,” saad naman niya.
Nagsimula na siyang maglakad palabas ng silid niya, gano’n din naman ang ginawa ko. Ganito na ang naging routine ko simula noong magtrabaho ako. Matatapos ang shift ko ng alas diez, tapos ay mga 10:30 na ako makakaalis sa shop dahil kailangan pang linisin ang mga pinagkalatan.
Mga 11:30 naman na ng gabi ako makakauwi sa ampunan, depende pa iyon kung may bus akong masasakyan agad. Minsan ay alas dose na ako nakakauwi, pagkatapos ay gigising ako ng alas tres o alas kuwatro ng madaling araw para gumayak kasi alas seis ng umaga ang pasok ko sa unibersidad.
Bago kami bumaba ni Dim ay sumilip muna kami sa kuwarto ng mga magulang niya para sana makapagpaalam. Pero napansin namin na masarap na ang tulog nila kaya naman nagpasya kami na hayaan na lang sila.
“Saan po tayo, sir?” tanong nung isang driver nila pagkalabas namin ng bahay.
“Ako na maghahatid sa kanya, Kuya. Magpahinga ka na. Maaga pa kayo ni Dad bukas,” nakangiting sagot naman ni Dim.
“Pero, sir…”
“Okay lang talaga, Kuya,” pamimilit ni Dim.
Sa huli ay ngumiti na lang ang driver at tumango. Siguro ay dahil alam niya na wala na rin naman siyang magagawa. Nang makasakay na kami sa sasakyan ay agad iyong pinaandar ni Dmitri.
Binuksan naman ng guard ang malaki nilang gate. At habang nasa biyahe ay tahimik lang ako. Hindi ko pa rin kasi maiwasang isipin, paano kaya kung may isang magandang loob na pamilya na inampon din ako? Ano kaya ang feeling?
Hindi ko talaga alam. At sa tingin ko ay hindi ko na malalaman ang sagot kasi imposible na na ampunin ako dahil sa edad ko.
“May problema ba?” tanong ni Dmitri sa akin, nilingon ko naman siya at binigyan ng isang tipid na ngiti.
“Wala, medyo inaantok lang,” ang pagsisinungaling ko.
Kahit pa na matalik ko silang kaibigan ay hindi ko gusting sabihin sa kanila ang ganitong mga bagay na naiisip ko. Alam ko kasi na maaawa at mag-aalala lang sila sa akin, at ayaw ko iyong mangyari.
“Matulog ka na muna, gigisingin na lang kita kapag nasa bahay ampunan na tayo,” saad naman niya.
Hindi na ako sumagot. Tahimik na lang ako na tumingin sa labas ng bintana habang nakasandal ang likod ng ulo sa upuan ng sasakyan. Ilang sandali lang ay napalingon ako kay Dmitri na tahimik pa ring nagmamaneho.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan ang guwapo niyang mukha. Kung tutuusin ay magkamukhang magkamukha lang naman sila ni Drake, halos wala ngang pagkakaiba maliban sa isang maliit na nunal sa kaliwang parte ng labi ni Drake. Bukod doon, marami pa rin ang nalilito kung sino ang si Drake at Dmitri sa kanilang dalawa.
Pero hindi ko maintindihan kung bakit may dating si Dmitri para sa akin na hindi ko makita kay Drake. Madalas din ay napapakaba niya ako, lalo na kapag sobrang lapit niya sa akin.
Tapos kapag ang ideya na may girlfriend na si Drake ay naglaro sa isip ko ay okay lang naman sa akin, nae-excite pa nga ako para sa kanya. Pero noong makita ko si Dim na may kasamang ibang babae, hindi ko alam pero bahagyang may kirot sa puso ko.
May gusto na ba ako kay Dmitri? Hindi ko alam…
“You are a coward, Dmitri. Nakakahiya ka!” “You should be ashamed of yourself!” “Sana ikaw na lang ang nawala!” “You killed your brother!” “You should live your life alone!” “You don’t deserve to be happy!” Those voices kept on coming back inside my head. Like a ghost that’s haunting me. Nakakabingi dahil paulit-ulit na. And I lived with those voices over the years, I felt like I’m going to lose my sanity. Boses ni Alison ang madalas kong naririnig, pero may mga pagkakataon na sarili kong boses ang nagsasabi no’n sa akin. At hindi ko siya masisisi kung bakit nasabi niya sa akin ang mga bagay na iyon noon. What happened was too hard to take. At alam ko na dala lang ng labis na galit kaya nagawa niya akong sisihin. Hindi ako galit sa kanya. Ni hindi ko magawang magalit sa kanya. Mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko para sa kanya. But she hated me because of what happened. So to make things easier, I left everything behind. I was ready to spend my whole life alon
“Are you sure you’re okay?” mababa ang boses na tanong ko kay Dim. Kapaparada lang niya ng sasakyan niya sa parking lot ng memorial park, dahil nga naisip ni Dim na pasyalan si Drake. “Yes, love,” malambing na sagot ni Dim. Nauna siyang bumaba sa akin tapos ay binuksan ang pinto ng backseat para kunin si Dave. Napangiti ako dahil sa nasaksihan tyapos ay bumaba na rin. Habang buhat naman ni Dim si Dave ay agad niyang hinawakan ang kamay ko tapos ay sabay kaming naglakad papunta sa puntod ng kaibigan ko, na kakambal niya. Ramdam ko ang lamig ng kamay ni Dim. Siguro ay kinakabahan siya. Pero hindi ako nagsalita. Hinigpitan ko lang ang pagkakahawak ko ro’n. Siguro ay sapat na iyon para sabihin sa kanya na okay lang ang lahat at nandito lang ako sa tabi niya. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa harap ng puntod ni Drake. Marahan namang ibinaba ni Dim si Dave tapos ay ngumiti pa sa bata. “Dave
The next day, I woke up abruptly and feeling empty. Sa kuwarto ako ni Dim natulog, magkatabi kami, pero ngayon ay iminulat ko ang mga mata ko na wala siya sa tabi ko. I had a bad dream. In that dream, he broke up with me and left me because… he was just confused about his feelings for me. Alam ko naman na napag-usapan na namin ang tungkol dito at okay na ang lahat, kaya hindi ko maintindihan kung bakit napanaginipan ko pa iyon. Dahil ba sa pagbubuntis ko? Hindi ko alam. Pero lagi kong naririnig at lagi nilang sinasabi na madalas daw sa buntis ang pagiging emosyonal. Marahan akong umupo sa kama at tahimik na umiyak. Alam ko na hindi ko dapat iniiyakan ang panaginip lang, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. I really feel sad and empty for no reason. Ilang sandali lang ay marahang nagbukas ang pinto ng kuwarto. Tumingin ako ro’n habang tahimik na umiiyak, nakita ko kung paano natigilan si Dim nang makita niya ako. May dala nga rin si
I couldn’t help myself but smile. Hindi ko inakala na may ganitong plano na pala si Dim. Kinausap pa niya ang mga kaibigan ko para matulungan siya sa balak niyang ito. The proposal in the office alone was so overwhelming, I mean, it’s too overwhelming in a good way. Tapos ay may pa-engagement party pa ngayon dito sa bahay nila. Halos mga malalapit na kaibigan at pamilya ang nandito, meron ding iilan sa mga nagtatrabaho sa Corcuera Constructions. As in! Grabe, sobrang saya lang. Oo, nagawa niya akong saktan dahil sa mga maling desisyon. Pero parang bawing-bawi naman na siya sa pagpapasaya sa akin ngayon. Kanina ay nagsalita sina Tita, Tito at Dim sa maliit na entablado malapit sa may pool na ginawa ng event organizer. They gave us some heartwarming speech. Naiiyak na nga lang ako habang nakikinig sa kanila. But everything just went well. Ngayon ay nagpa-party na ang lahat. May mga kumakain pa rin sa mga tables nila, may mga nag-iinuma
Inip na inip ako habang nakaupo sa sofa. Kasalukuyan akong nandito sa opisina ni Dim. Siya naman ay abala sa trabaho. He asked me to just stay still. Gusto ko nga sanang magtrabaho, kahit na ano lang ang ipagawa niya sa akin pero hindi siya pumayag. Alam ko na unfair kasi maayos naman akong sasahod, pero ayaw talaga niya na pagawan ako ng kahit na anong trabaho. Kaya naman sa huli ay napabuntong hininga na lang ako at humiga sa sofa. Binuksan ko rin ang company tablet para makapaglaro ng paborito kong detective game. Alas tres pa lang ng hapon. At kanina pa talaga ako inip na inip. After lunch nga ay sinubukan kong puntahan sa pantry ang tatlong monay, pero sumaglit lang sila kasi marami pa raw silang kailangang tapusin. Hindi ko naman sila gustong abalahin kaya hinayaan ko na lang. Ni hindi ko pa nga naikukuwento sa kanila ang nangyari nung gabing pinasama nila ako kay Henry sa event, eh. Pagkatapos ng ilang minutong pa
Nakakatawa dahil wala pang sampong minuto ay dumating na si Dim. Halata nga sa kanya ang pagmamadali. Ang akala ko nga ay hindi niya papansinsin ang mensahe ko dahil pagod siya sa trabaho, hindi lang pala talaga siya nag-reply. “Let’s cuddle,” agad na saad niya nang pagbuksan ko siya ng pinto. “Huh? Bakit nandito ka? May trabaho ka, ah?” kunware ay saad ko. “My baby wants to cuddle, and what my baby wants, my baby gets,” aniya kaya bahagya akong napanguso. “Just because I want to cuddle doesn’t mean I want to cuddle with you!” pag-iinarte ko pa kaya napangisi siya. “But you texted me.” “W-Wrong sent lang ako!” Napangiwi ako kasi mukhang mali ata ang nasabi ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay na para bang hindi natuwa sa narinig mula sa akin. “Eh, sino pala ang gusto mong ka-cuddle?” tanong niya. Hindi pa ako nakakasagot ay sinara na niya ang pinto. Tapos ay muli niya a
Marahan kong iminulat ang mga mata ko at agad na kumunot ang noo ko nang mapansin na pamilyar ang kuwarto. Bumaling ako pakaliwa at nakita ko na nahiga rin si Dim, nakatagilid siya at nakangiti akong tinititigan. “Good morning,” may halong lambing na bati niya. Agad naman akong napaupo sa kama dala ng gulat. And then it hit me! Nandito ako ngayon sa bahay nila. Natulog ako sa kuwarto niya! Agad akong tumingin sa wall clock at napansin na alas siete na ng umaga. “Bakit dito mo ’ko dinala? Sabi ko gusto kong umuwi!” reklamo ko. “Hindi kasi kita magising kagabi. Hindi ko rin naman alam kung saan ang apartment ni Gigi,” aniya kaya napangiwi ako. “Hindi man lang siya tumawag sa akin? Because, Dim, I’m pretty sure she did!” may halong pang-aakusa na saad ko. “She did,” aniya at marahan pang tumango. “She called you but I didn’t answer. Nag-send na lang ako ng text sa kanya gamit ang phone mo. Ang sabi ko hindi ka
“Are you okay?” tanong ni Henry sa akin pagkaparada niya ng sasakyan niya sa parking lot ng isang malaking hotel. Ngumiti naman ako sa kanya bago marahang tumango. “Yeah, thank you for asking,” sagot ko kahit na ang totoo ay medyo kinakabahan ako. As soon as he turned off the car’s engine, we both stepped out of the car. Huminga pa ako ng malalim habang nakatingin sa entrance ng hotel. Ang daming mga bisita. Bihis na bihis silang lahat at mukhang galing lahat sa mayayamang mga pamilya. “Let’s go,” ani Henry. Sabay naman kaming naglakad papasok. He even offered his right arm on me. Kahit na nagdadalawang isip ay kumapit pa rin ako ro’n. “Kung hindi lang dahil sa request ng magaling at tsismosa mong girlfriend, hindi ako papayag dito,” mahinang saad ko kaya natawa siya. “At kung ako naman ang hindi pumayag baka isang linggo akong awayin no’n,” sagot naman niya kaya sabay kaming natawa.
“Tell me what really happened that day,” utos ko. Katatapos lang naming kumain ng lunch. Hindi marami ang nakain ko kahit pa sobrang gutom ako. Mas importante kasi sa akin ang mapag-usapan namin ang nangyari mahigit dalawang taon ang nakakalipas. “I… I was having a yacht party with them,” aniya at huminga pa ng malalim na para bang sobrang hirap sa kanya na balikan ang lahat. But I want to hear his thoughts. Kahit pa naaawa ako sa kanya, at kahit na hindi ko siya gustong pilitin na pag-usapan ang mga bagay na ito ay alam kong kailangan para alam ko rin kung paano ko siya matutulungan. This has been long overdue, to be honest. “I saw him kissing a girl,” aniya at mariin pang pumikit. “I got mad because… he’s in a relationship with you. Kahit na sinabi mo na ako ang mahal mo noon, nagalit ako kasi… kasi bakit ka niya lolokohin samantalang ako… pangarap kita,” aniya at muling huminga ng malalim. “So you challenged him on a