ログインAlas-dos ng madaling-araw. Tahimik ang beach house sa Laiya maliban sa tunog ng alon at sa mahinang ugong ng aircon sa master’s bedroom. Sa malaking kama, nakayakap si Khier kay Wenshie mula sa likod. Pareho silang hubad, parehong pagod, parehong gising. Hindi makatulog si Wenshie. Hindi dahil sa ingay. Hindi dahil sa lamig. Kundi dahil sa bigat sa dibdib niya na hindi maalis ng yakap ni Khier. Nararamdaman iyon ni Khier. Kaya mas hinigpitan pa nito ang yakap, ilong nakasiksik sa buhok ni Wenshie, hininga mainit sa batok niya. “Stop thinking,” bulong ni Khier, boses paos, halatang antok pero pinipilit magsalita. “Naririnig ko ‘yang utak mo kahit tahimik ka.” Napangiti si Wenshie kahit ayaw niya. “Hindi ko ma-off. Daming nag-ru-run sa isip ko.” “Like what? Kung paano mo ako tatakasan bukas?” Lumingon si Wenshie para harapin ito. Sa dilim, nakikita pa rin niya ang mga mata ni Khier—matalas, mapang-a
Hindi kumot ang mabigat. Hindi rin ang braso ni Khier na nakapulupot nang mahigpit sa baywang ni Wenshie, ang hininga niyang mainit sa batok nito, ang katawan niyang nakadikit na parang takot na maglaho si Wenshie oras na bumitaw siya. Ang mabigat ay ‘yung desisyon. _“I choose you. Even if we burn.”_ Sinabi iyon ni Wenshie. At si Wenshie Jalandoni, hindi bumabawi sa salita. Gumalaw ang mga mata ni Wenshie papunta sa bedside clock: 5:23 AM. Sa isang oras, bababa na si Manang Fe para magkape. Sa dalawang oras, magrorosaryo na si Lolo sa garden. Sa tatlong oras, tatawag si Daddy galing San Francisco para tanungin kung bakit hindi pa siya nagpapakasal kay Hermes. At sa loob ng sampung minuto, kailangan na nilang makaalis ni Khier bago may makakita sa itim na Raptor na nakaparada dalawang kanto mula sa gate ng Rancho. Gumalaw si Khier sa likod niya. Naramdaman siguro nito na gising siya. Hinalikan siya nito sa balikat, pababa sa spine niya, bawat halik parang marka. Parang kontr
Tatlong taon. Tatlong putanginang taon ang hinintay ni Khier Villafuerte para matikman ulit ang babaeng sumira sa kanya. At ngayon, habang nakatayo siya sa gilid ng dance floor ng La Veda, hawak ang baso ng whiskey na hindi niya ginagalaw, lasang alak, luha, at Hermes ang naiisip niyang nasa labi ni Wenshie. Pagkaalis niya sa La Veda, hindi umuwi si Khier. Nag-drive siya paikot-ikot sa BGC hanggang mag-alas tres ng madaling-araw. Duguan na ang kamao niya sa kakasuntok sa manibela. Hindi dahil gumanti si Hermes—hindi nito ginawa. Tumayo lang si Hermes doon pagkatapos niyang sapakin, duguan ang labi, pero ang mga mata, talo. _“She chose me, Khier,”_ sabi ni Hermes, boses basag. _“Three years ago, she chose me when you lied to her.”_ Lied. Gusto sanang sumigaw ni Khier. Gusto niyang sabihin na hindi siya pumusta. Na siya ang tinaya. Na siya ang ginawang pawn ni Tito Gavin para masira si Wenshie, para mapilitan itong pakasalan si Hermes. Pero anong silbi? The damage was done. Wen
Hindi pa man tuluyang nakakabawi si Wenshie sa lamig na gumapang sa batok niya, hinablot na ni Khier ang phone mula sa kamay niya. Isang segundo lang at binura nito ang text. Tapos binalik sa kanya na parang walang nangyari. “Delete mo lahat ng unknown number mula ngayon,” utos nito, boses malamig pero nanginginig ang panga. “At wag kang lalabas ng condo nang hindi ako kasama. Understood?” “Khier, sino si K?” tanong ni Wenshie. Hinawakan niya ang braso nito. “Kung may kailangan akong malaman—” “Wala.” Tipid. Final. “Ako na ang bahala.” Bago pa siya makasagot, tumunog ulit ang doorbell. Tatlong sunod-sunod. Agresibo. Hindi ‘yung pindot ng delivery o kapitbahay. Nagkatinginan sila ni Khier. Instinct na hinila siya nito papunta sa likod, sa may kusina, at sumenyas na wag maingay. Pero imbes na matakot, nainis si Wenshie. Pagod na siya sa kakubli. Pagod na siyang hinahabol ng mga anino ng tatay niya, ng pamilya ni Khier, ng kung sino mang K na ‘yon. “Ako na,” sabi niya, at nila
Kitang-kita ni Wenshie kung paano kumibot ang panga ni Hermes nang matapos niyang sabihin ang huling kataga. Hindi iyon galit. Hindi rin inis. Para bang may kung anong mabigat na bato ang ibinaba sa dibdib nito, pero hindi pa rin sigurado kung dapat ba itong ikatuwa o ikabahala. “I don’t deserve your love, Hermes,” ulit niya, mas mahina ngayon, parang pabulong sa sarili. “You are too good for me…” Sandaling tumahimik ang buong restaurant para sa kanya. Ang ingay ng kutsara’t tinidor, ang mahihinang boses ng ibang customers, ang jazz na tumutugtog mula sa speaker sa sulok—lahat ‘yon naging background noise lang. Ang naririnig niya lang ay ang sariling hinga at ang kabog ng dibdib niya. Tumingin si Hermes sa kanya. Diretso. Walang ilag. Iyong klase ng titig na kaya kang basahin hanggang kaluluwa, pero hindi ka huhusgahan. Ganoon si Hermes noon pa man. Kahit noong college sila sa Boston, kahit lasing siya at nagsusuka sa dorm nito, ganoon pa rin siya tinitingnan nito—parang may ha
Chapter 12 Wenshie's POV Kitang-kita ni Wenshie kung paano nag-iba ang expression ng mukha ni Clara nnag sabihin niya iyon. Noon pa man ay hindi niya ipinapahalata na ayaw niyang magpakasal kay Hermes. “I see… you’re only agreeing about the marriage because of your father,’ komento nito. Wala siyang ideya kung may alam ito sa pagitan niya at ni Khier… though hindi magkalapit ang loob ng dalawa.Humigop siya ng tsaa, inilapag niya muna ang tea cup bago nagsalita.”Yes.” Walang paligoy-ligoy na sagot niya rito. At mas kilala pa nito kaysa sa kaniya ang kaniyang sariling ama. Kinuha rin nito ang tasa ng tsaa at uminom. “How about Khier? Alam niya bang fiancée mo ang kapatid niya?”Tama nga ang hinala niya, magugulat pa ba siya na may alam ito. They are also powerful at maraming connection… “Our situation is a bit messed up, at first I didn’t know they are related, I’m trying to fix everything, Tita Clara,” paliwanag niya rito. Base sa pagkakilala niya sa in ani Hermes, may prinsip
Wenshie's POVHindi alam ni Wenshie kung ano ang sasabihin niya kay Florence. Tatlong araw na rin ang nakalipas nang may nangyari sa kanila ni Khier. After an hour nagkamalay rin siya nang bigla siyang hinimatay. Ayaw pa sana siyang iwanan ni Khier but she insisted.“Sumasakit ang ulo ko sa iyo, W
Wenshie's POVDalawang linggo na ang nakalipas nang huling nag-usap si Wenshie at Hermes.Hermes ended the call when she didn't choose between him and his brother Khier.Nagmamadaling tinungo ni Wenshie ang kaniyang sasakyan sa parking lot ng Jalandoni Empire sa Quezon City. Napatigil si Wenshie sa
Wenshie's POV Tahamik na nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan si Wenshie. “I’m sorry.” Nilingon ni Wenshie ang nagmamanehong si Hermes. “I just can’t help it,” dagdag pa ni Hermes. Sumandal si Wenshie sa kaniyang upuan at ipinikit ang mga mata. “Just take me home, Hermes,” aniya kay Herme
Wenshie's POV3 years laterDahil hindi pa nagsisimula ang live band kaya hindi masyadong maingay ang buong paligid. Kanina habang papasok silang magpipinsan sa loob ng La Veda Bar, nasa kanila ang buong atensyon ng mga tao. Humigpit ang pagkahawak ni Wenshie sa kaniyang baso nang nakikitang naki







