LOGINAnim na buwan na akong niloloko ng asawa ko at ng bestfriend ko. Anim na buwan akong naniwala sa mga matatamis niyang pananalita, sa maiinit na halik. Sa makukulay na mga bulaklak, at sa tuwing sinasabi niyang ako lang ang tunay niyang mahal. Ngunit ang totoo, matagal na pala nila akong pinagtataksilan. Ibinigay ko sa kanya ang buong tiwala at puso ko, pero ganon na lang niya akong ipinagpalit kay Agatha. Kaya nang humarap sa akin si Luke Santillan na galit at dala ang mga ebidensyang matagal na niyang inipon ay may kung anong damdaming sumiklab sa dibdib ko. Isang bagay na noon ko pa sana ginawa. “Sin with me,” sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanya. “Hindi ‘to pagpapanggap kundi totoong affair sa pagitan ng dalawang taong parehong niloko. We’ll give them the dose of their own medicine!” Matagal akong pinagmasdan ni Luke. Pagkatapos ay hinila niya ako palapit sa kanya at mainit na bumulong. “Kailan natin sisimulan ‘to?” Marahan niyang hinawakan ang kamay ko, na para bang gusto niyang burahin ang posibilidad na may iba pa akong mamahalin bukod sa kanya. Nagkasundo kami. Walang attachment. Walang pagmamahalan. Unti-unti niya akong winasak, bawat pagniniig namin ay mainit at ubod ng sarap. Nagtagumpay siyang angkinin ako nang buong-buo hanggang sa tuluyan akong malunod sa kanya. At pagsapit ng umaga, bumabalik ako sa piling niya, sabik na sabik at hinahanap ang lahat ng ipinadama niya sa akin gabi-gabi.
View MoreFLORA
“Kabit ng asawa ko ang asawa mo.”
Naibuga ko ang tubig bago ko pa napigilan ang sarili ko. Pagkatapos, napatitig ako kay Luke Santillan na nakaupo sa kabilang bahagi ng mesa. Sigurado akong mali ang narinig ko, dahil imposibleng totoo ang sinabi niya. Kailan hindi ako pagtataksilan ng mabait at loyal kong asawa. Hindi talaga p’wedeng mangyari ‘yon.
“Mr. Santillan,” sabi ko bago maingat na ibinaba ang tall glass sa mesa. “Hindi nakakatuwa ang biro mo.”
“Sa tingin mo ba nagbibiro ako?”
Ikiniling ko ng bahagya ang aking ulo at matiim na tumitig sa kaharap. Hindi naman talaga nagmumukhang nagbibiro si Luke Santillan. Palagi siyang seryoso, cold, intimidating, at kalkulado ang bawat kilos. Pero hindi ibig sabihin noon na tama ang paratang niya sa asawa ko.
“Mahal ako ni Dony,” mariin kong sabi. Sinikap kong patatagin ang boses sa kabila ng panginginig ng aking kamay dahil ayokong ipahalata sa kanya ang matinding tensyon na bumalot sa akin.
“Hindi niya kayang gawin sa akin ang bagay na ‘yan.”
“Alam ko,” mahina at tila ba pagod na ang boses niya. “Iyan din mismo ang sinabi ko sa sarili ko tungkol kay Agatha three months ago.”
Sa simpleng pagbanggit ng pangalan ng babae’y parang may kung anong matigas na bakal na humampas sa dibdib ko. Si Agatha Salcedo ay ang bestfriend ko mula pa pagkabata. Ang babaeng umiyak sa araw ng kasal ko. Ang babaeng halos araw-araw tumatawag sa akin para sabihing napakaswerte kong magkaroon ng lalaking gaya ni Dony. Halos magkapatid na ang turingan namin kaya hindi ko maproseso ang sinabi ni Luke.
“Imposible talaga ang sinabi mo,” ani ko sa maliit na boses.
Nakita ko ang pinagsamang galit at awa sa mga mata ni Luke nang magtama ang mga paningin namin.
“Seriously? Hindi mo ba talaga napansin ang mga senyales ng pagloloko ng mister mo?” tanong niya.
“Wala naman akong napansing kakaiba sa mga kilos niya.”
“Six months, Flora. Mahina ba talaga ang radar mo sa mga manloloko?”
“Hindi.”
“Ni minsan hindi mo siya pinaghinalaan man lang?”
“Sinabi ko nang hindi,” sagot ko at saka nagpatuloy. “You know what, wala akong panahon para pag-usapan ‘to.” Walang babala akong tumayo at saka itinulak paatras ang upuan. “Buong-buo ang tiwala ko sa asawa ko. Nagkakamali ka sa mga ibinibintang mo kay Dony.”
“Get back on your seat, Flora.”
“Ayoko. Aalis na ako.”
“Sit down and listen to me.”
Hindi siya sumigaw. Ni hindi man lang nag-angas o naging agresibo. It was not like a request, but a stern command I needed to obey. Hindi ko alam kung anong mahika mayroon sa boses niya dahil sinunod ko ang gusto niya. Dahan-dahan akong naupo ulit at marahang tumikhim.
“Anim na buwan na ang nakalipas. . .” Tumigil siya saglit para lumapit pasulong at ipinatong ang mga braso sa mesa at saka nagpatuloy, “. . .may nagbago ba sa pagitan ninyo ni Dony?”
Ibinuka ko ang bibig para lamang muling isara. Sa gitna ng katahimikan, sunod-sunod na nag-flashback ang mga nangyari sa loob ng nakalipas na anim buwan. Mga alaalang matagal kong hindi binigyan ng kahulugan at sensyales na paulit-ulit kong inignora. Naalala ko ang madalas na pagpunta ni Agatha sa bahay namin. No’ng una isang beses lang in a week hanggang naging dalawa. Minsan apat na beses pa nga sa loob ng isang linggo, kung saan palaging timing na naroon sa bahay si Dony.
No’ng mga panahong ‘yon, naramdaman kong sobrang importante ng friendship namin dahil talagang naglalaan siya ng oras na dumalaw sa akin. Masaya ako dahil nakakapag-bonding kami sa kabila ng pagiging busy niya sa personal niyang buhay. Akala ko pa nga, palagi niya akong nami-miss. At si Dony? Nanatili siyang maalaga, maunawain, at mapagmahal na asawa. Araw-araw siyang nagpapadala ng bulaklak na may kalakip na sweet nothings card. Madalas siyang mag-message sa akin sa gitna ng trabaho para ipaalala kung gaano niya ako kamahal, na para bang ako pinakamahalagang bagay sa mundo. Pero tatlong buwan na mula nang huling kaming magtabi sa kama. We hadn’t sex since then. Naalaa ko pa ang sinabi niya no’ng isang beses akong nagpahiwatig na gusto kong gawin ang bagay na ‘yon.
“Pagod lang ako, baby. Pag natapos itong project, babawi ako sa'yo. Isang taon na lang. Makukuha na natin ang lahat ng pinapangarap natin.”
Pinaniwalaan ko ang bawat salita niya, ang bawat kasinungaliang itinanim niya puso ko. Akala ko sobrang perfect ng pagsasama namin, pero nagkamali ako. He would kiss me every night and lie to me in the morning. Ang sakit…sobrang sakit na halos hindi ako makahinga. Tama na. Ayoko na! Iwinaksi ko ang mga masalimuot na alaala sa isipan ko at muling hinarap si Luke.
“Sabihin na nating may nagbago sa pagsasama namin ni Luke,” maingat kong sabi. “Hindi pa rin ‘yon sapat na dahilan para masabing totoo ang ipinagtapat mo ngayon.”
Hindi nagsalita si Luke. Sa halip, kinuha niya ang cellphone at saka iniharap sa akin ang screen ng gadget. Tatlong segundo akong nakatitig roon bago tuluyang na-absorb ng utak ko ang nakita ko ro’n. It was a dimly-lit VIP room inside a high-end bar. Obviously, hindi ‘yon sa lugar para mag-bonding with friends. At ang matindi, magkasama sina Dony at Agatha roon. Naglalampungan at naglalaplapan. Animo may sumuntok sa sikmura ko at para akong masusuka habang pinanonood ang nakakadiring video ng dalawa.
“Kuha iyan noong nakaraang linggo,” malamig na sabi ni Luke.
“No. This isn’t possible…” nanghihinang anas ko. Itinulak ko palayo ang cellphone niya at nahihiyang tumingin sa kanya. “Nasa ibang bansa si Dony last week para sa isang business trip. Sa buong linggong ‘yon, gabi-gabi siyang nagbi-video call hanggang sa makatulog ako.”
Hindi na nakipagtalo si Luke. Tinitigan niya lang ako nang matiim.
“Tumatawag siya sa akin,” ulit ko sa nanginginig na boses. “Every damn night, Luke.”
“Alam ko.” Kinuha niyang muli ang cellphone at itinabi ‘yon. “Ang bagsik ng asawa mo magplano.”
Ang lakas ng impact ng sinabi niya. It was like rubbing salt into a fresh wound.
“Kung may duda ka pa rin,” sabi niya, “makikita mo mismo ang katotohanan.”
Mabilis kong pinunasan ang magkabilang gilid ng aking mga mata. Lihim kong kinastigo ang sarili dahil muntik na akong mag-breakdown sa harap niya.
“Ano'ng ibig mong sabihin?”
“Sinabi ba sa'yo ni Dony kaninang umaga na aalis siya bukas?” makahulugang tanong niya.
Bigla akong nanigas at tila naumid ang aking dila.
“Apat na araw na business trip ang paalam niya, tama ba?”
“Paano mo nalaman ang tungkol do’n?”
“Dahil sinabi rin ni Agatha na apat na araw siyang bibisita siya sa nanay niya.”
Tumikwas nang bahagya ang dulo ng kanyang labi bago isang mapait na ngiti ang dumaan roon. Malungkot at hungkag ang kanyang mga mata nang muling magsalita.
“Magkikita sila, Flora. Ni-reserve ni Dony ang private suite sa isang eksklusibong resort sa Tagaytay.Silang dalawa lang sa loob ng apat na araw.”
Bigla akong nahilo dahil sa rebelasyon. Para akong nasa tsubibo dahil umiikot ang buong paligid ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata at inaalala ang mga sinabi ni Dony kaninang umaga bago siya umalis papuntang opisina.
“Mami-miss kita bawat segundo, baby.”
Iyon mismo ang sinabi niya. Mainit pa ang katawan niya mula sa pagkakagising nang halikan niya ang noo ko.
“Sumama ka sa akin bukas ng gabi,” sabi ni Luke. “Malalaman mo kung mali ang sinabi ko.” Sandali siyang tumigil at saka nagpatuloy. “At kung tama ako...”
Hindi na niya kailangang tapusin dahil kuha ko na ang lahat. Hindi ko maalala kung kailan ako pumayag pero tumango ako. That night, I didn’t even know how I get home.
Pakiramdam ko may nakapatong na napakabigat sa dibdib ko nang makapasok ako sa bahay. Habol ko ang paghinga habang paulit-ulit na kinukumbinsi ang sarili kong hindi ‘yon totoo. Spliced at edited ang video sa bar at posibleng nagsinungaling sa akin si Luke. Na baka naiinggit lang siya sa pagsasama namin ni Dony. Walang gamot sa inggit at nakakabaliw ang matinding selos.
“Alam kong mahal na mahal ako ng asawa ko,” paulit-ulit kong sambit habang pinipiglan ang pa-iyak.
Ilang saglit pa, dumating na rin si Dony. May dala siyang boquet ng red and pink roses na madalas niyang ibigay sa akin. Iniabot niya ‘to sa akin bago ikinulong sa mainit na yakap. Sa puntong ‘yon, tila may kung anong nabasag sa loob ko.
Kita mo? Tingnan mo siya. Hindi ka kayang lokohin ng lalaking ‘to.
Mabagal at maingat niyang sinakop ang mga labi ko habang nakatayo kami roon sa gitna ng kusina. S’yempre tinugon ko ang maiinit niyang halik…pero may hinahanap ako. Isang kasinungalingan. Isang pagkakamali. Isang maliit na senyales. Anumang makapagpapatunay na tama si Luke ngunit wala akong nakita. Walang bakas akong nadama. Tinanong niya kung kumusta ang araw ko, pero tahasan akong nagsinungaling. Ngumiti ako sa kanya na para bang hindi gumuho ang mundo ko noong hapon.
Nang gabing iyon, sinubukan kong muli siyang akitin. Lumapit ako sa kanya sa kama bago idinikit ang katawan ko sa kanya. Marahan kong hinaplos ang dibdib niya ngunit dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko. He rejected me, just as he had every time over the past three months.
“Baby,” malambing ang boses niya. “Pagod na pagod lang talaga ako. Kapag natapos itong kontrata, babawi ako sa'yo. I’m yours every night. Pangako ‘yan.”
“Okay, naiintindihan ko,” dismayadong bulong ko.
“Mahal na mahal kita, baby.”
“I know….”
Hinalikan niya ang noo ko bago siya tumalikod habang ako’y tahimik na nagsintir sa gitna ng dilim. Di naglaon, narinig ko ang magaan niyang paghinga. Hindi ko lubos-maisip kung paano siya nakakatulog nang mahimbing gayong matagal na niya akong niloloko.
Sa kabilang banda, naisip ko ulit na baka hindi naman siya nagsisinungaling. Baka si Luke talaga ang sinungaling at nag-iimbento ng chismis. Kumapit ako sa ideyang iyon na para bang iyon na lang ang natitirang bagay na pumipigil sa akin na tuluyang madurog nang pinung-pino. Kinabukasan, naramdaman kong hinalikan ni Dony ang pisngi ko habang nagpapanggap akong tulog.
“Mami-miss kita palagi. Mahal na mahal kita, Flora.”
Hindi ko iminulat ang mga mata hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pintuan. Hindi ako gumalaw, ni hindi ako bumangon. At sa halip, nanatili akong nakahiga roon hanggang magtanghali.
FLORAItinulak ko paatras ang upuan at maingat na tumayo. Mas mabilis ang tibok ng puso ko kaysa sa normal na pintig nito. “Pasensya ka na, di ko dapat sinabi ‘yon. I mean, maybe I was just upset and broken,” mabilis na paliwanag ko. “Pero sabihin mo…ayaw mo rin makita ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang may relasyon tayong dalawa.”Umalis sa pagkakasandal sa hamba ng pintuan si Luke at dahan-dahang lumapit sa akin.“May relasyon tayong dalawa,” ulit niya sa mababang boses. “Oo.” Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. “It would be nothing, but an affair. No strings attached.” Huminto ako saglit at mariing napalunok. “After all, pareho naman tayong pinagtaksilan, di ba? Might as well, give them a dose of their own medicine.”Sa malalaking hakbang, mabilis siyang nakalapit sa akin. Sapat para bahagya kong iangat ang baba ko at mapanatili ang pagkakatitig ko sa mga mata niya.“What exactly is your plan, Flora?” usisa niya. Hawak niya pa rin ang polo. Hindi pa rin niya iyon i
FLORAHindi ako inuwi ni Luke, pero hindi rin ako tumutol. Wala akong natitirang lakas para makipagtalo. Napakalakas ng ulan kaya halos hindi mo makita ang ilang hakbang sa unahan. Basang-basa ako at nanginginig nang husto, kaya pakiramdam ko ay anumang oras, bibigay na ang mga tuhod ko.May kinausap si Luke na isa sa mga empleyado ng resort tapos may iniabot siyang card dito. At ilang minuto lang ang lumipas, may naghatid na sa amin sa isang suite sa kabilang parte ng resort. Relaxing at elegante ang loob ng suite. Sobrang ganda para sa uri ng gabing nararanasan ko.Diretso akong naglakad papunta sa sofa at nanatili roon nang ilang segundo. Hindi ko hinubad ang basa kong damit, ni hindi ako gumalaw man lang. Nakaupo lang ako at nakatitig sa pader habang walang tigil ang pagbagsak ng ulan sa labas. Pero may kung anong paulit-ulit na nababasag sa loob ko. Durog na durog ang puso ko at di ko alam kung kailan titigil ang sakit. Mayamaya, naramdaman ko ang presensya ni Luke dahil may nari
FLORAAlas-singko ako sinundo ni Luke. Hindi kami gaanong nag-usap sa loob ng sasakyan. Ano pa nga ba ang dapat naming pag-usapan? May dalawang posibilidad lang naman ang naghihintay sa amin. P’wedeng mapatunayan naming mali siya. O kaya naman tuluyan nang magbago ang buong buhay namin.Mabilis kaming nakarating sa White Castle Resort sa loob ng Tagaytay Estate. Maganda ang landscaping ng lugar kung saan napapalibutan ng iba’t ibang klase ng bulaklak, matataas na puno, at cozy fairy lights na nakakadagdag sa romantic ambiance ng lugar. Sobrang kapal din ng hamog na nakapalibot sa paligid—sobrang perfect para sa mga magkasintahan. Ang sabi ni Luke, ni-reserve ng asawa ko ang buong resort, kaya walang ibang bisitang maaaring makapasok doon. But Luke had a handful of ways to get there. Mukhang pinaghandaan niya talaga ang lahat.Ilang saglit pa, dalawang empleyado ang naghihintay sa amin sa lobby. Binigyan ni Luke ng ilang lilibuhin ang staff at agad kaming iginaya nito sa service door,
FLORA“Kabit ng asawa ko ang asawa mo.”Naibuga ko ang tubig bago ko pa napigilan ang sarili ko. Pagkatapos, napatitig ako kay Luke Santillan na nakaupo sa kabilang bahagi ng mesa. Sigurado akong mali ang narinig ko, dahil imposibleng totoo ang sinabi niya. Kailan hindi ako pagtataksilan ng mabait at loyal kong asawa. Hindi talaga p’wedeng mangyari ‘yon. “Mr. Santillan,” sabi ko bago maingat na ibinaba ang tall glass sa mesa. “Hindi nakakatuwa ang biro mo.” “Sa tingin mo ba nagbibiro ako?”Ikiniling ko ng bahagya ang aking ulo at matiim na tumitig sa kaharap. Hindi naman talaga nagmumukhang nagbibiro si Luke Santillan. Palagi siyang seryoso, cold, intimidating, at kalkulado ang bawat kilos. Pero hindi ibig sabihin noon na tama ang paratang niya sa asawa ko. “Mahal ako ni Dony,” mariin kong sabi. Sinikap kong patatagin ang boses sa kabila ng panginginig ng aking kamay dahil ayokong ipahalata sa kanya ang matinding tensyon na bumalot sa akin. “Hindi niya kayang gawin sa akin ang bag






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.