PINANINDIGAN ni Beckett ang sinabi niya. Inilibot pa siya ng asawa sa iba’t-ibang lugar, at ipinaranas sa kan’ya ang mga kakaibang bagay dito sa Italy. Ni hindi siya hinayaan ni Beckett na mag-isip ng mga problema kahit sa loob lang ng ilang segundo. Kada matutulala siya saglit kapag naaalala kung kumusta na ang ina, kaagad ginigising ni Beckett ang diwa niya. “We’ll go back soon. For now, let’s enjoy the view.” Itinuro ni Beckett ang paintings sa loob ng Scuola Grande di San Rocco—Ang huling pupuntahan nila ngayong araw. Sinunod naman siya ni Vivianne. She let herself be immersed by the paintings’ elegance, and feel the emotions inside it. At habang nagtitingin doon, may isang painting na pumukaw sa atensiyon niya. [Miracle of The Slave by Jacopo Tintoretto] “A slave was punished by his master because he prayed to the tomb of San Marco, causing him to be blind and have his legs fractured… But San Marco appeared, breaking the instruments used to torture the slave before he freed h
NAPATINGIN si Vivianne sa asawa, at nakakunot ang noo nito. “Kilala mo siya?” “A former classmate,” sagot naman ni Beckett ngunit ang tingin nito ay nandoon pa rin sa kamay ni Laurel na nakahawak sa palad ni Vivianne. “Sorry, man. I didn’t know.” Laurel chuckled, at mabilis din naman nitong binitawan si Vivianne. “Your girlfriend?” Itinaas ni Beckett ang kanang kamay upang ipakita ang wedding ring nila ni Vivianne, at napaawang ang labi ni Laurel sa gulat. “Damn! You’re married! I will report this to everyone later!” “Maybe they already know. You’re just not watching the news.” Nagkibit-balikat si Beckett bago inilagay ang isang kamay sa beywang ni Vivianne, tila sinasabing kan’ya lang ang dalaga at walang puwedeng umangkin sa kan’ya na kahit sino. Bahagyang napangiti si Vivianne roon. Kahit naman guwapo rin si Laurel na nasa harapan nila ngayon, kay Beckett pa rin talaga siya babalik. “What are you doing here?” muling tanong ni Beckett sa lalaking tinawag nitong Laurel. “For fu
NAPATIGIL si Vivianne sa paglalakad nang sabihin ‘yon ni Beckett. “Magsasama na ba tayo?”“If you want to, why not?” seryosong sagot ni Beckett bago naglinga-linga sa labas ng airport.May kumaway sa kan’yang isang lalaki, at isa ‘yon sa mga tauhan niyang inutusan niya kanina para dalhin ang kotse sa airport. He doesn’t want to use Synverse’s car in personal errands like this, lalo na at kasama niya ang asawa. Mahirap na at baka kung anu-anong tsismis pa ang masagap ng mga ito.Beckett led Vivianne toward the car and opened the car door for her.“Hop in,” utos ni Beckett sa asawa.Ngunit matatag si Vivianne. Hindi ito sumakay at tumingin lang ito kay Beckett. Kita ang pagtataka sa mga mata nito. “Bakit ka sasama papunta sa bahay, at bakit kailangan kong kunin ang iba kong gamit?”“I’ll answer that once we’re on the ride back to your mansion. For now, just hop in,” sagot naman ni Beckett sa malamig na tono.Pero hindi siya sinunod ni Vivianne. Nanatili tuloy silang nagtititigan sa isa’
KATULAD ni Vivianne, nagulat din ang mga tauhan ni Alfred nang makita na nakatutok ang baril ni Beckett sa kanila. Matalim at nakatatakot ang tingin nito, dahilan para mapaatras sila nang bahagya. Walang nakapagsalita sa kanila sa takot na baka iputok ni Beckett ang baril niya at ubusin silang lahat. Hindi man alam ng mga katulong ang tunay na katauhan ng binata, ngunit alam ‘yon ng mga guwardiya.At alam din nila kung gaano kabrutal si Beckett ngayon sa mga nakakaaway niya. Hindi na siya takot sa dugo, at handa nitong gawin ang lahat para kay Vivianne.“Ibaba mo na ‘yang hawak mo. Mas lalo tuloy nilang tinututok ang baril sa atin,” utos ni Vivianne sa asawa habang palinga-linga ang tingin. “Mag-aalala si mama kapag nakarinig ng putukan dito sa ibaba.”“Then tell them to drop their guns first, because I’m not planning to be vulnerable while all their guns are pointing at us… Especially you,” sagot naman ni Beckett habang nakatuon pa rin ang atensiyon nito sa harap at binabantayan ang
“MADALING mamatay para sa taong mahal mo, pero kaya mo bang mabuhay at tiisin ang lahat ng paghihirap kasama siya?” muling tanong ni Ella.Natigilan si Beckett sa narinig. All this time, akala niya ay tama ang pag-iisip niya na walang pag-aalinlangan niyang ibibigay ang sariling buhay para sa kapakanan ni Vivianne.Pero kapag ginawa nga pala niya ‘yon, maiiwan si Vivianne mag-isa, at magkakaroon ng permanenteng sakit sa puso nito. Losing a loved one brings a permanent scar to someone, at alam na alam ‘yon ni Beckett. Ganoon kasi ang naranasan niya noong patayin ang kan’yang mga magulang.Ngumiti si Beckett bago muling nagsalita. “Let me rephrase it. I’m willing to live for a lifetime to be at your daughter’s side at all times.”Tumango-tango si Ella dahil nagustuhan niya na ang sinabi ng binata. Ganoon din si Vivianne. Tila napanatag siya nang marinig ang turan ni Beckett dahil ibig sabihin nito, hindi na niya basta-basta isasakripisyo ang buhay niya… Dahil may dahilan na rin siya par
“NASA Pilipinas na ulit ang bata, kaya imposibleng maging ligtas siya rito.”Kumunot ang noo ni Beckett dahil sa pagtataka. “It’s impossible. Vivianne made sure that Dylan would be adopted in another country so Alfred won’t be able to find him. Matagal na mula nang mangyari ‘yon at wala pa naman akong nababalitaang kahit ano mula sa mga tauhan.”“Ngayon lang ‘yon nangyari kaya wala ka talagang mababalitaan, at mas tuso kumilos si Alfred kaysa inaakala mo,” sagot ni Ella. Mahina ang boses nito. “Inayawan na siya ng mga umampon sa kan’ya noon, kaya ipinabalik siya sa Pilipinas. Narinig ko ang usapan nilang ‘yon noong nagtutulug-tulugan ako, at sigurado akong may kinalaman si Alfred kung bakit ‘yon nangyari.”Beckett gritted his teeth. Talagang hindi tumitigil si Alfred hangga’t hindi nito nagagawa ang gusto niya. Kahit kailan ay hindi siya nakuntento sa mga bagay na mayroon siya… at palaging tinutupad ni Alfred ang mga pangako niya.Alfred promised himself to kill the child, and Beckett
“MA!” natatarantang sigaw ni Vivianne bago mabilis na tumakbo papasok ng bahay.Sinundan naman siya ni Beckett. Nawala na ang ngiti nito kanina dahil naligtas nila Nathan si Dylan. Ngayon ay binalot na ng pag-aalala ang kan’yang pagkatao dahil sa narinig na sigaw.Nang makaakyat sila sa second floor, nakita nila roon si Ella na nakaupo sa sahig sa tapat ng kuwarto, at galit itong nakatingin kay Alfred. Si Alfred naman ay nakaamba lang ang kanang kamay na parang sasampal kay Ella habang nagtatangis ang bagang.“Ma!” Lumapit si Vivianne sa ina bago tiningnan ang mukha nito. “Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya? May masakit ba sa ‘yo?”Umiling si Ella ngunit tumutulo na ang luha nito. Lumapit na rin si Beckett sa kanila at tiningnan ang mukha ni Ella.“She’s not hurt. There’s no bruises in her face and arms, and it’s not swelling, too,” saad ni Beckett, at nanatili ang tingin nito kay Ella. “She might have panicked because she thought she’s in danger. It’s the trauma that speaks for her
SUGATAN SI Dylan at takot na takot. Nakasiksik lang ito sa dulo at halatang iwas sa mga tao. Maging sa mga nagligtas sa kan’ya ay malayo ang loob nito. Mukhang na-trauma ito dahil sa sakit na naranasan.Vivianne suddenly remembered herself upon seeing Dylan’s situation. Hindi niya maiwasang makaramdam ng sakit sa kan’yang puso dahil doon. She crouched on the floor, looking at Dylan.“Dylan…” pagtawag niya sa bata, ngunit sa gulat ni Vivianne ay biglang lumayo si Dylan at mas siniksik pa ang sarili sa dulo ng upuan. “S-Si ate Vivianne mo ito. Hindi mo na ba ako… natatandaan?” dagdag niyang tanong.Hindi naman siya tiningnan ni Dylan bago ito lumayo, kaya nanlaki ang kan’yang mga mata nang marinig ang sinabi ni Vivianne. Dahan-dahang humarap ang bata kay Vivianne upang tingnan kung nagsasabi ito ng totoo.“A-Ate Vivianne…” pagtawag ni Dylan sa isang mahinang tono. Takot pa rin ngunit hindi kagaya kanina ay nagkaroon ng pag-asa sa mga mata nito.Pag-asang ligtas na siya… at wala nang mas